Prologue

Nakabibingi ang katahimikang namamayani sa kawalang aking kinasasadlakan. Sa gitna ng dilim, may mga takas na hampas ng hangin ang marahang dumadampi sa aking balat. Maya’t maya pa, biglang bumuhos ang ulan na animo’y sumasabay sa pighating aking nararamdaman. Maingay ang bawat pintig ng aking pusong pinipilipit sa sakit. Hindi ko maintidihan ang lahat ng aking nararanasan pero, I can feel that I am in my bluest state. Pain, hatred, anger, and the sense of rebellion raided my heart like a wildfire. But amidst of all these things, I felt so helpless. I am like a narrator of my own self, aware of what is happening but powerless to meddle. I can feel all these emotions, yet I am completely paralyzed physically. Tila ba, naubos na parang isang tubig na natapon ang lahat ng lakas na meron ako.

Sa gitna ng kawalan, isang malakas na boses ang gumising sa aking diwa.

"You do not deserve to be here. Hindi ka nararapat para mapabilang sa lahi namin." 

Hinanap ko kung sino ang nagsalita. Nang matuntong ng aking mga mata ang pinagmulan nito, nakita ko ang isang lalaki na nanlilisik ang mata, maayos ang kanyang tindig at halos hindi niya na kaya pigilan ang galit na kumakawala sa kanyang dibdib Hindi ko maaninag ang kabuuan ng kanyang mukha dahil sa kadilimang bumabalot sa paligid. Muli kong nilibot ang aking mga mata ngunit wala pa rin akong maaninag na maayos. Pero sa gitna ng pagkalito, ang tanging malinaw sa akin, a crowd of people were surrounding me as if I am on a trial. Maliwanag ang sinag ng buwan, sapat para bigyan ng liwanag ang mga aninong nakapaligid sa akin. In all honesty, I really don't know why I am here. Hindi ko alam kung paano at bakit ako naririto. Even though, the reason I am here remains obscure, it is not an exception for me to feel all the feelings that tortures my heart. I cannot control my body.

I feel so powerless, na kahit isang mahinang bulong ay hindi makawala sa aking mga labi. Pakiwari ko’y may isang malakas na pwersang humahadlang upang lumabas ang hangin mula sa aking baga. I can’t handle the pain that beats in my heart now. Due to pain, tears fall freely in my eyes. Habang nilulunod ng pighati ang aking puso, mas lumalalim ang gabing bumabalot sa paligid. Nadako ang aking mga mata sa lupa kung saan nakasadlak ang aking mga tuhod. Mabato ang paligid ngunit may mga damong nagdadamit sa ilang bahagi ng lugar. Maya’t maya pa, hinila ako ng marahas ng dalawang aninong nakahawak sa aking mga braso. Dinala nila ako sa isang pedestal na nakaharap sa maliwanag na buwan at nasa dulo ng isang bangin. The shadows had thrown me and the moment my knees touched the ground, a slight pain developed inside my flesh.

I thought my face will hit the solid ground but before my face meet the rocks, a hand caught my hair. Hinila niya ang aking ulo at sapilitang hinarap sa nanggagalaiti niyang mukha.

"Anong pinagmamalaki mo?" sigaw ng babaeng nakahawak sa aking buhok.

Naaaninag ko ang kanyang mukha. Halos isang dangkal lang ang layo niya sa akin. Pinagmasdan ko siya. Malalim ang kanyang mata, mataas ang arko ng kanyang ilong, kwadrado ang kanyang panga at bakas sa mukha niya ang galit na matagal na niyang kinikimkim. Then, she immediately grabbed my neck, and I can feel the tight sensation mula sa higpit ng pagkakasakal niya sa akin. Unti-unti, walang kahirap hirap na nabuhat ako ng babae. I held her hands that tightly hold my neck.

"Sumagot ka!" sigaw niya na puno ng pangigigil. Mas lalong lumakas ang pintig ng aking puso. Paano niya ako nagawang buhatin?

"Rebecca! Itigil mo yan! Lalabagin mo ang ating mga batas." sigaw ng isa pang babae mula sa madla. Suddenly, the woman who grabbed my neck, throw me in full force.

Binato niya ako na parang papel lang ang aking timbang. Humampas ako sa isang puno. Muntik ng mawalan ng hininga ang aking mga baga. I feel every bone of my spine trembling and being clothed by an excruciating pain. Muling nagsalita ang lalaking una kong nadinig na tila ba siya ang pinuno.

"Walang lugar ang mga traydor sa lugar na ito, o maging sa lahi natin. Vera, sa huling pagkakataon, kapag bumalik ka sa lugar na ito, you will definitely face your end." puno ng finality ang boses ng lalaki, may pagbabanta.

Habang sinusubukan kong pakalmahin ang sakit na namamayani sa aking katawan, mabilis na binuhat at kinaladkad ng mga anino ang nanghihina kong katawan papalapit sa lalaking nagsasalita.

Suddenly, isang malakas na pwersa ang humawak sa aking panga. Mahigpit niya ring hinawakan ang aking mga braso at binuhat patayo. Masakit at nakapanghihina. Then, she tightly grabbed my jaw and focused my head to the leader of the tribe. Nagtama ang mga mata namin ng pinuno.

"Naiintindihan mo ba?"

tanong niya. Hindi ako makapagfocus sa sinasabi niya dahil I am lost in whatever I am seeing. Magkahalong kaba at curiosity ang nararamdaman ko. Dilaw ang mga mata niya, na tila ba kumikinang katulad ng buwan.

In no time, the moon reached its full beauty, it radiated like how the sun does. Kasabay ng pagkinang nito, nabitawan ako ng mga aninong nakawak sa akin kaya lumagabag ang mga buto ko sa matigas na mga bato ng bundok.  After that, a different kind of pain raided the body of every shadow that surrounds me. They all let out a painful scream. Masakit man ang buo kong katawan at medyo nahihilo dahil sa pagbagsak ko, sigurado ako sa nakita ko. All the shadows that surrounded me a while ago, turned into wolves, human-sized wolves.

"Vera! Vera!" rinig kong sigaw ng bestfriend kong si Jane habang dama ko ang mahihinang sampal niya sa mukha ko. "Mga lobo!" sigaw ko sa gulat ko. Pagmulat ng aking mga mata, si Jane na nagtataka ang bumungad sa akin. "Uy, grabe managinip? Tulog na tulog? Bumangon ka na, malalate na tayo. Handa ang pagkain sa baba."

sambit niya habang papalabas ng kwarto namin.

Lumipas pa ang ilang segundo bago ako nakakuha ng lakas upang tumayo. Nakatulala lang ako sa kisame at inaalala ang aking panaginip. Nananaginip lang ba talaga  ako? Sinapo ko ng aking mga kamay ang aking mukha to make sure that I can feel. To be honest, I am not exactly sure if I am still on the dream land or not. If my dream is just a dream, why it felt real?

Nanghihina akong tumayo sa aking kama at tumungo papunta sa banyo para maligo. Pagpasok ko, bumungad ang salamin sa akin. Tinanggal ko ang robe ko at laking gulat ko, my neck, shoulders and back are covered by large bruises. At saktong pagtama ng aking mga mata sa salamin, kuminang ang aking mga mata na katulad ng liwanag ng buwan. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status