Share

Kabanata 4

HINDI na niya malaman ang kanyang gagawin matapos ang pag-uusap nilang iyon ni Grechelle. Napakarami nitong sinabi sa kanya tungkol sa buhay nito at dahil sa mga nalaman niya dumiretso siya kaagad sa police station ng kanilang bayan. Wala na siyang pakialam kung magkikita na naman ulit sila doon ng aroganteng pulis. Ang importante ngayon sa kanya ay ang kinabukasan ng kanyang estudyante at hustisya para sa kakambal nito.

 Dumiretso siya sa main desk at sinabi niya ang mga nalalaman niya.

“Maam, kamusta at napadalaw ka? Nais mo bang dalawin si Chief?” sarkastiko ang ngiti ngayon ng isang lalaki na nakaharap na niya sa paaralan. 

Napaangat ang isa niyang kilay. “Puwede ba, hindi ang arogante at sarkastiko ninyong Chief Zierelle ang ipinunta ko rito. Kundi narito ako upang magreport,” napalakas na ang kanyang pagkakasabi dahil sa inis.

“I just heard my name, so I went out,” maya-maya pa’y nasa harapan na niya ang arogante at sarkastikong police officer na nakangiti ngayon sa kanya.

Hmp! Feeling niya naman napakagwapo niya sa paningin ko. Kung alam niya lang iniimagine ko ang hitsura ng unggoy kapag nasa harapan ko siya! 

Binalingan niya ito. “To cut the long story short, I have an information about the case of Grechen Yu,” sinalubong niya ang mga titig nito.

Biglang sumeryoso ang hitsura ng lahat ng police na nakarinig sa sinabi niya. Makikita sa mga anyo ng mga ito na tila nakahuli sila ng isang malaking isda. With that look on their faces, it seems that they already have an idea about that case.

“I think we have to talk about that, inside my office,”he told her with a serious tone of voice and that made her schocked. 

Marunong naman palang sumeryoso ang mga aroganteng police na katulad niya.. 

 Nagpatiuna na itong pumasok sa opisina nito kaya sumunod nalang siya rito.

“MAAM, palagi nalang po akong tahimik at walang kahit na sinong pinagsasabihan man sa mga nangyayari sa amin ng kakambal ko,” panimula ni Grechelle. “Nagsimula lang po ito nang mawala po ang aming ina. Kasama naman po namin sa bahay ang aming ama ngunit sa tuwing sinasabi namin sa kanya na may isang lalaking pilit na pumapasok sa silid naming magkapatid upang pagsamantalahan kami nang paulit-ulit ay nagagalit pa po siya sa halip na tulungan kaming mahuli kung sinuman po ang taong gumagawa sa amin ng kahalayan,”

Nanatili lang siyang tahimik upang mapakinggan ang kanyang estudyante.

“Hindi na po kami makapagsumbong sa iba dahil mismo ngang sarili naming ama ayaw maniwala sa amin, ang ibang tao pa kaya? Saka paano naman po namin mahuhuli ang taong nanamantala sa amin ng kapatid ko kung hindi naman po namin makita ang kanyang hitsura? May takip po ang kanyang mukha at tanging ang mata lang po niya ang aming nakikita. Pamilyar ang pares ng mga matang iyon sa amin, ngunit hindi talaga namin matandaan kung saan namin iyon nakita. Tuwing sinasabi namin sa aming ama na pinagsamantalahan na naman kami ng lalaking hindi makilala ay binubugbog niya kami ng paulit-ulit at sinasabi sa aming manahimik nalang kami dahil mapapahiya raw ang aming pangalan sa maraming tao,” napayuko ang estudyante at dumaloy ang mga masaganang luha nito. Hinubad nito ang suot nitong jacket at tumambad sa kanya ang tanawing kalunos-lunos para sa isang inosenteng bata na kagaya ni Grechelle.

Puno ng pasa ang katawan nito pati ang mukha nito partikular na sa mata at sa gilid ng bibig. Napagtagni-tagni na niya ang lahat. Iyon pala ang dahilan kung bakit palagi nalang itong naka-hood maging ang kakambal nito noong nabubuhay pa ito.

“At hindi ko po sukat akalain na mangyayari ang isang napakasakit na bangungot sa amin ng aking kakambal. Noong nakaraang gabi lamang po ay pinasok na naman ang bahay namin ng hindi nakikilalang lalaki. Iyon pa rin naman po ang lalaking pumapasok sa silid namin palagi pero nang mga panahong iyon ay tila may iba sa kanya. Mapulang-mapula po ang kanyang mata at siya po ay nakakatakot. Ginawan niya ng kababuyan ang aking kakambal sa harapan ko pa at…. At…… sa….h-harapan ko pa nagawa niyang bugbugin at sakalin ang aking kakambal. Nakita ko pa kung p-paano unti-unting malagutan ng hininga ang aking kakambal pagkatapos ng hirap na kanyang pinagdaanan,” Nagsimula na namang mamalisbis sa mukha nito ang mga luha na tila hindi na mauubos pa sa kanyang mga mata. Gayunpaman, nagpatuloy pa rin siya sa pagkukuwento. 

“Tila wala pong pakialam ang aming ama. Sa tuwing kinakailangan po namin ng tulong at ipinagdarasal na sana’y dumating siya at iligtas kami mula sa kamay ng kademonyahan ng lalaking iyon ay palagi siyang wala. Ang taong akala mo na makatutulong sa inyo sa oras ng pangangailangan, pero palagi namang wala ngunit andiyan naman..ang siyang pinakamasakit sa lahat,”

Wala siyang magawa nang mga oras na iyon kundi yakapin lamang ng buong higpit ang dalagita upang masigurong sa mga bisig niya, ito ay ligtas.

NAPADIRETSO ng upo si Zierelle matapos marinig ang pagkukuwento ni Gabrielle.  Tila napagtagni-tagni na niya ang lahat. Ngunit ang hindi lang niya malaman ngayon kung bakit naluluha ngayon ang babae sa kanyang harapan.

“Why are you crying? Are you connected with the involved persons here?”

Seryoso itong napatitig sa kanya. Tila masama pa yata ang kanyang nasabi. Nagiging concern lang naman siya. Well, to a lady like this teacher, it’s not in her vocabulary lalo pa’t nakikita siya nito ngayon bilang isang arogante at sarkastikong police officer. 

“Masama bang ma-carried away? Nakakalungkot naman talaga,”

“Masama bang maging concern lang at magtanong ngayon sayo? Why do you think that I’m that arrogant and sarcastic police officer when you’re the one who kissed me first in the cemetery?” ibinalik na naman nito ang nakaraan upang papulahin ang mukha ni Gabrielle at hindi nga ito nabigo.

“Well, you’re blushing!” pang-aasar pa nito.

“Well, is it formal as a police officer to discuss personal issues over work? Where is professionalism there?” saad ng babae na tila nagpahiya sa kanya.

Napatikhim nalang siya ng wala sa oras at hindi na nakasagot tungkol sa pang-aasar niya rito.

“Then, let’s get back to work,” tumawa ito upang maitago ang pagkapahiya. “That’s the right thing to do, right?” habang sinasabi iyon ay inayos-ayos pa nito ang folder na hawak na hindi naman gusot.

“Gabrielle, listen to me. The other twins’ life is in danger. Maybe the culprit and the twins are living within the same house. Habang hindi pa natin ito napatutunayan at wala pa tayong sapat na ebidensya, we need Grechelle to be safe,” he met her eyes upon saying that.

May sasabihin pa sana siya ngunit bigla na itong napatayo at susugod na yata sa giyera na ballpen lang ang armas. Agad niya itong hinawakan sa braso upang pigilan ito sa tangkang pag-alis.

“But I’m not telling you to get involved in this investigation. Stay out of this case, Ms. Rodriguez.”

Inilapit niya pa ang kanyang mukha sa mukha nito ngunit nakipagtitigan lang ang babae sa kanya.

“I can get involved as long as I’m a concerned citizen,” pinal at maawtoridad na sabi nito at mabilis na kinuha ang kamay niyang nakahawak sa braso nito.

“what a fearless and determined lady!” napabuga nalang siya sa hangin na tila hindi makapaniwala at tiningnan lang ito na papalabas ng kanyang opisina hanggang sa mawala na ito sa paningin niya.

NAGPAPLANO pa lang si Zierelle at ang mga kasamahan kung ano ang maari nilang gawin para masiguro ang kaligtasan ng estudyante ni Gabrielle at kung paano makakakuha ng ebidensya para mahuli ang suspek sa pananamantala at sa pagpaslang kay Grechen Yu. At may posibilidad na maaari silang makakita ng posibleng magiging ebidensya kapag napunta sila sa bahay ng mga Yu.

 Maya-maya pa’y biglang tumunog ang kanyang cellphone. Hindi naman naka-register kung sino ang numerong tumatawag pero dali-dali niya itong sinagot dahil minsan ay ginagamit na rin nila ang kanilang sariling numero para maipamigay sa mga tao upang direkta silang matawagan sa oras ng pangangailangan.

“Hello?” 

“Ay pusa na may bangs!” iyon ang unang narinig niya na sinabi ng isang babae sa kabilang linya.

“Hello? Sino ‘to?” ang nangingiti niyang tanong dahil natatawa siya sa ekspresyong ginamit nito.

“Ano bang ginagawa ng mga police diyan sa kanilang istasyon? Mamamatay na kami rito! Kailangan namin ng tulong!? Kailan pa ba kayo aaksyon para iligtas si Grechelle dito sa bahay nila? Kapag patay na siya!?” 

Naningkit ang kanyang mga mata. Alam na niya kung sino ang nasa kabilang linya.

“Magtago lang tayo Grechelle. Huwag kang mag-aalala, ililigtas kita. Okay?” ang narinig niya pang sabi ni Gabrielle sa kausap nito. Kompirmado nga na magkasama ang dalawa. Mapapansin din sa boses nito na tila habol nito ang hininga. Maaaring may humahabol sa mga ito. 

Natampal niya ang sariling noo.  Ang tigas-tigas talaga ng ulo ng babaeng iyon! 

“Shit! Magtago kayo nang Mabuti diyan at hintayin niyo kami.” Nagmamadali niyang wika at pinindot ang end button call.

“Let’s go! Let’s go! We need to hurry. Someone is in danger!” iyon lang ang kanyang nasabi at nagmamadali na ang lahat na sumunod sa kanya pagkatapos dalhin ng mga ito ang mga kakailanganin.

 SA kadilimang bumabalot sa buong paligid, dalawang babae ang habol ang paghinga habang tumatakbo sa ilalim ng malakas na ulan. Pahinto-hinto sila kapag napapagod ngunit tatakbo na naman ulit kapag nakakaramdam sila na may humahabol sa kanilang likuran.

 Sa lakas ng ulan, hindi na marinig ang kanilang mga tinig, na humihingi ng saklolo sa kung sinumang tao. Sa lugar na kanilang napuntahan, medyo malayo din ang agwat ng bawat kabahayan kung kaya’t napakahirap para sa kanila na humingi ng tulong. Idagdag pa na masukal ang naturang lugar. Kayraming puno at mga talahib.

 Makikita rin sa kanilang mga anyo ang takot kapag nasisinagan ng liwanag na nagmumula sa kidlat ang kanilang mga mukha. 

“M-Maam, natatakot po ako.” Umiiyak na wika ni Grechelle habang nanginginig dahil sa pinaghalong takot at ginaw dahil b**ang-b**a na sila ng ulan.

“shhh…huwag kang mag-alala, matatapos din ito ok? Nandito lang ako. Hindi kita iiwan,” saad ni Gabrielle at mahigpit itong niyakap.

“Lumabas na kayo sa pinagtataguan ninyo! Hindi kayo makakatakas sa akin!” maya-maya pa’y narinig nila ang ganoong sigaw.

Lalong napahindik sa takot ang dalawa lalong-lalo na si Grechelle. Kilalang-kilala niya kung kanino ang tinig na iyon. At iyon ay ang tinig na madalas nagdadala ng takot sa kanya at sa kakambal niya.

“Akala niyo ba matatakasan niyo ako?” tumawa pa ito habang sinasabi iyon na nagpatindig ng kanilang balahibo. Sinikap nilang ikubli ang sarili sa isang malaking puno di kalayuan lang sa lalaking humahabol sa kanila na handa nang pumatay ng tao anumang oras.

Katahimikan ulit ang namayani. Dinig na dinig niya ang tibok ng kanilang mga puso.

Zierelle…. Dumating na kayo…please…. Lihim siyang nananalangin na sana’y dumating na ang mga police.

Maya-maya pa’y muntik na siyang mapalundag nang marinig ang malakas na pag-ring ng kanyang cellphone. Bunsod ng pagkataranta at panginginig ng kamay ay hindi niya agad napatay ang tumutunog na cellphone. Huli na nang magawa niyang patayin ang cellphone. 

Napatingin siya sa lawak ng lugar mula sa kanilang pinagtataguan. Papalapit na sa kanilang kinaroroonan ni Grechelle ang lalaking natatakpan ng bonnet ang buong mukha nito at tanging mga mata at bibig lang ang nakikita. Nakahanda na rin ang patalim na hawak hawak nito. Kumislap pa nga ang patalim nito sa tulong ng liwanag na nagmumula sa buwan.

Huminto na ang ulan ngunit ang kanilang pagkabalisa at pagkatakot ay hindi pa rin humihinto. Napahigpit ang yakap nila ni Grechelle sa isa’t isa. 

Dahil na rin sa takot ay hindi na siya nakapag-isip kung ano pa ang puwede niyang gawin habang di pa ito nakalalapit sa kanila. 

Maya-maya pa’y nawala na sa pagkakayakap niya si Grechelle at ngayon ay nasa kamay na ito ng lalaking naka-bonnet. Mahigpit nitong hawak sa buhok nito ang umiiyak na si Grechelle. Hindi niya naman kayang tingnan lang ang nangyayaring kaganapan sa kanyang harapan.

“Akala mo, makakatakas ka sa akin? ” nakangisi nitong wika at itinaas pa nito ang patalim nito.

Naikuyom ni Gabrielle ang kanyang kamao nang mga panahong iyon.

Akmang sasaksakin na ng lalaki si Grechelle kaya napatili siya.

“Huwag!”

Mabilis pa sa alas kwatrong napatakbo siya sa kinaroroonan ng mga ito at iniharang niya ang katawan niya para mailigtas si Grechelle. Napapikit nalang siya at naramdaman niya ang luhang dumaloy sa kanyang pisngi.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status