공유

Kabanata 3

last update 최신 업데이트: 2021-09-06 21:08:30

"What is this again, Ms. Rodriguez!?” ang tinig ng kanilang punongguro ng umaga ding iyon ay tila kulog na dumadagundong sa kanyang pandinig. Ipinagdarasal na nga lang niya na sana’y kainin siya ng lupa nang mga oras na iyon dahil sa kahihiyan.

Napadako ang kanyang tingin sa isang police na pilit na nga niyang iniiwasan pero heto at natunton pa siya at nasa paaralan pa. Pinipilit lang nitong pigilan ang mga pilyong ngiti na unti-unting gumuguhit sa mga labi nito. Para sa kanya iyon ang isa sa mga nakakainis na gawain ng isang lalaki.

Nasa harapan silang lahat ngayon ng kanilang punongguro. Nakaupo siya sa pang-isahang upuan samantalang ang dalawang pulis naman ay sa isang mahabang upuan nakaupo. Kalmado lang ang police na katabi ng police na aksidenteng nahalikan niya sa sementeryo. Mabuti pa nga ang katabi nito mukhang magalang at mabait samantalang iyong police na iniiwasan niya mistulang isang agila na handa na siyang dagitin anumang oras para dalhin sa alanganing sitwasyon.

“M-Maam Principal, hindi ko po sinasadya," nakayuko niyang wika.

“Hindi sinasadya? Pang-ilan na ba ito sa buwang ito, Ms. Rodriguez? Noong nakaraang linggo, nagawa mong patakbuhin sa school quadrangle ang mga estudyante mong nagsabunutan nang makailang ikot ba naman. Ayan tuloy, nagrereklamo ang mga magulang nila dahil inatake na ng asthma ang anak niya dahil sa kagagawan mo,”

“Ipagpaumanhin po ninyo, Maam pero ginagawa ko lamang po ang aking tungkulin bilang isang guro. Unang-una po sa lahat di manlang nila ako nirespeto bilang guro nila. Ikalawa, hindi ko po dapat sinusuportahan ang mga maling gawain nila," she still managed her poise. Kailangan niyang ipakita sa mga police na ito na mali ang pananaw ng mga ito sa kanya nang dahil lang sa isa niyang pagkakamali nang gabing iyon.

“Yes you got a point, there are some things that’s not really tolerable but at least be considerate and know the health background of your students," parang naging kalmado na rin ang kanilang principal. Itinaas muna nito ang suot nitong salamin at dumako naman ito sa mga police upang sila naman ang kausapin.

“Anyway, police officers, maaari ko bang malaman kung ano ang dahilan kung bakit ninyo hinahanap si Ms. Rodriguez?”

He clears his throat first before saying anything. Tumingin din muna ang police na iyon sa akin bago sumagot sa aming principal.

“Akala po kasi namin Maam si Ms. Rodriguez na po ang magiging lead upang mahuli namin ang mga babaeng madalas na nambibiktima ng mga kalalakihan tuwing oras ng curfew na hindi po namin mahuli-huli.” panimula nito.

Nagpanting ang taenga niya sa narinig. Mukha na ba talaga siyang babaeng nagbebenta ng aliw? Kapag pumupunta ba sa sementeryo nagbebenta na ng aliw? Nais niya sanang magsalita pero pinili niya nalang ang manahimik.

Naningkit ang mga mata ng kanyang principal. Lihim niyang idinalangin na sana’y kahit na ngayong pagkakataon lang ay makampihan din siya nito kahit na matandang dalaga ito at madalas ay nagsusungit. 

“ Maaari mo ba munang isalaysay sa akin kung bakit ang isang guro na katulad ni Ms. Rodriguez ay maaaring maging lead ng mga hinahanap ninyong babae? May kinalaman ba siya sa mga sinasabi ninyong mga babaeng nagbebenta ng aliw?” pagtatanong ng aming principal sa kanya.

“That’s what I thought, Maam. Nasa kanya kasi ang ilan sa mga clues namin para matagpuan ang mga babaeng nagbebenta ng aliw. Una, nasa sementeryo po siya at sa oras pa po ng curfew. Ikalawa, nakasuot pa po siya ng lingerie.” sabi ng pulis.

Napapikit siya nang mariin habang nagsasalita ito at nakahinga ng maluwag nang hindi na ito nagsalita pa at hindi na nito naibunyag pa ang nakakahiyang nagawa niya.

“And lastly, she kissed me,"

Napamulagat ang mga mat ani Gabrielle sa narinig. Naasinghap siya at namula ang buong mukha. Hindi niya na rin alam kung ano ang kanyang ikikilos. Uunahin niya bang paliwanagan ang kanilang principal na ngayon ay gulat na gulat sa narinig nito o uunahin niyang sampalin ang police na ito na nasa harapan niya ngayon?

 Nilaro-laro  ni Zierelle ang kanyang itim na wristwatch habang suot-suot niya iyon. Hindi niya malaman ang nais niyang maramdaman ng mga oras na iyon. Half of his mind tells him to throw his wristwatch away because of the guilt he’s feeling that time while the other half just wanna say it’s alright and that lady deserves what she got. 

 Naalala niya ulit tuloy ang pangyayari kanina bago sila magkaharap-harap sa principal’s office. Who would have thought that the lady is a teacher? 

 Sa pag-iimbestiga nila ni Julian kanina, may nakapagsabi sa kanilang may pagkakatulad ang deskripsyon ng babaeng hinahanap nila sa isang babaeng nakikita ng napagtanungan nila na palaging pumapasok sa paaralan di kalayuan sa tirahan nito. Hindi niya naman akalain na isang guro pala ang kanilang hinahanap.

 Pumasok sila sa itinurong paaralan at nagsimula na silang mag-ikot ni Brent pagkatapos nilang ipaalam sa principal ang kanilang layunin kung bakit sila naroon. Halatang hindi ito makapaniwala sa narinig at nagulat din siya nang malamang isang guro pala ang kanilang hinahanap. Gayunpaman, pinanindigan niya ang kanyang desisyon at hinanap niya ang naturang babae. 

 Naghiwalay sila ni Julian sa paghahanap. Sa di-kalayuan sa may harap ng puno ng saging na nasa likuran ng isang silid-aralan ay nakita niya ito. Lalapit na sana siya ngunit narinig niya itong nagsalita.

“Mga one whole sheet of paper! Mga packing tape kayo! Kayo na nga ang isa sa mga dahilan kung bakit nakakulong nalang ako sa apat na sulok ng silid-aralan! Isa kayo sa dahilan kung bakit hindi ko Makita si Mr. Right, tapos ni hindi manlang kayo marunong rumespeto?!” nanggagalaiti siya sag alit habang sinisipa at sinusuntok ang kaharap na saging. Nakauniporme pa siya nang mga oras na iyon. Halata sa kanya ang galit dahil nakakuyom angkanyang kamao habang minumura niya ang puno ng saging.

Nahihinuha niyang ang galit siguro nito ay dahil sa mga estudyante nitong hindi manlang marunong rumerespeto rito bilang guro. Ang bagay na iyon ay sadyang mahirap sa mga guro. Minsan nauubusan din ang mga ito ng pasensya ngunit hindi nila kayang murahin ang mga bata kaya madalas nahihirapan silang palabasin ang kanilang galit.

“Nakakaawa naman ang puno ng saging, Maam,"  panimula niyang wika sa babae nang maramdaman niyang unti-unti na itong kumalma.

Halatang nagulat ito nang marinig ang tinig niya.

“K-kanina ka pa ba riyan?” nagkandautal-utal na ito sa pagsasalita. Lumikot din ang mga mata nito na halatang hindi mapakali.

“Sort of.”

“So….nakita mo ang lahat ng..ng…..ginawa ko?” 

“Oo naman. Nais ko na sanang tulungan ang saging kawawa naman. Gawin mo ba naming shock absorber ang saging, Maam," 

“You sound sarcastic, Mr. policeman. At sino ka ba para makialam sa mga gagawin ko? Is freedom of speech and expression punishable by law too?”

Pilit siyang ngumiti.

“Freedom of speech and expression isn’t punishable by law but what you did to me last night, I believe it was,"  by saying that he realized that what he just said have a double meaning. He is a policeman. Through that thought, he managed his composure and meet the gaze of the lady in front of him.

He can see questions in her eyes. Ano kayang iniisip niyang posibilidad sa sinabi ko? Is it about her violating the curfew hours or is it about kissing him last night?

“Partner, ayos ka lang ba? Ano na naman ang malalim na iniisip mo sa gitna ng trabaho?” Si Brent ang Nakita niyang nagsalita.

“Wala lang. Pagod lang ‘to.” Sagot niya na hindi manlang makatingin ng diretso sa mga mata ni  Brent.

“I see," tumango-tango ito. “anyway here!” sabay hagis nito ng folder sa table niya. “We have another case to solve.”

Binuklat niya ang nasabing folder at pinasadahan niya ito ng tingin hanggang sa may mabasa siya tungkol sa report.

“A student on her teenage life being raped and got killed?” paniniguro niya rito. Napatango ito.

Binalik niya ulit ang kanyang mata sa binabasa at napakunot ang noo niya nang makitang nag-aaral sa Mataas na Paaralan ng Candelaria ang nasabing estudyante kung saan nagtuturo ang babaeng nagngangalang Gabrielle, the lady who kissed her, of all wonderful places, sa sementeryo pa.

“Ms. Rodriguez, you must behave. As a teacher, kailangan mong maging isang mabuting halimbawa sa iyong mga estudyante. Never set the rules if you, yourself can’t follow. Mabuti na nga lang at hindi ka na gagawan ng report ng police na iyon about sa curfew rules na nilabag mo. I DON’T WANT YOU TO GET INVOLVED AGAIN TO SUCH SITUATIONS THAT CAN DEGRADE THE MORAL OF THE WHOLE TEACHING COMMUNITY," her principal emphasized every word she said.

 Napapikit siya. Paulit-ulit niyang naririnig ang tinig ng kanyang principal habang sinasabi niya iyon kahit na nasa klase siya at nasa harap ng kanyang mga estudyante. Kasalanan kasi lahat ng ito ng police na iyon. Kung hindi lang ito masyadong arogante at sarkastiko tiyak na maiiwasan niya ang pagkapahiya niyang ito sa kanilang principal. 

 Nagbigay nalang muna siya ng seatwork pagkatapos niyang talakayin ang isang aralin sa kanyang mga estudyante. Isang malaking himala ang pananahimik ng mga ito sa ngayon dahil siguro kahapon lang ay labis siyang nainis sa mga ito at lumabas ng silid-aralan na hindi niya dapat ginawa.

 Sino ba naman kasing guro ang matutuwa habang nagtuturo ka ay panay ang hagikhikan ng mga babaeng estudyante sa likuran, only to find out later na nanonood lang ang mga ito ng Kdrama? Nakakabawas naman iyon ng self-confidence niya bilang guro. Para kasing ipinapakita ng mga ito na ang boring ng Subject na itinuturo niya kaya manonood nalang ang mga ito ng Kdrama.

 Samantala, tila may kung anong nag-udyok sa kanya para titigan ang isa sa mga estudyante niya. Napatingin siya rito. Tulala lang ito habang nakatitig sa kawalan. Nakatingin ito sa pisara pero mapapansing lampas-lampasan ang tingin nito roon. Maayos naman itong tingnan sa suot nitong uniporme ng paaralan ngunit kataka-taka ang palagian nitong pagsusuot ng jacket na may hood. Iyon ang dahilan kung bakit hindi niya halos makita ang mukha nito.

 Tiningnan niya sa Seat Plan kung sino nga ba ang estudyanteng ito. Hindi niya pa matandaan isa-isa ang kanyang mga estudyante dahil mahina siya magmemorize ng mga mukha at pangalan.

 Tumango-tango siya nang mabasa na ito pala si Grechelle Yu. Ngunit nagtaka siya nang wala ang estudyante niyang si Grechene Yu na dapat sana ay katabi ni Grechelle. Naalala niya nga isang beses na may binanggit ang kaibigan niya na adviser ng section na ito. Mayroon daw itong kambal na estudyante kaya naisip niya na ang mga ito siguro ang tinutukoy ng co-teacher at kaibigan niyang si Stella.

 Kumibit-balikat nalang siya at itinuon ang atensyon sa mga estudyante na nagsusulat. Kakausapin niya nalang ito mamaya bago matapos ang klase niya. Hahayaan niya muna itong makapag-isip sa ngayon dahil baka mayroong pinagdadaanan ang bata. Afterall, hindi naman ito nakakaistorbo ng kanilang klase.

 

 Napabuntunghininga si Gabrielle nang marinig niya ang tunog ng bell hudyat na natapos na naman niya ang isang oras ng kanyang klase. Hinintay niya munang magsilabasan ang lahat ng kanyang mga estudyante maliban kay Grechelle Yu. Alam niya naman kasing palagi itong nagpapahuling lumabas sa klase at tanging ang kakambal lang nito ang kasa-kasama palagi. They are struggling to socialize with the other kids in school.

 Lalabas na sana ito ngunit tinawag niya upang mapigil ang pag-alis nito. 

“Grechelle, are you okay?” panimula niyang tanong rito. Napansin niyang napahigpit ang hawak nito sa hawakan ng bag na nakasabit sa balikat nito.

“A-ayos lang po ako, Maam. Bakit po ninyo naitanong?” ang sagot nitong hindi manlang makatingin nang diretso sa kanyang mga mata. She seemed stange.

“Good. Then, where is your twin sister?” wala sa loob ay naitanong niya.

 Napansin niya na hindi na mapakali ang kanyang estudyante nang marinig ang pangalan ng kanyang kakambal.

“Maam….”nangatog ang tuhod nito at tila nanginig sa takot. “W-wala na po siya. Wala na po siya,” habang nanginginig ang katawan nito ay hindi na nito napigilang umiyak.

 Naalala niya rito ang kanyang kapatid. Hinimas niya ang likod nito habang yakap-yakap niya ito. Hindi na niya ginagawa iyon bilang isang guro, kundi bilang isang nakatatandang kapatid.

"Maam, ipagtatapat ko po sa inyo ang lahat," ikinagulat niya ang sinabi ni Grechelle.

이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • That Summer...the Rain Pours   Kabanata 70

    abanata 70“ANONG ibig mong sabihin? Huwag kang magmataas sa akin sapagkat isa ka lang batang yagit dati na inampon ko! Subalit nag-alaga lamang pala ako ng isang ahas!” sagot ng Colonel.“Puwes ang yagit na ito ang tatalo sayo. Hindi mo ba matanggap? Ang oras na yatang ito ang tamang oras upang makapagpasalamat ako sa lahat ng pagsasanay na ginawa mo. Sinanay mo lang pala ako upang kalabanin ka at masugpo ang sindikatong dati ay nag-alaga sa akin sa marahas na pamamaraan,”“Kung nalaman ko lang ng mas maaga, sana’y hindi na kita pinapasok pa sa serbisyo,” nagtagis ang mga bagang nito nang mapagtantong tila siya ay naloko.“I pity you, Colonel. Hindi pa sana huli ang lahat para sa inyo ni Gary basta’t mangako kang sasama ka sa amin ng maayos,”“Naloloko ka na ba?! Hinding-hindi ko iyan magagawa dahil wala sa bokabularyo ko ang pagsuko sa kahit na sinuman! Lalong-lao na sayo! Kung gayon wala na akong magagawa kundi ang patayin ang kapatid mo!?”“Kuyaaaaa!!!!” nahintakutang sigaw sa kan

  • That Summer...the Rain Pours   Kabanata 69

    “Damn! Alam niya namang delikado rito! Ihahatid pa niya ang sarili niya kay kamatayan!” inis na inis na sabi ni Major Rosales nang marinig ang sinabi ni Gary na papunta na ang anak niya kung saan ang kinaroroonan nila ngayon. Kung kaya’t nagmamadali saying nag-dial ng numero ng kanyang anak upang ito’y matawagan niya at mapigilan ngunit hindi ito sumasagot. Kung kaya’t naibato niya nalang ang two way radio na hawak dahil sa tindi ng kanyang inis.Nag-concentrate nalang siya sa pagiging alerto sa paligid dahil baka anumang sandali ay matunton na siya ng mga kalaban.MABILIS na nakapasok ang anak ni Major Rosales sa loob ng mansiyon na walang manlang katakot-takot. Suot niya ang kanyang pulang mahabang bestida na tinernuhan niya ng itim na sombrero. Sinong mag-aakala na ang kanyang pakay pala sa islang iyon ay ang makitang mamatay si Zierelle at ang babae nitong pinili sa halip na siya? Ito palang ang unang lalaking tumanggi sa kanyang kagandahan at iyon ang pinakaayaw niya sa lahat—an

  • That Summer...the Rain Pours   Kabanata 68

    NAKITA na nilang lahat ang mansiyon na nakatayo sa gitna ng isla. Habang nasa laot sila ay nakita na nila sa kanilang largabista ang ilang mga tauhang nakabantay sa labas ng mansiyon. Kaya’t upang hindi kapansin-pansin ang kanilang pagdating sa islang iyon ay lumampas sila sa naturang mansiyon at dumaan sila sa malayo-layo at likurang bahagi ng isla. Kung bibilangin nasa bente rin silang lahat dahil dumagdag pa ang dalawang babaeng kasama nila-sina Zyph at Grechelle. Gabi na rin nang makarating sila sa islang iyon kung kaya’t ipinasya na lamang nila na mag bonfire muna habang nagpaplano kung paanong pagsugod ang gagawin.Nang makagawa na sila ng bonfire pumaikot sila doon. Nagustuhan ng lahat ang atmosphere lalo na ng dalawang babae habang nagbabatuhan silang dalawa ng mga buhangin. Nakita rin nila kung gaano ka-enjoy ang dalawa habang nagtatampisaw sa tubig-dagat.“Masaya sana kung narito lang tayo upang mag-relax,” napabuntunghiningng wika ni Brent.“Pero hindi, may misyon tayong d

  • That Summer...the Rain Pours   Kabanata 67

    Ang mga kaganapan ilang oras bago makipagkita si Detective Lee at ang mga tauhan nito kay Zierelle…WALANG inaksayang panahon si Zierelle dahil naalala niya dati ang usapan nila ni Gabrielle pagkatapos na maligtas ito mula sa mga kidnappers. Nagflashback ang lahat sa isipan niya.“Gab, palagi mong buksan ang location sa phone mo ha. Iyong GPS ba para kahit saan ka magpunta puwede kitang ma-track,” nakangiti niyang sabi sa babae.“Oo naman, sabi mo eh,” ngumiti rin sa kanya pabalik si Gabrielle habang sinunod nito ang utos niya. Dahil sa isiping iyon ay dali-dali siyang nagpunta sa kanilang headquarters upang humingi ng tulong sa dalawang kasamahan kung saan expert si Julian sa ganoong field. Mabuti na nga lamang at mabilis na naging maayos ang kalagayan ng dalawa matapos magtamo ng sugat na kagagawan ni Colonel Rolando Narciso. Nang makarating siya doon ay humahangos pa siya dahil sa sobrang pagmamadali niya kanina. “Julian!” biglang tawag niya at sigaw rito.“Napano ka chief?” nagm

  • That Summer...the Rain Pours   Kabanata 66

    NAKARAMDAM si Gabrielle nang sobrang pagkahilo habang lumalapag ang sinasakyan nilang chopper. Hindi kasi talaga siya sanay na sumakay sa mga ganitong uri ng sasakyan dahil tiyak na kung hindi siya mahihilo ay masusuko siya at iyon ay ayaw niyang mangyari noon ngunit gusto niyang mangyari ngayon upang masukahan niya si Gary upang kahit papaano ay makapaghiganti siya mula rito. Ngunit sa mga pagkakataong iyon ay tila kay damot ng tadhana. Ni hindi nga siya nasusuka kapag sa mga panahong nasusuka siya. Ba’t ba naman kasi ayaw makisama ngayon ng kanyang sikmura kung saan handa na siyang sukahan ang isang taong karapat-dapat naman talagang masukahan!“Gary, ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo sa amin ng Ate ko? Hindi ka ba marunong maawa? Sa lahat ba ng mga pagsubok na napagdaanan mo ay hindi mo pa rin kayang baguhin ang sarili mo?” pangongonsensya ni Gwyn kay Gary.“Manahimik ka!” sita ni Gary kay Gwyn sabay sampal dito. Hindi naman makapalag si Gwyn dahil hawak-hawak siya ng dalawang l

  • That Summer...the Rain Pours   Kabanata 65

    "GARY!!!!!!!!!!!!!!!!!! Ano ba! Saan mo ba kami dadalhin!?” reklamo ni Gwyn habang sapilitan silang pinapaakyat sa chopper. Nang pasadahan niya ng tingin ang mga lalaking kumakaladkad sa kanila kanina ay mga bagong mukha at tanging si Gary lang ang kakilala niya.Patunay lamang nito na dumarami na ang tauhan ni Colonel Rolando Narciso. Kahit na maraming nalalagas ay marami rin namang handang pumalit at dumagdag sa mga tauhan nito.“Walanghiya ka, Gwyn! Naturingan ka pa namang kanang kamay ni Colonel ngunit niloloko mo lang siya! Handa ka na palang isuplong kami pinatagal mo pa!” at pagkatapos sabihin iyon ni Gary ay ubod lakas niyang sinampal si Gwyn.Nakita naman ni Gabrielle ang ginawang iyon ni Gary sa kanyang kapatid kung kaya’t agad na nag-init ang kanyang ulo.“Hoy! Huwag na huwag mong padadantayin iyang kamay mo sa kapatid ko dahil nakasisiguro talaga ako na ako ang makakatapat mo!” sigaw ni Gabrielle habang pumapalag. Hindi naman siya makalapit nang ganoon kabilis dahil hindi na

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status