Share

Chapter 7

Tahimik lang kami ni gran habang nasa loob ng sasakyan. Kanina pa siya walang imik at mukhang wala atang balak na magsalita. Hinintay ko munang tumigil siya sa pag-iyak bago siya tanungin.

“Gran, ano ba talagang nangyayari?” nag-aalalang tanong ko.

“Wala ito, hija, I’m okay," sagot lang nito habang nakatingin sa bintana ng sasakyan.

“Oh come on, don’t be unfair, gran. Nag-promise tayo dati na walang taguan ng sekreto, ‘di ba?” saad ko, pinapaalala sa kaniya ang pinangako namin sa isa’t isa noong bata pa ako. Tinuruan niya akong maging totoo at dapat ay hindi nagtatago ng sekreto. Pero ano ‘tong ginagawa niya? Bakit iwas na iwas siyang pag-usapan ang tungkol dito? Mas lalo lang lumalawak ang curiosity ko dahil sa pinapakita niya.

“Do understand also that some things should not be spoken. So please, Fevianna. I’m begging you.” Hindi pa rin ito tumitingin sa akin pero nakikita ko ang reflection niya sa bintana ng sasakyan.

I witnessed how her eyes darken just like the time I saw when she’s talking to one of our butler who escorted me the first time I went to my father’s house eight years ago. It was the time when me and my grandma separated ways. Actually, she’s not in favor of me coming to my father’s house. They are not okay with each other because of the past I really don’t know, I only insisted for I want to know what was the reason why they turned out that way, another reason is because I’m longing for a father’s love. But unfortunately, it is not easy to achieve.

“There really is something wrong,” I stated.

“Please, Fevianna. I’m begging you.”

“Do you think matatahimik ako kapag hindi mo sinabi sa akin ang totoo?” iritado nang tanong ko pero hindi siya sumagot.

“Nakikiusap din ako, gran. At least give me a clue para hindi naman ako masyadong mag-alala rito,” pakiusap ko.

“I can’t… I… just can’t. I’m sorry…” nakayukong aniya.

“Then how can I-”

“Just stop! Please! Give me a peace of mind, Fevianna Huzon Lauriel!” Nagulat ako nang bigla niyang isigaw ang buo kong pangalan. Now I pissed her off. Great. This is the first time I made my grandma pissed off like this. I open my mouth but nothing came out.

“Fine!” tumatangong saad ko. Nag-aalala lang naman ako sa kaniya tapos ngayon siya pa ang galit? Wow, just wow.

Ilang minuto kaming tahimik hanggang sa makarating ng mansyon.

“We’re here. Go to your room and rest. I’ll talk to your father,” she said without a sign of emotion. Before I can ask again, she’s already out of the car and now walking straight to our house as if she’s the owner of it.

Just what the f*ck was that? Una, ang pag-iyak niya dahil sa isang taong ni hindi ko man lang nasilayan ang hitsura, tapos ako na nga itong nag-aalala, ako pa ang masama. Alam ko mali rin ang ginawa ko, pinipilit kong pag-usapan ang ayaw niyang pag-usapan. But I was just worried, Hindi ako matigil sa pag-iisip hangga’t hindi ko nalalaman ang totoo.  Was it because of her dark past? Ano ba ang mga bagay na ayaw na ayaw niyang pinag-uusapan? Until I realize something. Bagay na ayaw na ayaw niyang pinag-uusapan. Her trauma. May kinalaman ba rito ang dark past niya? Sh*t , ba’t ngayon ko lang na-realized? You’re so stupid, Fevi! Now, I’m guilty.

Wala sa sarili akong naglakad papasok ng mansyon at nakasalubong pa si Fion na ngumisi nang makita ako. Hindi ko siya pinansin at nagdire-diretso lang sa paglalakad kahit na may sinasabi pa siya. Wala ako sa huwisyo para makipagtalo ngayon lalo na at ang dami kong iniisip. Nang madaanan ko ang office ni dad kung saan kausap niya si gran ay napagdesisyunan kong makinig sa usapan nila. Marahan kong binuksan ng kaunti ang pinto at sumandal sa gilid kung saan tanaw ko ang likod ni gran at ang malalamig na mga mata ni dad.

“I consider letting Fevianna live here because I know she’s longing for your love, but what did you do to her? You’re letting your daughter risk her life making her believe that you’ll accept her?” inis na saad ni gran.

“That was her choice,” my father said unemotionally.

“What?! You’re sacrificing your own daughter’s life! Don’t you know how desperate that person is to kill her?”

Who’s ‘that person’ she’s talking about?

“He won’t do that,” my dad answered calmly.

“How can you be so sure?”

“That’s why I’m testing him.” Hinilot nito ang sentido na halatang nauubusan na ng pasensya.

 “Wow… just wow! You’re unbelievable. You’re willing to sacrifice your own daughter’s life just to confirm his motive? Just what f*cking kind of father are you?!”

My father didn’t answer. I suddenly felt a pain on my chest. Wala na ba talagang pag-asa na tanggapin niya ako? Pinipilit ko na lang ba talagang ipagsiksikan ang sarili ko sa pamamahay na ‘to? Ever since I came here, I never felt his warmth. Those emotionless cold glares are the only eyes I see when he looks at me.

“Say whatever you want, I don’t care. I’m only doing this for the sake of my family,” he coldly said.

“But Fevianna is also your family,” my grandmother’s voice cracked. She’s close to crying.

“Tell me, Henry. Do you love Fevianna?” gran asked.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko, kinakabahan ako sa isasagot niya. Gusto ko nang umalis pero hindi nakikisama ang katawan ko. Nanatili akong nakatayo roon at hinihintay ang susunod niyang sasabihin.

“That’s answerable by the way I treat her,” he answered without giving any thought. Napayuko ako at napangiti ng mapait. What should I expect? Halata naman sa way ng pagtrato niya sa akin.

It was intentional. I know he noticed my presence; he’s my father after all. He intentionally said that for me to hear but I don’t know what his purpose is. Well, as if I care. I already sensed he really doesn’t like me and that’s why I am more thrilled to prove myself to him. Even though how many times he indirectly pushes me away, I’ll never give up making him acknowledge me. I’ll never go back my words, that’s what I am and I’ll never leave this house until he finally realized my worth as his daughter. Am I desperate? Well, I probably am.

Hindi ko na pinakinggan pa ang usapan nila dahil naglakad na agad ako papuntang kwarto ko. I’ll just spend my remaining rest time to watch movies. Pabagsak kong ibinagsak ang katawan ko sa kama. Tanghali pa lang pero mukha na agad akong pagod na pagod dahil sa kaiisip. There is something about this certain person that my father and grandma were talking about. Malakas ang kutob kong may kinalaman ito sa akin. What did they mean by this man who’s desperate to kill me? Anong kinalaman ko sa kaniya? Sumakit ang ulo ko sa kaiisip hanggang sa makatulog at nagising na lang na padilim na dahil aalis na si gran.

“I’m sorry, hija,” my grandmother became emotional. Naglalakad kami ngayon palabas ng mansion.

“For what?”

“Earlier. I shouldn’t have yelled at you, I know you’re just worried. Masyado lang akong nagpadala sa emosyon ko, that’s why,” saad niya habang hinihimas ang likod ko.

“Ako dapat ang nag-so-sorry, gran. I felt guilty, hindi ko man lang naisip ang nararamdaman mo,” I said.

Huminto kaming pareho sa tapat ng gate, naroon na rin ang driver niya at hinihintay na lang siyang sumakay. Hinawakan niya ang parehong palad ko at mahahalata ang malalim nitong pag-iisip habang nakatingin doon.

“Gran? May problema ba?” I asked.

“You heard it, right?” tanong nito na nagpakunot ng noo ko.

“Heard what?”

“Our conversation,” saad nito at doon ko na-realized na ang tinutukoy pala nito ay ang tungkol sa usapan nila ni dad. So napansin niya ring naroon ako?

“I’m sorry, I got curious,” nakayukong paumanhin ko.

Hinigpitan nito ang pagkakahawak sa mga kamay ko.

“You still want to continue?” nag-aalalang tanong niya.

“Of course, gran, malapit ko nang makuha ang tiwala ni dad, so, bakit pa ako susuko?”         

“But you heard him, right? He’s willing to risk his daughter’s life for the sake of HIS FAMILY,” sinadya nitong diinan ang huling dalawang salita. Yumuko lang ako nang maramdamang may biglang kumirot sa dibdib ko.

“That’s what I keep telling you. Henry is not the type of a father that babying his daughters. Fevianna, You’re the only one I have, please bumalik ka na sa ‘tin, I don’t wanna lose you,” maluha-luhang pakiusap niya.

My eyes soften as I saw how worried she is. But I can’t just leave here, ngayon pa na unti-unti ay may nalalaman na ako.

“Don’t worry, gran, I will be fine,” nakangiting saad ko sa kaniya.

Bumuntong hininga siya at niyakap ako for the last time.

“Basta, always remember that I’m here, okay? Call me whenever you feel alone and want someone to talk to. Huwag mo ring pababayaan ang sarili mo. And also, longer your patience when it comes to your step-sisters, huwag mo silang basta-basta na lang sasampalin o sabunutan dahil lang sa napikon ka,” paalala niya. Natawa ako sa huli niyang sinabi. Of course, I won’t do that, not with Fellin, It’s fine with Fionna, though. Pero hindi ko na sinabi sa kaniya iyon dahil baka ako pa ang sabunutan niya.

“I will miss you, gran,” I said in between our hugs.

“I’ll miss you, too,” sagot nito nang kumalas kami sa pagkakayakap at pumasok na siya sa loob ng van. We bid or goodbye before they leave.

Nang makaalis ang sasakyan ni gran ay sakto namang pagdating ng isa pang sasakyan na ang sakay ay si Gin at… Fellin?! Bakit kasama niya si Fellin? Sa pagkakaalam ko ay ang misyon ni Gin ay kay Gin lang, at dapat ay nagpapahinga ngayon si Fellin. Hinintay ko munang makababa sila ng sasakyan at takang tiningnan ang dalawa. Alam kong wala akong makukuhang sagot kay Fellin kaya tinaasan ko na lang ng kilay si Gin at alam naman na agad nito ang ibig sabihin no’n.

“We’ll explain everything at the basement,” saad lang nito at sinundan sa paglalakad si Fellin. Okay? What was that about?

I rolled my eyes and ended up following them both. Pagpasok namin doon ay nakaupo si Fionna sa desk at halatang bagot na kahihintay.

“Took you so long,” she said, rolling her eyes. So, may meeting pala dapat ngayon at hindi ako makakasali kung hindi ko pa naabutan ang dalawa? Great.

Inilagay ni Fellin ang folder sa desk na pinag-uupuan ni Fion at binuksan niya naman agad ito. Nanlaki ang mga mata niya nang tingnan ang nasa loob nito.

“Woah! You found him already? Nice, that’s my sister!” nakangiting aniya sa kapatid niya na ipinagtaka ko? Anong ibig niyang sabihin? Anong nahanap?

Lumapit ako kay Fion at sinilip ang hawak-hawak niyang papel. “Who’s that?” tanong ko nang makita ang isang litrato ng lalaking nasa edad 40’s.

“The survivor,” maikling sagot ni Fellin na pinanlakihan ko ng mata.

“You mean the only survivor of Verlian?” I asked, hindi makapaniwala.

Tumango lang siya bilang sagot.

“So ito ba ang ibig sabihin kaya magkasama kayong dalawa?” tanong ko at nagpeke ng ubo si Gin.

“Nalaman ni lady Fel na may kinalaman dito ang pinapagawa sa akin ng daddy n’yo kaya nagpumilit siyang sumama,” sagot ni Gin at wala namang naging reaksyon si Fellin.

“Okay,” I answered.

Napansin ko agad ang makahulugang tingin ni Fion. Nang tingnan ko siya ay nakangisi ito sa akin. “Jealous?” she asked that made my jaw drop.

“I was just asking, you malicious bitch,” I rolled my eyes at her. Hindi naman siya sumagot at nakangisi pa rin habang tinitingnan ang papel na hawak niya. There is something about her smirk. Umiling lang ako at tiningnan ulit ang litrato.

“What’s his name?” I asked.

“Matthew Verlian.”

“Oh, there’s another one,” singit ni Fion at may hawak pa itong isang papel.

“What the f*ck!” napalakas ang boses ni Fion habang hawak hawak ang papel. Nagtaka ako sa naging reaksyon niya, nanlalaki ang mga mata nito hindi dahil sa gulat kundi dahil sa mangha, “he’s hottie!” dagdag nito na nagpalaglag ng panga ko.

“What the hell, Fion. This is not a teen’s play, be serious!” reklamo ko at pinandilatan siya ng mata.

“I’m serious, look.” Itinapat nito sa akin ang papel at mas lalong nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino iyon.

“See?”

Nanlaki ang mga mata ko hindi dahil sa namangha ako sa kaniya, kundi dahil kilala ko kung sino iyon. Umiling pa ako ng ilang beses para masigurong tama nga ang nakikita ko. The way he smirks, the way his piercings shines, this is definitely him! Ryven… And he’s a Verlian.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status