Third Person's Pov
*****
“I found him!” sigaw ni Fion sa telepono nang mamataan ang lalaking hinahanap sa loob ng mall.
“Where? Tell me,” sagot ni Fevi sa kabilang linya.
Pero hindi agad nakasagot si Fion dahil bigla na lang nawala sa paningin nito ang lalaki. Luminga-linga siya ngunit hindi niya na ito mahanap.
“Hey!” saad ng nasa kabilang linya.
“Oh shit! He vanished!” iritadong sagot ni Fion. Mabilis itong naglakad palapit sa pwesto kung saan nakatayo kanina si Ryven pero wala na ito roon.
“What?!” halata ang irita sa tono ni Fevi.
“He’s really skilled. He immediately noticed my presence and suddenly vanished,” sagot ni Fion at patuloy pa rin sa paghahanap kay Ryven.
“He’s here,” biglang saad ni Fevi na pinagtakhan ni Fion.
“Where are you? I’ll go there.”
“Near the comfort room on second floor,” sagot ng sa kabilang linya at pinatay na kaagad ang tawag.
Nagmamadaling maglakad si Fion sa sinabing lugar ng kapatid. Nasa second floor lang din siya kaya mabilis lang siyang makakarating doon.
Habang naglalakad ay may isang pamilyar na mukha siyang namataan. Bigla itong napahinto dahil sa isang lalaking nakatayo sa labas ng restaurant na mukhang may hinihintay. Bumilis ang tibok ng kaniyang puso at ikinuyom ang mga palad nito na handa nang manuntok ng kahit anong humarang sa harapan niya.
Maya-maya lang ay may isa pang lalaki na lumapit doon at hindi niya na alam ang susunod pang gagawin nang maglakad palapit sa direksyon niya ang mga ito. Nang makita siya ng lalaki ay nanlaki rin ang mga mata nito at napahinto sa paglalakad habang takang pabalik-balik ng tingin ang isa pang lalaki sa kanilang dalawa.
“Jiro,” matigas na saad ni Fion. Si Jiro ay ang ex na tinutukoy nito.
“Do you know her, dude?” tanong ng kasama nitong lalaki.
“Y-Yvon,” gulat pa ring saad nito at hindi alam kung ano ang gagawin.
Nagpatuloy sa paglalakad si Fion at nilampasan sila pero napahinto ito nang hawakan ni Jiro ang kaliwang braso niya.
“Wait. Can we talk?” tanong nito pero hindi pa rin siya tinitingnan ng dalaga. Huminga nang malalim si Fion bago niya marahas na binawi ang braso.
“Make it short,” walang emosyong sagot niya.
“Wew okay, ihi muna ako dre,” saad ng kasama nito at naglakad na palayo sa kanila.
Ngayon ay parehong tahimik na nakaupo ang dalawa sa bench. Nang sulyapan ni Jiro si Fion ay seryoso ang mukha nito habang diretso lang ang tingin.
“Kumusta ka na?” tanong niya.
“I’m good,” sagot ni Fion.
“Good to hear that.” Ngumiti ito.
Hindi na sumagot pa si Fion kaya nanatili na naman silang tahimik. Alam ni Jiro na galit sa kaniya ang dalaga at mapapansin din dito ang kawalan ng interes na makausap siya.
“You never contacted me since that day,” saad ng binata, tinutukoy ang tungkol sa hiwalayaan nila noon.
“Why? You expect me to chase you after you cheated on me?” prangkang tanong ni Fion.
Hindi nakasagot si Jiro, naramdaman lang nito ang pagbuntong-hininga niya. Pero maya-maya lang ay nagsalita ulit siya.
“Our marriage got cancelled,” saad ni Jiro.
“Oh good for you, you can continue life pretending to be single and fool the dumbass girls who thinks they’re special, right?” mapang-asar na tiningnan ni Fion ang binata.
“I’m not that kind of guy,” seryosong saad ni Jiro rito.
“Really? That’s what you did to me. Then I guess you’re worse than that,” nakangising sagot niya at nakita ang iritado nang ekspresyon ni Jiro pero pinipilit nitong pakalmahin ang sarili.
“Ayoko ng away, Yvon,” seryosong saad niya na nagpatahimik kay Fion, “I want to talk to you for a closure,” dagdag niya.
“Closure? Do you think gano’n lang kadali ‘yon?” Tiningnan siya ni Fion na hindi makapaniwala sa sinabi ni Jiro.
Hindi siya nakasagot pero nanatili pa ring seryoso ang mukha nito.
“I’m sorry but you’re wasting my time.” Tumayo si Fion at umaktong paalis na nang biglang higitin ni Jiro ang kamay nito at hilain pabalik kaya muli siyang napa-upo sa bench pero ngayon ay malapit na ang mukha nila sa isa’t isa.
“What the fuck are you doing?!” Tinulak siya ni Fion palayo pero mukhang nagustuhan pa ito ni Jiro dahil sa ngising ipinakita niya.
“You still love me, do you?” nakangising tanong niya.
Napabuga ng hininga si Fion dahil sa sinabi ng binata. “Taas din ng tingin mo sa sarili mo, ‘no? Sino namang tanga ang magpapaka-martyr sa isang tulad mo?” inis na saad niya saka inayos ang sarili.
“Then walang magiging problema kung maging magkaibigan ulit tayo?” umaasang tanong niya.
Fion’s jaw dropped because of what the guy said.
“Nagpapatawa ka ba?! I don’t accept friendship especially when it comes from you!” Tumayo ulit si Fion pero sa pagkakataong ‘yon ay hindi na siya pinigilan pa ni Jiro.
“Then be my girlfriend again,” saad nito na nagpahinto sa kaniya sa paglalakad. Bigla siyang nakaramdam ng inis at hindi niya na napigilan pa ‘yon nang harapin ang binata.
“Seriously, Jiro. Fuck you! I never met someone as jerk as you,” saad nito saka tuluyan nang iniwan doon si Jiro.
Habang naglalakad ay hindi pa rin maalis ang inis na nararamdaman niya. Jiro didn’t change at all, he will never change because he’ll remain as jerk as before. Madali nitong pinapaikot sa salita ang isang babae at inaamin niya sa sarili niyang tanga pa siya noong mga panahong iyon kaya siya pumatol.
Dumiretso siya sa parking lot at pagpasok sa sasakyan ay doon niya lang naramdaman ulit ang kaba. Mabilis ang tibok ng puso nito dahil sa iba’t ibang emosyon na nararamdaman. Alam niya sa sariling galit siya kay Jiro pero hindi rin maipagkakailang mahal niya pa ito. Pero ang pagmamahal na ‘yon ay natabunan ng galit, na pagkatapos ng anim na buwan ay tila walang nangyari kung umakto sa harapan niya ang dating kasintahan. Sino ba naman ang hindi magagalit kung ituring nitong parang biro lang ang panloloko? Akala niya’y gano’n lang kadali ang humingi ng closure pagkatapos niyang lokohin ang dalaga na mas pinapatunayan lang nitong kailanman ay hindi siya magiging seryoso sa buhay. Sa kalagitnaan ng pag-iisip ay hindi namalayan ni Fion na mayroon na pa lang luhang tumutulo galing sa mga mata niya.
“Fuck you, Jiro!” umiiyak na aniya.
Ilang minuto pa siyang nanatili roon bago naisipang tawagan si Fevi para yayain nang umuwi.
“Where are you?” tanong agad ni Fion nang sagutin ng kapatid ang tawag.
“NBS. Kanina pa kita hinihintay,” sagot ng sa kabilang linya.
“Let’s go home,” walang gana niyang sagot.
“Huh? Why?”
“I’m not feeling well.” Bumuntong hininga siya ay sumandal sa inuupuan.
“What happened?” tanong ng sa kabilang linya pero hindi sumagot si Fion. Natahimik lang siya nang maramdaman ulit ang luhang nagbabadya na namang tumulo.
“Umuwi na lang tayo, ok? I'll wait you here at the parking lot,” sagot niya saka ibinaba na ang tawag.
Ilang minuto ay nakarating na roon si Fevi. Nang mapansin niyang umiyak ito ay hindi nito tinigilan si Fion sa kakatanong. Pero kalaunan ay natigil din ito nang makitang seryoso ang mukha ni Fion na pinapakiusapan siyang huwag nang magtanong pa at huwag ipaalam kahit kanino ang tungkol sa pag-iyak niya.
Sa mga sumunod na araw ay hindi muna sumama si Fion at dinadahilan pa rin nito na masama ang kaniyang pakiramdam. Pero hindi na siya nakatanggi pa nang pilitin siya ni Fevi na pumunta sa birthday party ni Jasper; iyong lalaking kasama ni Jiro sa mall.
“Fine! Use the name Yvon,” sagot ni Fion nang itanong sa kaniya ni Fevi kung anong pangalan ang ipapakilala nito sa kanila.
“Oh? I thought you despise that name,” tanong ni Fevi. Iyon kasi ang pangalang kilala ni Jiro at hindi pwedeng gamitin ang iba nitong pangalan para hindi siya magsuspetsya, kahit na sobrang kinasusuklaman niya pa ito dahil maraming masasakit na alaala ang nakapaloob doon.
“Tsk,” tanging sagot lang ni Fion saka pumasok sa loob ng sasakyan. Tahimik na lang din na sumunod si Fevi at nag-drive papuntang party.
Nang makarating sila ay pinakilala siya ni Fevi kay Jasper na namukhaan naman agad ito. Nang tanungin kung nagkita na ba sila ay agad siyang tumanggi at pinandilatan ito, naintindihan naman niya agad iyon. Nang iwan sila roon ay nagpasya silang umupo malapit sa pool at doon pa talaga sa tapat ng puwesto ni Jiro kung saan nakasandal siya sa pader habang may hawak na alak sa kanang kamay at nakapamulsa ang isa.
Naramdaman niya ang titig sa kaniya ni Jiro at hindi niya iyon nagustuhan kaya naman nagpaalam ito kay Fevi na pupunta sa cr. Habang nasa loob ay tiningnan niya ang sarili sa salamin. Nag-ayos lang siya ng make-up at lumabas na agad sa women's comfort room pero saktong paglabas ay naroon sa tapat ng pintuan nakasandal si Jiro na mukhang may hinihintay.
Hindi niya ito pinansin at nagdiretso lang sa paglalakad pero napahinto ito nang magsalita si Jiro.
“I'm glad you came,” saad niya kaya napatingin sa kaniya si Fion.
“You’re not the reason why I came here,” saad nito.
“I know.”
Maglalakad na sana si Fion nang bigla na namang magsalita si Jiro.
“I came here to apologize from what I said before,” nakapamulsang saad nito.
Nagpakawala ng buntong hininga si Fion bago sumagot.
“I’ll only accept it if you apologize because you once came into my life,” umirap ito kahit na hindi ‘yon nakikita ni Jiro dahil nakatalikod siya rito.
“I’m sorry but that’s not gonna happen. We both enjoyed our relationship, don’t deny it,” Nakangising saad ni Jiro nang tingnan siya nito.
Matalim siyang tiningnan ni Fion na nagpawala sa ngisi nito, “but I regret it,” saad niya bago iwan doon ang binata na hindi makapaniwala sa sinabi ng dalaga.
Hindi muna bumalik si Fion sa table nila ni Fevi nang makitang may iba itong kausap kaya naglibot-libot muna siya sa buong lugar.
Pumunta siya sa linya ng mga pagkain at alak at tinikman ang mga ‘yon. Napangiwi siya nang malasahan ang pait ng alak na ininom at gumuhit agad ang init sa kaniyang lalamunan. Ilang minuto pa siyang nanatili roon nang makarinig ng ingay malapit sa kinaroroonan ng kapatid. Tumakbo siya palapit doon at nagtaka nang makitang nagwawala si Ryven.
“What’s happening?” hinihingal na tanong niya kay Fevi nang makitang suntukin ni Ryven si Jiro.
“Don’t know, he suddenly became like that,” kibit-balikat niyang sagot.
Napatingin siya kay Jiro nang makita ang putok nitong labi dahil sa suntok ni Ryven. Hindi niya alam kung maaawa ba siya o matatawa dahil hindi pa rin maibsan ang galit nito sa binata. Nagtama ang paningin nila pero walang emosyon niya lang itong tiningnan.
“I’m warning you, dude, don’t mess up my party!” seryosong saad ni Jasper sa kaibigan. Tumingin lang sa kaniya si Ryven at nilapitan ito pero nasuntok na agad siya ni Jasper. Napansin niya rin ang kakaibang tingin ng binata sa kaibigan na tila handa itong pumatay anumang oras, pero bago pa siya tuluyang makalapit ay gulat na lang na napatingin ang lahat sa babaeng nakatayo malapit kay Ryven na ngayon ay nakahiga na sa sahig.
Tinitigan niya nang matalim ang kapatid dahil sa ginawa nito pero umiwas lang ito ng tingin.
“P-problem solved,” nauutal na aniya.
Nang makalapit sa kaniya ang kapatid ay may isang babae ring lumapit dito.
“H-how did you do that?” mahahalata pa rin ang gulat sa mga mata nito.
Mabilis na umalis doon si Fion nang hindi napapansin ng kapatid. Nauna siyang makapunta sa gate at hinintay na makarating doon sina Jasper at Jiro na akay-akay ang kaibigan. Mahahalata ang gulat sa dalawa nang makita siya roon.
“You can’t just leave at your party, Jasper, ako na ang sasama sa paghatid sa kaibigan n’yo,” saad ni Fion na kay Jasper lang nakatingin at iniiwasan ang tingin ni Jiro.
“B-but...” Tumingin si Jasper kay Jiro. Tinanguan lang siya nito kaya wala na rin siyang nagawa at pumayag na lang.
Nang makaalis doon si Jasper ay tahimik nilang isinakay sa sasakyan si Ryven. Si Jiro ang nagdrive habang nasa passenger seat sa harap si Fion. Tahimik lang ang dalawa sa loob ng sasakyan nang magsalita si Jiro.
“Why did you do this?” tanong niya.
“I want to tell you something,” panimula ni Fion at ipinatong ang siko sa windshield. “I don’t want my sister to know about this, about us. Act normal in front of her,” utos ni Fion habang nakatingin lang sa harap.
“Tss as cautious as always. I didn’t even know you have a sister,” mahahalata ang disappointment sa tono ng pananalita nito.
“Hindi ko rin naman alam na may girlfriend ka kaya kwits lang,” nakangising saad nito at tiningnan si Jiro.
Hindi siya nakasagot at nanatili lang ang tingin sa daan.
Sinulyapan ni Fion si Ryven na nakahiga sa likod. Umiling-iling siya nang makita ang kalagayan nito.
“What happened to him?” tanong nito.
“His anger management issue got triggered from alcohol,” sagot niya na nagpalaki ng mga mata ni Fion.
“What?! He has anger management issue?” hindi makapaniwalang tanong niya.
“Yeah.”
“Saan niya nakuha?” Nakita nito ang paghigpit ng hawak ni Jiro sa manibela.
“His abusive father,” seryosong saad niya na nagpatahimik kay Fion. Hindi nito akalain na gano’n kalala si Matthew kahit na binalaan siya ng kapatid na mas delikado pa rin si Ryven.
There’s a possibility that Matthew is using his son all this time. Tahimik na lang ang dalawa hanggang sa maihatid si Ryven sa condo nito.
Nang makabalik sa party ay nauna nang lumabas si Fion at hindi na hinintay pa si Jiro na makababa ng sasakyan. Tinatawag pa siya nito pero hindi niya na ’yon pinansin dahil sa gate pa lang ay kita na ang imahe ng isang babae na nagsasaya kasama ng mga tao sa loob ng resort. Mabilis siyang naglakad palapit doon para masigurong kilala niya nga ang babaeng ‘yon at nanlaki ang mga mata nang makumpirma kung sino ito.
****
“STOP!” namumula ang mukha ni Fevi nang tingnan nila ito.
“Why? Don’t you wanna know what you did last night?” nakangising asar sa kaniya ni Fion.
Narito pa rin sila ngayon sa kwarto ni Fevi nang ikwento ni Fion ang mga pangyayari noong mga nakaraang umakto siyang parang wala sa sarili. Nakangisi siya nang matigil sa pagkukwento dahil sa ayaw ng kapatid na marinig pa ang susunod na nasaksihan niya noong gabing ‘yon.
“It’s just starting to get fun and you’re stopping me already?” patuloy niya pa ring asar. Tiningnan lang siya nang masama ng kapatid.
“I’ll kill you if you continue,” saad ni Fevi na pulang-pula na ang mukha.
“Oh? That’s more exciting,” saad ni Fion at tumawa.
“Hey! Don’t change the topic. We’re talking about stupidity of Fion here!” naiinis man pero halata pa rin ang pamumula ng mukha ni Fevi dahil sa kahihiyan.
“Tapos na, Fevi. We’re now talking about your stupidity,” natatawa ring sali ni Fellin sa usapan.
“Yeah right. I wish you’ve seen how she dance last ni—”
“Stop it!” awat ni Fevi at binato ng unan si Fion.
“Why? Ang galing mo kaya!” patuloy pa rin sa pag-asar ang kapatid habang tumatawa.
“That’s enough, Fion. Tama na ‘yong nasaksihan ko kagabi. Gross,” natatawa ring saad ni Fellin na umakto pang parang nasusuka.
“Get out of my room, you two!” Binato ni Fevi ng unan ang dalawa pero tumatawa lang ang mga ito at kinuha ang unan para yakapin.
“Don’t wanna!” pareho nilang sagot habang patuloy pa rin sa pang-aasar sa nangangamatis nang kapatid.
Nagtawanan ang dalawa na may halong hampas pa dahil sa hitsura ni Fevi. Sinilip sila ni Gin mula sa labas ng pintuan ng kwarto at napangiti sa nasaksihan. Who would've thought na magkakaroon ng bonding ang magkakapatid dahil sa isang misyon? Hindi niya na sila inistorbo pa nang makita kung gaano kasaya ang mga ito. Hindi nito maalis ang ngiti sa mukha sa isiping unti-unti nang nagiging maayos ang relasyon ng magkakapatid at sana ay magpatuloy na ito.
“Ahhh!”Hawak-hawak ko ang balakang ko nang pwersahan akong mapaupo sa sahig. Pang-ilang araw na naming training dito pero parang wala pa ring nagbabago sa akin. Gano’n pa rin ako... Mahina.“Tayo!” sigaw ni Selena.Agad ko ring inayos ang sarili ko at muli siyang hinarap. Ngayon ay matalim siyang nakatitig sa mga mata ko na tila ba may hinahanap ito roon.“Show me your wrath!”Mariin ko siyang tiningnan at naghanda na sa susunod na pag atake pero nalalabanan niya iyon lahat.“Kulang pa iyan!” muling sigaw niya at tila ba mas galit pa siya sa akin ngayon.Muli akong sumubok pero wala talaga, sadyang mas malakas siya sa akin at wala na akong magagawa roon!Huminto muna ako at ipinatong ang mga kamay sa tuhod ko habang hinihingal. She's just watching me at tila ba disappointed ito sa mga nagiging kilos ko.“Is that all you’ve got, Fevianna?” she asked, irritated.“Pagod na ak—”“Do I gav
I have a bad feeling about this. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Hindi na dapat talaga ako sumama, e!And to that woman, Selena! Bakit kung makatingin siya sa akin ay iba? Para bang handa ako nitong sakmalin anumang oras o kaya naman may binabalak siyang hindi maganda sa akin.I should be careful.Nagpapahinga na kami ngayon sa kaniya-kaniya naming kwarto. Thank God I’m alone now. Ang tanging sinabi lang sakin ni Matthew ay mas mapapalakas ako rito. And I think the person he was talking about na makakatulong sa akin ay si Selena. But what's with her presence?She’s a filipino residing here in England kaya nakakaintindi pa rin siya ng tagalog although mas na-aadapt niya na ang slang dito. And I need to get ready dahil magsisimula na bukas ang training namin. Malakas ang pakiramdam kong iba kung magtrain si Selena, sa presensya niya pa lang ay natitinag na ako, paano pa kaya kung nasa mismong training na kami?Gawa na rin ng sobrang pagod
“Are you all set?”Nalipat ang tingin ko sa repleksyon ni Gin sa salamin nang bigla na lang itong pumasok ng kwarto habang inaayusan ko ang sarili ko.I put on my lipstick before I stood up and turn to look at him.“Let's go,” I answered, blankly.Ngayon na ang alis namin at nagdesisyon akong baguhin ang lahat-lahat sa akin.I wore a skin-toned backless crop top and black high waist jeans. Naka-pony tail din ako kaya naman lantad na lantad ang balat ko sa likod.Hindi rin makatingin ng diretso sa akin si Gin na tila ba naiilang ito pero wala na akong pakialam. Inayos ko na lang ang mga gamit ko bago ito binigay sa kaniya. Pero bago pa ako lumabas ng kwarto ay pinagmasdan ko muna ang sarili sa salamin.I smirk as I saw my reflection on the mirror. Who would've thought that I actually became the bitch I didn't what to be?I put on my stilettos and compose myself. Bumagay ang suot ko sa pulang-pulang mga labi ko. A
I swear to myself that this will be my last tears. Sawang-sawa na akong makaramdam ng sakit. Sa sunod-sunod na sakit na nalalaman ko ay unti-unti ako nitong minamanhid. And this is what I want...To be numb.Magdamag ko na atang naibuhos lahat ng luha ko dahil kinabukasan ay tila wala na akong maramdaman na kahit ano. Blangko na ang lahat-lahat sa akin. I can't trust anyone anymore, even myself.Or rather... I don't know myself... anymore.Umiling ako saka dumiretso na lang ng banyo para maligo. After doing my morning ritual ay lumabas na rin ako ng kwarto at naabutan pa si Gin na mukhang papunta ng kwarto ko.He stopped for a while when he saw me but later on continue to saunter towards me.“I have something to tell you,” he said.Hindi ako sumagot. Nanatili lang akong nakatayo sa harapan niya habang hinihintay ang susunod nitong sasabihin.“We’re going in England,” he added that immediately fixed my
Wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak lang nang umiyak. Luckily, I was alone since Gin gave me time for myself. Hinayaan ko lang ang sarili kong maging mahina at mugtong-mugto na ang mga mata.I can’t even remember if I ate dinner. I just let myself be tired of crying until I fell asleep.Nagising na lang ako dahil sa sunod-sunod na katok sa pintuan.“Are you awake? I brought you food,” rinig ko ang mahinahong boses ni Gin mula sa labas.I was just staring at the ceiling for a few minutes until I heaved a deep sigh.“Come in,” I utter.Maya-maya lang din ay pumasok siyang may dalang tray ng pagkain. He first look at me as if observing me and my next move. “Kumusta ka?” With that question, I froze. Hindi ko alam na sa simpleng tanong lamang na ‘yon ay mahihirapan akong sagutin. I didn’t mean to make its meaning doubled but I just can’t distinguish what kind of question he wanna ask.Kumusta ako physically? Emotionally? Mentally? No. I am not okay, but this will gonna be okay... s
Tears are still streaming down my face when I hurriedly hopped inside of Gin’s car. “Lady Fev—”“Let’s go.”He didn’t question anymore when he saw my reaction. Muli niyang pinaandar ang sasakyan at mas malumanay na lang ngayon ang patakbo niya.Later on, he grope something in front and gave me the tissue. I hesitated first from accepting it but this is not the time to higher my pride. Kinuha ko ‘yon at naging tahimik na kami sa buong biyahe habang hinahayaan niya akong ilabas lahat ng luha ko. I am even sobbing but he’s just acting like he can’t hear me so that I can have a privacy.I feel like crying is not enough to ease my madness. I felt like I am enduring the problem of a whole nation. Sobrang bigat sa pakiramdam!I don’t know where he’s taking me but it was like we’re going up a mountain. Hinayaan ko na lang siya dahil sa ngayon ay wala pa akong ganang makipag-usap.Until later on, we stopped at the edge