Mabilis kaming umalis ni Gin sa bar nang sabihin ni Fion na nahuli na nila ang traydor. Kinakabahan ako lalo na nang sabihin niyang isa sa pinagkakatiwalaan namin ‘yon. Tahimik lang si Gin habang nasa sasakyan kami at hula ko ay may ideya na siya kung sino ito.
Dumiretso kami sa hideout na malayo sa kinaroroonan ng mansyon. Nang makarating kami roon ay dumiretso agad kami sa underground kung saan naroon sina Fion.
Nang makapasok ay nanlaki ang mga mata ko sa nasaksihan. May isang lalaki na nakatali sa electrical chair habang duguan ang bibig at pisnge. Sa tapat nito ay nakatayo si Fellin na pinupunasan ang kutsilyong may dugo, si Fion naman ay nakasandal sa pader habang naka-krus ang mga braso. Nang makita nila kami ay seryoso itong nakatingin kay Gin.
The man who’s sitting on that electrical chair is Tyler Santiago, Gin’s close friend and one of my Father’s trusted butler. Ikinuyom ko ang k
Tanging tunog lang ng sapatos ni Matthew ang naririnig sa loob ng kwartong ‘yon habang naglalakad siya palapit sa amin. He’s wearing a white polo with red necktie. Nakasabit sa likuran nito ang kaniyang coat. Ang hula kong edad niya ay nasa edad 40 pataas na halos kasing-edad lang ni Dad. “I heard you’re searching for me,” saad niya nang makapasok, sapat lang ang distansya para hindi maabot ni Fellin kung sakaling gumawa ito ng maling kilos. Paano siya nakapasok dito? Marami kaming tauhan na nakabantay sa labas. Napatumba ba niya lahat ng mga ‘yon? Nang siya lang? Nang huminto ito ay may dalawa pang lalaki na naka-itim ang lumapit sa magkabilang tabi niya. Naka-mask ang mga ito kaya hindi makita ang hitsura nila, tanging si Matthew lang ang hindi. “Good for us, then, ikaw na mismo ang lumapit,” saad ni Fellin na ngayon ay nakangisi na. Pinunasan nito ang kamay at tinadyakan si Tyler kaya natu
Dalawang linggo matapos ang insidente sa hideout kung saan bigla na lang lumitaw si Matthew ay palaisipan pa rin para sa amin ang sinabi niya. Anong kailangan niya sa akin? Bakit niya ako gustong kunin? Nakahiga ako ngayon sa kwarto habang nag-iisip nang may maalala ako. Bumangon ako at kinuha sa drawer ang litrato ng magpapamilya kasama ng pendant. Habang tinititigan ang lalaki ay nanlaki ang mga mata ko. I knew it! Kaya familiar ang batang lalaki rito ay dahil siya si Matthew! Hindi nalalayo ang hitsura ng batang ‘yon sa hitsura ngayon ni Matthew kaya nakilala ko agad ito. So Verlian nga ang mga ito, sino naman ang batang babaeng katabi niya? Halatang close sila roon. Itinago ko ang litrato at nagdesisyong lumabas. Nagbihis muna ako ng pang-alis bago walang paalam na umalis sa mansyon. Wala si Gin ngayon dahil may ibang inutos sa kaniya si Dad. Si Fellin at Fion naman ay nasa hideout. Wala rin naman akong gagawin sa mansyon kaya nagdes
Kinabukasan ay patuloy ko pa rin siyang sinundan. Hindi ako mapakali simula no’ng nakita ko siya sa ospital kaya dapat ngayon ay todo bantay na talaga ako.Ngayon ay sinusundan ko ang sasakyan nito papunta sa hindi pamilyar na lugar . Habang tumatakbo ang oras ay palakas rin nang palakas ang tibok ng puso ko dahil nagkaka-ideya na ako kung saan ang punta niya. Tatlong oras ang naging biyahe nang makarating kami sa isang lugar na hindi pamilyar sa akin. Isang malaking mansyon ang naroon at maraming mga nakasuot ng itim na suit ang nagbabantay sa paligid.Pumasok siya roon habang ako ay nagpark sa ‘di kalayuan at pinakiramdaman ang paligid. Sinigurado ko munang tago ang presensya ko bago ako naglakad palapit sa bakuran. Napansin ko rin ang mga cctv camera kaya naman nagdesisyon akong umakyat na lang ng puno. Mabilis lang akong nakaakyat nang hindi napapansin ng nagbabantay sa gate. Nang makarating sa taas ay kita ang bukas na binta
Nagising ako nang biglang mag-ring ang phone ko. Naka-ilang ring pa ‘yon kaya naman ginawa kong pantakip ang unan sa tainga ko para hindi marindi sa tunog. Ilang minuto matapos ang pag-ring, tumunog ulit ito. The hell! Sino ba ‘tong istorbo na ‘to?! Inis kong kinuha ang telepono at sinagot ‘yon nang hindi tinitingnan kung sino ang tumatawag.“What?” Garalgal pa ang boses ko at humihikab nang sagutin ‘yon.“Good morning, Vanna. Free ka ba today?” Boses ‘yon ni Emma. Nang tingnan ko ang screen ay pangalan ni Jasper ang naka-register.“Pwede ba kung tatawag ka lang para tanungin kung free ako, i-check mo muna ang oras?” Umagang-umaga pero mainit na agad ang ulo ko.“Huh? Anong oras na ah,” inosenteng sagot niya. Nagkusot muna ako ng mata bago tingnan ang orasan sa phone. What?! Alas-onse na! Sa gulat ko ay nahulog sa muk
“Wooh! What a life!” sigaw ni Jasper nang makarating kami sa isla. Nakakamangha ang lugar, tahimik at payapa.“Sigaw pa, Jasper, nang ma-engkanto ka,” bara sa kaniya ni Emma. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Jai. Narito pala siya sa likod ko.Naglakad ako palapit sa kubo at pinagmasdan ang paligid. Napaka-peaceful.“Ang ingay mo!” rinig ko ang sigaw ni Emma.“Wow, mas malakas pa nga ‘yang boses mo!” sagot din sa kaniya ni Jasper. At nagbangayan na naman silang dalawa.Sumunod si Jai sa direksyon ko at ngumiti siya nang makalapit. Tumango lang ako dahil naiilang pa ako sa kaniya. Sina Ryven at Jiro naman ay magkasama na ngayon habang seryosong nag-uusap.“Oh, Vanna. Why don’t you join them?” tanong sa akin ni Jai at tiningnan ang direksyon nina Emma at Jasper na nagsasabuyan
Papasok ako sa University! And Fellin did it without asking my permission, diretso siya kaagad kay Dad. The hell! Ako ang papasok kaya dapat ay sabihan niya man lang ako. Pero wala na akong magagawa dahil naka-enroll na ako. In fact, ngayon ang first day ko sa University. Anong oras na pero hindi pa rin ako nakakabihis. Just what the hell is she planning?Nang kausapin ko naman si Fellin para ipaliwanag ‘yon ay sinabi nitong may nalaman siyang panibagong impormasyon tungkol sa Verlian. Gusto niyang malaman kung ano nga ba ang totoong relasyon nina Matthew at Ryven. At ako ang inilagay niya sa alanganing posisyon. Great. Napakatalino nga naman ng kapatid ko. Dito nakasalalay kung ano ang magiging desisyon nila kay Ryven. Kung dapat nga ba talaga siyang katakutan o kailangang protektahan dahil maaaring ginagamit lang siya ni Matthew.Nagulat ako no’ng malaman ko ‘yon. Sarili niyang anak gagamitin niya laban sa kalaban n
“Sino ka ba talaga?”Mabilis na ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. Nanatiling diretso at seryoso ang tingin nito sa akin at ayokong iwasan iyon dahil makakadagdag lang ‘yon sa suspetsya niya. Matalim ang tingin namin sa isa’t isa na halos hindi na rin kami kumukurap.Maya-maya ay ngumisi ako sa kaniya. Bigla siyang nagtaka dahil sa ekspresyon ko.“Akala ko ba mag-la-law ka?” sakastikong tanong ko rito na dahilan ng pagsalubong ng kilay niya. Pero sa totoo lang ay abot langit na ang kaba ko ngayon. “Why don’t you find it yourself, then?”Mas lalong naging matalim ang tingin niya sa akin pero tinatapatan ko rin ‘yon. Nanatili kami sa gano’ng posisyon ng mga ilang segundo.“Jiro.”Sabay kaming napatingin sa kinaroroonan ng boses ng sumigaw na ‘yon. Nang makita naming si Ryven &l
Nagising ako sa sunod-sunod na katok mula sa pintuan ng kwarto ko. What the hell? Tinatamad pa akong bumangon dahil tatlong oras lang ang tulog ko. Sabado ngayon kaya dapat ay binabawi ko ang tulog ko dahil simula nang pumasok ako sa university ay ilang oras na lang akong nakakatulog. Ang hirap ng kurso ni Ryven, dagdag pang pang-doctor ang sulat niya.Inis akong napabangon nang makarinig ulit ng katok.“Ano ba!” sigaw ko. Nang buksan ko ang pintuan ay kinukusot ko pa ang mga mata ko. Pero nang makita ko na kung sino ‘yon ay nagsalubong ang kilay ko.“Fellin?”“What the hell happened to you?” iyon agad ang bungad niya sa akin. Siguro ay napansin na nito ang eyebags kong busog na busog.“This is your fault,” sagot ko.Paano ba naman kasi, tinambakan kami ng assignments kahit weekends na. Tapos may pinagawa