Share

Chapter 12

Penulis: Ezelxy
last update Terakhir Diperbarui: 2021-11-23 10:00:00

Fevianna’s Pov

“Yow Vanna! The star of the night.”

“Magaling ka pala sumayaw, huh? That was one great hot dance you made last party night.”

“How I wish kuya Ry had seen it, baka sinabayan ka pa niya.”

Iyan ang bungad sa akin ng mga kaibigan ni Ryven nang makalapit ako sa table nila. Sa kahihiyan ay hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Naalala ko na kasi kung ano ang ginawa ko no’ng gabing ‘yon at kahit alalahanin lang ay hiyang-hiya ako tapos aasarin pa nila ako nang ganito? Ngayon pa nga lang na narito ako sa harap nila ay grabeng lakas ng loob na ang hinanda ko para lang sa misyon na ‘to. I can’t imagine also na mapapasayaw ako sa gitna ng party at sexy dance pa talaga. And worst, nang makauwi ako sa mansyon ay sigaw pa ako nang sigaw na tinatawag si Dad para lang sumuka sa harapan niya. 

What the fuck did I just do? Hiyang-hiya ako thanks to Emma na nagpalasing sa akin noong gabing ‘yon. That’s when I promised to myself I’ll never ever drink alcohol anymore. 

“Try this wine, Vanna.” Inabutan ako ni Emma ng isang baso ng wine.

“Thanks,” sagot ko at tinanggap ‘yon.

Narinig ko ang pekeng ubo ni Gin sa tabi ko kaya napatingin ako sa kaniya.

“So that’s what you mean by not drinking alcohol anymore?” nakataas ang kilay na tanong niya. I smiled awkwardly at him at sinenyasan na isa lang.

Narito kasi kami ngayon sa vip room ng bagong bukas na bar ng kaibigan nina Jasper at niyaya nila akong pumunta rito. Hindi na rin ako nakatanggi dahil last night na raw nila ‘yon at patapos na ang midterm break. Bukas ay balik school na sila kaya hindi na masyadong makakapag-bar. Nakilala na rin nila si Gin bilang kaibigan ko, hindi na rin naman kailangan pang palitan ang pangalan niya dahil hindi kilala ang mga butler ng Lauriel.

“Dude, wala pa rin ba si Ry?” tanong ni Jasper kay Jiro na kanina pa abala sa cellphone niya.

“Otw,” maikling sagot lang nito.

Napansin ko ang bulungan ni Emma at Jasper habang may tinitingnan sa cellphone. Na-curious ako kung ano ‘yon pero hindi nila pinapakita sa amin. Nasa kabilang side kasi kami ng table at katabi ko si Gin sa kanan. Si Emma, Jasper, at Jiro naman ang nasa tapat namin pero may sariling mundo si Jiro dahil hindi pa rin maalis ang tingin nito sa cellphone habang naka-headphone.  

Ngayon alam ko na kung bakit mabilis lang nahulog ang loob ng kapatid ko sa kaniya. Well, honestly speaking, effortless nga naman magpa-fall ang lalaking ‘to, dagdag mo pang tanga si Fion kaya mahuhulog at mahuhulog talaga ‘yon.

Maya-maya lang ay biglang bumukas ang pintuan at iniluwal nito si Ryven. Nakasuot siya ng dark blue jacket na in-adjust ang sleeve hanggang siko at black jeans. Nang makita ako nito ay ngumiti siya at agad na lumapit sa akin.

“Vanna!” nakangiting saad niya at umupo sa tabi ko. Nang makita niya si Gin ay nagsalubong ang kilay niya na parang may inaalala.

“And you are…?”

“Gin.” Iniabot nito ang kamay niya at tinanggap naman ‘yon ni Ryven.

“Right. From that night,” tumatangong saad niya habang nakikipagkamay.

“Magkakilala na kayo?” tanong ni Emma sa kanilang dalawa.

“Yeah, sort off,” sagot ni Ryven. Hindi na nagtanong pa si Emma at tumango na lang.

“Dude, watch this, matutuwa ka.” Iniabot sa kaniya ni Jasper ang phone na kanina pa nila pinagbubulungan ni Emma. Tinanggap ito ni Ryven at nang silipin ko ay inilayo sa akin ni Jasper ang phone.

“Exclusively for Ryven,” nakangising saad niya at pinaalis si Ryven sa tabi ko para hindi ko masilip ang kung ano mang video ‘yon. Nagsalubong ang kilay ko at inirapan siya. Ano ‘yan, porn? Kinuha ko na lang ang cupcake na nasa lamesa at kinain ‘yon.

“What the heck! You’re a hot sexy dancer, Vanna!” Naubo ako sa sinabi ni Ryven at mas lumala pa ‘yon nang maramdamang sumabit sa lalamunan ko ang cupcake. Tang*na! Ano nga ulit ang sinabi niya?!

“Shit!” Tumatawang inabutan ako ni Gin ng tubig na agad ko ring ininom.

What the fuck?! So video ko pala ang kanina pa pinagbubulungan at tinatawanan ng dalawa? Muntik na akong mamatay sa cupcake!

“Jasper, delete that video! Hindi ka matutuwa sa gagawin ko!” banta ko sa kaniya pero parang wala lang siyang naririnig at pareho pa silang tumatawa ni Ryven.

“Dude, kung napanood mo lang ‘to ng live baka bigla ka na lang maka-move on sa ex mo,” natatawang saad ni Jasper sa kaibigan na hindi pinansin ang sinabi ko.

“Jasper!” 

“Uh-oh, sadist mode on,” rinig ko pang saad ni Gin at palihim na tumatawa. Nakita ko rin ang ngisi ni Emma habang umiinom ng tubig. Isa ka pa!

Hindi pa rin nila ako pinapansin kaya naman mabilis akong tumalon sa lamesa at sapol kay Jasper kung saan sumakto ang pagsakal ko sa leeg niya. Lahat sila ay lumapit sa akin para tanggalin ang kamay ko sa leeg ni Jasper pero kahit sila ay wala na ring lakas dahil sa kakatawa.

“Delete the video or you’ll die here!” saad ko at inuubo na siya dahil sa sakal ko. Yeah, that’s right, magsimula ka nang mamaalam.

“Farewell, our dearest friend Jasper,” kunyare ay malungkot na saad ni Jiro na ngayon ay tumatawa na rin. 

“OMG! Hindi ko sukat akalain na hanggang dito na lang ang buhay mo. Farewell, Jasper.” Nakisali rin si Emma na  kinukuhanan ng video ang kawawang Jasper.B

“Bawi ka na lang next life, dude.” Sumenyas pa ng pamamaalam si Ryven.

Saka sila tatawa-tawang bumalik sa kaniya-kaniyang upuan. Seriously? Wala bang balak na tulungan ng mga ‘to ang nag-aagaw buhay nilang kaibigan?! Patuloy pa rin sa pagkuha ng video si Emma habang tinatawanan ang pulang-pula nang mukha ni Jasper.

“Tang… ina…. n’yo…” halos hindi na makapagsalita pa si Jasper at pulang-pula na ang mukha dahil sa sakal ko. Serves you right after you took that video without my permission! At ipinanood mo pa talaga kay Ryven! Matutuluyan ka talagang bwesit ka!

“He…to…na…” Iniabot niya sa akin ang phone kaya ako na ang nagdelete sa video. Uubo-ubo siyang napaupo sa sahig nang bitawan ko ang leeg niya.

“Man, I almost died!” Uubo-ubo pa ring aniya.

“Matutuluyan ka talagang mokong ka!” bara ko sa kaniya saka binalik ang phone.

“If I were you, dude, hinding-hindi ko iinisin si Vanna,” makahulugang saad ni Ryven at naalala ko bigla no’ng tinutukan ko siya ng kutsilyo. Nagpeke lang ako ng ubo at bumalik na sa dating upuan.

“I agree,” sabat ni Gin na may kahulugan din.

Saka sila nagtawanan. Pero kahit na deleted na ang video ay hindi pa rin matigil si Jasper sa pag-uusap tungkol sa video ko. Gusto na ata talagang matuluyan nito e. 

“I should’ve seen it live. But thanks to you bro, maaasahan ka talaga sa oras ng pangangailangan,” saad ni Ryven at nakipag-apir pa kay Jasper. Pero hindi pa rin mawala sa isip ko ang sinabi ni Emma noong gabi ng party. Is he pretending again like what he usually do?

“Hindi libre ‘yon, dude. I almost died! I deserve a reward,” nakangising saad ni Jasper.

Inakbayan siya ni Ryven nang makatayo ito. “Okay then, ako na bahala sa date n’yo ni Ems.”

“What? Binebenta mo ba ako, kuya Ry?” nakataas ang kilay na reklamo ni Emma. Nang tingnan siya ni Ryven ay tumawa lang ito.

“Arte mo. Hindi ka naman kagandahan para ibenta,” asar sa kaniya ni Jasper at ngayon ay silang dalawa na ang nagbangayan. Hmm. Pwede.

Tumayo ako nang may maalala.

“Oh, I almost forgot. Jiro, can we talk?” tanong ko at lahat sila ay napatingin sa akin?

“Woah, what’s the meaning of this?” nagtataka na may halong pang-aasar na tanong ni Jasper.

“Just a friendly talk, excuse us.” Ngumiti ako sa kanila bago naunang maglakad palabas ng bar. Naramdaman ko namang sinusundan ako ni Jiro hanggang sa makarating kami sa parking lot.

“What is it?” tanong niya habang nakatalikod pa rin ako. 

“I want to clarify something between you and my sister,” panimula ko nang hindi pa rin tumitingin sa kaniya.

“So you already know. What is it that you want to clarify?” 

Huminga ako ng malalim bago siya hinarap at pilit na ngumiti. Nakita ko ang pagtataka sa mukha niya nang gawin ko ‘yon.

“This.”

Walang anu-ano’y sinuntok ko ang mukha niya na nagpaatras sa kaniya sa pader at gulat na napatingin sa akin.

“What the fuck!” gulat at pagkainis ang naging reaksyon niya.

“Yes. Fuck you! You deserve more than just a punch for hurting and fooling my sister,” inis na saad ko saka umayos ng pagkakatayo. 

Ito talaga ang ipinunta ko rito. Seeing my sister cried in front of me, ‘yon ang unang beses na nakita ko siyang umiyak at dahil pa sa mokong na ‘to. How dare he hurt my sister. 

“Anyways, act normal in front of everyone like nothing like this happened.” Nginisian ko siya bago tinalikuran at umalis doon.

“Tss, how I wish Fion had seen it. Napaka-protective ko namang ate,” proud na saad ko sa sarili at nakangiting bumalik sa loob.

Taka naman akong tiningnan ng lahat dahil sa nakita nilang reaksyon ko. Pumeke ako ng ubo at umupo sa kinauupuan ko kanina. Pati si Gin ay nagtataka rin nang tingnan ako. Ngumisi lang ako pero hindi pa rin maalis ang taka sa mukha niya.

“Nasaan si Jiro?” tanong ni Jasper sa akin, “don’t tell me nakatikim din siya ng impyerno sa ‘yo,” natatawang saad niya pero hindi ako sumagot. Sa halip ay nagkibit-balikat lang ako na nagpawala ng ngiti sa mukha niya.

“Man, you’re a monster,” nanlalaki ang matang saad niya at sakto namang pagpasok ni Jiro sa loob na ngayon ay halata na ang pasa sa gilid ng labi.

“I knew it! How was it, dude?” natatawang tanong ni Jasper pero si Emma at Ryven ay taka akong tiningnan.

“Matatakot na ba ako sa ‘yo?” pabirong tanong ni Emma.

“You really did that?” tanong ni Ryven habang napapalunok. Nang tingnan ko si Gin ay bigla niyang iniatras ang inuupuan palayo sa ‘kin.

“Why? Wala lang ‘yon,” natatawang saad ko dahil sa mga reaksyon nila. 

“Is this what you mean, Vanna? Friendly sun-talk?” natatawang tanong ni Jasper at nilapitan si Jiro.

“Huwag mo takpan, pre! Sandali, kuhanan ko litrato,” hindi pa rin matigil sa pang-aasar si Jasper at kinuha ang cellphone mula sa bulsa para kuhanan ng litrato si Jiro. Inis naman na iniiwas ni Jiro ang mukha at pilit na tinatakpan ang pasa. 

“Gara mo, pre, suki ka sa suntok ah.” Nagtawanan kaming lahat dahil sa sinabi ni Jasper.

“Shut up!” iritadong suway ni Jiro.

Patuloy pa rin sila sa pang-aasar nang biglang mag-ring ang phone ko. Napangisi ako nang makita ang pangalan ni Fion sa screen. Lumabas muna ako ng room para sagutin ang tawag.

“Guess what I did, Fion,” nakangising saad ko nang sagutin ito.

“You two, come here at Lauriel’s hide out now!” nagmamadaling saad niya na pinagtakhan ko. Bakit sila nasa hideout?

“What happened?” kinakabahang tanong ko.

“You won’t believe this,” sagot niya. Nagsalubong ang kilay ko dahil hindi ko alam kung anong ibig niyang iparating.

“Ano nga?!” inis na tanong ko.

“The traitor! We caught the traitor!”

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Awakening Her Bloodlust   Chapter 75

    “Ahhh!”Hawak-hawak ko ang balakang ko nang pwersahan akong mapaupo sa sahig. Pang-ilang araw na naming training dito pero parang wala pa ring nagbabago sa akin. Gano’n pa rin ako... Mahina.“Tayo!” sigaw ni Selena.Agad ko ring inayos ang sarili ko at muli siyang hinarap. Ngayon ay matalim siyang nakatitig sa mga mata ko na tila ba may hinahanap ito roon.“Show me your wrath!”Mariin ko siyang tiningnan at naghanda na sa susunod na pag atake pero nalalabanan niya iyon lahat.“Kulang pa iyan!” muling sigaw niya at tila ba mas galit pa siya sa akin ngayon.Muli akong sumubok pero wala talaga, sadyang mas malakas siya sa akin at wala na akong magagawa roon!Huminto muna ako at ipinatong ang mga kamay sa tuhod ko habang hinihingal. She's just watching me at tila ba disappointed ito sa mga nagiging kilos ko.“Is that all you’ve got, Fevianna?” she asked, irritated.“Pagod na ak—”“Do I gav

  • Awakening Her Bloodlust   Chapter 74

    I have a bad feeling about this. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Hindi na dapat talaga ako sumama, e!And to that woman, Selena! Bakit kung makatingin siya sa akin ay iba? Para bang handa ako nitong sakmalin anumang oras o kaya naman may binabalak siyang hindi maganda sa akin.I should be careful.Nagpapahinga na kami ngayon sa kaniya-kaniya naming kwarto. Thank God I’m alone now. Ang tanging sinabi lang sakin ni Matthew ay mas mapapalakas ako rito. And I think the person he was talking about na makakatulong sa akin ay si Selena. But what's with her presence?She’s a filipino residing here in England kaya nakakaintindi pa rin siya ng tagalog although mas na-aadapt niya na ang slang dito. And I need to get ready dahil magsisimula na bukas ang training namin. Malakas ang pakiramdam kong iba kung magtrain si Selena, sa presensya niya pa lang ay natitinag na ako, paano pa kaya kung nasa mismong training na kami?Gawa na rin ng sobrang pagod

  • Awakening Her Bloodlust   Chapter 73

    “Are you all set?”Nalipat ang tingin ko sa repleksyon ni Gin sa salamin nang bigla na lang itong pumasok ng kwarto habang inaayusan ko ang sarili ko.I put on my lipstick before I stood up and turn to look at him.“Let's go,” I answered, blankly.Ngayon na ang alis namin at nagdesisyon akong baguhin ang lahat-lahat sa akin.I wore a skin-toned backless crop top and black high waist jeans. Naka-pony tail din ako kaya naman lantad na lantad ang balat ko sa likod.Hindi rin makatingin ng diretso sa akin si Gin na tila ba naiilang ito pero wala na akong pakialam. Inayos ko na lang ang mga gamit ko bago ito binigay sa kaniya. Pero bago pa ako lumabas ng kwarto ay pinagmasdan ko muna ang sarili sa salamin.I smirk as I saw my reflection on the mirror. Who would've thought that I actually became the bitch I didn't what to be?I put on my stilettos and compose myself. Bumagay ang suot ko sa pulang-pulang mga labi ko. A

  • Awakening Her Bloodlust   Chapter 72

    I swear to myself that this will be my last tears. Sawang-sawa na akong makaramdam ng sakit. Sa sunod-sunod na sakit na nalalaman ko ay unti-unti ako nitong minamanhid. And this is what I want...To be numb.Magdamag ko na atang naibuhos lahat ng luha ko dahil kinabukasan ay tila wala na akong maramdaman na kahit ano. Blangko na ang lahat-lahat sa akin. I can't trust anyone anymore, even myself.Or rather... I don't know myself... anymore.Umiling ako saka dumiretso na lang ng banyo para maligo. After doing my morning ritual ay lumabas na rin ako ng kwarto at naabutan pa si Gin na mukhang papunta ng kwarto ko.He stopped for a while when he saw me but later on continue to saunter towards me.“I have something to tell you,” he said.Hindi ako sumagot. Nanatili lang akong nakatayo sa harapan niya habang hinihintay ang susunod nitong sasabihin.“We’re going in England,” he added that immediately fixed my

  • Awakening Her Bloodlust   Chapter 71

    Wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak lang nang umiyak. Luckily, I was alone since Gin gave me time for myself. Hinayaan ko lang ang sarili kong maging mahina at mugtong-mugto na ang mga mata.I can’t even remember if I ate dinner. I just let myself be tired of crying until I fell asleep.Nagising na lang ako dahil sa sunod-sunod na katok sa pintuan.“Are you awake? I brought you food,” rinig ko ang mahinahong boses ni Gin mula sa labas.I was just staring at the ceiling for a few minutes until I heaved a deep sigh.“Come in,” I utter.Maya-maya lang din ay pumasok siyang may dalang tray ng pagkain. He first look at me as if observing me and my next move. “Kumusta ka?” With that question, I froze. Hindi ko alam na sa simpleng tanong lamang na ‘yon ay mahihirapan akong sagutin. I didn’t mean to make its meaning doubled but I just can’t distinguish what kind of question he wanna ask.Kumusta ako physically? Emotionally? Mentally? No. I am not okay, but this will gonna be okay... s

  • Awakening Her Bloodlust   Chapter 70

    Tears are still streaming down my face when I hurriedly hopped inside of Gin’s car. “Lady Fev—”“Let’s go.”He didn’t question anymore when he saw my reaction. Muli niyang pinaandar ang sasakyan at mas malumanay na lang ngayon ang patakbo niya.Later on, he grope something in front and gave me the tissue. I hesitated first from accepting it but this is not the time to higher my pride. Kinuha ko ‘yon at naging tahimik na kami sa buong biyahe habang hinahayaan niya akong ilabas lahat ng luha ko. I am even sobbing but he’s just acting like he can’t hear me so that I can have a privacy.I feel like crying is not enough to ease my madness. I felt like I am enduring the problem of a whole nation. Sobrang bigat sa pakiramdam!I don’t know where he’s taking me but it was like we’re going up a mountain. Hinayaan ko na lang siya dahil sa ngayon ay wala pa akong ganang makipag-usap.Until later on, we stopped at the edge

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status