KABANATA 4

Matapos ang paulit-ulit na pag-angkin sa akin ni Tristyn ay nagluto na agad siya ng umagahan pagkatapos ay naligo upang maghanda sa pagpasok sa trabaho maliban sa akin na hanggang ngayon ay nakahilata pa rin sa kama na tila walang planong pumasok sa flower shop dahil sa pagod at pananakit ng pagitan ng aking hita.

I felt very sore between my thighs. Feeling ko ay hindi ako makakapaglakad nito ng maayos.

"Mas mabuting dito ka na lang sa condo ko para mapanatag ako habang nasa meeting. Kaysa ang pumasok ka na ganiyan ang kondisyon," sambit niya habang inaayos ang kaniyang kurbata.

Bumuntong hininga naman ako bago dahan-dahang tumayo para tulungan siyang ayusin ang neck tie niya.

"At sinong may kasalanan?" tanong ko na ikinangisi naman niya ng malapad kasabay ng paghalik niya sa aking noo.

"I'm sorry for being rough, I just can't help myself when it comes to you and you know that," he said as he gently caressed my cheeks the moment I finish fixing his ties.

His reasons. As always.

"Yeah," sabi ko na lang saka niyakap siya sa kaniyang leeg.

I really love his smell. Hindi yata ako magsasawang amuyin siya araw-araw.

"I love you, Keish." Tristyn lovingly said as he hugged me back.

I love you more, Tris. Yan gusto kong sabihin pero pinipigilan ko ang sarili ko dahil ayokong umasa siya sa akin. At ayoko rin na umasa ako dahil alam kong may katapusan ang lahat ng ito.

At yun ay ang pag-uwi ni ate.

Tumango lang ako bilang tugon habang pinipigilan ang sariling umiyak, ilang minuto kaming nagyakapan bago kami kumalas sa isa't isa.

"Malelate ka na sa trabaho mo," paalala ko na ikinabuntong hininga naman niya.

Here we go again.

"I don't feel like going to work," he said as his lips protruded.

Hinampas ko naman siya sa braso niya at saka ko siya sinamaan ng tingin.

Sinasabi ko na naman bang tinatamad na naman itong pumasok.

"Kung ano man ang binabalak mo, please lang huwag mo nang ituloy. I'm still sore between my thighs from earlier." I said covering myself from his erotic stares.

This man!

"Alright, alright. I gotta go. Dito ka lang, okay? And please, don't you ever dare reject nor ignore my calls or else — you know what I mean."

Yeah, I know that. Isang magdamag na parusa na naman.

"Yes, I won't." I assured him.

He nodded as he lightly kissed me on my forehead down to my lips before he get his things that placed at the top of the bedside table. Hinatid ko na rin siya palabas ng condo niya.

"See you later, babe."

Nang makaalis na siya ay naiwan na akong mag-isa kung kaya ay dumiretso na agad ako sa may kusina para kumain. Ayan kasi, imbes na ako ang magluluto, ay siya na ang nagpresinta dahil hindi ako makatayo kanina ng maayos dahil sa session namin kagabi at kaninang umaga. Hindi kasi titigil pag hindi napagod, eh.

Pagkarating ko sa may dining room ng condo niya ay bumungad kaagad sa akin ang hindi pa nagagalaw na umagahan.

Mukha yatang hindi siya kumain. Nakalimutan na naman niya siguro. Ang taong yun talaga, masyadong makakalimutin. Hahatidan ko na lang nga mamaya.

Pumuwesto na agad ako sa kabisera upang magsimulang kumain, ngunit wala pang ilang minuto na kumain ako ay biglang tumunog ang cellphone ko na nasa living room ng condo. Tumayo na muna ako saglit at tinungo ang living room kung saan nanggagaling ang ingay. Dinampot ko kaagad ang cellphone ko na nasa coffee table at tiningnan ang nasa caller ID.

Mommy calling...

Si Mommy? Bakit naman kaya siya tumatawag?

"Hello, 'Mmy?" bungad ko agad nang masagot ko ang tawag.

(Nasaan ka? Nagvideo call kami ng ate mo kanina, she is looking for you. Pinuntahan kita sa kuwarto mo pero wala ka naman doon,) sambit niya na ikinakabog ng malakas ng puso ko.

"A-ah, pumasok po ako ng maaga dito sa shop. Medyo busy po kasi ngayon dito dahil maraming umuorder ng bulaklak. At saka, tumawag po siya sa akin kanina. Nakapag-usap naman po kami," kagat-labing sagot ko.

Ang hirap. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Sa tuwing naiisip ko ang kasalanang ito ay hindi ko mapigilang kamuhian ang sarili ko.

I keep on telling myself to be strong and just go with the flow but, I can't. Ang hirap-hirap lalo na at sarili kong kapatid ang tinatraydor ko.

(Umuwi ka mamaya ng maaga, ha? Tatawag raw uli siya. Your sister really missed you so much. And pakisabi na lang din kay Tristyn to come over for dinner. Gusto niya rin makita ang Fiancé niya.) Mas lalo namang sumikip ang dibdib ko sa narinig.

Mukha yatang mas masakit pa na makita silang mag-usap mamaya kaysa ang isipin na tinatraydor ko siya.

Ang weird.

Hindi ko na alam kung alin ba ang mas masakit. Ang makita ba silang dalawa na magkasama, o ang panloloko at pagtatraydor na ginagawa namin ng fiancé niya?

"Opo, 'Mmy. By the way, may mga customer pong bagong dating. Aasikasuhin ko po muna. See you later," sagot ko na lang. Nagpaalam na rin siya kaya naman ay binaba ko na agad ang tawag.

Malalim na buntong hininga agad ang pinakawalan ko bago naupo sa sofa ng condo at sumandal sa backrest ng sofa habang minamasahe ang sentido.

Mukha yatang matinding pagpipigil ng emosyon ang gagawin ko mamaya.

Kasalanan mo rin naman, Keish. Kung hindi ka lang sana pumatol sa mapapangasawa ng kapatid mo, hindi nangyayari sa iyo ang bagay na ito. Kung tinigil mo na sana habang maaga pa ang kabaliwang ito, siguro ay hindi na humantong lahat sa ganito.

He won't be able to love you this much the way you love him too.

Ang tanga mo kasi! Ang tanga-tanga mo!

Umayos ako ng upo at pinakalma ang sistema ko.

Instead of fighting with myself, I'd better just cook Tristyn something to eat. He hasn't had breakfast yet so I know he's hungry now. Tiningnan ko ang oras, it's still 9:35 in the morning, siguradong nasa conference room pa s'ya sa mga oras na ito at nagmemeeting.

I got my ass up from the sofa and made my way inside the kitchen. Hinalungkat ko ang cabinets at refrigerator niya to look for something to cook. At hindi naman ako nabigo dahil marami-rami siyang stocks ng pagkain.

Niluto ko agad ang paborito niyang adobo at beef steak. Pinakuluan ko muna ang karne para lumambot bago isinalang sa electric grilled machine.

Matapos ang ilang minuto ay natapos na agad ako kaya naman ay naligo na agad ako para maghanda. Buti na lang at may extra akong damit na nasa drawer ni Tristyn kaya hindi ko na kailangan manghiram ng damit kay Ann. Minsan kasi ay wala akong dalang damit or stocks ng damit dito kaya si Antonette ang takbuhan ko para manghiram ng masusuot. Kahit undergarments ay pinapahiram niya sa akin. Pero hindi niya pa nagagamit. Mahilig kasi siyang magshopping.

At saka, baliw kasi yun. Baka raw kailanganin ko.

Matapos ko maligo at magbihis ay bumalik agad ako sa may kusina para ilagay sa Tupperware ang pagkain na niluto ko. Pagkatapos kong ilagay sa Tupperware ay nilagay ko na agad sa bag saka ako unalis.

At dahil wala akong dalang kotse, nagcommute na lang ako at nagpahatid sa Guevera Holdings Inc. Pagkarating ko doon ay pumasok na kaagad ako at dumiretso sa reception area. First time kong pumunta rito kaya hindi ko alam kung nasaan ang opisina niya. At mas lalong hindi ko alam kung saang palapag.

"What can I do for you, Ma'am?" tanong ng babaeng receptionist habang nakangiti.

"Uh, can I talk to Mr. Guevera?" kinakabahang tanong ko rito.

"Do you have any scheduled appointment to him, Ma'am?" tanong niya ulit saka inopen yung computer na nasa gilid niya at parang may hinahanap na kung ano saka niya kinuha ang telepono at parang may tinatawagan.

Lihim ko namang tinampal ang noo ko.

Ang tanga-tanga ko talaga. Hindi ako nag-iisip agad at basta-basta na lang pumunta rito. Masyado nga pa lang strict ang patakaran ng kompanyang ito. Hindi ka kaagad makakapasok kung wala kang scheduled appointment ng may ari.

"Ah, wala eh. Sige, 'di bale na lang." Aalis na sana ako nang pigilan ako agad ng receptionist.

"Sandali po, Ma'am. Pinapapunta ka sa office ni Mr. Guevera. His office is on the last floor of the building. Isang opisina lang ang nandoon kaya hindi ka na mahihirapang maghanap," sabi nito na ikinangiti ko.

"Sige, salamat."

Wala na akong sinayang na minuto at agad na akong naglakad patungo sa malapit na elevator at pumasok. Pinindot ko agad ang last floor at naghintay ng ilang minuto para makarating doon.

Matapos ang ilang minutong paghihintay ay nakarating na agad ako sa wakas. The moment I stepped out on the elevator, I was greeted by Tristyn who is now leaning on the wall why sternly staring at me.

"Uh, surprise?" I said uncomfortable at his stares.

Sa paraan kasi ng titig niya para akong may nagawang kasalanan.

"Why didn't you tell me that you're coming here? Edi sana nasabi ko agad sa receptionist para hindi ka na maghintay." May himig na inis na sabi niya.

Napakagat naman ako sa labi ko.

"I'm sorry, I forgot." I said apologetically.

"Come here," he said as he offered me his hand, hinawakan ko naman ito bago naglakad palapit sa kaniya.

The moment I stand closer to him, he immediately jailed me on his arms as he kissed me on my hair.

"I cooked you breakfast. Napansin ko kasing hindi pa nagagalaw yung niluto mo kanina kaya inubos ko at pinagluto na lang kita," sabi ko bago kumalas sa pagkakayakap niya.

Bumaba naman ang tingin niya sa hawak ko bago ngumiti.

"Halika na sa loob, gutom na ako." Hinila niya agad ako papasok ng office niya. Pero binati muna kami ng kaniyang secretary bago pa kami makapasok na ikinatango lang niya at ikinangiti ko lang din.

Pagkapasok sa loob ay ililapag ko na agad ang dala kong mga pagkain sa kaniyang coffee table at binuksan iyon isa-isa bago naupo sa sofa.

Napansin ko naman na tinanggal niya ang suit niya pati na ang kurbata kaya naman ay tinulungan ko na siya bago kami naupo sa sofang dalawa.

"Kumain ka na, alam ko na gutom ka na ngayon. Niluto ko yung mga paborito mo," sabi ko na mas ikinalawak ng ngiti niya.

"Pwede na kita maging Asawa," nakangiti niyang sambit na ikinatigil ko.

Kung sana nga ay ako na lang.

"Sige na, kumain ka na," sambit ko na lang.

Nakatitig lang ako sa kaniya habang kumakain siya. Napakaguwapo niya talaga. High bridge nose, stubborn jaw, fluffy eyes. Siguradong isang tingin mo pa lang sa kaniya ay mahuhumaling ka na. Hindi lang yun, masipag, may isang salita at magaling pa magluto. Saan ka pa makakahanap ng ganitong lalaki katulad niya.

Ang swerte ni ate.

"You're spacing out again," bigla akong nabalik sa huwisyo ko nang magsalita siya.

Tapos na pala siyang kumain. Masyado yata akong nalunod sa mga iniisip ko.

"I'm sorry," sambit ko at saka bahagyang ngumiti. "Masarap ba?" tanong ko agad nang mapansing ubos niya ang pagkaing dala ko.

"Of course, kailan ba hindi naging masarap ang luto mo." Natawa naman ako.

"Bolero ka!" sabay hampas ko sa kaniyang braso dahilan upang matawa siya. "Nga pala, pinapapunta ka ni Mommy sa bahay, doon ka raw magdinner," biglang nawala ang ngiti ko nang maalala kung bakit siya doon kakain ng hapunan.

"Sure, why not?" masayang sagot naman niya na ikinangiti ko na lang. Bigla naman siyang naging seryoso nang mapansin ang pananamlay ko. "Why? May problema ba?" tanong niya.

I took a deep breath before I answer. "Tatawag si ate, video call. She wanted to see you."

Bigla namang nag iba ang mood niya sa narinig mula sa akin.

"Pakisabing busy ako," sabi niya bago tumayo at naglakad papunta sa office table niya.

"You're not coming? Why?" I asked him even I obviously know the reason why.

"Tinatanong pa ba ang bagay na yan, Keish? Kaya nga hindi ko na sinasagot ang lahat ng tawag at emails niya dahil gusto ko na siya mismo ang makipaghiwalay sa akin—"

"What the hell, Tristyn? Are you crazy? Sa tingin mo ganun lang kadali yun? Hindi ganun kababaw si ate dahil lang sa ganung dahilan."

"Then what do you wanted me to do!" Bigla akong natigil nang tumaas na ang boses niya dahil sa iritasyon. "Paasahin siya na may babalikan pa siya? Kung ako lang ang masusunod ay matagal ko na siyang hiniwalayan but I respect your decision, Keish! Ganyan kita kamahal!"

Bigla na lang akong natameme sa sinabi niya. Alam kong may point siya. Pero kahit man lang magpakita siya.

"Ngayon lang, Tris." I insisted.

"I don't want to see you hurt, Keishana," he calmly said.

"Ayos lang naman ako. Kaya ko ang sarili ko, Tris. Respeto na lang kina Mommy at Daddy, please?" I beg which made him took a heave which means, he gave up.

"Fine! Basta tandaan mo na ginagawa ko to dahil sa iyo. Come here," utos niya.

Tumango lang ako bilang tugon bago tumayo at nilapitan siya. He immediately wrapped his arms around my waist and let me sit on his lap before he claimed my lips. I could feel his arousal down there.

"I want you," he said that made me break his kiss.

"Tris, not here—"

"Now."

Wala na akong nagawa kung hindi ang magpaubaya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status