CHAPTER 6

Zoe Colette's POV

Mukhang hindi ako hahayaan ni Atlas na makatakas. 

"Manang Faye!" Nabaling ang atensyon ko kay Mia na siyang nagsalita. Galit ang tono nito at nanlilisik ang matang nakatingin sa’kin. 

Anong problema ng batang 'to?

Nabaling ang atensyon ko kay manang na halos madapa na makapunta lang agad

rito sa sala. 

"Ye-yes po, Young Lady?" Natatakot na tanong nito. 

"Pake disinfect nga lahat ng mga ginamit ng basurang babaeng

‘yan." Malditang utos nito. Napataas ang kilay ko dahil sa narinig ko. 

Mukha ba akong virus?

"Hiwalay niyo na rin, ayokong masama ang gamit niya sa mga gamit namin." Malditang wika niya ulit. Tingnan mo nga naman mukhang inuubos ng batang 'to ang pasensiya ko. Kinuha ko yung cellphone at earphone na nakalapag ngayon dito sa lamesa. Nilagay ko sa tainga ni Miles ‘yong earphone tapos pumili ako ng tugtog para hindi

niya marinig ang pagtatalo namin ng mga kapatid niya. Ayokong mahawa ng ka- demonyohan itong si Miles. 

"May mangyayari ba kung gagawin ‘yon ni Manang?" Nakangiting tanong ko rito. Take note, nakakaasar na ngiti ‘yon. "Try to think girl, kung lilinisin ni

manang lahat ng gamit na hinawakan ko sa tingin mo mawawalan ng dumi ‘yon o virus hanggat nandito ako sa bahay niyo?" Malditang tanong ko rito.

Hindi naman ito sumagot sa sinabi ko. "Girl, ang kaartehan nilalagay sa lugar, hindi ‘yong nagpipiling ka lang diyan." Muli kong wika sa kaniya. "Kung sa tingin mo marumi ako, ano ka pa?

Marumi na nga ‘yang physical na kaanyuan mo pati pa naman sa loob." Malditang wika ko pa.

Nangangamatis na ang mukha nito dahil sa sobrang galit. 

Tsk! Akala niya ba hindi ako papatol sa bata? Nagkakamali siya, mali siya nang minalditahan. Kung hindi siya kayang disiplinahin ng kanyang ama, ako ang gagawa.

 "Ate, hindi naman sa nangengealam ako. Hindi kaya masyado nang makapal

‘yang mukha mo?" Nabaling ang atensyon ko kay Mike na nagce-cellphone pa din

hanggang ngayon. "Binihisan ka lang ng daddy namin ng magandang damit. May pinagmamalaki ka na agad? Iba ka rin!" May galit na wika nito.

"Nakuha ka lang naman ni

daddy sa tabi-tabi nagmamalaki ka na? Kami na anak pa ang

pinagmamalakihan mo. Ang kapal ng mukha!" Dagdag na wika nito.

Anong tingin nila sakin kaladkaring babae?! Nag-iinit ang ulo ko sa dalawang 'to. Jusko!

"Umalis kana habang maaga pa. Hindi ka nababagay sa mundo namin. Huwag

ka nang maghabol sa pera ng aming ama dahil wala kang makukuha kahit na piso." Muling wika ni Mike. 

Akala ba nila gusto kong manatili sa bahay na 'to? Lalo na ngayon na alam kong hindi lang pala si Atlas ang demonyo dito sa bahay. 

"Umalis na kayo, huwag niyo ng hintayin pa si daddy na dumating. Bukas ang pinto at malaya kayong makakaalis. Huwag niyong sirain ang magandang imahe ng aming ama." Dagdag na wika niya pa.

Magandang imahe? Ano bang imahe ang nakikita nila sa kanilang ama? Hindi ba nila alam ang ginagawa ng kanilang ama? 

Nakakaawa ang mga batang 'to. Jusko!

Kung alam lang nila ang ginawa ng kanilang ama sa’kin. Matatanggap pa kaya nila si Atlas? Hindi na nila ako kailangan palayasin sa impyernong bahay na 'to dahil

kusa akong aalis dito. Lalong-lalo na hindi ko kailangan ng pera nila. 

Tinawanan ko na lang ang galit na nararamdaman ko. Hindi ko naman sila puwedeng saktan. Baka makasohan pa ako ng child abuse. 

"Gaya ng sinabi mo ayaw niyong madumihan ang magandang imahe ng inyong ama." Natatawang panimula ko. "Ano sa tingin niyo ang ginagawa niyo ngayon

sakin ‘di ba pambabastos yan? Pinag-aaral kayo ni Atlas para magkaroon kayo ng disiplina at matutong gumalang sa nakakatanda sa inyo pero tingnan niyo ang ginagawa niyo ngayon?" Sa pagkakataong ito seryoso ko silang tiningnan. Nanahimik naman sila sa sinabi ko. Ang mga batang 'to lalo lang nilang

pinapapangit ang imahe ng kanilang ama sa’kin. 

Tsk! 

"Sino ngayon ang sumisira ng magandang imahe ng inyong ama, ‘di ba kayo din? Kung makasagot kayo sa’kin daig niyo pang may natapos na at kung husgahan niyo ko parang kayo pa ang nagpapakain at nagpalaki sa’kin. Ganiyan

ba ang pagpapalaking ginawa sa inyo ni Atlas, na maging bastos kayo?!" Galit ngunit may diin kong wika. 

Tiningnan ko sila isa-isa na ngayon ay hindi makatingin ng diretso sa akin. Ang lakas ng loob nilang magmalaki sa’kin wala pa naman silang natapos. Mas lalo tuloy nag-iinit ang dugo ko sa mga batang 'to. 

Pisti!

"Hindi niyo ko kasing edad kaya matuto kayong rumespeto. Hindi porket mayaman kayo gano’n na lang kayo manapak ng kapwa niyo." Muli kong wika. 

Hindi naman sila makasagot sa mga sinasabi ko. Nakayuko lang ito na animoy maamong tupa. 

"Ano pa ang ginagawa niyo rito? Magsi-ayos na kayo ng mga sarili niyo may klase pa kayo na dapat pasukan." Pagkasabi ko no’n mabilis silang tumayo sa pagkakaupo at mabilis na umalis sa harapan ko. Ibinaling ko ang tingin kay manang na mabilis na umiwas nang tingin sa’kin.

Huwag mong sabihin kahit itong si manang na takot sa ginawa ko?

"Manang, puwede na po kayong umalis. Tatawagin ko na lang po kayo kapag

may kailangan kami ni Miles." Mahinahong wika ko. 

Umalis naman ito agad pagkasabi ko no’n. Tinanggal ko na ang earphone sa tainga ni Miles. Nakangiti itong lumapit sa’kin at

kumandong sa hita ko. Inihiga ko ito sa aking hita at hinalik-halikan sa kaniyang leeg na nagustuhan

naman niya. Sunod hinanap ko ang kiliti nito na nasa tagiliran at tiyan niya. Sinimulan ko itong kilitiin. 

Napahalakhak naman ito nang malakas dahil sa ginawa ko. 

"Mommy... tama na po." Tuwang-tuwang wika niya. 

"Ayaw mo na huh?" Nakangiting tanong ko rito. Tuwang-tuwa na umiling ito sakin. 

"Miles, aalis na kami ni Kuya Mike." Napatingin ako kay Mia na siyang nagsalita. Nakatayo ito ngayon di-kalayuan samin. 

Umalis naman si Miles sa pagkakahiga sa hita ko at lumapit sa kanyang Ate at Kuya. Hinalikan siya ng mga ito bago tuluyang

umalis. Muli kong nakita ang pagtaray ni Mia sa’kin. Napailing na lang ako sa

ginawa niya. 

"Manang Faye?" Mahinahong tawag ko. Muli nakita ko ang pagmamadali niyang makapunta agad dito sa sala kung saan

ako naroroon. "Manang, hindi niyo po kailangan magmadaling pumunta rito, kaya ko naman

po maghintay." Nakangiting wika ko dito. 

"Ma-may kailangan po ba kayo madam?" Nauutal na tanong nito.

"Paki-liguan naman po si Miles ang asim niya na po kasi." Nakangiting wika ko pa rin. 

"O-opo ma'am." Nauutal na sagot nito. 

Napakamot na lang ako sa ulo. Sobrang lupit siguro nila sa mga katulong dito. Grabe kasi ‘yong takot ni manang sa’kin. Hindi ko naman kakainin. Hayst!

Nam Sae

Hi guys, just be patient until you reach my last update that I write on the old platform. I will start again from the beginning. I wish you still support me here. Thank you in advice<3

| 2

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status