CHAPTER 12

Zoe Colette's POV 

"Hoyy, Zoe Colette Serpant?!" Napapikit ako ng marinig ang malakas na boses

nito sa aking tainga. 

"Kuya... narinig ko ang sinabi mo. Hindi mo na kailangan pang pumunta rito sa

puwesto ko at isigaw mismo sa tainga ko!" Galit ngunit mariin kong wika. 

"Narinig mo naman pala bakit hindi mo sinagot ang tanong ko

kanina?" Seryosong tanong nito bago naglakad pabalik sa pwesto niya. 

"Kailangan ko pa talagang sagutin ‘yon? Sobrang halaga ba ng

sagot?" Iritableng tanong ko dito. 

"Bunso, bestfriend mo pa rin si Maisha wag mong hayaang masira ang pagkakaibigan niyo dahil lang sa maliit ba bagay." Seryosong wika nito. Hindi ko ito pinansin bagkus nanahimik na lang ako. 

Tsk! Ang galing-galing

magpayo nitong si Kuya Chase pero ‘yong problema niya kay Kuya Haley pinapalaki niya. BWESIT!

"See, kahit kaibigan mo nilalayuan ka na dahil diyan sa pagiging makati mo." Wika ni Mia.

The fuck! Ako pa talaga ang makati? Tatay niya nga itong hayok na hayok makipagsex. Tangina!

"Mia!" Saway ng kanyang ama sa kaniya. 

"Totoo lang naman ang sinasabi ko, dad. ‘Wag niyo ngang ipagtanggol ang babaeng ‘yan!" Galit na wika ni Mia. Bigla niya na lang iniwas ang tingin sa kanyang ama at bahagyang yumuko. Nakita

ko ang pagkagat niya sa kanyang labi. Hindi ko alam kung bakit siya biglang nagka- gano’n, hindi ko pa rin kasi binibigyan nang tingin itong si Atlas. Napahawak naman sa braso ko si Miles at itinago ang mukha roon. Doon ko na

ibinaling ang tingin kay Atlas na nanlilisik ang matang nakatingin kay Mia. Nakita ko na ang ganyang tingin. Ganiyan na ganiyan niya din ako bigyan nang

tingin sa tuwing nagagalit ito. 

Hinawakan ko ang kamay nito dahilan para maibaling niya ang tingin sa’kin. 

Nginitian ko 'to,"It's okay, baby." Malambing kong wika sa kaniya. 

Baby? Bakit ko ba kasi pinagtatanggol ang Mia na 'to? 

Pisti! 

Yawa!

"Naiintindihan ko naman ang nararamdaman niya." Muli kong wika. 

Takte! 

Bakit siya ba naiintindihan ang nararamdaman mo? 

Mag-isip ka naman Colette. Yawa ka!

Mukhang tumalab naman ang ginawa ko dahil unti-unti na itong bumalik sa dating pagiging cold ang itsura. Isang katanungan ang nabuo muli sa aking isip. 

Sinasaktan ba ni Atlas ang kanyang mga anak?

... 

Andito kami ngayon sa sala at nanonood ng tv. Nandito rin sila Mike at Mia na gumagawa naman ng homework nila habang nanunuod ng tv. Habang nakahiga naman sa hita ko si Miles at tahimik ding nanunuod ng tv. Nakasandal naman ang ulo ko rito sa sofa at nanunood din. Nandito din sila Kuya Chase at Mixer, habang si Atlas ayon umakyat sa taas para

magshower. Habang nakatuon ang atensyon ko roon sa pinapanood ko hindi naman mawala sa

isip ko ang naging reaksyon ng mukha ni Mia kanina. Takot na takot ito sa kanyang

ama. Nakita ko rin ang panginginig nito. Kahit si Miles kanina takot na takot kay Atlas. Sinasaktan kaya talaga ni Atlas ang mga bata? Dahil kung hindi niya ito

sinasaktan hindi naman magiging gano’n ang reaksyon nila sa kanilang ama ‘diba?

"Babae, ano na naman ‘yang iniisip mo?" Bumalik ang diwa ko nang marinig ang boses niya. Nakatayo na ito ngayon sa harapan ko at nahaharangan ang tv. 

"Nagbabalak ka na naman bang tumakas?!"

Napapikit ako nang magtaas ito ng boses. 

"Yawa ka! Bakit kasi lagi kang tamang hinala?!" Hindi ko na napigilan ang sarili

ko at nasigawan na siya. Doon ko lang napagtanto na lahat sila natigilan sa kanilang ginagawa at nakatingin sa’kin. Tiningnan ko nang masama si Atlas na binigyan lang ako nang nakakaasar na ngiti

bago umalis sa harapan ko. 

"Mommy, bakit mo po sinigawan si daddy? Galit po ba kayo sa kaniya?" Oo, galit na galit. Sagot ko sa isip. Napaangat ako sa pagkakasandal at ngumiti kay Miles, 

"Nope, baby, naglalambing lang si mommy kay daddy." Pagpapalusot ko. Kinurot ko ito sa

kaniyang pisngi. Binuhat naman ni Atlas si Miles at siya ang pumalit doon sa pwesto ni Miles, siya na

ngayon ang nakahiga sa aking hita habang nakahiga naman sa d****b nito si Miles.

Halos mag kulay-asul ako kakapigil nang sariling hininga dahil sa kabang nararamdaman nang humiga ito sa akin. 

Pisti! 

Yawa!

Muli kong isinandal ang ulo doon sa upuan at ibinaling na lang ang sariling tingin doon sa tv. 

"Daddy, can you help me solve this problem?" Kahit nakatingin ako sa tv pasimple rin naman akong nagmamasid sa kanila. Lumapit si Mia sa kanyang ama

na nakahiga ngayon sa’kin. 

"Nahihirapan po kasi ako, dad" dagdag pa ni Mia. Kahit na kahiga ito sa’kin, tinuruan niya si Mia. Medyo na tagalan nga lang kasi nahihirapan si Mia na intindihan ang itinuturo ni Atlas. Kahit ako nahihirapan

intindihin ‘yon, ikaw ba naman may sariling formal sa math hindi ka ba mahihirapan? 

Putek! 

Sa dami-daming ipapatulong ni Mia e, ‘yong math pa talaga sumasakit tuloy ang ulo ko dahil sa mga naririnig ko. Kahit na gano’n napukaw pa rin ni Atlas ang atensyon ko dahil sa galing nitong magturo. Hindi ko alam kung ilang minuto nang nandoon si Mia pero hindi tinitigilan ni Atlas

si Mia hanggat hindi nito nakukuha ang itinuturo niya na siyang nagpahanga sakin. Masyadong mahaba ang pasensiya ni Atlas pagdating sa kanyang mga anak siguro kung iba lang iyan napikon na sila kay Mia. He's a good father but not a good man. 

"Thank you, daddy." Tuwang-tuwang wika ni Mia at saka hinalikan sa pisngi ang kanyang ama. Muli itong

bumalik sa pwesto niya at pinagpatuloy ang ginagawa. Mabilis akong napatikip sa aking bibig ng mapahigab. 

Takte! 

Inaantok na ako. Bigla na lang namatay ‘yong tv, tumayo naman sila Mia at Mike. 

"Goodnight, daddy." Pagtapos sabihin ni Mia ‘yon naglakad na sila ni Mike papunta sa kanilang mga kwarto.

Tumayo na rin sila Kuya Chase na siyang ipinagtaka ko. 

"Sa wakas makakapagpahinga na rin." Nagpaunat-unat pa siya roon sa pwesto niya bago umalis dito sa sala. 

"Boss, aalis muna ako." Paalam naman ni Mixer. Tumango lang si Atlas dito. 

Anong nangyayari?

Tumayo na rin sa pagkakahiga si Atlas at kinarga si Miles na ngayon ay mahimbing na natutulog. 

"Baby?" Muli niyang inilahad ang kamay sa’kin na siyang ikinagulat ko. Nakasandal pa rin ang ulo ko rito sa sofa at seryoso siyang tinitingnan. Bigla akong kinabahan. Magkatabi kami ngayon matutulog, anong gagawin ko? Hindi siya natulog kagabi sa tabi ko kaya nakatulog ako nang mahimbing. Ngayong tatabi siya sa’kin hindi ko alam kung anong mangyayari. Baka pilitin na naman niya akong makipagsex sa kaniya. 

AH! Anong gagawin ko?

Napatayo ako sa pagkakasandal at naihilamos ang sariling palad sa mukha. Kinakabahan sa mangyayari ngayong gabi. Hinawakan niya ang aking kamay at hinala ako patayo sa kaniya na siyang ikinagulat ko. 

"Babae, masyado kang nagiisip ng kung ano-ano hindi naman ako gano’ng lalaki gaya nang iniisip mo." Pinitik nito ang aking noo dahilan para mapahawak

ako rito. Narinig ko ang mahinang pagtawa nito. 

"Let's go?" Muling niyang hinawakan ang aking kamay. 

Hindi sa malamang dahilan napanatag ang isip at puso ko sa sinabi niya. Pinagmamasdan ko lang ang kamay kong hawak-hawak niya habang naglalakad

kami paakyat sa kwarto ni Miles. Binitawan niya lang ang aking kamay nang ilipag niya si Miles sa kama. Bago ito umalis doon hinalikan niya sa noo ang kaniyang bunsong anak. Ibinaling ang tingin sakin at muling hinawakan ang aking kamay. Hinayaan

ko ang sariling katawan na sumunod sa lalaking 'to.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status