My Little Trophy
My Little Trophy
Author: amvernheart
Prologue

Umikot ang walang lamang bote ng soju na nasa sahig. Nang magsimulang bumagal ang inog nito ay naghiyawan ang mga kabataang nakapalibot ng pabilog. Anim na kabataan ang naroon na pawang nasa edad disinuebe.

Lalong bumagal ang pag-ikot ng bote. Tumapat ang bunganga ng bote sa naka-squat na si Amber. Samantalang ang kabilang dulo nito ay tumapat naman sa bestfriend niyang si Missy.

Napangisi si Missy bago bumuka ang bibig upang magsalita.

"Truth or dare?"

"Dare." Walang alinlangang sagot ni Amber.

Naghiyawan ang apat nilang kasamahan. Malalim na ang gabi ngunit buhay na buhay pa rin ang dugo ng mga ito.

"Bago ah. First time mong mag-dare." Nagniningning ang mga mata ni Missy.

Napanguso na lamang si Amber bago magsalita.

"Eh kasi kapag nag-truth ako, pareho lang ulit ang itatanong mo."

Malutong namang natawa si Missy.

"Alam na this." Nakitawa na rin ang isa nilang kaklase na si Shera.

"Nadala na si Amber. Sigurado kasing magtatanong ka lang ulit sa sex life niya,” sabat naman ni Carlea.

"Truth. Kilala na niya ang budhi mo." Nakipagtawanan na rin Zenny.

Nag-thumbs up naman ang isa pa nilang kaibigan na si Allie.

"Huwag ka kasing manang, okay? Masyado kang pa-maria clara na makarinig lang ng sex organ, nagba-blush na agad." Pinamaywangan ni Missy si Amber.

Napalabi na lamang si Amber sa tinuran ng kanyang bestfriend.

"O sige na dahil nag-dare ka. Heto ang gagawin mo."

May hinugot itong nakarolyong papel sa loob ng bag niya. Pagkakakuha niya ay agad niya iyong inaabot sa kanya.

"Ano 'to?" Gumuhit ang pagtataka sa mukha ni Amber.

"Buksan mo."

Puno naman ng pagtataka na tumalima ito. Maingat niyang binuksan ang nakarolyong papel.

Bumungad sa kanya ang laman nito ng a isang job hiring poster.

Babymaker for hire.

Requirements:

Female only

must be nineteen to twenty-five years old.

Single

At least 5”4'-5”10’ of height

With pleasing personality.

Bring your birth certificate.

Barangay Clearance

NBI Clareance

CENOMAR (Certificate of No Marriage)

No need for educational background

Pwede sa estudyante tambay at professional

Free medical check up

Free house and lodging

Salary is up to fifty thousand pesos per month

Lalong napakunot-noo si Amber nang mapasadahan niya ang laman ng poster.

"Anong gagawin ko dito?" Awtomatiko siyang napatingin kay Missy.

"Mag-apply ka diyan." Walang kagatol-gatol na turan ni Missy.

Nanlaki ang mata ni Amber dahil sa narinig.

"Ano?"

"Wala nang atrasan, nag-dare ka 'di ba?

"Teka nga! Lugi yata ako dito. Ang daming requirements oh." Inilahad niya sa kanila ang poster. "Utusan mo na lang kasi akong manghalik ng kung sino diyan sa tabi."

"Iyong requirements ba? No worries, kumpleto tayo niyan." Muling nagkalkal si Missy sa loob ng kanyang bag. Maya-maya lang ay iniabot nito ang isang envelope kay Amber.

"Kumpleto 'yan. Bukas mo gawin ang task mo. Sasamahan kita para sure akong gagawin mo talaga."

Napangiwi na lamang si Amber.

"Nakakaloka naman 'to. Ang dami namang pwedeng applayan, bakit dito sa baby maker pa?"

"Pinili ko talaga 'yong trabaho na malabong makapasa ka, besm."

Napaawang ang labi ni Amber sa narinig.

"Wow! Thank you, ha?" Sarkastikong turan nito dahilan para magtawanan ang grupo.

"Patingin nga ako niyan." Kinuha ni Carlea ang hawak na poster ni Amber. Nang makuha niya iyon ay sumilip din ang iba nilang mga kaibigan.

"Besm kilala mo ba kung sinong may-ari ng Villarcorda group of companies" Kaagad siyang napabaling kay Zenny dahil sa tanong nito.

"Hindi." Marahan siyang umiling.

"Gagi! Taga-saang planeta ka ba?" Bulalas naman ni Allie.

Napanguso na lang si Amber.

"Arat na sa application na 'yan besm. Kahit masilayan mo lang si Fafa Indigo panalo ka na ." Udyok sa kanya ni Zenny.

"Ang OA niyan ah." Komento niya.

"Naku besm, sabihin mo na lang 'yan pag nasilayan mo na ang Fafa." Nagkibit balikat na lamang si Amber sa tinuran ni Zenny.

"Ano na, Amber? Alas otso bukas, ha? Walang atrasan 'to. Tandaan mo, kusa kang nag-dare," saad ni Missy.

"Sige na nga."

"Huwag mo akong echosin. Talagang who you ka sa'kin kapag di ka sumipot bukas." Banta nito sa kanya.

"Oo na, madam!"

****

Nagising si Amber dahil sa sunod-sunod na pagtunog ng kanyang cellphone. Napaungol na lang siya bago kapain ang cellphone na nasa ilalim ng kanyang unan.

["Ano na Amber? Na'san ka na? Pass nine na. May plano ka ba pang pumunta o pinaghihintay mo na lang ako sa wala."]

Tila nagising ang diwa nito sa narinig. Muntik na niyang nakalimutan na may usapan silang magkaibigan.

["Naku! Ikaw talaga. Sinasabi ko na sa'yo. Who you ka talaga sa'kin 'pag 'di ka sumipot.]

Ramdam niya ang panggigigil ni Missy sa kabilang linya.

"Nine na ba?" Napasapo na lang siya ng ulo.

"Sorry. Tinanghali ako ng gising. Ligo lang ako then punta na ako diyan."

["What? Huwag ka ng maligo, besm. Maghilamos at mag-toothbrush ka na lang."]

Napangiwi na lamang si Amber sa narinig.

"Sige. Baba ko na muna ito. Hintayin mo ako, pupunta ako diyan."

Nang makalipas ang mahigit trenta minutos ay dumating na ang hinihintay ni Missy.

At para siyang nawalan ng lakas nang makita niya ang ayos ng kaibigan.

"Taena! Ba't ganyan ang ayos mo?"

Nakasuot ito ng pajama na kulay pink. May disenyo iyong malilit na hello kitty. Naka-messy bun lang ito.

Napaisip tuloy si Missy kung nagsuklay man lang ba ang kaibigan niya.

"Ikaw kaya ang nagsabi."

Napahampas na lang siya sa hangin.

"Fine! Fine!"

"At saka dare naman 'to. Mabuti nga 'to para ma-reject ako agad," turan ni Amber.

Sa isip-isip ni Missy, nasaad niyang napakaganda ng kaibigan niya pero kulang lang talaga ito sa ayos.

"Sige na nga. Halika na."

Napabuntong-hininga na lamang si Missy nang magpatiuna siya sa pagpasok sa matayog na gusali ng Villacorda Group of companies.

At tila may bato-balani ang kaibigan niya dahil lahat ng nakakasalubong nila ay napapatingin dito. Hindi nga lang mawari ni Missy kung dahil sa natural na ganda ng kaibigan niya o dahil sa suot nitong pajama.

"Hi. Saan pwede mag-a-apply para dito?" Nakangiting inilahad ni Missy ang poster sa harap ng receptionist.

Saglit siyang tinitigan ng babaeng nakasuot ng magkaternong dark blue na blouse at skirt.

"Name niyo, ma'am?"

"Ah hindi ako. Itong friend ko ang mag-a-apply."

Mabilis na bumaling ang babae kay Amber. At hindi nakaligtas sa paningin ng magkaibigan nang hagurin niya ito ng tingin.

"N-Name niyo po?" Tila nag-aalangan pang tanong nito.

"Amber Velez po."

Nagtipa ito sa computer na nasa harap niya. Maya-maya lamang ay muli siyang binalingan ng babae.

"Na'san po 'yong requirements niyo, ma'am?"

Mabilis na iniabot ni Missy ang envelop sa babae.

Sinuri ng babae ang laman ng envelop na dala niya. Kitang-kita nila na inisa-isa nito ang laman nito.

Maya-maya lang ay may tinawagan ito. Hindi nila naririnig ang sinasabi ng nasa kabilang linya. At wala silang narinig na sagot mula sa receptionist kundi pawang yes sir at noted sir.

Nang matapos ang tawag ay bumaling ito sa kanya. Ngumiti rin ito sa kanya, ngiting hindi abot sa mata.

"Congratulations, Miss Velez. You're hired!"

Comments (3)
goodnovel comment avatar
Fel
very nice chapter pho
goodnovel comment avatar
Nalngabac
Nice beginning po
goodnovel comment avatar
Liza
Nice story ...️...️ I love the female lead's personality ............ Nakakatuwa ............ Nakakaaliw .........
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status