Sandali siyang tinitigan ng dalaga. Kitang-kita rin niya kung paano nanlisik ang mga mata nito bago muling humakbang para sundan ang kanyang ina.
"Ma!"
Kaagad siyang sumunod kay Amber at hinawakan ang kamay nito upang pigilan.
"Amber! Huwag mo na siyang sundan, please lang, baka saktan ka lang niya ulit."
Marahas naman nitong tinanggal ang kamay niyang nakahawak sa kanya.
"Utang na loob, Indigo! Pwede bang pabayaan mo ako!"
Muli itong humakbang pero mabilis niya itong hinarangan sa daraanan niya.
"Amber, I am just concern to you."
Itinulak siya nito sa kanyang dibdib pero hindi naman niya ininda iyon.
"Kung totoong concern ka, hayaan mo akong sundan si mama. At please lang, huwag ka ring sumunod. Hayaan mong makausap ko ang magulang ko."
Marahas niya itong binangga sa balikat at saka siya nilampasan.
Napabuntong-hininga na lang niyang sinundan ang babae.
"Pero hindi ko naman makakayang pabayaan ka na lang, Amber. Baka saktan ka nila."
Muli siyang nilingon ng babae.
"Sarili ko silang pamilya, hindi nila ako sasaktan."
"Pero--"
"Kailangan ko silang kausapin, Indigo. Pabayaan mo na lang ako please."
Napabuga na lang siya ng hangin.
"Alright! Pero hayaan mo sanang samahan ka ng isa sa driver."
Nagdesisyon na lang siyang hayaan ito at baka lalo lang tumindi ang galit nito sa kanya.
Hindi naman umimik ang babae. Nagputuloy lang ito sa paglabas ng bahay. Nang tuluyang makalabas ng pinto ng mansiyon ang babae ay sinenyasan na lang niya ang tauhan niyang sundan ito.
Nakita niyang sandaling nag-usap ang dalawa.
Nakahinga siya ng maluwag nang makita niyang sumakay si Amber sa itim na Porsche na minaneho ng tauhan niya.
Labis man siyang nag-aalala ay pilit na lang niyang kinampante ang sarili at itinatak sa isip na hindi ito papabayaan ng kanyang tauhan.
Ilang sandali pa siyang nanatili sa malaking pintuan at pinanood ang paglayo ng sasakyan. Nang tuluyan na itong mawala sa paningin niya ay naisipan niyang pumunta sa silid na inuukopa ni Amber.
Parang hinaplos ang puso niya nang makita ang cute na cute na batang natutulog.
Sa totoo lang, kanina pa niya gustong yakapin ang bata.
Hindi niya inakalang makakabuo sila mula sa palihim na artificial insemination na isinagawa noon sa babae.
Napaisip tuloy siya kung iyon ba ang dahilan kung bakit galit na galit sa kanya si Amber.
Kung nalaman lang niya ng mas maaga, noon pa sana niya pinairal ang dahas para lang makuha ito.
Kung mas maaga lang niyang nalaman, nagawa sana niyang alagaan ito habang nagdadalang-tao. Nasaksihan sana niya ang paglaki ng kanilang anak.
Tila bumalik siya sa reyalidad nang mapansin niya ang paggalaw ng batang natutulog sa kama. Sa pag-iisip niya ay hindi niya namalayan ang paglipas ng oras.
Maya-maya ay nagkusot ito ng mata. Kitang-kita niya ang pagnguso nito kasabay ng paglibot ng kanyang paningin sa paligid. Hanggang sa madako ang tingin nito sa kanya.
"Hi, kiddo." Pinilit niyang nginitian ito.
Lalo naman itong bumusangot.
"Ikaw 'yong bad guy."
"I'm not bad, kiddo. Ako ang daddy mo."
Pinanliitan niya ito ng mata.
"Bakit mo kami kinuha ng mama ko?"
"Kasi love ko kayo."
Ilang sandali siyang tinitigan ng bata na parang sinusuri ang mukha nito.
"We have same color of eyes."
"Kasi nga daddy mo ako."
Tumayo ito sa kama at humalukipkip. Nagsalubong din ang dalawang kilay nito.
"Mayaman ka po ba?"
"Yes." Marahan siyang tumango kahit nagulat siya sa tanong ng bata.
"Kaya mo akong bilhan ng maraming toys?"
"Siyempre naman. Name what you want then I will give it."
Pinamaywangan siya nito at saka pinakatitigang mabuti.
"Rich ka ba talaga? Baka ginogoyo mo ako?"
Mahina siyang natawa dahil sa tinuran ng bata.
"Ang tatay Tado ko, hindi siya rich pero lagi niya akong binibili ng toys at ice cream."
Hindi naman niya naiwasang mapakunot-noo sa tinuran ng bulilit.
"Tado? Who's that?"
Gumuhit ang pilyong ngiti sa labi ng bata.
"Selos ka ba?" Bumungisngis ito. "Don't worry, you're far handsome than him."
Siya naman ang napangiti dahil sa sinabi nito.
Maya-maya ay sumeryosong muli ang mukha ng bata.
"Pero love na love kami ng tatay Tado ko."
"Mas love na love ko kayo."
Hindi naman ito umimik. Sa halip muli lang siya nitong tinitigan.
"Pwede mo ba akong tanggapin bilang daddy mo?"
Napanguso ang bata.
"Depende kung kaya mo kaming buhayin ng mama ko."
Bago siya makaimik ay muli itong nagsalita.
"May work ka ba?"
"Oo naman."
"Ano namang work mo?"
"I'm a business man. I'm rich. I own a company."
"Hindi na ba mahihirapang mag-work ang mama ko kapag naging daddy kita?"
"Hindi na baby."
Hindi ito umimik. Lumapat ang kamay ito sa kanyang baba at umakto na parang nag-iisip.
"Gusto mo na ba akong maging daddy?"
"Hmm. Pinag-iisipan ko pa."
Maya-maya lang ay muli itong tumingin sa kanya.
"Siyempre depende pa rin kay mama. Pero kung ako pipili ng Daddy ko, gusto ko 'yong maraming pera."
"Marami akong pera."
"Dapat 'yong may maraming car din."
"Marami din ako no'n."
"Dapat may malaking house din."
"Meron din ako no'n."
Humakipkip ito at muli siyang tinitigan.
"Pasado ka naman kaso baka ligwak ka sa mama ko."
Hindi na niya nagawang umimik nang bumukas ang pinto. Pumasok mula roon si Amber. Napatayo siya nang makita ang ayos nito. Magulo ang buhok nitong nakapusod. Pulang-pulang ang kanyang pisngi nito. May maliit rin siyang sugat roon. Kita rin ang maliit na sugat sa kanyang bibig."
"Mama!" Mabilis na bumaba ang bata sa kama at patakbong sinalubong si Amber.
"Mama, what happened? "
Gumuhit ang ngiti ni Amber habang nakatingin sa bata.
"Huwag mo akong intindihin baby. Ito ang bagong trend ngayon. Ganito ang hairstyle ng mga magaganda."
"You have bruises."
"Wala ito baby. Bagong make up 'to ng mga dyosa."
Napunta ang tingin sa kanya ni Amber.
"May damit ba diyan na pwede kong pamalit?" Mahinahon na ito.
Kahit nagulat siya ay nagawa naman niyang sumagot.
"Oo." Sinabayan niya iyon ng tango.
Kumilos ang bata at pumunta sa gitna nila. Hinawakan din nito ang kamay ng kanyang ina upang kunin ang atensiyon nito.
"Mama, this guy, gusto niyang maging Daddy ko siya."
Bumuntong-hininga ang babae bago umupo upang pantayan ang kanyang anak.
"Siya talaga ang Daddy mo, anak."
"Eh pa'no na si mayor, mama? Lagi niya tayong binibigyan ng ayuda. Baka ma-hurt siya. Sabi pa naman ni tatay Tado super love tayo ni mayor."
Mahinang napabuntong-hininga si Amber.
"Lahat ng tao, love ni mayor, anak."
"Pa'no naman ang tatay Tado? Love din niya tayo."
"Iba ang tatay Tado mo, anak. Pwede mo siyang maging tatay pero di mo siya pwedeng maging Daddy."
"Edi sige, siya na lang ang Daddy ko kung 'di na pwede si mayor at si tatay Tado."
"No choice ka talaga, baby. Siya talaga ang ama mo."
Lumingon naman sa kanya ang bata. Gumuhit din ang pilyong ngiti sa labi nito.
"Narinig mo 'yon? Daddy na raw kita, ibili mo na ako ng toys. Marami hah?"
Nakangiti naman siyang tumango sa bata.
"Can you give me a hug?"
Agad naman bumaling ang bata kay Amber, tila nanghihingi ng permiso.
"Sige na, hug mo na siya."
"Hug kita pero bili mo akong ice cream, hah?"
Tinanguan na lang niya bata. Parang maluluha siya nang yumakap sa kanya ang bata.
Nang tumayo si Amber ay hinabol niya ito ng tingin.
"Salamat." Puno ng sinseridad iyon. Walang pagsidhan ang kanyang saya dahil kaharap niya ngayon ang kanyang mag-ina.
Nagkibit-balikat naman ang babae bago tinungo ang walk in closet.
Sinundan na lang niya ito ng tingin.
Hiling niya, sana ay dumating na ang araw na pakikisamahan siya nito ng maayos.
Bago ito tuluyang pumasok sa loob ay muli siyang lumingon.
Nagtama ang mga mata nila.
"Nakapagdesisyon na ako. Payag na akong magpakasal sa'yo."
Hello, everyone! Bilang pasasalamat sa inyong pagtangkilik sa My Little Trophy, handog ko sa inyo ang special chapter na ito. Special dedication to Sally Aragon Llanillo, Victor Borja, Saima Bunka, Mar Formentera Ostria, Jamleedar Pautin Daromimbang, Ronel Derama, Nieves Gawat Juvy, Analiza Monterey, Fel, Pring Ogra at Flory Tamtam. ---------------------------------------- "Tatay Tado, saan po tayo pupunta? Baka po hanapin ako ng mama ko." Nakangusong niyugyog ni Hyde ang kamay ni Tadeo na hawak-hawak niya upang makuha ang atensiyon nito. Kaagad naman siyang nilingon nito ngunit hindi pa rin ito tumigil sa paglalakad. "Sandali lang naman tayo eh." Tila balewalang turan nito. Lalo namang napanguso si Hyde. "Baka magalit ang mama ko." Ungot niya na muling niyugyog ang kamay ni Tadeo. Huminto naman ang lalaki sa paglalakad at saka hinarap ang bata. "Huwag kang mag-alala, sagot kita." Lalo namang humaba ang nguso ng tatlong taong gulang na si Hyde. "Eh saan po ba kasi tayo p
Iginala ni Ashton Blumentrint ang tingin sa loob ng mausoleo. Nasa five by five meters ang lawak nito. Gawa sa kulay itim na marmol ang sahig. Sa pinakadulo ay makikita ang isang nitso. Sa magkabilang gilid nito ay makikita ang rebulto ng dalawang anghel. Gawa sa salamin ang magkabilaang dingding nito dahilan upang makita ang namumukadkad na mga bulaklak na nasa labas. Nagsimulang humakbang palapit si Ashton patungo sa libingan. At habang papalapit siya ng papalapit ay tila tumitindi ang kirot sa puso na kanyang nadarama. "We missed you so much our beloved." Mabigat ang dibdib ni Ashton na ipinatong ang isang bungkos ng puting chrysanthemums sa lapida ng kanyang minamahal. "I'm so sorry." Mahinang usal niya, puno iyon ng sinseridad. Kaagad rin niyang naramdaman ang paghapdi ng kanyang mga mata. "I am very sorry, kasalanan ko ang lahat ng 'to." Tila naluluha niyang turan. Nagpakawala siya ng hangin upang gumaan ang bigat ng dibdib na kanyang nadarama. Sandali ring siyang tum
Mahigpit na hinawakan ni Ashton ang kamay ni Amber. "Please stay awake, Amber. Be strong for us." Lumuluhang dinampian ni Ashton ng halik ang likod ng kamay ng kanyang misis. "A-Ashton."Naghihina at hirap na hirap na saad ni Amber. " Ang m-mga ba-ta" "They are very safe, my beloved. Don't worry about them, okay?" Mahinang umungol si Amber bilang tugon. Lalo namang umusbong ang pag-aalala ni Ashton. "Drive even faster, Tadeo. Masyado nang maraming dugo ang nawala sa asawa ko." "Opo, master." Nang muling ibalik ni Ashton ang tingin sa kanyang misis nagtama ang kanilang mga mata. "A-Ashton." Kitang-kita ni Ashton Blumentrint ang panunubig ng mga mata nito. "Ma-hal k-kita, tanders. Ma-hal n-na m-ma-hal." Lalo namang naluha si Ashton gayunpaman ay pinilit pa rin niyang magsalita. "If you love me, fight, Amber. Malapit na tayo sa hospital kaya kapit ka lang, okay?" Hindi umumik ang kanyang misis, sa halip ay ipinikit nito ang kanyang mga mata. Kitang-kita ang paghihirap n
Nang bumaling si Amber sa kanyang mister ay nakita niyang sapo-sapo nito ang kanyang balikat. Lalong nag-alala si Amber nang makita niya ang pag-agos ng dugo mula roon. "Ashton!" Mangiyak-ngiyak siyang humawak sa balikat ng kanyang mister. "I'm alright, my beloved." Hinawakan naman ng isang kamay ni Ashton ang kamay ni Amber na nasa kanyang balikat at saka marahang pinisil iyon "Ang sweet." Mapaklang turan ni Dindi dahilan upang pareho silang mapatingin sa kanya. "Pero sayang dahil malapit nang magwakas ang kwento niyo. At sisiguraduhin kong magtatapos iyon sa trahedya!" Mariing saad nito habang matalim ang titig sa kanila. "Please don't do that, Dindi." Puno ng sinseridad na turan ni Ashton ngunit hindi naman siya pinakinggan ng babae. Sandaling dumako ang tingin nito kay Amber, unti-unti ring gumuhit ang lungkot sa mga mata nito bago nito ibalik ang tingin kay Ashton. "Buong akala ko noon, si Amber na ang magiging daan upang maisakatuparan ko ang paghihiganti ko. Buong ak
Pinagpawisan ng malapot si Amber. Matapos niyang marinig ang usapan sa cellphone nina Dindi at ang kanyang mister ay wala siyang sinayang na sandali. Mabilis niyang tinungo ang pintuan ng sala. Ngunit gano'n na lamang ang panunuyo ng kanyang lalamunan nang hindi niya mapihit ang doorknob. "Saan ka pupunta, Lady? Gabi na po para lumabas ka pa." Tila tumigil ang ikot ng kanyang mundo sa narinig. Gayunpaman ay pilit niyang kinalma ang kanyang sarili bago niya hinarap ang katulong. Pinilit niyang ngumiti upang huwag itong makahalata. "Gusto ko sanang magpahangin." Hindi naman umimik si Dindi. Nanatili lamang itong nakatitig sa kanya. "Buryong-buryo na kasi ako sa loob eh. Gusto ko sana magpahangin at mag-star gazing." Pinilit lawakan ni Amber ang kanyang ngiti ngunit nanatili namang seryoso ang mukha ng babae. "Sana tinawag mo ako, Lady." Hindi naman nabura ang pekeng ngiti sa labi ni Amber kahit tila sasabog na ang puso niya sa lakas ng kabog nito. "Akala ko kasi tulog ka n
Walang sinayang na sandali si Ashton Blumentrint. Kahit tila naghihina siya sa natuklasan ay pinilit niyang magpakatatag. Aniya, walang mangyayari kung hindi siya kumilos. Kaagad niyang inayos ang camera na gagamitin niya sa kanyang live video sa iba't-ibang social media sites. Sa kabilang panig, napaayos naman ng upo si Dindi sa kanyang nakita sa screen ng kanyang cellphone. Blumentrint Villacorda is live. Makikita sa video ang nakaupong si Ashton sa kanyang swivel chair. Bagama't limitadong parte lamang ng lugar ang makikita sa video ay makukuhalang nasa loob siya ng study roon o opisina. Makikita ang magulo nitong buhok at nangingitim na ilalim ng mata, tanda na wala itong matinong tulog. "Hello, everyone. I know that most of you knows me. Pero magpapakilala pa rin ako. I am Ashton Blumetrint Villacorda, ang bunsong anak ni Flacido Villacorda. I am also the owner of ABV Empire. I know, I have my name in the business industry but today I wanna stoop down and sincerely give my ap