Naalimpungatan si Amber dahil sa magaang sampal sa kanyang pisngi. Nang magmulat siya ng kanyang mga mata ay bumungad sa kanya ang tatlong taong gulang na batang lalaki. Comb over fade ang istilo ng gupit nito. Manipis lang ang itim na itim na buhok ng bata. Makinis at maputi ang balat nito. Unang tingin pa lang ay mahuhulaan na agad kung saang angkan ito kabilang dahil sa kulay kayumanggi nitong mga mata.
Anang sarili, kaygaling rin ni Dark Indigo, isa siyang walastik sharp shooter.
Kung mayroon man siyang pinagpapasalamat sa nangyari, iyon ay ang pagdating ni Hyde sa buhay niya.
Galit siya sa ginawang pananamantala sa kanya ngunit kailanman ay hindi siya nagtanim ng galit sa bata.
Para sa kanya ay isang biyaya ang pagdating ni Hyde. Ito ang kanyang lakas, ito ang pinakamahalagang bahagi ng buhay niya.
Muli niyang ipinikit ang kanyang mga mata. Inaantok pa rin ang kanyang diwa.
"Tulog muna tayo baby tutal day off ko naman."
Naramdaman niya ang paghila ng bata sa kanyang kamay.
"But Mama, we need to pack our things! The bad guys are outside the house."
Tila sa isang iglap ay nagising ang dugo ni Amber dahil sa narinig. Awtomatiko siyang napabalikwas ng bangon.
"Anong sabi mo?" Hindi niya naitago ang panlalaki ng mga mata.
"The bad guys are outside the house. They are looking for you."
Kung gano'n! Nasundan na naman sila?
"Dali na baby! Kunin mo 'yong mga importanteng gamit mo." Bumaba siya ng kama at kinuha ang isang back pack. Pumunta siya sa kabinet at basta na lang ipinasok sa loob ng bag ang mga nadampot niyang gamit.
"My things are already on my bag, Ma. Ang tagal mo po kasi magising eh."
Nilingon niya ang anak bago niya isara ang back pack.
"Good boy. Nasa'n ang uncle Tado mo?"
Bago makasagot ang bata ay bumukas ang pinto ng kwarto nilang mag-ina. Iniluwa no'n ang kanyang hinahanap. Pumasok mula roon si Tadeo Miguero. May dala rin itong back pack.
"Tado! Nasundan na naman tayo."
"Oo, Miss. Kailangan nating makalabas agad. Naka-ready na ba ang mga gamit niyo?"
Bago pa siya makaimik ay nakita na nito ang isang traveling bag na pinaglagyan ni Hyde ng kanyang gamit. Mabilis na lumapit si Tadeo at kinuha nito ang bag.
"Tara na, Miss! Sa likod tayo dadaan." Akmang susunod na sila kay Tado nang umalingawngaw ang malakas na putok ng baril.
"Hyde!" Mabilis niyang niyakap ang tatlong taong gulang na bata.
Awtomatiko ring napunta ang tingin niya kay Tado kasabay ng pagguhit ng gitla sa kanyang noo.
"Bakit may barilan?"
"Hindi ko rin alam, Miss. Ang tanging nakita ko lang ay ang pagdating nila."
Sa loob ng apat na taong pagtatago nila at paglipat-lipat ng lugar ay ngayon lang naranasan ni Amber ang ganito. Madalas niyang makitang may dalang baril ang mga tao ni Dark Indigo ngunit ngayon lang humantong sa barilan.
Halos tatlong beses sa isang taon kung lumipat sila ng bahay dahil palagi silang natutunton ng mga tauhan ni Dark Indigo.
Labis naman niyang pinagpapasalamat dahil sa nakalipas na apat na taon ay hindi sila iniwan ni Tado.
Milyon na siguro ang utang niya sa lalaki dahil kahit minsan ay hindi siya nagbayad kahit singkong duling.
Muli silang nakarinig ng palitan ng putok kaya lalong humigpit ang pagkakayakap niya sa anak.
"Mama, natatakot po ako. "
"Huwag mong pansinin 'yon, baby. Napalakas lang ang volume ng TV ng kapitbahay."
"Huwag kayong lalabas, Miss. Mas safe kayo rito. Titignan ko lang kung anong nangyayari sa labas."
Bago pa siya makaimik ay binitawan na ni Tado ang bag at mabilis ang hakbang na tinungo ang pinto ng silid.
Muli pa silang nakarinig ng putok ng baril kaya naman napakubli na lang sila sa sulok at lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa kanyang anak.
Ilang sandali pang nagpatuloy ang putukan ng baril hanggang sa unti-unting nawala.
Nabalot ng katahimikan ang paligid.
Tapos na ba? Wala na ba ang mga tauhan ni Indigo?
Maya-maya lang ay marahas na bumukas ang pinto ng kanilang silid.
Nang mapunta ang tingin niya roon ay bumungad sa kanya ang matangkad na lalaki. Undercut pa rin ang gupit nito pero wala na ang artipisyal na kulay. Tila nag-matured rin ang hitsura nito ngunit walang duda, kaykisig pa rin talaga ng lalaki.
"Indigo." Hindi na niya napigilan ang pangingilid ng kanyang luha. Tila biglang bumalik ang takot na kanyang nadama noon.
Anang sarili, wala na! Game over na!
Dumating na ang araw na labis labis niyang kinatatakutan.
"I finally found you." Walang kaemo-emosyon ang kulay kayumanggi nitong mata habang nakatitig sa kanya.
Umiling-iling na lang si Amber kasabay ng patulo ng luha niya.
"Stop your kind of game. Let's go home, now."
"Pabayaan mo na lang kami, Indigo." Puno ng pagmamakaawa ang mga mata nito. "Hayaan mo na lang kaming mabuhay sa klase ng buhay na mayroon kami."
Nag-igting naman ang panga ng lalaki.
"Kung ayaw mong sumama. Isasama ko ang anak ko sa'kin." Inilang hakbang nito ang pagitan nila at marahas na inagaw ang bata sa kanya.
"Mama!"
"Parang awa mo na, Indigo. Huwag mong gawin sa'kin 'to." Lalo siyang napaiyak.
"Mama!" Iniabot ng bata ang kamay niya ngunit bago pa niya maabot iyon ay nailayo na siya ni Indigo.
Nilingon ng bata si Indigo. Kitang-kita ang pamumula ng mga mata nito dahil sa galit.
"Let me go, pangit!"
Agad na napunta sa bata ang tingin ni Dark Indigo. Lumamlam ang mga mata nito.
"Sinong pangit, kiddo? Ako ba? Ako lang naman ang Daddy mo." Hindi naman siya tunog galit. Parang kaswal lang itong nakikipag-usap sa bata.
"Wala akong Daddy!" Kumawag-kawag ang kanyang anak.
"Pwes ngayon, meron na."
Muli siyang tinapunan ng tingin ni Dark Indigo Villacorda. Nabura ang emosyon nito sa mata at nag-igting ang kanyang panga.
"Isasama ko ang anak natin, Amber. Na sa'yo na kung sasama ka o hindi."
"Ayoko sa'yo! Bad ka! I don't like you!" Pinagpapalo siya ni Hyde sa dibdib nito pero tila hindi naman iyon ininda ng lalaki.
"Mama!" Pumalahaw ng iyak ang bata nang magsimulang humakbang si Indigo paalis habang karga-karga ang bata.
"Hyde, baby." Tila kusang humakbang ang mga paa ni Amber pasunod sa kanyang mag-ama.
Nang makalabas sila ng bahay ay para siyang nawalan ng lakas sa nakita. Nakabulagta sa labas ang mga taong may tama ng mga baril. Kinilabutan siya nang makita niyang duguan ang mga ito. Naramdaman niya ang panginginig ng tuhod nang makilala niya ang ilan sa kanila, walang iba kundi ang ilan sa mga kapit-bahay nila.
Sa hitsura ng mga ito ay hindi maitatangging patay na ang mga ito.
Lalo tuloy tumindi ang galit na nadarama niya para kay Indigo Villacora.
Ngunit ang puot na kanyang nadarama ay napalitan ng takot nang maalala niya si Hyde. Kaagad napunta ang kanyang tingin sa kanyang anak.
Kahit papaano ay nakahinga siya ng maluwag nang makitang tinakpan ni Indigo ang mata ng bata gamit ang kamay nito.
Iginala niya ang paningin at pilit hinanap kung nasa'n si Tado.
Hindi niya maiwasan ang mag-alala sa maaaring sinapit ng lalaki.
Nang makapasok siya sa loob ng Van ay kaagad iyong isinara ng tauhan ng lalaki. Noon na rin pinakawalan ni Indigo ang bata. Mabilis naman lumapit sa kanya ang anak at niyakap ito.
"Let's talk about our son, Amber." Mahinahon na ang tinig nito.
Hindi siya umimik. Nanatili lang siyang nakayakap sa anak habang hinahagod ang likod ng bata.
"He will have what he deserved. Walang bastardo sa pamilya namin. Ibibigay ko sa kanya ang apelyido ko."
Hindi pa rin kumibo ang babae. Ni hindi siya nito tinapunan ng tingin.
"Whether you like or not! We will get married."
Hello, everyone! Bilang pasasalamat sa inyong pagtangkilik sa My Little Trophy, handog ko sa inyo ang special chapter na ito. Special dedication to Sally Aragon Llanillo, Victor Borja, Saima Bunka, Mar Formentera Ostria, Jamleedar Pautin Daromimbang, Ronel Derama, Nieves Gawat Juvy, Analiza Monterey, Fel, Pring Ogra at Flory Tamtam. ---------------------------------------- "Tatay Tado, saan po tayo pupunta? Baka po hanapin ako ng mama ko." Nakangusong niyugyog ni Hyde ang kamay ni Tadeo na hawak-hawak niya upang makuha ang atensiyon nito. Kaagad naman siyang nilingon nito ngunit hindi pa rin ito tumigil sa paglalakad. "Sandali lang naman tayo eh." Tila balewalang turan nito. Lalo namang napanguso si Hyde. "Baka magalit ang mama ko." Ungot niya na muling niyugyog ang kamay ni Tadeo. Huminto naman ang lalaki sa paglalakad at saka hinarap ang bata. "Huwag kang mag-alala, sagot kita." Lalo namang humaba ang nguso ng tatlong taong gulang na si Hyde. "Eh saan po ba kasi tayo p
Iginala ni Ashton Blumentrint ang tingin sa loob ng mausoleo. Nasa five by five meters ang lawak nito. Gawa sa kulay itim na marmol ang sahig. Sa pinakadulo ay makikita ang isang nitso. Sa magkabilang gilid nito ay makikita ang rebulto ng dalawang anghel. Gawa sa salamin ang magkabilaang dingding nito dahilan upang makita ang namumukadkad na mga bulaklak na nasa labas. Nagsimulang humakbang palapit si Ashton patungo sa libingan. At habang papalapit siya ng papalapit ay tila tumitindi ang kirot sa puso na kanyang nadarama. "We missed you so much our beloved." Mabigat ang dibdib ni Ashton na ipinatong ang isang bungkos ng puting chrysanthemums sa lapida ng kanyang minamahal. "I'm so sorry." Mahinang usal niya, puno iyon ng sinseridad. Kaagad rin niyang naramdaman ang paghapdi ng kanyang mga mata. "I am very sorry, kasalanan ko ang lahat ng 'to." Tila naluluha niyang turan. Nagpakawala siya ng hangin upang gumaan ang bigat ng dibdib na kanyang nadarama. Sandali ring siyang tum
Mahigpit na hinawakan ni Ashton ang kamay ni Amber. "Please stay awake, Amber. Be strong for us." Lumuluhang dinampian ni Ashton ng halik ang likod ng kamay ng kanyang misis. "A-Ashton."Naghihina at hirap na hirap na saad ni Amber. " Ang m-mga ba-ta" "They are very safe, my beloved. Don't worry about them, okay?" Mahinang umungol si Amber bilang tugon. Lalo namang umusbong ang pag-aalala ni Ashton. "Drive even faster, Tadeo. Masyado nang maraming dugo ang nawala sa asawa ko." "Opo, master." Nang muling ibalik ni Ashton ang tingin sa kanyang misis nagtama ang kanilang mga mata. "A-Ashton." Kitang-kita ni Ashton Blumentrint ang panunubig ng mga mata nito. "Ma-hal k-kita, tanders. Ma-hal n-na m-ma-hal." Lalo namang naluha si Ashton gayunpaman ay pinilit pa rin niyang magsalita. "If you love me, fight, Amber. Malapit na tayo sa hospital kaya kapit ka lang, okay?" Hindi umumik ang kanyang misis, sa halip ay ipinikit nito ang kanyang mga mata. Kitang-kita ang paghihirap n
Nang bumaling si Amber sa kanyang mister ay nakita niyang sapo-sapo nito ang kanyang balikat. Lalong nag-alala si Amber nang makita niya ang pag-agos ng dugo mula roon. "Ashton!" Mangiyak-ngiyak siyang humawak sa balikat ng kanyang mister. "I'm alright, my beloved." Hinawakan naman ng isang kamay ni Ashton ang kamay ni Amber na nasa kanyang balikat at saka marahang pinisil iyon "Ang sweet." Mapaklang turan ni Dindi dahilan upang pareho silang mapatingin sa kanya. "Pero sayang dahil malapit nang magwakas ang kwento niyo. At sisiguraduhin kong magtatapos iyon sa trahedya!" Mariing saad nito habang matalim ang titig sa kanila. "Please don't do that, Dindi." Puno ng sinseridad na turan ni Ashton ngunit hindi naman siya pinakinggan ng babae. Sandaling dumako ang tingin nito kay Amber, unti-unti ring gumuhit ang lungkot sa mga mata nito bago nito ibalik ang tingin kay Ashton. "Buong akala ko noon, si Amber na ang magiging daan upang maisakatuparan ko ang paghihiganti ko. Buong ak
Pinagpawisan ng malapot si Amber. Matapos niyang marinig ang usapan sa cellphone nina Dindi at ang kanyang mister ay wala siyang sinayang na sandali. Mabilis niyang tinungo ang pintuan ng sala. Ngunit gano'n na lamang ang panunuyo ng kanyang lalamunan nang hindi niya mapihit ang doorknob. "Saan ka pupunta, Lady? Gabi na po para lumabas ka pa." Tila tumigil ang ikot ng kanyang mundo sa narinig. Gayunpaman ay pilit niyang kinalma ang kanyang sarili bago niya hinarap ang katulong. Pinilit niyang ngumiti upang huwag itong makahalata. "Gusto ko sanang magpahangin." Hindi naman umimik si Dindi. Nanatili lamang itong nakatitig sa kanya. "Buryong-buryo na kasi ako sa loob eh. Gusto ko sana magpahangin at mag-star gazing." Pinilit lawakan ni Amber ang kanyang ngiti ngunit nanatili namang seryoso ang mukha ng babae. "Sana tinawag mo ako, Lady." Hindi naman nabura ang pekeng ngiti sa labi ni Amber kahit tila sasabog na ang puso niya sa lakas ng kabog nito. "Akala ko kasi tulog ka n
Walang sinayang na sandali si Ashton Blumentrint. Kahit tila naghihina siya sa natuklasan ay pinilit niyang magpakatatag. Aniya, walang mangyayari kung hindi siya kumilos. Kaagad niyang inayos ang camera na gagamitin niya sa kanyang live video sa iba't-ibang social media sites. Sa kabilang panig, napaayos naman ng upo si Dindi sa kanyang nakita sa screen ng kanyang cellphone. Blumentrint Villacorda is live. Makikita sa video ang nakaupong si Ashton sa kanyang swivel chair. Bagama't limitadong parte lamang ng lugar ang makikita sa video ay makukuhalang nasa loob siya ng study roon o opisina. Makikita ang magulo nitong buhok at nangingitim na ilalim ng mata, tanda na wala itong matinong tulog. "Hello, everyone. I know that most of you knows me. Pero magpapakilala pa rin ako. I am Ashton Blumetrint Villacorda, ang bunsong anak ni Flacido Villacorda. I am also the owner of ABV Empire. I know, I have my name in the business industry but today I wanna stoop down and sincerely give my ap