Home / Romance / My Little Trophy / Special Chapter- The untold meeting of Ashton and Hyde

Share

Special Chapter- The untold meeting of Ashton and Hyde

Author: amvernheart
last update Last Updated: 2022-05-15 22:02:31

Hello, everyone! Bilang pasasalamat sa inyong pagtangkilik sa My Little Trophy, handog ko sa inyo ang special chapter na ito. 

Special dedication to Sally Aragon Llanillo, Victor Borja, Saima Bunka, Mar Formentera Ostria, Jamleedar Pautin Daromimbang, Ronel Derama, Nieves Gawat Juvy, Analiza Monterey, Fel, Pring Ogra at Flory Tamtam. 

----------------------------------------

"Tatay Tado, saan po tayo pupunta? Baka po hanapin ako ng mama ko."  

Nakangusong niyugyog ni Hyde ang kamay ni Tadeo na hawak-hawak niya upang makuha ang atensiyon nito. Kaagad naman siyang nilingon nito ngunit hindi pa rin ito tumigil sa paglalakad.

"Sandali lang naman tayo eh." Tila balewalang turan nito.

Lalo namang napanguso si Hyde.

"Baka magalit ang mama ko." Ungot niya na muling niyugyog ang kamay ni Tadeo.

Huminto naman ang lalaki sa paglalakad  at saka hinarap ang bata.

"Huwag kang mag-alala, sagot kita."

Lalo namang humaba ang nguso ng tatlong taong gulang na si Hyde.

"Eh saan po ba kasi tayo pupunta?"

Lumuhod si Tadeo upang magpantay sila.

"May kikitain lang tayong importanteng tao. Hintayin na lang natin siya dito."

Lukot naman ang mukha ng batang inalis ang tingin kay Tadeo kasabay ng paghalukipkip. 

Buntong-hininga na lamang na napatayo si Tadeo. Hindi rin niya naiwasan ang mapailing habang nakatitig sa bata. Aniya sa sarili, kuhang-kuha nito ang hulma ng mukha ng kanyang ama at ang ilan sa mga ugali nito.

Ilang sandali lamang ay huminto na 'di kalayuan ang isang itim na kotse. Kahit hindi pa nakakababa ang lulan ng naturang sasakyan ay alam na agad ni Tado kung sino iyon.

"Nandiyan na 'yong hihintay natin." Baling niya sa batang nakabusangot. Kaagad namang siyang nilingon ng bata. Nang makita niyang nakatingin sa ibang direksyon ang kanyang tatay Tado ay awtomatiko niyang sinundan ang tingin nito.

Kitang-kita naman ni Hyde ang paglapit ng lalaking matangkad. Sakto lang ang puti balat at matipuno ang pangangatawan. Nakasuot itong kulay dark blue na polo na tinernuhan nito ng itim na pantalon at dark blue na rubber shoes. 

Nang mapunta ang tingin sa kanya ng lalaki ay napahinto ito sa paghakbang. Lumamlam din ang kulay abo nitong mga mata.

"H-Hyde."

Hindi umimik ang bata. Nanatili itong nakatitig sa kanya.

"Can I hug you?"

Awtomatiko namang pabaling si Hyde sa kanyang tatay Tado.

"Sige na, yakapin mo na siya. Hindi naman masamang yakapin mo siya eh."

Napanguso itong muli.

"Eh hindi ko po siya kilala eh."

Napakamot naman ng ulo si Tadeo sa tinuran ng paslit.

"Okay sige, ipapakilala kita sa kanya."

Hinawakan nito sa balikat si Hyde at iniharap sa lalaki. 

"Siya si sir Bluemntrint; mayaman, mabait at kasing gwapo mo."

Muli namang napatitig ang bata kay Ashton. 

"Pareho tayo ng color ng eyes."  Walang kangiti-ngiti nitong turan. 

Gumuhit naman ang tipid na ngiti sa labi ni Ashton. 

"Gusto mo bang mamasyal kasama si sir Blumentrint." 

Muli itong bumaling kay Tado.

"Eh stranger po siya eh."

"Sasama naman ako eh."

Hindi umimik ang bata, sa halip ay ngumuso lamang ito.

"Sige na sama na tayo. Minsan lang tayo makapasyal." 

"Please join me." Tila naman nagmamakaawang turan ni Ashton sa bata. 

Hindi naman umimik ang bata. Nanatili lamang itong nakatingin sa kanya.

"Please." Puno ng sinseridad ang mga mata nito kasabay ng paglahad nito sa kanyang kamay. 

"Sige na, masaya kaya ang may ka-holding hands."

Nang hindi kumilos ang bata ay buntong-hiningang kinuha ni Tadeo ang maliit na kamay nito at ipinatong iyon sa nakalahad na kamay ni Ashton.

"Tatay Tado." Tila nag-aalala itong lumingon kay Tadeo nang magsimula silang maglakad ni Ashton Blumentrint.

"Nakasunod ako. Huwag kang mag-alala dahil hindi kita ibebenta. Takot ko na lang sa mama mo noh."

Nang makita ng batang nakasunod sa kanila si Tadeo ay bumaling ito sa lalaking nakahawak sa kanya. Aniya sa sarili, mukha namang mabait ang lalaki.

"Ano po gagawin natin dito?" Hindi niya naiwasang maitanong nang pumasok sila sa entrance ng mall.

"We are here to spend time together. You can buy anything and everything you want," turan nito kasabay ng pagtuntong nila sa escalator. 

"Uwi na po kami ng Tatay Tado ko.

Wala po akong gustong bilhin."

"Meron yan, ibili mo ng kahit ano ang mama mo. Alam mo na, 'yong mga kailangan niya." Sabat ni Tadeo na nakasunod sa kanila. Kaagad naman siyang nilingon ng bata.

"Bigas at ulam po?"

Napakamot naman ng ulo si Tadeo.

"Pwede. Pwede naman."

Nang tuluyan silang mapasok sa super market ay kaagad na kumuha ng cart si Tadeo.

"C'mon, pick anything you want." Turan naman ni Ashton sa bata.

"Libre po?"

Kaagad namang tumango si Ashton. 

"Yes. All the charges are mine. Don't worry about it."

Hinarap naman siya ng bata at saka humalukipkip.

"Eh bakit niyo po ako bibigyan? Hindi naman po ikaw si Sta. Claus. Baka mamaya  po, may kapalit ito. Katulad ng ginagawa ng mga bad guys. Sabi ng mama ko, huwag daw akong tatanggap ng kahit ano sa diko kilala dahil baka niloloko daw nila ako. Alam niyo po, scam is real."

Muli na lamang napakamot ng ulo si Tadeo.

"Iba naman 'yon. Kilala ko naman si Sir eh."

"Eh tatay, iyon po bilin sa'kin ni mama eh. Hindi po ako dapat tumanggap ng kahit ano sa Stranger."

"Ayuda kasi ito." Palusot nito.

"Ayuda po?"

"Oo, iyong katulad ng natatanggap niyo buwan-buwan na groceries."

"Iyong galing po kay mayor?"

"Oo 'yon nga! Nadali mo."

Muli namang bumaling ang bata kay Ashton.

"Ikaw po si Mayor?"

Tila naguguluhan namang napabaling si Ashton sa kanyang tauhan.

"Oo! Siya si mayor." Mabilis na sagot nito sa bata.

"Ang bait niyo naman po." Sumilay ang munting ngiti sa labi ng bata.

"Kasi love na love niya kayo ng mama mo."

Tila hinaplos ang puso ni Ashton dahil sa munti nitong ngiti. Umupo siya upang magpantay sila ng kanyang anak.

"Can you hug me?"

Unti-unti namang nabura ang ngiti ng bata. Kaagad rin itong bumaling kay Tadeo.

"Sige na, hug mo na siya. Bawal kaya ang  madamot.

Muli namang ibinalik ng bata ang tingin niya kay Ashton.

"Sige po, hug po kita. Mabait ka po eh." Lumapit ito lalo sa kanya at saka iniyakap ang mga kamay nito sa leeg ni Ashton. Kaagad namang humigpit ang yakap ni Ashton sa bata.

"I miss you so much." Hindi nito  naiwasan ang mapaluha na kaagad naman niyang pinunas.

Nang maramdaman iyon ng bata ay kaagad itong humiwalay ng yakap sa kanya.

"Nag-cry po kayo?"

Kakaagad namang umiling si Ashton.

"No. Napuwing lang ako." Tumayo ito upang makaiwas mg tingin sa kanyang anak. "So, let's start buying groceries?"

Marahan namang tumango ang bata.

"Okay po."

Kaagad rin itong kumilos upang makapamili. Kumuha ito ng gatas, kape, asukal, noodles, dela lata at mga biscuit. 

"Don't you want chocolates?"

"Pwede pong kumuha?"

"Ofcourse."

"Thank you po." Mabilis itong lupamit sa mga chocolates. Kumuha lamang ito ng isa at inilagay iyon sa cart na tulak-tulak mo Tado.

"You can add more." 

"Hindi na po. Baka po maubos ko pero mo po."

Hindi namang naiwasan ni Tadeo ang bahagyang matawa sa tinuran ng bata.

"That's okay. I can still earn."

Gayunpaman ay hindi pa rin kumilos ang bata kaya naman si Ashton na mismo ang kumuha at naglagay ng mga iyon sa cart.

"Master, huwag po sana nating damihan, baka po makahalata si Lady Amber." Mahinang turan nito sa kanyang amo habang abala ng bata sa pagtingin-tingin sa estante. 

"I know you can do alibi to that, Tadeo." turan naman ni Ashton kasabay ng paglapit nito sa bata. 

Napakamot na lamang ng ulo si Tadeo. Aniya sa sarili, sasabihin na lamang niya sigurong nanalo sila special raffle ni mayor.

"Bibili po ako sabon, lagi pong naglalaba ang mama ko," saad ng bata kasabay ng pagkuha nito ng sabong panlaba.

"What about toys?"

"Hindi na po. Hindi naman po namin kailangan ng mama ko 'yon eh."

"But don't  you want it?"

"Gusto po. Pero magpapabili na lang po ako sa papa ko."

Napalunok naman si Ashton.

"Your father?" Mahina niyang saad. "W-Where is he?"

"Hindi ko po alam sa mama ko. Hindi po siya nagkukwento eh."

"Do you want to be with your father?"

Sandali siyang tinitigan ng bata bago nagsalita. 

"Opo. Basta po kasama ang mama ko."

Sa usapan nilang iyon, lalong naging desidido si Ashton na lumantad na kay Amber. Planado na ang lahat, babalik siya sa ibang bansa upang ayusin  ang dapat niyang ayusin. Pagtapos ay magpapakilala na siya kay Amber at aaminin ang nagawa niyang kasalanan.

Ngunit ang plano niyang iyon ay nasira nang isang araw ay tumawag si Tadeo Miguero dala ang isang balita. Ayon sa kanyang tauhan ay nakuha na ni Dark Indigo ang mag-ina at nakatakda na ring ikasal ang dalawa. 

Wala na tuloy siyang choice kundi pairilan ang dahas. Matapos niyang utusan si Dindi na dalhin sa House of Blumentrint si Hyde ay kaagad niyang tinungo ang kasalan. Naging tagumpay naman dahil nagawa niyang mapigilan ang kasal at makuha si Amber.  Ngunit gaya ng inaasahan niya ay kulang na lamang na isumpa siya ng babae dahil sa labis na galit. 

Mabuti na lamang dahil kahit papaano ay nasa poder niya si Hyde. 

"Mayor? Nandito ka po!" Nagniningning ang mga mata ng bata nang lumapit siya rito. Hindi rin niya napigil ang sarili, kaagad niyang niyakap ang walang kamuwang-muwang na bata.

"From now on, son, we will be together. Babawi ako sa mga naging pagkukulang ko noon, anak."

"Luh! Ano pong pinagsasabi niyo, mayor?"

Kumalas ng yakap si Ashton sa kanyang anak. Humawak siya sa magkabilang balikat ng bata at mataman niya itong tinitigan.

"Listen to me, Hyde, I am not mayor. I am your real father, I am your dad." 

"Eh may Daddy na po ako."

"Listen, Dark Indigo is lying."

"Eh sabi rin po ng mama ko eh, Daddy ko raw po si Daddy Indigo."

"But I am your real fath---" Bago pa niya matapos ang kanyang sasabihin ay muling nagsalita ang bata.

"Huwag niyo na lang pong ipilit. Naniniwala ako sa mama ko. Hindi po ikaw ang Daddy ko. May Daddy Indigo na po ako."

Nakaramdam naman ng lungkot si Ashton sa tinuran ng bata. Aniya sa sarili, mukhang hindi lamang siya kay Amber mahihirapan kundi pati sa kanilang anak.

"Kung gusto mo, ikaw na lang po ang Papa ko." 

Muling bumalik ang tingin ni Ashton sa kanyang anak.

"May Daddy na po kasi ako eh kaya kung gusto mo po ikaw na lang po ang Papa ko.Kung gusto mo po."

Gumuhit ang ngiti sa labi ni Ashton. Mabilis niyang tumango at sumagot.

"Ofcourse! I would love that."

Sa tuwing binabalikan ni Ashton ang alaalang iyon kasama ang kanyang anak na si Hyde, hindi niya maiwasan ang mapangiti. Aniya sa sarili, tapos na siya panahong palihim lamang niyang ginagampanan ang kanyang responsibilidad. Ngayong nabuo na ang kanyang pamilya, sisiguruhin niyang ibibigay niya ang lahat ng kanyang makakaya bilang isang ulirang ama at asawa ng babaeng tangi niyang minamahal. 

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Fel
sana may kwento rin si Indigo
goodnovel comment avatar
Fel
thank you so much sa napakagandang kwento otor
goodnovel comment avatar
Fel
Thank you so much sa napakagandang keen to otor
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • My Little Trophy    Special Chapter- The untold meeting of Ashton and Hyde

    Hello, everyone! Bilang pasasalamat sa inyong pagtangkilik sa My Little Trophy, handog ko sa inyo ang special chapter na ito. Special dedication to Sally Aragon Llanillo, Victor Borja, Saima Bunka, Mar Formentera Ostria, Jamleedar Pautin Daromimbang, Ronel Derama, Nieves Gawat Juvy, Analiza Monterey, Fel, Pring Ogra at Flory Tamtam. ---------------------------------------- "Tatay Tado, saan po tayo pupunta? Baka po hanapin ako ng mama ko." Nakangusong niyugyog ni Hyde ang kamay ni Tadeo na hawak-hawak niya upang makuha ang atensiyon nito. Kaagad naman siyang nilingon nito ngunit hindi pa rin ito tumigil sa paglalakad. "Sandali lang naman tayo eh." Tila balewalang turan nito. Lalo namang napanguso si Hyde. "Baka magalit ang mama ko." Ungot niya na muling niyugyog ang kamay ni Tadeo. Huminto naman ang lalaki sa paglalakad at saka hinarap ang bata. "Huwag kang mag-alala, sagot kita." Lalo namang humaba ang nguso ng tatlong taong gulang na si Hyde. "Eh saan po ba kasi tayo p

  • My Little Trophy    Epilogue

    Iginala ni Ashton Blumentrint ang tingin sa loob ng mausoleo. Nasa five by five meters ang lawak nito. Gawa sa kulay itim na marmol ang sahig. Sa pinakadulo ay makikita ang isang nitso. Sa magkabilang gilid nito ay makikita ang rebulto ng dalawang anghel. Gawa sa salamin ang magkabilaang dingding nito dahilan upang makita ang namumukadkad na mga bulaklak na nasa labas. Nagsimulang humakbang palapit si Ashton patungo sa libingan. At habang papalapit siya ng papalapit ay tila tumitindi ang kirot sa puso na kanyang nadarama. "We missed you so much our beloved." Mabigat ang dibdib ni Ashton na ipinatong ang isang bungkos ng puting chrysanthemums sa lapida ng kanyang minamahal. "I'm so sorry." Mahinang usal niya, puno iyon ng sinseridad. Kaagad rin niyang naramdaman ang paghapdi ng kanyang mga mata. "I am very sorry, kasalanan ko ang lahat ng 'to." Tila naluluha niyang turan. Nagpakawala siya ng hangin upang gumaan ang bigat ng dibdib na kanyang nadarama. Sandali ring siyang tum

  • My Little Trophy    Chapter 48.3

    Mahigpit na hinawakan ni Ashton ang kamay ni Amber. "Please stay awake, Amber. Be strong for us." Lumuluhang dinampian ni Ashton ng halik ang likod ng kamay ng kanyang misis. "A-Ashton."Naghihina at hirap na hirap na saad ni Amber. " Ang m-mga ba-ta" "They are very safe, my beloved. Don't worry about them, okay?" Mahinang umungol si Amber bilang tugon. Lalo namang umusbong ang pag-aalala ni Ashton. "Drive even faster, Tadeo. Masyado nang maraming dugo ang nawala sa asawa ko." "Opo, master." Nang muling ibalik ni Ashton ang tingin sa kanyang misis nagtama ang kanilang mga mata. "A-Ashton." Kitang-kita ni Ashton Blumentrint ang panunubig ng mga mata nito. "Ma-hal k-kita, tanders. Ma-hal n-na m-ma-hal." Lalo namang naluha si Ashton gayunpaman ay pinilit pa rin niyang magsalita. "If you love me, fight, Amber. Malapit na tayo sa hospital kaya kapit ka lang, okay?" Hindi umumik ang kanyang misis, sa halip ay ipinikit nito ang kanyang mga mata. Kitang-kita ang paghihirap n

  • My Little Trophy    Chapter 48.2

    Nang bumaling si Amber sa kanyang mister ay nakita niyang sapo-sapo nito ang kanyang balikat. Lalong nag-alala si Amber nang makita niya ang pag-agos ng dugo mula roon. "Ashton!" Mangiyak-ngiyak siyang humawak sa balikat ng kanyang mister. "I'm alright, my beloved." Hinawakan naman ng isang kamay ni Ashton ang kamay ni Amber na nasa kanyang balikat at saka marahang pinisil iyon "Ang sweet." Mapaklang turan ni Dindi dahilan upang pareho silang mapatingin sa kanya. "Pero sayang dahil malapit nang magwakas ang kwento niyo. At sisiguraduhin kong magtatapos iyon sa trahedya!" Mariing saad nito habang matalim ang titig sa kanila. "Please don't do that, Dindi." Puno ng sinseridad na turan ni Ashton ngunit hindi naman siya pinakinggan ng babae. Sandaling dumako ang tingin nito kay Amber, unti-unti ring gumuhit ang lungkot sa mga mata nito bago nito ibalik ang tingin kay Ashton. "Buong akala ko noon, si Amber na ang magiging daan upang maisakatuparan ko ang paghihiganti ko. Buong ak

  • My Little Trophy    Chapter 48.1

    Pinagpawisan ng malapot si Amber. Matapos niyang marinig ang usapan sa cellphone nina Dindi at ang kanyang mister ay wala siyang sinayang na sandali. Mabilis niyang tinungo ang pintuan ng sala. Ngunit gano'n na lamang ang panunuyo ng kanyang lalamunan nang hindi niya mapihit ang doorknob. "Saan ka pupunta, Lady? Gabi na po para lumabas ka pa." Tila tumigil ang ikot ng kanyang mundo sa narinig. Gayunpaman ay pilit niyang kinalma ang kanyang sarili bago niya hinarap ang katulong. Pinilit niyang ngumiti upang huwag itong makahalata. "Gusto ko sanang magpahangin." Hindi naman umimik si Dindi. Nanatili lamang itong nakatitig sa kanya. "Buryong-buryo na kasi ako sa loob eh. Gusto ko sana magpahangin at mag-star gazing." Pinilit lawakan ni Amber ang kanyang ngiti ngunit nanatili namang seryoso ang mukha ng babae. "Sana tinawag mo ako, Lady." Hindi naman nabura ang pekeng ngiti sa labi ni Amber kahit tila sasabog na ang puso niya sa lakas ng kabog nito. "Akala ko kasi tulog ka n

  • My Little Trophy    Chapter 47.2

    Walang sinayang na sandali si Ashton Blumentrint. Kahit tila naghihina siya sa natuklasan ay pinilit niyang magpakatatag. Aniya, walang mangyayari kung hindi siya kumilos. Kaagad niyang inayos ang camera na gagamitin niya sa kanyang live video sa iba't-ibang social media sites. Sa kabilang panig, napaayos naman ng upo si Dindi sa kanyang nakita sa screen ng kanyang cellphone. Blumentrint Villacorda is live. Makikita sa video ang nakaupong si Ashton sa kanyang swivel chair. Bagama't limitadong parte lamang ng lugar ang makikita sa video ay makukuhalang nasa loob siya ng study roon o opisina. Makikita ang magulo nitong buhok at nangingitim na ilalim ng mata, tanda na wala itong matinong tulog. "Hello, everyone. I know that most of you knows me. Pero magpapakilala pa rin ako. I am Ashton Blumetrint Villacorda, ang bunsong anak ni Flacido Villacorda. I am also the owner of ABV Empire. I know, I have my name in the business industry but today I wanna stoop down and sincerely give my ap

  • My Little Trophy    Chapter 47.1

    "Ayos ka lang ba, sir? Untag sa kanya ng imbestigador nang mapansin nito ang pamumuo ng pawis sa kanyang noon matapos nitong mabasa ang natanggap na mensahe. "I'm fine. Nasa'n na nga tayo?" Pinilit niyang itago ang kanyang pagkabalisa. "Tungkol po sa posibleng matibo ni Dendilyn Tuca." Noon na naaalala ni Ashton ang inilapag niyang papeles sa ibabaw ng mesa. Awtomatiko niyang dinampot iyon at pinasadahan ng tingin. Isa iyong pulis record sa nangyaring pananaksak sa kanya noon. Hindi niya naiwasan ang mapakunot-noo nang mapasadahan niya ang family background ng sumaksak sa kanya noon. Kumabog ang kanyang dibdib nang maisip niya ang kaugnayan ng mga ito kay Dindi. "Maaari pong naghihinganti si Dendilyn kaya niya po dinukot ang iyong asawa." Lalo namang lumalim ang gitla sa noo ni Ashton. "Paghihiganti? Sila ang may atraso sa akin, detective." Hindi umimik ang imbestigador ngunit inilapag nito ang cellphone nito

  • My Little Trophy    Chapter 46.2

    Nagising ang diwa ni Rigo dahil sa pagbuhos ng nagyeyelong tubig sa kanyang katawan."Gising na!" Marahas na sigaw ng isang lalaki.Nang igala niya ang kanyang paningin ay natagpuan ng kanyang mga mata ang kapatid niyang si Dencio na nakatali paitaas ang kamay katulad niya. Kitang-kita rin niyang gaya niya ay binuhusan siya ng malamig na tubig."Gising na! Nandito na si Big boss!"Maya-maya pa ay tumunog ang pagbukas ng lumang pintuan. Bumungad kay Rigo ang pagpasok ng makintab na sa sapatos. Nang itaas niya ang kanyang tingin ay nakita niyang ang isang lalaking nakasuot ng itim na suit. Medyo kulubot na ang balat, naglalaro sa singkwenta ang edad nito. Hitsura pa lamang nito ay makikita nang nagmula ito sa mayamang pamilya. Patunay roon ang suot niyang gintong relo at singsing."Sila ba ang mga pangahas na nanakit sa anak ko?" Diretso ang matalim na titig nito sa kanila. Para itong leon na anumang oras ay susugurin sila at lalapain.&nb

  • My Little Trophy    Chapter 46.1

    Flash back... Ten years ago... "Kuya Rigo, sigurado ka ba sa gagawin natin?" Hindi naiwasan ni Dencio ang paglabas ng butil-butil niyang pawis sa kanyang noo. Sandali namang siyang binalingan ng kanyang kuya Rigo na kasabay niyang naglalakad. "Ito na lang ang paraan para ipagamot natin si bunsoy." Gumuhit naman ang pag-aalinlangan sa mukha ni Dencio. "Baka may iba pang paraan, Kuya." "Magpakapraktikal tayo, Dencio. Ito ang pinakamabilis na paraan." Napabuntong-hininga siya sa determinasyon ng kanyang kuya. "Kutsilyo lang ang meron tayo, Kuya. Paano tayo manghoholdap ng bangko kung ito lang ang armas natin?" Ngunit hindi siya tinapunan ng tingin ni Rigo. Sa halip ay huminto ito sa paglalakad. "Shhhh." Itipat ni Rodrigo ang ang kanyang hintuturo sa sarili niyang bibig. Kaagad namang natahimik si Dencio at agad na sinundan ang tingin ng kanyang nakakatandan

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status