"Hoy, Tado! Remind ko lang sa'yo ah! Black belter ako!" Pinandilatan niya ang lalaki. Pilit siyang nagtapang-tapangan.
Ngunit sa totoo lang ay parang gusto na niyang umatras at tumakbo palayo sa lugar.
"Huwag kang mapraning, Miss. Safe ka dito. Hindi ka gagalawin ng mga 'yan. Sagot kita." Puno ng kayabangan na turan ni Tado.
"Siguraduhin mo lang 'yan! Baka hindi mo alam, may kamag-anak akong mafia boss." Pagbabanta niya sa lalaki.
Natawa naman si Tado sa tinuran ng babae.
"Sabi ko naman sa'yo, 'di ba? May sinasanto akong batas. Ayoko pang ma-tsugi, Miss."
Hindi na lang umimik si Amber.
Hiling niya sa isip, sana hindi siya nagkamaling pagkatiwalaan ang lalaki.
Ilang tambay pang nag-iinuman at nagsusugal ang nadaanan nila ngunit para bang himalang tila hindi nila nakikita ang dalaga.
Walang kahit sinuman sa kanila ang pumansin sa kanya.
Inaasahan pa naman niyang sisipulan siya ng mga ito o kaya ay babastusin.
"Pasok ka, Miss."
Napatingala si Amber sa up and down na bahay. Gawa ito sa semento. Kulay light blue ang pintura ng bahay. Gawa sa jalousie ang bintana nito na may rehas na gawa sa pinong bakal.
Muling iginala ni Amber ang paningin. Bukod tangi ang bahay na ito. Parang ito lang ang may maayos na istruktura sa paligid. Ang karamihan ay gawa rin naman sa semento pero hindi nakapalitada. Ang iba naman ay tagpi-tagping plywood at yero. Ang iba naman ay tagpi-tagping tarpaulin mula sa nakaraang halalan.
"Ito ang bahay na pinakamaganda rito, Miss. Pero mahal po ang upa, hah?"
"Doon na lang sa mura."
Sandali siyang nilingon ni Tado. Ilang sandali din siya nitong tinitigan na parang sinusuri.
"Naku! Punuan na doon.Dito ka na lang, Miss. Papautangin naman kita eh."
Nagpatuloy ito sa pagpasok sa loob ng bahay kaya naman wala na siyang choice kundi ang sumunod na lang.
"Gusto mo lang yata akong ibaon sa utang eh."
Nagkamot naman ng ulo si Tadeo Miguero.
"Lugi nga ako sa'yo, Miss. Ang baba ng interest na gusto mo."
"Huwag lang reklamador diyan. Kung ayaw mo sa interes na sinabi ko, huwag mo na lang akong pautangin."
Tila naman nagulat si Tado sa sinabi niya. Gumuhit ang pagtataka sa mukha nito.
"Huwag mo akong pautangin. Bigyan mo na lang ako. Parang ayuda ba?"
"Ano ba 'yan, Miss! Ang tindi mo!"
Mahina siyang natawa sa reaksiyon ng lalaki. Maya-maya lang ay iginala ni Amber ang tingin sa paligid.
Walang masyadong laman sa loob ng bahay. Maliban sa rattan sala set. May dalawang pintuan. Ang isa ay pinto ng kwarto at ang isa naman ay patungo sa kusina.
"Diyan ako sa kwartong 'yan," turo pa ni Tado sa pinto. "Sa taas naman ang kwarto mo, Miss."
Nang umakyat sa hagdanan si Tadeo ay sinundan rin niya ito. May limang kwarto sa taas. Iyon lang at tila walang umuokupa roon dahil nakakandado pa ang mga iyon.
"Dahil espesyal ka Miss, iyong pinakamalaki ang ibibigay ko sa'yo."
Dinala siya nito sa pinakadulong silid. Malawak nga ang kwarto. Mayroon na rin itong sixteen inches flat screen TV. May sofa sa loob at mayroon na ring banyo.
Isang pintuan pa sa loob ng silid ang binuksan ni Tado.
"Hindi na hassle dahil meron ka na ring kusina dito."
Nang sumunod siya sa loob ay bumungad sa kanya ang maliit na lababo. Mayroong gas stove, rice cooker at mga gamit sa kusina gaya ng kaldero, pinggan, kutsara at iba pa. Halatang bago rin ang lahat.
"Dalawang libo kada buwan rito pwera kuryente at tubig. Pwede mong gamitin ang lahat ng gamit dito. Nilaan talaga 'yan para sa'yo, Miss."
"Ang mahal naman ng upa!" Hindi niya itinago ang pagrereklamo.
"Naku! Ang kuripot mo talaga, Miss. Sige na nga! Bigyan kitang discount. One five na lang kada buwan."
"Knows mo na, ha? Wala akong pang-down."
"Huwag kang mag-alala, Miss. Hindi uso ang down payment dito."
Tinungo nito ang bintana ng silid at binuksan iyon.
"Talaga? Ang bait naman ng may-ari."
Nilingon siya ni Tado. Ilang sandali niya itong tinitigan.
"Bibili ako mamaya ng damit para sa'yo."
"Salamat." Ngumiti siya ng tipid.
"Ililista ko 'yon sa utang mo."
Nawala tuloy ang ngiti niya dahil sa sinabi ng lalake.
"Huwag mong lakihan ang interes, ha?"
"Hindi ko na 'yon papatungan ng interes, Miss. Nahihiya ako sa pagkakuripot mo."
Hindi na lang umimik ang dalaga. Pinanood na lang niya kung paano binuksan ni Tado ang ilang bintana.
"Ahm Tado, pwede ba akong makahiram ng cellphone?"
Awtomatikong napalingon sa kanya ang lalaki. Puno ng pagtatakang tumitig ito sa kanya.
"Kailangan kong tawagan ang pamilya ko."
"Pero baka matunton ka ng mga humahabol sa'yo, Miss."
"Hindi ko naman ipapaalam kung nasa'n ako eh."
Totoo naman iyon. Gusto lang niyang ipaalam na nasa safe siyang lugar para hindi sila mag-alala kapag nabalitaan nila ang pagtakas niya.
"Ah sige. Ganito na lang, ibibili na lang kita, Miss. Pero hindi ako sigurado, Miss ah. Titignan ko muna kung kasya ang budget ko."
"Pahiram na lang kasi ako." Ungot niya.
"Naku! Hindi ko pwedeng ipahiram sa'yo 'tong cp ko. Baka makita mo 'yong scandal namin ng jowa ko."
Hindi naman naiwasang pamulaan ng pisngi ang dalaga sa narinig.
"Hintayin mo na lang kung pwede kitang ibili."
Tumango na lang siya bilang tugon.
Matapos iyon ay iniwan siya sandali ni Tado. Pagbalik nito ay may bitbit na siyang mga damit. May dala rin itong groceries. Binilhan din siya nito ng de-keypad na cellphone. Naka-save na roon ang number ng lalaki para raw makontak niya ito sakaling may kailangan siya.Nagawa niyang i-text ang kanyang mga magulang. Sinabi niyang matatagalan bago siya umuwi. Sinabing niyang safe naman siya kung saan siya naroon ngunit wala naman siyang natanggap na kahit anong reply mula sa mga ito.
Nang sumunod na araw ay pinuntahan nila ni Tado ang sinasabi niyang trabaho. Dinala niya ito sa pagawaan ng plastic wares. Ang ibinigay na trabaho sa kanya ay sa inventory. Malaki din ang pasahod dahil twenty-five thousand a month. Anang isip ng dalaga, hindi na siya magtataka kung mauwi sa pagkalugi ang pagawaan dahil sa malaking pasahod.
Naging maayos naman ang dalawang buwan niya sa bahay na iyon. Maingay nga lang pero never naman siyang nabastos. Bihira lang din sila magkita ni Tado kahit nasa iisang bahay lang naman sila.
Minsan sa isang linggo ay nagdadala ang lalaki ng groceries sa kanya. Ayuda raw galing sa mayor nila. Gano'n raw kabongga ang mayor ng lugar nila, linggo-linggo kung magbigay ng ayuda.
Naging kampante siyang maayos na ang lahat. Malayo na si Dark Indigo sa kanya. Hindi na siya nito masasaktan.Nakahanda nang matulog ang dalaga nang mabulabog siya sa sunod-sunod na katok sa pinto.
"Miss Amber! Buksan mo 'to. May emergency!" Boses iyon ni Tado.
Kaagad niyang hinablot at isinuot ang silk robe na katerno ng suot niyang pantulog.
"Nandiyan na! Ito naman! Makabulabog para namang may sunog!" Reklamo pa niya bago tinungo at buksan ang pinto.
Mabilis na pumasok si Tado sa loob ng silid niya.
"Hoy! Ba't ka pumasok, hah?"
Hindi naman siya pinansin nito. Sa halip ay tinungo nito ang bintana. Nakita niyang sumilip roon ang lalaki. Dahil sa kyuryosidad ay lumapit rin siya at sumilip sa bintana.
Nanindig ang balahibo niya sa nakita. Napakaraming kalalakihang nakasuot ng itim na polo, pantalon at cap ang nagkalat sa paligid. Lahat sila ay may hawak na mga baril.
"Nasundan nila tayo." Puno ng kaseryosohang turan ni Tado.
"Sigurado ka ba?"
Marahan itong tumango.
Muling iginala ni Amber ang tingin.
Noon niya nakumpirmang totoo nga ang sinasabi ni Tado. Kitang-kita niya ang pagdating ni Warlo Guzman.
Kumabog ng malakas ang puso niya.
"Hindi! Hindi ako pwedeng makita ni Indigo!" Naghisterikal ang isip niya.
Naramdaman niya ang panlalamig ng buo niyang katawan.
"Hindi! Ayoko! Ayokong bumalik kay Indigo!" Hindi na niya napigilan ang sariling mapaluha. Tila kasi biglang rumagasa sa isip niya ang alaalang ibinaon na niya sa limot.
"Miss?"
"Huwag mo akong ibigay sa kanila." Puno ng pagmamakaawa ang mga mata nito.
"Huwag kang mag-alala, Miss. Hindi ka nila makukuha."
Muli siyang sumilip sa labas ng bintana. Kitang-kita niyang kinausap ni Warlo ang mga kalalakihan.
Nanginig ang buong katawan niya. Anang isip niya, hindi maaaring masayang ang dalawang buwang pagtatago niya. Hindi siya pwedeng matunton ni Indigo.
Tila bumalik siya sa huwisyo nang maramdaman niya ang pagkirot ng kanyang tiyan. Napahawak siya roon. Hindi rin niya nataigo ang pagngiwi.
"Miss! May dugo!" Nakita niya ang panlalaki ng mata ni Tado habang nakatingin sa binti kanyang binti.
Sinundan niya ang tingin ng lalaki.
Gano'n na lamang pagkatigagal niya nang makita ang pulang likido umaagos sa binti niya.
Bago pa siya makahuma ay naramdaman niya ang panlalabo ng paningin niya.
"Miss?" Naramdaman pa niya ang paghawak ni Tado sa kanya bago siya lamunin ng dilim.
Hello, everyone! Bilang pasasalamat sa inyong pagtangkilik sa My Little Trophy, handog ko sa inyo ang special chapter na ito. Special dedication to Sally Aragon Llanillo, Victor Borja, Saima Bunka, Mar Formentera Ostria, Jamleedar Pautin Daromimbang, Ronel Derama, Nieves Gawat Juvy, Analiza Monterey, Fel, Pring Ogra at Flory Tamtam. ---------------------------------------- "Tatay Tado, saan po tayo pupunta? Baka po hanapin ako ng mama ko." Nakangusong niyugyog ni Hyde ang kamay ni Tadeo na hawak-hawak niya upang makuha ang atensiyon nito. Kaagad naman siyang nilingon nito ngunit hindi pa rin ito tumigil sa paglalakad. "Sandali lang naman tayo eh." Tila balewalang turan nito. Lalo namang napanguso si Hyde. "Baka magalit ang mama ko." Ungot niya na muling niyugyog ang kamay ni Tadeo. Huminto naman ang lalaki sa paglalakad at saka hinarap ang bata. "Huwag kang mag-alala, sagot kita." Lalo namang humaba ang nguso ng tatlong taong gulang na si Hyde. "Eh saan po ba kasi tayo p
Iginala ni Ashton Blumentrint ang tingin sa loob ng mausoleo. Nasa five by five meters ang lawak nito. Gawa sa kulay itim na marmol ang sahig. Sa pinakadulo ay makikita ang isang nitso. Sa magkabilang gilid nito ay makikita ang rebulto ng dalawang anghel. Gawa sa salamin ang magkabilaang dingding nito dahilan upang makita ang namumukadkad na mga bulaklak na nasa labas. Nagsimulang humakbang palapit si Ashton patungo sa libingan. At habang papalapit siya ng papalapit ay tila tumitindi ang kirot sa puso na kanyang nadarama. "We missed you so much our beloved." Mabigat ang dibdib ni Ashton na ipinatong ang isang bungkos ng puting chrysanthemums sa lapida ng kanyang minamahal. "I'm so sorry." Mahinang usal niya, puno iyon ng sinseridad. Kaagad rin niyang naramdaman ang paghapdi ng kanyang mga mata. "I am very sorry, kasalanan ko ang lahat ng 'to." Tila naluluha niyang turan. Nagpakawala siya ng hangin upang gumaan ang bigat ng dibdib na kanyang nadarama. Sandali ring siyang tum
Mahigpit na hinawakan ni Ashton ang kamay ni Amber. "Please stay awake, Amber. Be strong for us." Lumuluhang dinampian ni Ashton ng halik ang likod ng kamay ng kanyang misis. "A-Ashton."Naghihina at hirap na hirap na saad ni Amber. " Ang m-mga ba-ta" "They are very safe, my beloved. Don't worry about them, okay?" Mahinang umungol si Amber bilang tugon. Lalo namang umusbong ang pag-aalala ni Ashton. "Drive even faster, Tadeo. Masyado nang maraming dugo ang nawala sa asawa ko." "Opo, master." Nang muling ibalik ni Ashton ang tingin sa kanyang misis nagtama ang kanilang mga mata. "A-Ashton." Kitang-kita ni Ashton Blumentrint ang panunubig ng mga mata nito. "Ma-hal k-kita, tanders. Ma-hal n-na m-ma-hal." Lalo namang naluha si Ashton gayunpaman ay pinilit pa rin niyang magsalita. "If you love me, fight, Amber. Malapit na tayo sa hospital kaya kapit ka lang, okay?" Hindi umumik ang kanyang misis, sa halip ay ipinikit nito ang kanyang mga mata. Kitang-kita ang paghihirap n
Nang bumaling si Amber sa kanyang mister ay nakita niyang sapo-sapo nito ang kanyang balikat. Lalong nag-alala si Amber nang makita niya ang pag-agos ng dugo mula roon. "Ashton!" Mangiyak-ngiyak siyang humawak sa balikat ng kanyang mister. "I'm alright, my beloved." Hinawakan naman ng isang kamay ni Ashton ang kamay ni Amber na nasa kanyang balikat at saka marahang pinisil iyon "Ang sweet." Mapaklang turan ni Dindi dahilan upang pareho silang mapatingin sa kanya. "Pero sayang dahil malapit nang magwakas ang kwento niyo. At sisiguraduhin kong magtatapos iyon sa trahedya!" Mariing saad nito habang matalim ang titig sa kanila. "Please don't do that, Dindi." Puno ng sinseridad na turan ni Ashton ngunit hindi naman siya pinakinggan ng babae. Sandaling dumako ang tingin nito kay Amber, unti-unti ring gumuhit ang lungkot sa mga mata nito bago nito ibalik ang tingin kay Ashton. "Buong akala ko noon, si Amber na ang magiging daan upang maisakatuparan ko ang paghihiganti ko. Buong ak
Pinagpawisan ng malapot si Amber. Matapos niyang marinig ang usapan sa cellphone nina Dindi at ang kanyang mister ay wala siyang sinayang na sandali. Mabilis niyang tinungo ang pintuan ng sala. Ngunit gano'n na lamang ang panunuyo ng kanyang lalamunan nang hindi niya mapihit ang doorknob. "Saan ka pupunta, Lady? Gabi na po para lumabas ka pa." Tila tumigil ang ikot ng kanyang mundo sa narinig. Gayunpaman ay pilit niyang kinalma ang kanyang sarili bago niya hinarap ang katulong. Pinilit niyang ngumiti upang huwag itong makahalata. "Gusto ko sanang magpahangin." Hindi naman umimik si Dindi. Nanatili lamang itong nakatitig sa kanya. "Buryong-buryo na kasi ako sa loob eh. Gusto ko sana magpahangin at mag-star gazing." Pinilit lawakan ni Amber ang kanyang ngiti ngunit nanatili namang seryoso ang mukha ng babae. "Sana tinawag mo ako, Lady." Hindi naman nabura ang pekeng ngiti sa labi ni Amber kahit tila sasabog na ang puso niya sa lakas ng kabog nito. "Akala ko kasi tulog ka n
Walang sinayang na sandali si Ashton Blumentrint. Kahit tila naghihina siya sa natuklasan ay pinilit niyang magpakatatag. Aniya, walang mangyayari kung hindi siya kumilos. Kaagad niyang inayos ang camera na gagamitin niya sa kanyang live video sa iba't-ibang social media sites. Sa kabilang panig, napaayos naman ng upo si Dindi sa kanyang nakita sa screen ng kanyang cellphone. Blumentrint Villacorda is live. Makikita sa video ang nakaupong si Ashton sa kanyang swivel chair. Bagama't limitadong parte lamang ng lugar ang makikita sa video ay makukuhalang nasa loob siya ng study roon o opisina. Makikita ang magulo nitong buhok at nangingitim na ilalim ng mata, tanda na wala itong matinong tulog. "Hello, everyone. I know that most of you knows me. Pero magpapakilala pa rin ako. I am Ashton Blumetrint Villacorda, ang bunsong anak ni Flacido Villacorda. I am also the owner of ABV Empire. I know, I have my name in the business industry but today I wanna stoop down and sincerely give my ap