Share

Chapter 4.1

Penulis: amvernheart
last update Terakhir Diperbarui: 2021-12-09 10:04:46

Mula sa kaharap niyang laptop ay mataman niyang pinanood ang napakaamong mukha ng dalagang si Amber.  Kitang-kita niya ang pagsilay ng pilit na ngiti sa labi nito habang kausap niya sina Warlo at Dindi. Kapansin-pansin rin ang pamumugto ng singkit nitong mga mata. Balita rin niya ay hindi nito ginalaw ang kanyang agahan.

Masakit iyon sa loob niya, ang isiping galing ang babae sa pag-iyak ay parang nadudurog ang puso niya. Ang isiping nahihirapan ito ay parang ikamamatay niya.

"Amber." Anas niya habang masuyong nakatitig sa mukha ng dalagang nasa screen ng laptop.

Tila may sariling isip ang kanyang kamay na umangat at kusang humaplos sa screen ng laptop. Itinapat na iyon sa mismong tapat ng pisngi ng dalaga.

"My beloved Amber, I'm so sorry."  Masuyo niya itong tinitigan na para bang kaharap niya mismo. Kitang-kita rin ang pagsisisi sa kanyang mga mata.

"I'm really sorry."

Naramdaman niya ang pamimigat ng dibdib at ang paghapdi ng kanyang mga mata.

Hindi niya iyon sinasadya. Natangay lamang siya ng labis na paninibugho at labis na pagmamahal. Labis-labis siyang nagsisisi na nasaktan niya ito. Kung pwede lang sanang ibalik ang oras ay kanina pa niya ginawa.

Natigil siya sa paghaplos sa screen nang tumunog ang kanyang cellphone. Kaagad niyang dinampot iyon nang makita niyang ang pinagkakatiwalaan niyang tauhan ang tumatawag.

"What's the news?"

["Master, tinakasan ni Lady Amber si Warlo Guzman."]

Hindi niya napigilan ang pag-usbong ng kanyang ngisi sa narinig. Tila isa iyong napakagandang balita.

"Tulungan niyo siyang makatakas."

["Master?] Tila naman hindi makapaniwala ang kanyang tauhan.

"You heard me."

["Itutuloy pa ba namin ang pagkidnap sa kanya, Master?"]

"No need. Let her live with freedom but make sure to look after my woman. Make sure she's always safe."

["Masusunod, master."]

"One more thing, huwag na huwag niyong hahayaan na mahanap siya ni Indigo."

["Opo, master."]

Nang matapos ang tawag ay napunta ang tingin niya  sa dingding kung saan nakasabit ang malaking portrait ng dalaga. Kuhang-kuha ng pintor ang detalye ng mukha nito. Sa larawan na iyon ay matamis ang ngiti ng dalaga at nagniningning ang mga mata nito.

Anang sarili, darating ang araw na kusa siyang ngingitian ng matamis ng babae. 

Balang araw ay magiging kanya ito. Pangako niya sa sarili, by hook or by crook, aangkinin niya ng buo si Amber Velez.

Muli niyang titigan ang mukha nitong nasa portrait. 

"You're mine, MINE ALONE."

Samantala...

Kumabog ng malakas ang dibdib ni Amber. 

Muli niyang nilingon ang pinto ng hospital. 

"Please Lord, huwag sanang makahalata agad si Dindi na sobrang tagal ko na sa CR." Mahinang usal niya.

Hindi  pa naman niya alam kung paano siya makakalayo sa lugar dahil wala naman siyang kahit ni singkong duling.

"Miss, sa'yo ba 'to?" Napalingon siya sa nagsalita. Bumungad sa kanya ang lalaking may hawak na kulay pink na panyo.  Halos magkasingtangkad lang sila ng lalaki. Nasuot ito ng itim na T-shirt na tinernuhan niya ng rugged jeans. Moreno ang balat nito. Top not ang istilo ng gupit nito na tila may highlight na pula. Oval shape ang mukha nito. Kapansin-pansin ang kanang kilay nito na may maliit na pilat sa dulo. Upturned ang mata nitong hindi biniyayaan ng mahabang pilik  mata. Sakto lang ang tangos ng ilong nito. Medyo malawak naman ang bibig nitong tila anumang oras ay nakahandang ngumiti.

"Ma'am Amber!" Napalingon siya sa pinagmulan ng sigaw.

Lalong kumabog ng malakas ang dibdib niya nang makitang si Dindi iyon. Kasama nito si Warlo at ang dalawa niyang body guard.

Dala ng pagkataranta ay hinila niya ang lalaking may  hawak na panyo

Tila nagulat ang lalaki ngunit sa huli nagpatangay na rin ito.

"Tinakasan niyo ba 'yon, miss?"

"Mamaya na ang chicka, pwede ba?"

Napakamot naman ng ulo ang lalaki sa tinuran nito. 

"Ma'am! Tumigil na kayo, please." Narinig pa niyang sigaw ni Dindi.

Nilingon niya ito at kitang-kita niyang hinahabol sila ng mga ito.

"Dalian mo kasi! Ang kupad mo!" 

Napakamot na lang sa ulo ang lalaking basta na lang niyang tinangay.

"May alam akong pwedeng pagtaguan, miss."

"Hindi na. Pupunta ako sa bestfriend ko. Tutulungan ako no'n."

Pumara ang lalaki ng taxi at pinauna siyang sumakay. Narinig pa niya ang ilang ulit na pagtawag sa kanya ni Dindi kaya naman hindi na siya nagdalawang isip na pumasok sa loob bg sasakyan. 

"Matutunton ka nila kung pupunta ka sa mga kakilala mo." 

Napaisip si Amber, may punto nga ang lalaki. Sa yaman ni Dark Indigo ay siguradong napaimbestigahan na siya nito. Siguradong alam na nito kung sino ang mga taong malapit sa kanya.

"Doon ka na lang sa amin magtago, miss.  Safe ka doon. May alam akong bahay na pwede mong upahan."

"Pero wala naman akong pera." 

"Sakto, miss! May alam akong trabaho para sa'yo." Nakangiti ito at nagniningning ang mga mata.

"Sa ngayon, pautangin muna kita. Pero may interes, ha?"

Muli niyang sinipat ng tingin ang lalaki. Medyo may bad boy look ito pero sa ngiti nito ay mukha namang wala itong masamang balak.

"Magkano ang interes?"

"Para sa'yo Miss, two hundred na lang 'yong isang libo."

"Takte! Ba't ang mahal? May lahi ka bang bumbay?"

"Mura na kaya 'yon. Three months to pay naman eh."

Umiling-iling si Amber.

"Ganito, take it or leave it, fifty pesos sa isang libo, six months to pay."

Napakamot naman ng ulo ang lalaki.

"Ano ba 'yan? Ang tindi mo tumawad Miss." 

"Ano na? Papautangin mo ba ako?"

Napabuntong-hininga na lamang ang estranhero. 

"Sige na nga. Nahiya naman ako sayo Miss"

Sumilay ang ngiti ng dalaga.

"Huwag mo na akong tawaging miss. Amber na lang."

"Doon na lang sa miss, mas komportable ako doon."

Nagkibit-balikat na lang si Amber.

"Ikaw, anong pangalan mo?"

"Tadeo Miguero, Miss. You can call me Tado for short."

"Tado." Sumilay ang pilyang ngiti sa labi ng dalaga. "Bagay sa'yo."

"Tado short for tarantado." Anang isip ng dalaga. 

Pinaseryoso ni Amber ang kanyang mukha. Pinandilatan rin niya ang lalaki.

"Ikaw Tado hah, hindi mo naman siguro ako ginogoyo, noh?" 

Kumuyom siya ng kamao at ipinakita ito sa kanya.

"Ngayon  pa lang sanasabi ko na sa'yo, may background ako ng taekwondo. FYI lang, black belter ako."

Napabungisngis naman ang lalaki, tila hindi naniniwala.

"Seryoso ako. Hindi lang 'yan, strong ako. Magaling akong manghampas ng dos por dos."

Hindi naman nawala ang ngiti ng lalaki.

"Huwag kang mag-alala, Miss. May sinasanto akong batas. Mukha lang akong criminal. Pero count on me! Pwede akong maging superhero mo." 

"Knight in shining armor lang ang peg? Hoy ikaw, kung may balak kang pormahan ako, uunahan na kita, taken na ang kagandahan  ko."

Natawa naman ng malakas si Tado sa sinabi nito.

Hinampas siya si Amber sa braso.

"Hindi ako nagpapatawa!"

Pinigil naman ni Tado ang kanyang tawa.

"Oo na. Noted. Taken na ang kagandahan mo."

Muli itong humagalpak ng tawa.

Anang sarili ng babae, hindi pang-jowa material ang lalaki ngunit papasa namang kaibigan ito. Pwedeng-pwede ito sa tropa nila kahit mukhang mas may edad ito kaysa sa kanya.

Ngunit ang tanong, dapat ba siyang magtiwala sa estrangherong nasa kanyang harapan?

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Drusilla Dru
naku naluko na talaga bakit si Ashton pa kawawa Naman si dark
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • My Little Trophy    Special Chapter- The untold meeting of Ashton and Hyde

    Hello, everyone! Bilang pasasalamat sa inyong pagtangkilik sa My Little Trophy, handog ko sa inyo ang special chapter na ito. Special dedication to Sally Aragon Llanillo, Victor Borja, Saima Bunka, Mar Formentera Ostria, Jamleedar Pautin Daromimbang, Ronel Derama, Nieves Gawat Juvy, Analiza Monterey, Fel, Pring Ogra at Flory Tamtam. ---------------------------------------- "Tatay Tado, saan po tayo pupunta? Baka po hanapin ako ng mama ko." Nakangusong niyugyog ni Hyde ang kamay ni Tadeo na hawak-hawak niya upang makuha ang atensiyon nito. Kaagad naman siyang nilingon nito ngunit hindi pa rin ito tumigil sa paglalakad. "Sandali lang naman tayo eh." Tila balewalang turan nito. Lalo namang napanguso si Hyde. "Baka magalit ang mama ko." Ungot niya na muling niyugyog ang kamay ni Tadeo. Huminto naman ang lalaki sa paglalakad at saka hinarap ang bata. "Huwag kang mag-alala, sagot kita." Lalo namang humaba ang nguso ng tatlong taong gulang na si Hyde. "Eh saan po ba kasi tayo p

  • My Little Trophy    Epilogue

    Iginala ni Ashton Blumentrint ang tingin sa loob ng mausoleo. Nasa five by five meters ang lawak nito. Gawa sa kulay itim na marmol ang sahig. Sa pinakadulo ay makikita ang isang nitso. Sa magkabilang gilid nito ay makikita ang rebulto ng dalawang anghel. Gawa sa salamin ang magkabilaang dingding nito dahilan upang makita ang namumukadkad na mga bulaklak na nasa labas. Nagsimulang humakbang palapit si Ashton patungo sa libingan. At habang papalapit siya ng papalapit ay tila tumitindi ang kirot sa puso na kanyang nadarama. "We missed you so much our beloved." Mabigat ang dibdib ni Ashton na ipinatong ang isang bungkos ng puting chrysanthemums sa lapida ng kanyang minamahal. "I'm so sorry." Mahinang usal niya, puno iyon ng sinseridad. Kaagad rin niyang naramdaman ang paghapdi ng kanyang mga mata. "I am very sorry, kasalanan ko ang lahat ng 'to." Tila naluluha niyang turan. Nagpakawala siya ng hangin upang gumaan ang bigat ng dibdib na kanyang nadarama. Sandali ring siyang tum

  • My Little Trophy    Chapter 48.3

    Mahigpit na hinawakan ni Ashton ang kamay ni Amber. "Please stay awake, Amber. Be strong for us." Lumuluhang dinampian ni Ashton ng halik ang likod ng kamay ng kanyang misis. "A-Ashton."Naghihina at hirap na hirap na saad ni Amber. " Ang m-mga ba-ta" "They are very safe, my beloved. Don't worry about them, okay?" Mahinang umungol si Amber bilang tugon. Lalo namang umusbong ang pag-aalala ni Ashton. "Drive even faster, Tadeo. Masyado nang maraming dugo ang nawala sa asawa ko." "Opo, master." Nang muling ibalik ni Ashton ang tingin sa kanyang misis nagtama ang kanilang mga mata. "A-Ashton." Kitang-kita ni Ashton Blumentrint ang panunubig ng mga mata nito. "Ma-hal k-kita, tanders. Ma-hal n-na m-ma-hal." Lalo namang naluha si Ashton gayunpaman ay pinilit pa rin niyang magsalita. "If you love me, fight, Amber. Malapit na tayo sa hospital kaya kapit ka lang, okay?" Hindi umumik ang kanyang misis, sa halip ay ipinikit nito ang kanyang mga mata. Kitang-kita ang paghihirap n

  • My Little Trophy    Chapter 48.2

    Nang bumaling si Amber sa kanyang mister ay nakita niyang sapo-sapo nito ang kanyang balikat. Lalong nag-alala si Amber nang makita niya ang pag-agos ng dugo mula roon. "Ashton!" Mangiyak-ngiyak siyang humawak sa balikat ng kanyang mister. "I'm alright, my beloved." Hinawakan naman ng isang kamay ni Ashton ang kamay ni Amber na nasa kanyang balikat at saka marahang pinisil iyon "Ang sweet." Mapaklang turan ni Dindi dahilan upang pareho silang mapatingin sa kanya. "Pero sayang dahil malapit nang magwakas ang kwento niyo. At sisiguraduhin kong magtatapos iyon sa trahedya!" Mariing saad nito habang matalim ang titig sa kanila. "Please don't do that, Dindi." Puno ng sinseridad na turan ni Ashton ngunit hindi naman siya pinakinggan ng babae. Sandaling dumako ang tingin nito kay Amber, unti-unti ring gumuhit ang lungkot sa mga mata nito bago nito ibalik ang tingin kay Ashton. "Buong akala ko noon, si Amber na ang magiging daan upang maisakatuparan ko ang paghihiganti ko. Buong ak

  • My Little Trophy    Chapter 48.1

    Pinagpawisan ng malapot si Amber. Matapos niyang marinig ang usapan sa cellphone nina Dindi at ang kanyang mister ay wala siyang sinayang na sandali. Mabilis niyang tinungo ang pintuan ng sala. Ngunit gano'n na lamang ang panunuyo ng kanyang lalamunan nang hindi niya mapihit ang doorknob. "Saan ka pupunta, Lady? Gabi na po para lumabas ka pa." Tila tumigil ang ikot ng kanyang mundo sa narinig. Gayunpaman ay pilit niyang kinalma ang kanyang sarili bago niya hinarap ang katulong. Pinilit niyang ngumiti upang huwag itong makahalata. "Gusto ko sanang magpahangin." Hindi naman umimik si Dindi. Nanatili lamang itong nakatitig sa kanya. "Buryong-buryo na kasi ako sa loob eh. Gusto ko sana magpahangin at mag-star gazing." Pinilit lawakan ni Amber ang kanyang ngiti ngunit nanatili namang seryoso ang mukha ng babae. "Sana tinawag mo ako, Lady." Hindi naman nabura ang pekeng ngiti sa labi ni Amber kahit tila sasabog na ang puso niya sa lakas ng kabog nito. "Akala ko kasi tulog ka n

  • My Little Trophy    Chapter 47.2

    Walang sinayang na sandali si Ashton Blumentrint. Kahit tila naghihina siya sa natuklasan ay pinilit niyang magpakatatag. Aniya, walang mangyayari kung hindi siya kumilos. Kaagad niyang inayos ang camera na gagamitin niya sa kanyang live video sa iba't-ibang social media sites. Sa kabilang panig, napaayos naman ng upo si Dindi sa kanyang nakita sa screen ng kanyang cellphone. Blumentrint Villacorda is live. Makikita sa video ang nakaupong si Ashton sa kanyang swivel chair. Bagama't limitadong parte lamang ng lugar ang makikita sa video ay makukuhalang nasa loob siya ng study roon o opisina. Makikita ang magulo nitong buhok at nangingitim na ilalim ng mata, tanda na wala itong matinong tulog. "Hello, everyone. I know that most of you knows me. Pero magpapakilala pa rin ako. I am Ashton Blumetrint Villacorda, ang bunsong anak ni Flacido Villacorda. I am also the owner of ABV Empire. I know, I have my name in the business industry but today I wanna stoop down and sincerely give my ap

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status