"Papatayin ka niya?!" Tinulak ni Livi si Lorah palayo dahilan upang sumabit ang paa ng huli sa isang malaking ugat. Natumba si Lorah ngunit mabilis siyang nasalo ni Matteo. Mahinang napamura ang babae at nag-angat ng tingin sa lalaking mariing nakatitig sa kan'ya. Madilim itong ngumiti dahilan upang malakas niya itong itinulak. Humiwalay si Lorah at natatakot na umatras."L-Leave us alone." Suminghap si Lorah. "O kung gusto mo talaga akong patayin—unahin mo muna ang mga taong nasa likuran ko.""Ha?!" Nag-alburoto sa galit si Livi at inis na nilapitan si Lorah. Mabigat niyang hinawakan ito sa balikat at puwersahan itong pinaharap sa kan'ya. "Naglolokohan ba tayo rito?!""Livi..." Mahinang tumawa si Lorah at inis na inalis ang kamay ng pinsan na nasa kan'yang balikat. "Stop pretending like we're allies. Alam nating lahat na magkalaban tayong lahat dito—""Yes, you're my enemy," pagputol ni Livi sa pagsasalita ng babae. "Pero magkadugo pa rin tayo, Lorah. Napakawalang hiya mo naman kung
Mahinang napadaing si Matteo nang marahas siyang tumalsik dulot ng impact ng pagsabog. Ramdam niya ang apoy na tumama sa kan'yang balat. Pilit siyang dumilat at sinapo ang ulo. Sunod ay chineck niya ang kan'yang kamay na may dugo."S-Shit," saad niya at nahihirapang bumangon. Pinilig niya ang kan'yang ulo upang alisin ang hilong nararamdaman. Tinukod niya ang kan'yang kamay sa lupa at tumayo. Tiningnan niya si Livi at Dion na walang malay. Sunod ay nilipat niya ang paningin kay Shoui na nahihirapang bumangon. Huli ay kay Lorah na bahagya lamang naparuhan. Sinulyapan pa nito si Matteo bago nagmamadaling tumakbo palayo."Running away from death, huh?" Napabuga ng hangin si Matteo at hinubad ang nasirang coat. Tumambad ang kan'yang matipunong katawan na bumakat sa kan'yang maalikabok at bahagyang wasak na puting long sleeve. Inalis niya ang necktie sa kan'yang leeg at nilaglag ito sa lupa. He disheveled his already disheveled hair. Saglit niyang sinulyapan ang isang nakaitim na shirt na
"I wonder, how many enemies have come here?" Pinatunog ni Adam ang kan'yang mga daliri at hinanda ang kan'yang kamao. Nasa kan'yang harapan si Cayer na pormal na nakapamulsa. Kanina pa sila naglalaban kahit may mga bagong kalaban na ang dumating... At kahit halos sumabog na ang buong paligid nila—patuloy pa rin silang nakikipagbuno sa isa't isa. Hindi rin nila alintana ang sunod-sunod na pagsabog kanina."You're always a fucker, Adam," saad ni Cayer at madilim na ngumiti. "Hindi ko maintindihan kung bakit naging magkapatid tayo.""Huwag kang mag-alala, Cayer. Ang buong pamilya natin ay may kan'ya-kan'yang pinaglilingkuran sa Viacera. Kung pangit ang imaheng nakikita mo sa akin—puwes, ganoon din ako sa'yo.""Tumahimik ka." Sa saglit na segundo ay mabilis na nakalapit si Cayer sa kan'yang kapatid. Bagama't mas matanda siya rito ng isang taon—wala itong respeto sa kan'ya.Sabagay, hindi naman pamilya ang tingin nila sa isa't isa.Walang pagdadalawang-isip na sinipa ni Cayer si Adam na ma
Malamig na tinitigan ni Cayer si Vincent na diretso at walang takot na nakatitig kay Adam. Mayamaya ay sinulyapan siya nito."Go, bago pa mahuli ang lahat."Tipid na tumango si Cayer at tinalikuran si Vincent. He gritted his teeth."Don't die."Vincent just smiled. Samantala, si Cayer naman ay nagsimulang tumakbo palayo. Adam helplessly looked at him. At kahit nais niyang sundan ang lalaking umalis ay pinili niyang harapin si Vincent.Dahil hindi niya nakakalimutan—kalaban ng Viaceras ang Aureliuses. Isang malaking tagumpay kapag napabagsak niya si Vincent.Adam smiled wryly. He's starting to find this situation amusing."Vincent..." Hinanda ni Adam ang kan'yang sarili. "Shall we now fight?"Sa kabilang banda...Patuloy na tumakbo si Cayer sa madilim na kagubatan habang pilit na iniisip kung paano hahanapin ang babaeng lubhang mahalaga sa kan'ya. Panaka-naka siyang mahinang napapamura habang pilit na pinipigilan ang galit na halos sumabog na sa puso niya. His fist was trembling in ang
"Hindi na tayo maghihiwalay... pangako." Kahit hindi ko kita ang mukha ni Judas ay batid kong madilim siyang nakangiti. Patuloy niya akong niyayap kaya pasimple kong nilabas ang aking dalang baril. Tinutok ko ito sa tagiliran ni Judas at natigilan siya nang maramdaman ang bibig ng armas ko sa kan'yang katawan."Move away," usal ko at dahan-dahan siyang lumayo."You woman..." Nagtitimpi siyang ngumiti at tinitigan ang baril na unti-unting tumutok patungo sa kan'yang noo. Dinikit ko ito sa kan'yang ulo habang may isang kalahating metro na distansya ang natitira sa pagitan namin."Stop now, Judas. I am not someone you can play with, anymore. I am not your doll.""Hmmm..." Naaaliw na nanliit ang mga mata ni Judas sa akin. "So totoo nga ang balita na nagbago ka na. At tumibay ka na rin." Akma akong aabutin ni Judas nang nilagay ko ang aking daliri sa gatilyo at matiim siyang tiningnan. Saglit na nabalot ng galit ang kan'yang mukha na mabilis na napalitan ng aliw."My beautiful doll. Maaari
I didn't see a ghost, pero parang nakita ko ang kaluluwa ni Judas sa kan'yang mga mata. His soul was so dark, at hindi ko maaarok kung gaano kalalim ang kan'yang iniisip ngayon. Nanatili pa rin siyang diretsong nakatitig sa akin na naputol lamang nang may bumaril sa lokasyon naming dalawa."TANGINA!" Galit kong nilingon ang lalaking naka-shirt ng itim. Akma akong babarilin nito nang inunahan ko na ito. Diretsong tumama ang bala ng aking baril sa kan'yang dibdib. Natumba siya sa lupa at nalaglag sa tubig. Mabilis kong inassess ang paligid ngunit biglang lumundag si Judas patungo sa akin at hinawakan ang aking baril na mabuti'y hindi ko nabitawan."I won't let you kill me, my doll. N-Nag-uumpisa pa lang tayo." Ngumisi si Judas at pinutok ang hawak naming baril sa ibang direksyon. Inis akong napamura at napalingon sa bagong dating. Agad kong nakilala na isa ito sa mga tauhan ko, gayunpaman, hindi ko nagawang makahinga nang maluwag dahil may tatlong men in black ang dumating at inatake an
"H-Hindi..." Naiiyak na umiling ako. "You're one of my people. H-Hindi kita hahayaang basta-bastang mawala na lang bigla!""H-Hanggang dito na lamang ako, Ms. Shianna." Hinawakan pabalik ng lalaki ang aking kamay. Isang luha ang tumakas sa kan'yang mata. "Be strong, Ms. Shianna. Ngayon ay maraming buhay na ang nasa balikat mo. A-Ang lahat ng namatay sa panig natin ngayon-at ang mga nabubuhay... ay pasan-pasan mo na ngayon.""I-I am aware of that." Napatiim-bagang ako upang pigilin ang sarili na mas mapaluha. Isang beses akong humikbi at mas hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ng aking tauhan. Dinala ko ang kan'yang kamay sa aking noo at lumuluhang pumikit. "I'll promise, hindi ko hahayaang mapunta sa wala ang buhay mo at ng lahat ng taong namatay ngayon."I opened my eyes at nakita kong mabagal na pumikit ang lalaki. Sa huling pagkakataon ay banayad siyang ngumiti. "I-I am glad, Ms. Shianna, na ikaw ang taong pinaglilingkuran ko. Naging makahulugan ang buhay ko dahil sa'yo k-kaya...
Nagpasya na lamang akong umalis sa talon at bumalik sa dating lokasyon. Kailangan ko pang hanapin ang aking mga anak na nawalay sa akin. Hinihiling ko na lamang na sana'y nasagip na sila.I suddenly thought of those men in black shirt. Kahit walang magsabi sa akin ay batid ko na kung sino sila. They are part of the underworld, at paniguradong habol nila ang mga bata.Those Kalinga parents, nagawa ba nilang protektahan ang grupo nila?Nakarinig ako ng mga barilan kaya binilisan ko ang aking paghakbang. Hindi ko magawang makatakbo dahil nanghihina ang aking mga paa dahil sa ginawang paglunod sa akin ni Judas kanina.I clenched my jaw. Kung hindi lamang inutusan ni Papa ang dalawang secretary na iyon, paniguradong lumisan na si Judas sa mga kamay ko."Shianna!" Nang saktong makarating ako sa malawak na daan ng gubat ay may tumawag sa akin. Awtomatikong nagsalubong ang aking mga kilay nang makita si Judas na nakatutok ang hawak na baril sa akin. Akay-akay pa rin siya ng dalawang secretary