Stuck With The Billionaire
Stuck With The Billionaire
Author: Iya Perez
CHAPTER 01- THE CHALLENGE SHE IS FACING EVERYDAY

“Siya pala ‘yun. Sayang. Ang ganda pa naman, kaso ang sabi ng kaibigan ko nagtatrabaho raw ‘yan sa isang entertainment bar sa Quezon City.”

“Oo nga raw. Plano pa naman siyang ligawan ng kuya ko noon dahil mukha siyang matino pero nagbago ang isip ng kuya ko noong malaman niya ang trabaho ng babaeng iyan.”

Kalalabas ko lang ng classroom pero kung anu-ano na agad ang naririnig ko. Matagal na akong nakakarinig ng ganitong chismis na kumakalat sa eskuwelahang pinapasukan ko pero binabalewala ko nalang kasi hindi naman totoo. Hindi ako isang bayarang babae. Hindi ako isang prostitute at alam ko iyon sa aking sarili.

“P****k naman pala, pero kung makaasta akala mo Santa.”

Humugot ako nang malalim na hininga nang marinig ang sinabi ng isa sa mga babaeng dumaan sa harapan ko. Iyon ay walang iba kundi si Karina, ang kaklase ko na kalaban ko sa pagiging rank 1 sa buong Architecture Department dito sa UST.

“P****k pero sa Catholic school nag-aaral? Ang kapal ng mukha.”

Sanay na ako sa ganitong issue pero kapag sinabi ito mismo ng isang tao nang halos harap-harapan sa akin ay bigla akong nawawalan ng kontrol sa sarili. Akmang hahakbang na ako para maglakad patungo kina Karina at sa mga alipores niya nang biglang may humawak sa braso ko para pigilan ako.

Nang lingunin ko ito ay nakita ko agad ang kababata at kaibigan ko na si Angelo.

“Oh, kalma! Huwag mo nang patulan. Alam naman nating hindi totoo yung sinasabi nila eh. Relax lang, Andra.”

Kinunutan ko siya ng noo at mabilis na binawi ang aking braso mula sa kaniyang pagkakahawak.

“Hindi ako marunong kumalma kapag harap-harapan na akong pinapahiya, Angelo. Alam mo ‘yan,” saad ko saka mabilis na tumalikod sa kaniya para habulin ang bahagya nang nakakalayong si Karina.

Bata palang ako ay tinuruan na ako ni Mama na maging kalmado sa bawat sitwasyon na dumating sa akin pero bukod doon ay tinuruan niya rin ako kung paano lumaban kapag sa tingin ko ay naaagrabyado na ako at ang aking pagkatao.

Mabilis akong naglakad patungo kay Karina at mabilis na hinawakan ang kaniyang balikat at hinila ito para mapaharap siya sa akin. Nang makita ng kaniyang mga kasama ang ginawa ko ay agad na napaatras ang mga ito. Gulat ang kaniyang hitsura at halos hindi siya makatingin sa akin dahil sa kaba.

Alam kong kinakabahan siya ngayon dahil nanginginig din ang kaniyang katawan. Ramdam ko dahil nasa balikat pa rin niya ang kamay ko. Ngumiti ako sa kaniya pero paunti-unting dumiin ang pagkakahawak ko sa kaniyang balikat.

Hindi ako pinag-aral ni Mama ng martial arts para lang sa wala, minsan ay kailangan ko rin itong gamitin sa praktikal na paraan.

“Matagal na akong nagtitimpi sa’yo, Karina. Kung noon napapalagpas ko pa ang pagpaparinig mo sa akin, ngayon hindi na.”

Diretso ko siya tinitigan sa mata habang ang daliri ng aking mga kamay ay unti-unting pumuporma. Ilang minuto lang ay nakita ko na siyang nakaluhod sa sementadong daan habang nakahawak sa kaniyang tagiliran.

“Pucha Andra, bakit mo binigyan ng knife hand strike?” gulat na tanong sa akin ni Angelo.

Maraming mga estudyante ang napapatingin sa aming gawi pero wala akong pakialam. Wala na rin akong pakialam kung ipatawag ako sa Dean o President’s Office. Tutal hindi na rin naman ako makapaghintay na sabihin sa pinuno ng eskuwelahan kung anong uri ng pambubully ang natatanggap ko sa ibang estudyante rito.

Lumuhod ako sa harapan ni Karina at marahan siyang hinawakan sa balikat.

“May-ari ng chains of entertainment bar ang Mama ko, pero hindi ibig sabihin na pumupunta ako roon ay prostitute na ako. Baka nga mas malinis pa ako sa’yo.”

Bumaling ako sa suot kong bag at binuksan ang maliit na bulsa nito saka ako kumuha ng maliit na business card at marahan iyong inilagay sa kaniyang harapan.

“Punta ka sa bar namin, I’ll serve you well,” sabi ko bago ako tumayo. Nang tumingin naman ako sa iba pa niyang kasama ay agad na umatras ito.

Nang tumalikod na ako ay saka ko siya narinig na nagsalita.

“Isusumbong kita sa Dean. And I’ll make sure na matatanggal ka sa list ng Cum Laude dahil sa ginawa mo.”

Muli akong humarap sa kaniya at ngumisi.

“Go ahead. Gusto mo samahan pa kita?”

Pagkasabi ko niyon ay agad akong tumalikod at dire-diretsong naglakad patungo sa gate 1 ng UST. Tahimik namang nakasunod sa akin si Angelo. Nang huminto ako sa gilid ng daan para mag-abang ng jeep ay huminto rin ito. Nakataas ang isang kilay na tumingin ako sa kaniya.

“Bakit?”

Isang nag-aalalang tingin ang ibinigay niya sa akin.

“Graduating na tayo, Andra. Sana tiniis mo nalang ang sinabi ni Karina kanina. Paano nalang kung maalis ka sa listahan ng mga Cum Laude? Or worse, paano kung hindi ka nila pagmartsahin sa stage sa graduation natin?”

Inalis ko ang aking tingin kay Angelo at ibinaling iyon sa mga sasakyan na dumadaan sa España.

“Hindi naman mahalaga sa akin kung makapag-martsa ako o maging Cum Laude. Gusto ko lang makapagtapos para puwede na akong sumunod kay Papa sa UK.”

Iyon lang naman ang pangarap ko, isang tahimik na buhay sa ibang lugar. Buong buhay ko, wala na akong ibang narinig sa mga tao kundi puro negatibong bagay. Na hindi raw makabubuti sa akin na sa isang bar ako laging pumupunta. Masyado raw akong exposed sa mga lalaki at mga masasamang uri ng inumin. They thought that it’s my choice to be in there, pero hindi. Wala akong choice dahil iyon ang negosyo ng aking ina. At dahil ako lang naman ang kaniyang anak, wala siyang ibang puwedeng pag-iwanan ng main branch sa tuwing magtutungo siya sa ibang parte ng bansa para tingnan at i-check ang sales ng iba pa nitong branches nationwide.

Nagtataka ang iba kung nasaan ang aking ama. They were asking me a lot about that when I was still a kid, pero ni minsan ay hindi ko iyon sinagot. I was discreet about it. Kung hindi ako nagkakamali, grade one ako nang maghiwalay ang mga magulang ko.  Social butterfly kasi ang aking ina, samantalang si Papa ay isang tahimik na tao lang na gusto ng simpleng pamumuhay. Due to their differences, they’ve decided to separate. Gusto akong kunin ni Papa noon, pero ayaw ni Mama. At ayon din sa batas, hangga’t hindi pa nasa wastong edad ang isang bata, sa kaniyang ina ito mananatili.

Ang sabi ni Mama ay nasa UK na raw si Papa, kasama ang bago nitong pamilya. Thinking that Papa has his own family already is like a torture to me. Pero wala akong magagawa kundi tanggapin ang katotohanan na ganoon talaga ang buhay. Still, I want to go to UK, dahil gaya ni Papa, gusto ko rin ng isang tahimik na pamumuhay. And I am willing to sacrifice everything, even leaving my Mom just to finally get the peace of mind I deserve.

Nang tapikin ako ni Angelo sa aking balikat ay saka lang ako natauhan.

“Natulala ka na naman. Kulang ka na naman sa tulog ‘no?”

Tipid akong ngumiti kay Angelo. Nang makita ko ang isang paparating na jeep ay agad akong pumara rito.

“Saan ka pala ngayon?” tanong ko naman sa kaniya.

“As usual sa part-time job ko sa P. Noval.”

Kumunot ang aking noo.

“Eh bakit ka nandito? Sa kabilang gate ang daan noon ah.”

Ngumiti naman siya sa akin.

“Hinatid lang kita.”

Nang huminto ang jeep sa tapat namin ay agad akong naglakad patungo roon. Bago ako sumakay ay tumingin muna ako kay Angelo. Ngumiti naman siya sa akin at kumaway. Tipid na ngiti lang ang ibinigay ko sa kaniya. Angelo and I became friends since we were in high school. At masasabi kong siya ang isa sa mga taong pinaka-nakakakilala sa akin. Yung totoong ako at kung ano ang katotohanan sa likod ng mga chismis na kumakalat sa eskuwelahang pinapasukan namin. Itinuring ko na rin siyang kapatid, kaya lang, nagbago ang lahat nang sinubukan niya akong ligawan noong unang taon namin sa kolehiyo. Magmula noon, hindi na naibalik ang dating closeness namin. May mga pagkakataong nagkakaroon din kami ng awkward moments sa isa’t isa.

Guwapo si Angelo, matalino rin at magaling sa kaniyang inaaral na kurso. Kung ako ay nangangarap na maging isang Architect, siya naman ay maging isang Engineer. Ang sabi niya noon, kaya niya pinili ang kursong engineering ay para mag-complement ang propesyon naming dalawa. Mabait din si Angelo dahil magmula noong high school kami, siya na ang nagtatanggol sa akin sa ibang mga tao na sinisiraan ako kahit hindi niya naman kailangang gawin iyon.

“Nag-commute ka na naman?” tanong sa akin ni Mama pagkapasok ko sa kaniyang opisina dito sa main branch ng bar.

Hindi ko siya pinansin. Dire-diretso lang akong naglakad patungo sa maliit na room na nagsisilbing quarter ko rito. Pagpasok ko roon ay mayroong makikitang kama. Kumpleto ang beddings nito. May mga disenyo rin ang pader na ako ang gumawa at may study table sa bandang sulok kung saan naroon ang aking mga gamit. Laptop, libro, mga drawing tube at iba pa.

Nang ilapag ko ang aking bag ay saktong narinig ko rin ang pagbukas ng pinto ng aking maliit na kuwarto. Mula roon ay pumasok si Mama at dire-diretsong naglakad sa akin at tinapat ang screen ng kaniyang phone sa mukha ko.  Binasa ko iyon at agad na tumingin sa kaniya.

“It was a text from our Dean,” sambit ko.

Tumango naman siya at ibinaba ang phone na hawak.

“Yes, it was. At nabasa mo naman siguro kung ano ang nakalagay hindi ba? You just knife hand strike one of your classmates, Andra! Hindi kita in-enroll sa martial arts class mo para manakit ng ibang tao, lalo na sa mga classmates mo.”

Tumalikod ako sa kaniya at sinimulan na ang pagkakalas ng butones ng suot kong uniform.

“Don’t you turn your back on me while I am speaking,” aniya saka hinawakan ang aking magkabilang balikat at pilit na pinaharap ako sa kaniya.

“Hindi kita pinalaking bastos.”

“She deserved it,” agad na sagot ko.

Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Mama.

“Simula palang first year college kami, she’s been calling me a prostitute because she has seen me several times entering this place. At kanina, tinawag niya akong p****k at nawalan na ako ng kontrol. Anong masama sa ginawa ko? Anong gusto mong gawin ko? Ma, you know me! Minsan lang ako mawalan ng kontrol at pasalamat siya dahil iyon lang ang ginawa ko sa kaniya.”

Natigilan si Mama sa aking sinabi.

“You taught me how to fight for myself, at iyon ang ginagawa ko ngayon para sa sarili ko. Ayaw mo akong mawala sa’yo hindi ba? Puwes, intindihin mo ako. Dahil ikaw naman ang may kasalanan kung bakit ko nararanasan ang lahat ng ito.”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status