Huminto lang ako sa tapat ni Kyla at tipid na ngumiti. Marahan kong pinasadahan ang kaniyang suot na damit. Fully covered ang kaniyang itaas na parte dahil nakasuot siya ng itim na t-shirt na may tatak ng pangalan ng bar. Pero bahagya akong napangiwi nang makita ang kaniyang suot pang-ibaba. Nakasuot siya ng pencil-cut skirt na above the knee ang haba. Wala rin siyang suot na stockings kaya naman litaw ang kaputian ng kaniyang binti at ibabang parte ng kaniyang hita.
“Bakit ganyan ang suot mo? Nagbago na ba ang uniform ng mga staff na babae rito?”
Natigilan siya nang marinig ang aking tanong. Bahagya pa siyang nagkamot ng batok bago nagsalita.
“Oo eh. Utos ni Ma’am Diana. Mas maganda raw kasing tingnan kung ganito. May punto naman siya, mas kumportable ang pakiramdam ko ngayon kaysa noong dati nan aka-stockings kami. At least hindi na ako mangangati.” Nakangiting sambit niya.
“Hindi ka nga mangangati, paniguradong mahihipuan ka naman sa suot mo,” saad ko saka umirap.
“Eh yun nga yung goal eh,” pabiro niyang sambit. Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya.
Kilala ko si Kyla, para siyang ako, conservative. Pero ngayon hindi ko na alam. Matagal na siyang nagtatrabaho sa bar na ito. Halos magli-limang taon na rin. 18 years old siya nang magsimula siyang magtrabaho bilang isang janitress. Pero ayon kay Mama, nakikitaan niya raw ito ng husay sa ginagawa kaya naman pinromote niya ito sa pagiging isang waitress. Magmula noon ay nagkaroon na ng maraming costumer ang bar dahil sa kaniya. Marami kasing bumibisita sa kaniya na mga manliligaw dahil talaga namang maganda siya.
“Nagbago ka na talaga,” nailing na sambit ko.
Tumawa naman siya.
“Ganoon talaga, lahat naman nagbabago.”
Nagkibit-balikat lang ako na naglakad palabas. Nang mapadaan ako sa main door ay binati pa ako ng dalawang guard na nakabantay roon.
“Saan ho kayo punta Ma’am Andra? May pasok pa ho kayo?” tanong ni Manong Fred, ang guard na medyo matanda na ang edad.
Umiling naman ako.
“Uwi po muna ako sa bahay, balik nalang po ako ulit dito sa susunod na linggo.”
“Naku, edi mawawalan ng magaling na bartender ang bar ng ilang araw.”
Mahina akong tumawa. Mabait talaga itong si Manong Fred. Isa siya sa mga staff ng main branch ng bar na malapit sa akin dahil para na ring anak ang turing niya sa akin.
“Hindi na naman kayo nagkasundo ni Ma’am Diana ano?”
Hindi ako sumagot sa tanong niya. Ngumiti nalang ako at humugot ng malalim na hininga.
“Naroon naman po si Kier. Kaya niya na po iyon,” saad ko na ang tinutukoy ay ang kaedad kong bartender na lalaki.
Kapag dito ako tumutuloy sa bar, ako na minsan ang tumutulong kay Kier sa pagmi-mix ng mga alak. Bata palang kasi ako ay exposed na ako sa mga iyon. Ang ironic lang dahil kahit sobrang daming alak ko nang alam, hindi pa rin ako nagkakaroon ng pagkakataon na tumikim nito. Hindi dahil sa takot ako sa posibleng maging reaksiyon ni Mama kundi dahil ayoko. Magmula noong bata ako ay sinabi ko na sa aking sarili na hindi ako iinom ng alak.
“Leandra, naku. Salamat naman at naisipan mong umuwi rito.”
Napahinto ako sa paglalakad papasok ng bahay nang makita ko si Yaya Gina na tumatakbo papunta sa akin. Nang makalapit siya ay agad niya akong niyakap nang mahigpit.
“Akala ko ay hindi ka na uuwi rito. Akala ko mas gusto mo nang manatili sa maliit na silid mo roon sa Bar ng Mama mo. Miss na miss na kitang bata ka. Akala ko ay aamagin ako rito sa pamamahay niyo bago mo kita makita.”
Humugot ako ng malalim na hininga. Lumapit ako rito at saglit na yumakap.
“May nangyari ano? Kaya ka umuwi?” Kahit kailan talaga, ang galing niyang manghula. Talagang kilalang-kilala niya na ako.
Tumingin ako sa kaniya at marahang tumango.
“Nagkasagutan po kasi kami ni Mama.”
Nag-aalalang tingin ang ibinigay sa akin ng matanda at marahang hinaplos ang aking balikat.
“Bakit anong nangyari?”
Imbes na sagutin ang tanong niya ay mayroon akong biglang naisip. Biglang nawala sa isip ko ang pinag-awayan namin ni Mama bagkus ay nagbalik sa aking isipan ang nangyari sa pagitan namin ni Karina. I blew a short breath of frustration before I stepped back. Humarap ako nang maayos sa harapan ni Yaya Gina saka umikot.
“Yaya, sagutin mo ako nang diretso ha, mukha ba akong p****k?”
Nagsalubong ang kilay ni Yaya Gina dahil sa tanong ko sa kaniya. Magkahalong gulat at pagkainis ang nakita kong ekspresiyon ng kaniyang mukha.
“Seryoso ka ba sa tanong mong iyan, Leandra?”
Tumango naman ako. Seryoso ako. Gusto ko lang malaman kung anong tingin niya sa akin. Baka tama nga si Karina. Baka mukha nga akong prosti.
“Aysusmaryosep, siyempre hindi. Isa pa, bakit ka naman magmumukhang p****k eh nakapakonserbatibo mo pagdating sa iyong kasuotan palagi. Hindi nga kita nakitang nagsuot ng palda na maikli o damit na revealing.”
Gumaan naman ang aking pakiramdam sa sinabi ni Yaya. Lumapit ako sa kaniya at saka yumakap.
“The best ka talaga, Yaya Gina.”
Marahan naman ako nitong tinapik sa balikat.
“Oh siya, umakyat ka na roon sa kuwarto mo at ipahahatid ko nalang doon ang pagkain mo.”
Kumpara sa kuwarto ko roon sa bar, mas malaki ang kuwarto ko rito sa bahay namin. Malaki din naman kasi ang bahay namin dito sa Makati pero wala nang nakatira dahil si Mama ay sa condo niya sa QC umuuwi, samantalang ako ay palaging sa bar natutulog. Halos gawin ko na ngang bahay iyon dahil naroon ako palagi.
Puro mga helpers na lang ang nakatira rito. Nakakatuwa dahil talagang pinananatili nila ang kalinisan ng buong bahay kahit na wala kami ni Mama. Wala rin akong reklamo sa mga ito dahil lahat sila ay mababait.
Pagpasok ko sa loob ng kuwarto ko ay naamoy ko agad ang pamilyar na amoy ng aking mga scented candles. Alam kong matagal ko nang hindi sinisindihan ang mga iyon pero humahalimuyak pa rin ang bango nito sa buong kuwarto ko.
Dumiretso ako sa aking study table na walang bahid ng alikabok. Inilapag ko roon ang aking bag. Isa-isa ko ring chineck ang aking reminder’s notebook. Nang makita kong may plates akong kailangang gawin ay agad akong naligo at nagbihis ng kulay puti na loose shirt at denim na tokong na umaabot ang haba hanggang sa aking tuhod. Nang makapag-ayos na ako ay agad kong kinuha ang aking wallet at saka bumaba.
Agad kong hinanap si Yaya Gina para magpaalam dito. Lagi namang ganoon. Hindi ako puwedeng umalis ng bahay nang hindi nagpapaalam sa kaniya.
“Siguraduhin mong babalik ka nang maaga ha.”
Ngumiti naman ako sa kaniya at tumango. Kailangan ko lang namang pumunta ng bookstore para mamili ng mga kailangan ko sa paggawa nga aking plates dahil obviously, wala akong gamit sa bahay. Isa pa, huling plates na rin naman itong gagawin ko dahil magmula sa susunod na linggo ay wala na kaming ibang gagawin kundi ang mag-practice para sa nalalapit na graduation.
Dahil nasa tamang edad na ako at mayroon na rin akong lisensiya para mag-drive, kinuha ko ang susi ng Nissan Versa sedan na naka-parada sa garahe. Pinagbuksan naman ako ng dalawang helper ng gate.
Hindi naman traffic sa mga oras na ito kaya madali akong nakarating sa mall. Pagpasok ko ay agad akong dumiretso sa bookstore at binili ang lahat ng mga kailangan ko para sa plates. Pagkatapos kong magbayad ay bumalik na rin ako agad sa sasakyan.
Nang pauwi na ako ay doon na ako inabutan ng malalang traffic. Sinubukan kong aliwin ang aking sarili habang nasa loob ako ng sasakyan sa pamamagitan ng pagpapatugtog ng music pero hindi effective ang ganoon sa akin. Bigla namang sumagi sa aking isipan ang tungkol sa nangyari sa akin sa school kanina. At habang patuloy ang pagtakbo nito sa aking isipan ay patuloy lang akong naiinis. Sa hindi kalayuan ay mayroon akong nakita bukas na high-end bar. Hindi ko alam kung anong pumasok sa aking isipan at nagdesisyon akong magtungo roon. Pagkaparada ko sa parking area nito ay agad akong lumabas dala ang aking wallet at ang susi ng sasakyan.
Nang nasa entrance na ako ay agad na humarang ang isang guard sa akin.
“Bawal po ang minor dito, Miss.”
Marahan akong tumawa sa guwardiya. Kinuha ko ang wallet ko sa aking bulsa at ipinakita ang aking school ID. Tila hindi pa ito kumbinsido na 21 years old na ako. Pinagmasdan pa ako nito mula ulo hanggang paa.
“Sigurado ka bang hindi ka naliligaw, Miss?”
Napatingin ako sa aking damit.
“Bakit? Dahil ba sa suot ko? Iinom lang naman ako Manong, hindi maghahanap ng lalaki na iuuwi,” inis na sabi ko bago dire-diretsong pumasok sa loob.
Gaya ng aking inaasahan, dahil high-end bar ito, lahat ng pumupunta ay mga mayayaman at iyong mga negosyante. Mapapansin agad iyon sa kanilang mga kasuotan. Sa paligid ay mayroon ding mga babae na naglilibot sa kung saan-saan, umaasang may mahahanap silang lalaki na papatol sa kanila. I’ve known about that since then dahil tinuro iyon sa akin ni Mama.
Walang gaanong tao sa front bar kaya doon ako dumiretso. Kumunot ang noo sa akin ng lalaking bartender nang makita ako nito na umupo sa upuan malapit sa kaniya.
“One glass of whiskey, please.”
Noong una ay nag-aalangan pa ito kung bibigyan ako nito ng alak. Wala akong nagawa kundi ipakita ang ID ko rito.
“Pasensiya na, Ma’am. Akala ko po kasi ay minor po kayo.”
Sa totoo lang, hindi ko alam kung dapat kong ikatuwa kapag sinasabi nilang mukha akong minor. Matangkad naman ako kaya sigurado akong hindi height ang kanilang basehan.
“Huwag niyo pong masamain Ma’am ah. Baby-faced po kasi kayo kaya ganoon,” saad nito saka inabot sa akin ang inorder kong alak.
Dire-diretso kong ininom iyon. Ang akala ko ay hindi ako tatablan ng pait niyon, pero nagkamali ako. Damang-dama ko ang pagguhit nito sa aking lalamunan. Narinig ko ang mahinang pagtawa ng bartender.
“First time mo, Ma’am?”
Tumango nalang ako bilang sagot. Pinalipas ko muna sandali ang ilang minuto bago ako umorder ulit ng dalawa pang baso. Habang patagal nang patagal ay parami nang parami ang costumer ng bar. At dahil napaparami na rin ako ng naiinom unti-unti na rin akong nakakaramdam ng pagkahilo. That’s when I know that I have to stop. Isa sa mga bagay na kinatatakutan ko ay ang maaksidente habang nagmamaneho ako ng sasakyan.
Humingi agad ako ng bill sa bartender at binayaran iyon agad. Dahil nahihilo ay kailangan kong magdahan-dahan sa paglalakad. Ang kaso, may biglang sumagi sa akin kaya naman agad akong nabuwal sa aking kinatatayuan. Ang akala ko ay sa sahig ako babagsak, pero nagulat ako nang maramdaman kong napaupo ako sa hita ng isang lalaki na nakaupo sa sofa.
Naramdaman ko agad ang paghawak nito sa aking beywang para maalalayan ako.
“Oh my gosh, Jacob! There’s a kid on your lap,” narinig kong saad ng isa sa mga lalaki habang tumatawa ito. So, Jacob pala ang lalaking pinaglandingan ko. Sinubukan kong ilapit ang aking mukha sa kaniya para makita ko ang hitsura nito pero blurry image lang ang aking nakikita. Pero sigurado akong guwapo ito at mabango pa.
“S-sorry, hindi ko sinasadya,” pabulong kong sambit sa lalaki.
Hindi naman ito sumagot. Sinubukan kong tumayo pero bumagsak akong muli sa kaniya. I heard him grunt kaya naman muli akong humingi nang pasensiya.
Ang mga kasama niya naman ay panay lang ang tawa at pang-aasar sa kaniya.
“Kawawang bata, mukhang unang beses niyang uminom,” dinig kong sambit ng isa.
Muli akong tumayo at sa pagkakataong iyon ay nagawa ko na. Pero nahihilo pa rin ako lalo na kapag nakikita ko ang mga neon lights sa paligid. Sa tuwing naririnig kong tinatawag akong bata hindi ko maiwasang magpanting ang tainga ko.
“Hindi ako bata, okay. 21 na ako. Legal na ang edad ko. Why does everyone call me a kid?” inis na reklamo ko sa mga ito.
“Because you are a kid,” saad ng lalaking sumalo sa akin kanina na nagngangalang Jacob.
Tumaas ang kilay ko sa kaniya.
“Really?”
Tumango naman siya.
“Then I’ll show you that I’m not,” saad ko saka mabilis na yumuko at hinawakan ang kaniyang magkabilang kuwelyo at hinalikan siya sa labi.
JACOB’S POV“Aminin mo na pare, kaya mo siya gusto kasi nakikita mo sa kaniya si Gabriella,” saad ni Martin habang kasalukuyan kaming nag-iinuman sa labas ng condo niya. May balcony roon na maliit at iyon ang ginagawa naming tambayan sa tuwing magyayaya siya ng inom.Gustuhin ko man siyang yayain na uminom sa labas, tumatanggi siya dahil ayaw niyang mag-alala si Kathy sa kaniya. Such a loyal man to her woman. Like I am for my first love, Gabriella Mari Benitez Del Rio.Umiling ako sa sinabi ni Martin at inabot ang panibagong bote ng alak at binuksan iyon.“Ang tagal na noon, pare. Hindi ka pa talaga nakaka-move on? Have you even bed other women? Kasi ako, hindi ako naniniwala sa mga balita lalo na yung galing lang sa mga tabloids. Laman ka palagi no’n eh.”Mahina akong tumawa.“Yung totoo, pare? Virgin ka pa yata eh!”Inis na kumuha ako ng piraso ng popcorn at binato ko iyon sa kaniya.“Siraulo. Siyempre hindi na. I had tried that too.”Umangat ang kilay ng kaibigan ko.“Oh, bakit par
“Ang sabi ko, gusto kong umuwi ng Siargao. Bakit tayo nandito?” kunot-noong tanong ko nang lumanding ang private chopper na sinakyan namin sa isang isla sa Palawan.Hindi ko mapigilang mainis dahil nililipad ng hangin ang buhok ko. Nasa bag ko pa naman ang mga ponytails ko. Parang walang narinig si Jacob sa mga sinabi ko at ipinagpatuloy lang niya ang pagbababa ng mga gamit namin sa chopper.“Hello? May kausap ba ako? Jacob, ano na?”Nang marinig niyang tinawag ko ang kaniyang pangalan ay kumunot ang noo niya. Tinuro niya ang kaniyang tenga at umiling. Sumesenyas na hindi niya naririnig ang sinasabi ko dahil maingay ang ingay ng elesi ng chopper. Hindi pa rin kasi ito humihinto, o mas tamang sabihin na wala itong planong huminto.Masama ang aking hitsura na nakahalukipkip sa isang tabi. Hinayaan ko lang na siya ang mag-asikaso ng mga gamit namin. Inikot ko naman ang aking paningin sa paligid. Halos walang bahay sa lugar na iyon maliban sa malaking rest house na sigurado akong pag-aari
Matagal kong pinag-isipan kong pinag-isipan kung paano ako makakaganti kay Sabrina. Pinag-aralan kong mabuti ang bawat detalye ng gagawin ko, tinitingnan ko kung magiging epektibo ba ito.“Sigurado ka bang kaya mong mag-isa? Sabihan mo lang ako kung kailangan mo ng back-up ha?”Umiling ako kay Lara nang sabihin niya iyon.“Why not? Hindi ba nga may kasabihan na two is better than one.”Mahina akong tumawa na ikinakunot ng kaniyang noo.“You think I will let you do this with me? Come on, Lara. We’re both pregnant. Isa pa, plano ko ito. Ayokong idamay ka rito. Mamaya itakwil pa ako ni Jace bilang kaibigan kapag may nangyaring masama sa’yo.”She grinned.“You care for me but you don’t care for yourself, huh?”“Sino namang nagsabing hindi ko iniingatan ang sarili ko? Come on, you know better, Lara.”Katatapos lang namin magtrabaho sa araw na iyon at hinihintay nalang namin ang aming mga sundo. As usual, mas maarte pa sa aming dalawa ang mga tatay ng aming mga anak. They won’t let us drive
“Are you okay?” tanong sa akin ni Jacob nang mapansin niyang hindi ako mapakali sa aking puwesto. Kanina pa kasi ako galaw nang galaw. Panay rin ang tingin ko ng oras sa suot kong wristwatch.It took me five full days to decide if I’ll be visiting Papa in the hospital or not. Halos isang taon ko rin siyang hindi nakita. Wala akong alam tungkol sa kalagayan niya. Wala ring alam ang pamilya ko kung saan siya nagpunta. Kaya lahat kami ay nagulat nang malaman ang tungkol sa kalagayan niya.“Have you read the news about Sabrina Acosta?”Kumunot ang aking noo nang marinig ang pangalang binanggit ni Jacob.Umiling naman ako at tumitig sa kaniya, hinihintay na ituloy niya ang kaniyang sasabihin. Nang huminto sandali ang sasakyan ay tumingin siya sa akin.“She left the country after your father collapsed. Iyon lang ang sinabi sa akin ng isa sa mga kaibigan kong malapit din sa pamilya Acosta. Mukhang may malaking dahilan kung bakit inatake ang Papa mo. At naniniwala ako na isa sa mga dahilan no
After losing my first child last year, I never thought that it’d be possible for me to bear another child in my stomach. Hindi ko ito inasahan, lalo na si Jacob.Hawak namin ang papel na naglalaman ng test results na ginawa ng doctor ilang oras na ang nakalilipas. Nakatitig lang kami roon, parehong nanginginig ang aming mga kamay. Hinawakan niya ang akin at dinala ang likuran nito sa kaniyang labi para halikan.Napansin ko rin na halos maluha-luha siya. Dala siguro ng kaniyang emosyon na nararamdaman sa kasalukuyan. Nasa kaniyang sasakyan kaming dalawa at tahimik na nakaupo.“I can’t believe this,” he said and kissed the back of my hand once more.“Me either. Hindi ko alam kung dapat ko bang tawagan agad sina Mama at Kuya o hindi muna.”“I think it’s better if we surprise them.”His idea was good. Kaya ng sumunod na araw ay pareho kaming nag-take ng leave sa aming mga trabaho. We organized a little party for just for our family and close friends. We sent invitations na kami mismo ang
Mahigpit akong niyakap ni Jacob pagkahiga niya sa tabi ko. Kumpara sa aming dalawa, alam kong siya ang mas pagod, dahil kinailangan pa niya akong linisan pagkatapos naming magniig. Matagal din naming hindi nagawa ang bagay na iyon dahil sa dami na ring nangyari. And when we do it this time, pakiramdam ko ay unang beses namin iyong dalawa. Jacob is always subtle with his moves. Kaya hindi ako nahirapan.We did it three times this time. Binabawi ang mga pagkakataong hindi namin nagawa iyon.“You really don’t have to do it, Jake,” sabi ko saka bumaling nang tingin sa kaniya. Kababalik niya lang sa kama dahil itinapon niya ang wet wipes sa basurahan sa banyo.Wala pa rin akong suot na damit sa ilalim ng kumot kaya bumangon siyang muli para hinaan ang aircon. Pagkahiga niya, yumakap siya sa akin at hinalikan ako muli sa labi. Matagal ang halikan naming dalawa. Iyong tipong kahit na kanina pa namin ginagawa iyon, wala pa ring nagbabago sa alab na nararamdaman namin sa isa’t-isa.“Halos hind
Malaki ang nagbago sa akin magmula nang bumalik ako sa kumpanya. May mga pagkakataong hindi ako makapag-focus sa trabaho kaya palagi akong napapagalitan ng pinsan ko.Ako pa rin naman ang humahawak sa mga malalaking meetings. Ako pa rin ang nag-aasikaso ng karamihan sa kumpanya. Pero hindi na ako katulad ng dati na binibigay ko lahat ng oras na mayroon ako para sa trabahong iyon.May mga pagkakataon na naiisip kong pansamantalang lumiban muna sa Centre Point para mabigyan ko ng mas maraming oras ang DRH pati na rin ang chains of bars na iniwan sa akin ni Mama. Ang kaso, wala pa akong lakas ng loob na sabihin kay Lolo ang tungkol doon.“Are you happy right now?” tanong ni Kathy habang kasalukuyan ko siyang tinutulungan sa pagbe-bake ng ginagawa niyang cookies. “Generally, I am. Wala namang raso para hindi maging masaya, hindi ba?”Huminto siya sa paglalagay ng mga lutong cookies sa Tupperware container at tumingin sa akin nang diretso.“Okay, you’re happy generally. Pero kumusta naman
Noong nasa college ako, akala ko ang isa sa mga pinakamasakit na mararanasan ko ay ang ma-bully ng mga kaklase ko. Iyong palaging pinagtatawanan. Dahil ang sabi nga nila, bayarang babae ako dahil nakikita nila akong pumapasok sa bar na pagmamay-ari ni Mama. Akala nila, doon ako nagtatrabaho bilang waitress o bilang isang pick-up girl.Isa lang ang kaibigan ko noon na nagtatanggol sa akin. Si Angelo na hanggang ngayon ay wala pa rin akong balita kung nasaan na.Palaging sinasabi sa akin ni Mama na sa akin niya ipapamana ang mga negosyo niya kapag nawala siya. Dahil bukod sa akin, wala naman siyang ibang anak o pamilya na puwedeng mag-asikaso nito.Ilang beses akong tumanggi noon dahil ang plano ko ay sumunod kay Papa sa UK. Pero iba ang nangyari sa akin. Sa ibang landas ako dinala ng aking tadhana.Sakay ng wheelchair na tulak ng kaniyang personal nurse, napansin ko ang mga folders na nakapatong sa ibabaw ng binti ng aking ina. May maliit din na kahon doon.“Oh, Ma. Para saan ang mga i
Sa loob ng kalahating araw ay nanatili si Papa sa bahay. Masaya itong nakipagkuwentuhan sa amin nina Yaya Gina habang si Mama ay masaya lang na nakamasid sa amin. Bago gumabi ay nagpaalam na rin ito. Nabanggit ni Papa na kasama niya ang kaniyang asawa at ang dalawang anak nila sa kanilang bakasyon dito sa Pilipinas.“Hanggang kailan po kayo mananatili rito sa Pilipinas?” tanong ko nang ihatid ko sa labas ng gate si Papa.“Isang buwan lang kami rito. Pinuntahan lang namin ang Lolo at Lola ng Tita Maya mo. Babalik din kami agad dahil magsisimula na muli ang pasukan. Yung dalawang kapatid mo, masyadong masipag sa kanilang pag-aaral at ayaw lumiban sa klase. Plano ko ngang magtagal sana.”Napangiti ako nang marinig ang kaniyang sinabi. I’m glad that even though we’re not blood related, he’s still treating me as his daughter.“I’ve heard a lot about you. Diana told me what happened years ago. Masaya ako na lumaki ka na isang mabuting bata at hindi mo pa rin tinalikuran si Diana sa kabila n