Share

CHAPTER 18

MASAYANG ikinuwento ni Milagros kay Martin ang pagsagot ni Monica sa kaniyang wedding gown. Kahit si Martin ay hindi makapaniwala sa sobrang kabaitan ni Monica sa kaniya. Biruin mo, isang beses niya lamang itong tinulungan pero napakaraming beses na siya nitong tinutulungan. Napakalaking bagay para makabawas sa gastos nila sa kasal ang ginawa ni Monica. Isa pang ikinatuwa niya ay sa kaniya na talaga ng naturang wedding gown dahil binayaran na iyon nang buo.

“Napakabait pala talaga ng boss mo. Pero baka may kapalit iyang mga tulong niya sa iyo, ha. Makiramdam ka rin dapat,” sabi ni Martin.

Sinundo siya nito sa resort ng gabing iyon. Kagaya ng kanilang nakagawian ay naglalakad lang sila pauwi sa bahay.

“Sa tingin ko ay hindi ganoon si Miss Monica. Sobrang pasasalamat niya kasi iniligtas ko ang buhay niya. Pero sa totoo lang, sapat na sa akin iyong binayaran niya ang lupa namin at pinatitiluhan niya. Kaya iyong mga sumunod na ibinibigay niya ay nahihiya na akong tanggapin.”

“Basta,
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status