Share

CHAPTER 24

     NARAMDAMAN ni Ernesto ang paghinto ng sasakyan na pinagsakyan sa kaniya ng mga hindi niya kilalang tao. Narinig niya ang pagbukas ng pinto van at kasunod no’n ay ang malakas na pagtulak sa kaniya palabas. Nawalan siya ng balanse nang makababa siya at napaluhod siya sa lupa. Napaigik siya sa sakit nang maramdaman ang pagtama ng tuhod niya sa bato. Ngunit ang sakit ay hindi niya ininda dahil sa sandaling iyon ay mas nananaig ang takot at kaba niya sa kung ano na ang nangyari sa kaniyang pamilya.

Hinila siya sa kaniyang isang braso para tumayo at inutusan siyang maglakad paunahan. Kahit nakapiring siya ay alam niya na pumasok sila sa isang silid dahil may narinig siyang pagbukas ng pinto. Hanggang sa inalis na ang piring sa kaniyang mata.

Nanlaki ang mga mata niya nang tumambad sa kaniya ang mag-iina niya na walang malay habang nakahiga sa malamig na sahig ng silid na walang laman. Lalapitan niya sana ang mga ito

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status