Share

CHAPTER 20

     HABANG nag-a-apply ng lipstick si Monica sa kaniyang magandang labi ay napansin niya ang dalawang babae sa tabi niya na nagbubulungan at tumitingin sa kaniya nang palihim. Ang akala yata ng mga ito ay hindi niya iyon napapansin dahil meron siyang ginagawa. Nakakainsulto na pakiramdam niya ay siya ang pinag-uusapan ng dalawa tapos nasa tabi lang siya.

Gustung-gusto na niyang tarayan ang mga babae pero baka kasi hindi siya ang pinag-uusapan. Mapapahiya pa siya.

Nang matapos na siya ay naghanda na siya sa paglabas ng restroom. Pinapasadahan niya ng huling tingin ang sarili sa salamin nang mahaging ng tenga niya ang kaniyang pangalan mula sa bibig ng isa sa mga babae. Iyon na ang hudyat para ipakita niya sa dalawa kung paano magmaldita at magtaray ang isang Monica Montealta!

Tumikhim muna si Monica at seryosong humarap sa dalawa. “I heard my name. Pwedeng lakasan ninyo ang mga pinagsasabi ninyo tungkol sa ak

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status