Share

ABDUCTED: The Story of Forced Marriage
ABDUCTED: The Story of Forced Marriage
Author: Eastlander

Prologue

©ALL RIGHTS RESERVED 2022

ITINAAS ni Kayden ang itim na tela na nakakuwintas sa kaniyang leeg upang takpan ang ibabang bahagi ng kaniyang mukha mula sa matangos niyang ilong paibaba. 

Kasunod ang dalawa niyang bodyguards ay humakbang siya papasok sa simbahan. 

"Boss Kayden, huminto tayo sandali upang makapag-isip ka pa," narinig niyang sabi ni Albert buhat sa likuran niya. 

"Mayroon pa ba akong dapat na isaalang-alang para mag-isip?" mapait niyang tanong dito. 

Hindi ito sumagot bagkus ay malungkot na nilingon sa tabi nito si Diego habang patuloy sa paglakad pasunod sa kaniya. 

Nang sapitin nila ang mayor na pintuan ay iniligid niya ang namamasang mga mata sa loob ng simbahan. Ilan lamang ang mga taong naroon at lahat ay abala sa tahimik na pananalangin. 

Humakbang siya at nagpatuloy sa paglakad palapit sa confessional booth na yari sa kahoy habang nakatitig doon ang namamasa niyang mga mata na puno ng pagkapoot. 

Sumunod pa rin ang dalawa pero pagsapit sa unang hanay ng pew benches ay magkatabing naupo ang mga ito roon. 

Nagpatuloy siya sa paglakad hanggang sa sapitin ang confessional booth.  

Hinawi niya ang kurtina sa kabilang pinto at pumasok doon tapos ay kaagad na lumuhod.  

Naramdaman ng pari sa kabila ng lattice wall ang kaniyang pagpasok. Marahan nitong ibinaba ang hawak na bibliya at sinalat ang silver na krus sa priest necklace nito.  

Nag-antanda naman siya ng krus. "Bless me, Father, for I have sinned. Since receiving my first communion, this is my second confession," pagsisimula niya. Mariin niyang itinikom ang mga labi habang binubunot ang baril na nakasuksok sa kaniyang baywang. 

"Nakasaad sa bibliya," wika ng pari nang manahimik siya, "Santiago, kapitulo lima at ika-labing-anim na bersikulo, ang Diyos ay tapat at makatarungan upang patawarin ang ating mga kasalanan habang ipinahahayag natin ito sa Kaniya. Kaya anak, aminin mo ang iyong mga pagkakasala." Napakalamig at napakahinahon ng pananalita ni Father Asher, dahilan para mapait siyang mapangiti. 

"I abducted a beautiful woman and took her to a distant island, then I forced her to marry me," pagku-confess niya habang ikinakabit ang silencer sa dulo ng kaniyang baril.  

Napakurap ito sa kabila ng lattice wall at sinubukan siyang banaagin, ngunit dahil nakatungo siya ay hindi nito nakita ang kaniyang mukha maging ang ginagawa niya sa baril na kasalukuyan na niyang ikinakasa. 

"Mayroon ka pa bang ibang pagkakasala?" napapalunok na tanong nito. 

"Despite my deep affection for her, I find myself in a painful predicament. Nanatiling nakatali ang puso niya sa iba, kaya naman ikinulong ko siya at pinagkaitan ng kalayaan upang angkinin ng puso ko habambuhay. Pero, tumakas siya dala ang aking anak sa kaniyang sinapupunan para balikan ang lalaking tunay niyang minamahal." Itinaas niya ang tingin upang makita nito ang kaniyang mukha sa kabila ng lattice wall. "I still determine to win her heart, and I'll pull out all the stops to make it happen," dugtong pa niya.

Natigilan ito. Tinitigan siya nito na wari ay sinisikap na kilalanin siya sa kabila ng telang nakatabing sa ibabang bahagi ng kaniyang mukha. 

"Father, do you think I should kill myself!?" mapait niyang tanong sabay tutok ng baril sa kaniyang sentido. 

Nabigla si Father Asher. Napaatras ito at hindi nagawang magsalita habang nakatitig sa kaniya ang mga matang puno ng pagkabahala.  

"O dapat patayin kita ngayon dito mismo, bago ko ituloy ang pangungumpisal?" tapos ay tanong niya sabay tutok naman ng baril dito. 

Napakurap ito kasunod ang pamamasa ng mga mata at kapwa sila napatiim-bagang habang matamang nakatitig sa isa't isa sa pamamagitan ng lattice wall. 

Hindi siya naghintay ng tugon buhat dito, ibinaba niya ang kaniyang hintuturo sa gatilyo ng baril at walang alinlangang kinalabit iyon. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status