HABANG tumatakbo ang limousine car na kanilang sinasakyan patungo sa mansion nila Kayden ay hindi maiwasan ni Raven ang tumanaw sa labas lalo pa at nasa tabi lamang ng kinauupuan niya ang bintana.
Napakalaki na ng pinagbago ng Maynila sa loob ng isang dekadang lumipas. Para bang may kung ano sa kaniyang dibdib, her heart was beating so fast and she couldn’t stop crying silently. How is everyone doing? Ang lahat ng mga taong importante sa buhay niya. Her parents, her relatives, her best friend, Loraine. How are they doing? Sa mga taong lumipas, she always wondered in the silent late night...do the important persons in her life still remember her? Hinanap pa rin kaya siya ng mga ito at ninanais na muling makita kagaya ng pagnanais niyang makauwi sa piling ng mga ito? She remains looking out of the car. Nasa ganiyang ayos siya habang si Kayden ay nakaupo sa tabi niya at matamang nakatitig sa kaniya. Kayden could see the tears streaming down her cheeks, at kung nakaharap lamang siya rito ay makikita niya ang guilt na nakadungaw sa mga mata nito. Nalihis ang kaniyang isip nang marinig niyang hilingin ni Kayne kay Kayden na gumamit ito ng restroom. Hindi na makatiis ang bata kaya nang mapadaan sila sa isang mall ay huminto sila roon at kasama siyang bumaba, sila ni Shanna. ___ PAGKARAAN ng medyo mahaba pang sandali ay sumapit ang sinasakyan nila sa tapat ng napa-kataas at napa-kalawak na gate. Hindi niya alam kung saang lugar na sila naroroon, basta napansin lamang niya ay parang lumabas na sila sa city, sapagkat ang kalsadang tinugpa nila patungo roon ay napapaligiran ng matatayog na mga punong-kahoy. Pumasok ang sasakyan nila sa awtomatikong tarangkahan kung saan nakasulat sa arko ang El Casa Residencia De Alcaraz. Ang dalawang unipormadong guwardiya roon ay kapwa ngumiti at sabay pang yumukod ng bahagya habang pumapasok ang sinasakyan nila. Tumakbo ang sasakyan sa mahabang driveway at pagkaraan ng ilan pang sandali ay muling pumasok sa pangalawang tarangkahan na higit na mas maliit kaysa sa nauna. Bahagya pang umikot ang sasakyan sa malaking water fountain bago huminto sa malawak na garahe na nasa harap ng napaka-rangyang mansiyon. Napagala ang kaniyang tingin. Higit na malaki ito sa mansion ni Kayden doon sa Isla Alcaraz. Hindi niya sukat-akalain, wala siyang ideya na higit pa pala sa inaakala niya ang karangyaan na mayroon si Kayden at ng pamilya nito. Unang bumaba ang kanilang mga bodyguards kasabay ang driver na nagmamadaling ipinagbukas sila ng car door. Sandali lamang ay inaakyat na nila ang ilang baitang ng malawak at marmol na hagdanan bago sila pumasok sa malaking entryway. Hindi niya maintindihan kung bakit bigla na lamang ay sumama ang kaniyang pakiramdam. Marahil ay sobrang napagod na siya sa biyahe nila. Napaakbay siya kay Kayne, nanlalata ang mga tuhod niya at gusto niyang makabawi ng lakas ang mga iyon sa pamamagitan ng kaniyang anak. “Are you alright, Raven?” puna sa kaniya ni Kayden. “You’re pale.” Hindi niya ito tinugon. Hinagod siya nito ng tingin bago nagpatiuna sa paglakad sa galleried hall. Nakakailang hakbang pa lamang sila nang sa dulo ay sumulpot ang pamilyar na mukha ng matangkad at matikas na lalaki kasunod ang dalawang lalaki na sa tingin niya ay mga bodyguards nito. Kaagad na tumuon sa kaniya ang mga mata ng lalaking ito. Minsan lamang niya itong nakita. Sa loob ng isang dekadang pamamalagi niya sa Isla Alcaraz ay nabibilang sa mga daliri sa kamay ang pagkakataon na bumisita ito roon. Ito ang ama ni Kayden, si Karl. “I’m glad you got here safely. I’ve been waiting, lalong higit ang Lola mo, Kayden!” masiglang sabi nito habang patuloy sa paglakad upang salubungin sila. Kaagad nitong niyakap si Kayden at tinapik sa likod nang makalapit. Tapos ay kumalas dito at inilahad nito ang dalawang palad kay Kayne habang nakabukas ng malawak ang mga bisig. “Come to hug your Lolo aking guwapong apo!” masayang sabi nito kay Kayne. Malawak ang ngiti ng anak niya at pasugod itong dumulog sa dibdib ng Lolo nito. Napahalakhak ang biyenan niya sabay yakap ng mahigpit kay Kayne. “You’ve grown so fast, parang kahapon lang napakaliit mo pa,” tumatawang sabi pa nito kay Kayne. Matangkad at malaki si Kayne sa edad na siyam na taon, manang-mana ito sa ama nito. Napalunok siya at pasimpleng sinulyapan ang mga kasama nilang tahimik lamang na nakamasid sa kanila, partikular si Shanna. “Raven. . .” tawag sa kaniya ng ama ni Kayden pero dahil sa masamang pakiramdam ay hindi niya ito narinig. “Raven. . .” boses ni Kayden na siyang pumukaw sa atensyon niya. Parang wala sa sarili na napatingin siya rito. “Tinatawag ka ni Daddy,” sabi ni Kayden sa kaniya. Napakurap siya at napatitig sa mga mata ng asawa niya na titig na titig sa kaniya habang nakaakbay kay Kayne. Tumingin siya sa biyenan niya na noon ay nakangiti sa kaniya na kaagad ding napalis kasunod ang pagkunot ng noo dahil sa nakitang ayos niya. Gayunpaman ay humakbang siya palapit dito habang tinitiis ang masamang pakiramdam. “Are you alright, Raven?” tanong nito sa kaniya ngunit hindi niya nagawang sagutin pa dahil sa biglaang pag-ikot ng paligid niya. Napasinghap siya sabay sapo sa kaniyang noo. Pakiwari niya ay nauupos siya sa kaniyang kinatatayuan at kailangan niya ng mahahawakan. Ang ama ni Kayden ang pinakamalapit sa kaniya pero hindi niya nais na makabawi ng balanse sa pamamagitan nito. “Raven!?” boses ni Kayden na para bang napakalayo sa kaniyang pandinig. Hindi niya ito tinugon. Pumihit siya upang humakbang palapit kay Kayne ngunit napasuray siya. “Are you okay, Raven!?” nag-aalalang tanong ng biyenan niya na naging malayo na rin sa kaniyang pandinig. Nasapo niya muli ang noo at napa-kurap-kurap dahil sa unti-unti niyang pagkahulog sa karimlan. Naramdaman niya ang kaniyang paghilig, ngunit bago pa man siya bumagsak ng tuluyan ay nadama niya ang matitigas na mga bisig na maagang sumalo sa nanlalata niyang katawan. “Raven, hija!” nag-aalalang tawag ng biyenan sa kaniya habang salo siya sa mga bisig nito. “Sa tingin ko, kailangan natin siyang dalahin sa ospital!”NAKITA niya si Kayden na nakatayo roon. Bagong ligo ito at buhat sa kinatatayuan niya ay nalalanghap niya ang mabangong amoy ng sabong ginamit na hinahatid ng hanging nagmumula sa kinaroroonan nito. Bakas sa mukha nito ang pagkabigla habang nakatitig sa kaniya, naestatuwa pa nga ito at hindi nakakibo, hindi kumukurap. Napaisip tuloy siya, totoo bang bulag ito? Hindi nagbago ang hitsura nito kagaya ng inaasahan niya. Medyo pumayat ito pero guwapo pa rin kahit pa nga nagkaroon na ito ng manipis na bigote at balbas na hindi nito hinahayaan tumubo noon. She took her gaze away from Kayden and brought it to the prison officer, who was looking at her with the shadow of malice in his eyes at the time. Ngumiti ito at sumenyas na pumasok siya. “Please, leave the door open,” mahinang pakiusap niya na bahagyang nagpakunot sa noo nito bagama't tumango rin naman. Napalunok siya bago itinulak ang stroller ni Kendrick papasok. Maliban sa metal na pintuan, ang silid na ito ay hindi mait
NATIGILAN si Karl nang mapasukan sa kanilang silid ang asawang si Amanda na hila ang dalawang malaking maleta. Huminto ito at sinalubong ang tingin niya, namumula sa luha ang mga mata nito. "This...relationship has long been ruined," garalgal ang tinig na sabi nito, napakalungkot. "I should have done it before." Humakbang siya at lumapit sa malawak na kama, naupo siya sa gilid niyon at tumanaw sa labas ng glass-wall window. "Hindi kita pipigilan kung iyan ang nais mo." Patay ang kaniyang emosyon, walang bakas ng pagsisisi at panghihinayang. Narinig niya ang mahinang ingay ng pag-iyak nito, bakas doon ang labis na pait at kabiguan. Kagat nito ang ibabang labi habang nakatitig sa kaniya at umiiling. Tiningnan niya ito. "I love you, Amanda. But he is everything to me. I would rather lose you, than lose him to me." Nanatiling normal ang kaniyang ang boses sa kabila ng pamamasa ng mga mata niya. "And Athena is everything to me as well," wika nito sa mapait na tono. "Pero pinabayaan
"TAYO bilang tao, will never run out of problems as long as we live in this world," mahinahong wika ni Father Asher habang nakatayo siya at nagsesermon sa harapan ng mga taong naroon sa loob ng simbahan. "Because problems are part of life as human beings, but we should still learn to be calm. Kung may problema ka imbes na magalit ka o magmaktol sa buhay ay ipikit mo ang iyong mga mata, manalangin ka sa Diyos ng mataimtim. Sapagkat ang lahat ng bagay rito sa mundo ay kontrolado Niya. Sabi nga sa bibliya, hindi Niya pahihintulutan na makapangyari ang mga pagsubok sa ating buhay kung ito ay higit sa ating kakayahan." May diin ang bawat salita niya. Pinunas niya ang pawisang mukha at saglit na huminto sa pagsasalita habang iginagala ang mga mata sa mga taong naroon at tahimik na nakikinig sa sermon niya. "Tanungin nga po natin ang ating mga katabi kung nananalig sila sa Diyos, na ang problema o pagsubok na kinakaharap ay kaya nating lampasan," nakangiting sabi niya, inilahad niya ang dal
PININDOT ni Raven ang doorbell sa condo unit ni Father Asher. Araw ngayon ng linggo at galing siya sa Saint Benedict Parish Church. Doon niya piniling magsimba para saksihan ang pagmimisa ni Father Asher at makausap tungkol kay Dynel, ngunit ibang pari ang naabutan niya dahil sa hapon pa pala ang schedule ng misa nito ngayong linggo. Isa sa sakristan sa simbahan ay sinabi na hindi pa ito umuwi sa presbytery kaya malamang nasa condo ito. Sa tulong naman ng kaniyang ina ay nalaman niya ang address ng condominium kung saan ito nakatira. Muli niyang pinindot ang doorbell at sa pagkakataong iyan ay bumukas ang pintuan. Bahagya pang nagulat si Asher nang mapagbuksan siya. "H-Hi…" nabulol pa nitong bati sa kaniya habang ikinukubli ang katawan sa tuwalya na nasa batok nito. Topless ito at naka-boxer shorts lamang. Katatapos nitong maligo at nalalanghap niya ang mabangong amoy ng sabong ginamit nito. "Hello!" wika niya sabay ngiti ng manipis. "Akala ko ang cleaner," natatawa na sabi nito
"OH, my God, Athena!" Umiiyak na salubong ni Myrtle sa kaniya pagbaba pa lamang niya sa kaniyang kotse na kapaparada sa garahe nito. "What happened!?" nag-aalala at naguguluhang tanong niya rito habang mataman itong tinititigan. Dis oras na nang gabi pero tinawagan pa siya nito at nakiusap na puntahan niya roon dahil kailangan daw nito ng kasama. Kita niya ang panginginig ng mga kamay nito sa pagkakahalukipkip. Balisa ito at tila may kinatatakutan. Ilang araw na itong hindi nagpapakita sa kaniya tapos ngayon ay bigla itong tumawag at nagkakaganito. "I thought you weren't coming,” umiiling na sabi pa nito sa pagitan ng pag-iyak. Napabuntong-hininga siya kasabay ang pag-irap. "Mag-usap tayo sa loob, Myrtle." Hinawakan niya ito sa braso at iginiya papasok sa loob ng bahay nito. Napaligid siya ng tingin sa living room nito nang napansin na tahimik doon sa pagbungad nila. "Nasaan sila Sherly at Karlene?" tanong niya na ang tinutukoy ay ang mga kasambahay nito. "Pinagbakasyon ko sila
PAGSAPIT ni Asher sa view deck ng mall ay kaagad niyang nakita ang coffee shop. Tanaw niya ang dim light sa loob na nagbibigay ng comfortable and relaxing ambience roon. Nagpatuloy siya sa paglakad palapit sa coffee shop. Pagpasok pa lamang niya sa entrance ay kaagad na hinanap ng kaniyang mga mata ang ama ni Kayden. Hindi siya nahirapang makita ito dahil ilan lamang ang mga taong naroon. Mag-isa ito sa table na nasa sulok katabi ang mga live green indoor plants at walang nakabantay na bodyguards. Napapaisip na talaga siya. Hindi siya nito inaya sa restaurant o kahit sa bar, mukhang masinsinan at nakagugulat ang kanilang magiging usapan. Nagpatuloy siya sa makisig na paglakad sa kabila ng suot niyang clergy priest polo. Nakuha niya ang atensyon ng ilan sa mga kababaihang naroon, ngunit dahil nakatuon ang atensyon sa ama ni Kayden ay hindi niya napansin ang mga matang nakatuon sa kaniya. Hanggang sa sapitin niya ang kinaroroonan ni Karl Alcaraz. Kaagad itong tumayo at inilahad a