Liana took a leave para sa pag-aasikaso ng kasal nila ni Henry. Napagdesisyunan nilang magpakasal na sa susunod na buwan kaya ang lahat ay abala na.Tuwang-tuwa ang Mama Helga nila at si Nanay Perla sa desisyon nilang iyon. Hindi na daw kasi makapaghintay ang mga ito na masundan na si Leyra, and Mama Helga demanded to them to make her a lot of grandchildren na ikinatawa nila nang husto ni Henry. Nag-iisang anak kasi si Henry kaya gusto nito ng maraming apo habang kaya pa daw nitong mag-alaga.Nang araw na iyon ay nagpunta sila ni Leyra sa boutique na gagawa ng gowns nilang mag-ina. Hindi nila kasama si Henry dahil may inaasikaso itong iba pang detalye ng kasal nila. Hinati talaga nilang dalawa ang pag-iintindi sa nalalapit nilang kasal upang mas lalong mapabilis iyon.“Ang cute naman po ng anak ninyo Madam,” anang bading na nagsusukat sa kanila.Nginitian naman ito ni Leyra ng pagkatamis-tamis. Her daughter knows how to appreciate people’s admiration to her.“Ay! Diyos ko!” palatak pa
Ilang beses na lumunok si Henry upang pigilan ang pagpatak ng mga luha. Sa t’wing maalala niya lahat ng pinagdaanan niya sa nakalipas na tatlong taon, hindi pa rin niya maiwasang hindi makadama ng galit sa sarili at panghihinayang. It was all his fault kung bakit dumaan sila sa ganoong pagbusok, kahit ang totoo hindi naman na pala dapat.Huminga siya ng malalim at marahang iginiya si Liana sa mismong puntod ng ina nito.“’Nay, kung nasaan ka man ngayon, I hope you could see us… I hope you were now smiling kasi natupad ko na ang gusto mong mangyari para sa amin ni Liana. In just month away, ikakasal na kami. Magkakaroon na ng buong pamilya ang apo ninyo, and I’ll promise to you na hinding-hindi ko na ulit sasaktan ang anak ninyo. I will love and cherish her every single day until our last breathe. Makakaasa kayo sa aking aalagaan ko sila pati na si Lester. And I would also want to thank you for everything you did… for your sacrifices na kahit naantala, masaya pa rin naman ang dadatnan
Night before their wedding at noon lang kinabahan ng todo si Liana. Hindi pa niya nakikita si Henry si mula kanina at nag-aalala siyang baka kung ano ng nangyari dito.Balisang palakad-lakad siya sa kanyang silid habang iniisip kung tatawagan ba o hindi ang binata nang biglang tumunog ang cellphone niya. Text message iyon mula kay Henry.Mabilis niya iyong binasa.Can we meet? Iyon ang nakalagay sa screen.Napaupo siya sa gilid ng kama at nagreply dito.Why? Reply niyaMuling tumunog ang cellphone niya.I have something to show you. Pero sa halip na sagutin iyon ay tinawagan niya na lang ito.“What is it? Alam mo namang bawal na tayong magkita di ba?” aniya ng sagutin nito ang kabilang linya.“Wala pa namang twelve midnight ah. May ipapakita lang ako sa ‘yo. Sandali lang tayo,” tugon nito na nasa tinig ang excitement.Sandaling nag-isip si Liana bago siya sumagot. “Sandali lang talaga ha? ‘Pag nalaman ni Mama at ‘Nay Perla na umalis at nagkita tayo malilintikan tayong pareho sa kanil