Trust is earned, respect is given, and loyalty is demonstrated. Betrayal of any one of those is to lose all three. Betrayal annihilates trust. Trust no one! Ito ang kinalakhan n'yang paniniwala dahil sa mapanganib na mundo na mayroon ang kanilang pamilya. Ngunit paano kung sa isang iglap ay nasira n'ya ang paniniwalang ito dahil sa isang lalaki na s'yang unang nagpatibok ng kan'yang puso at pinagkatiwalaan n'ya. At paano kung ang kauna-unahang tao na pinagkatiwalaan n'ya ay lolokohin lang pala at tatraidorin s'ya? Saan s'ya dadalhin ng sakit na dulot ng pagtraidor nito sa kan'ya?
View MoreBLYTHE JULIANNA (ACE)
"Hey Acey! What brought you here, darling?" masayang bati sa kan'ya ng may-ari ng car shop na pinuntahan n'ya. She's at La' Carera Wheels o mas kilala sa tawag na La' Cars, isa sa pinakamalaking car company sa bansa. Pangalawa ito sa MG Car Company ng mamita Flamingo nila at kasalukuyang matunog ang pangalan dahil sa mga bagong hightech na labas na mga kotse nito. "I brought my baby here, can someone help me to fix him? I dunno what is the problem pero parang may naririnig akong unusual sound sa engine," sagot n'ya rito. "Sure darling! Ikaw pa ba? I will call someone to bring your baby inside the workshop," sagot nito. Tinangoan n'ya lang ito bilang sagot at ibinigay ang susi ng kan'yang sasakyan. Raffish Batista is a foreign-Filipino national na nagmamay-ari ng La' Carera Wheels. Bihasa itong magtagalog kahit sa ibang bansa ito lumaki. Isa itong half Nigerian, half Arabic-Filipino na nagpatayo ng branch ng La' Carera Wheels sa Pilipinas. Nakita n'yang pinapasok na ng isang lalaki ang kan'yang pulang Bugatti La Voiture Noire, isa sa pinakamahal na sports car sa buong mundo. "Wanna have some coffee with me inside my office, darling?" nakangiting offers nito sa kan'ya but she politely refuses the man's offer. Alam n'ya ang karakas nito at kaya nga s'ya nandito at pabalik-balik sa La' Carera at nakikipagkaibigan sa lalaki ay dahil sa isang misyon. Her agency received a report of smuggling of car parts and accessories at isa ang La' Cars sa mga lists ng mga car company na s'yang gumagawa ng mga krimen. The group of syndicates smuggled the parts and assembled it in the country and sold the cars sa may pinakamataas na offer sa bidding na ginaganap sa tuwing may mga bagong sasakyan na nagawa ang mga ito. Ang masama pa ay hindi ito dumaan sa taxation ng bansa for importing products overseas. Malaking pera ang involved at malaking sindikato din ang nasa likod nito. Ito ang kan'yang misyon ngayon. Ang buwagin at hulihin ang mga tao sa likod ng krimen na nangyayari sa bansa. "I need to see your mechanic on how to do his work to fix my baby, Raffish. Gusto kong matuto, I've been collecting different kinds of cars but I don't even know a single thing kapag nagkaroon ng trouble ang sasakyan ko," kunwari na sabi n'ya rito. Lihim s'yang natawa sa kan'yang sarili. Kung tutuusin ay kaya n'yang mag-ayos ng sasakyan at hangga't maaari ay s'ya ang gumagawa ng mga sasakyan n'ya kapag may trouble dahil ayaw n'yang pahawakan ito sa iba. Kahit ang kan'yang mga kapatid na lalaki ay hindi n'ya binibigyan ng pagkakataon na makahawak sa kan'yang mga babies. Ngunit sa pagkakataong ito ay she needs to play dumb in front of this asshole para mas kapani-paniwala ang kan'yang drama. Lihim na s'yang nag imbestiga ngunit masyado itong madulas at malinis magtrabaho. Kaya kailangan n'yang makapasok sa loob para makakuha ng mga ebedensya na magpapatunay na may ginagawang kababalaghan ang La Car's laban sa batas ng bansa. "Oh sure! How about padadalhan na lang kita ng coffee while you are inside the workshop?" alok nito sa kan'ya. She can barely see the lust in the man's eyes habang pinapasadahan ng tingin ang kan'yang dibdib na sinadya n'yang ipalabas ng kaunti. She is wearing a v-neck top at medyo mababa ang neckline nito kaya kita ang mala porselana n'yang cleavage na bahagyang nakalabas. Lihim s'yang napangisi dahil hindi magtatagal ay makukuha n'ya na ang kan'yang pakay sa lalaki. "No thanks, Raffish! I'm good, naka tatlong tasa na ako ng kape today. Baka magka nervous breakdown na ako n'yan mamaya," natatawang tanggi n'ya rito na ikinatawa din ng mahina ng lalaki sabay iling. Inilagay nito ang dalawang kamay sa bulsa at bahagyang dinilaan gamit ang dila ang ibabang bahagi ng labi nito. "Napakamanyag ng gago!" lihim na sabi n'ya ngunit matamis ang ngiti ang nakapaskil sa kan'yang labi habang sinasalubong ang mga tingin nito na parang walang alam. "You're so pretty, Ace! I like you but I know na you don't feel the same, so yeah, let's just stay like this. Friends are better than nothing, right?" prangkang sabi nito sa kan'ya sabay hagod ng tingin sa kan'yang kabuoan. Alang-alang n'ya itong tadyakan sa mukha ngunit pinigil n'ya ang sarili at matamis na lang itong nginitian bilang tugon. "That's a good joke, Raffish," nakangising sabi n'ya rito sabay kindat at tinalikuran agad ang lalaki para pumasok sa loob ng shop kung saan inaayos at ginagawa ang mga sasakyan. Iniwas n'ya ang sarili na baka humulagpos ang kan'yang pagtitimpi at baka mapatay n'ya na ang lalaki ng hindi pa nagagawa ang kan'yang trabaho. Narating n'ya ang loob ng work shop at nakita n'ya agad ang kotse n'ya sa di kalayuan kaya lumapit s'ya rito. May tao sa ilalim ng kan'yang sasakyan at sa hinuha n'ya ay inaayos na nito ang kung ano mang problema sa kan'yang kotse. The truth is— alam n'ya ang problema ng kan'yang sasakyan dahil s'ya mismo ang gumawa ng sira nito para may dahilan s'ya na dalhin sa La Car's ang sasakyan. Naglakad s'ya palapit sa kan'yang sasakyan at tumigil lamang ng nasa paanan na ng paa ng lalaki na bahagyang nakalabas. Hindi n'ya makita ang mukha ng tao na nasa ilalim ng kan'yang sasakyan at may kung anong tinitingnan doon. Paa lamang ang nakikita dahil ang buong katawan nito ay pumasok sa kailaliman ng kan'yang sasakyan. "How's my car?" tanong n'ya sa lalaki ngunit hindi ito sumagot. Hinayaan n'ya na lang muna ito dahil baka ayaw nitong magpa-disturbo sa ginagawa. Isinandig n'ya ang katawan sa isang sasakyan at pinag krus ang mga braso sa dibdib habang nakaharap sa kotse n'ya at hinihintay ang paglabas ng lalaki para makausap n'ya ito. Ilang minuto pa ang kan'yang hinintay bago nakitang umusod palabas ang katawan ng lalaki na ikinatigil ng kan'yang paghinga dahil sa pagpantad ng hubad na katawan nito dulot ng hindi pagsuot ng t-shirt. At maya-maya pa ay nakita n'ya na ang ulo nito. Bumangon ito at tumayo para harapin s'ya. Biglang tumigil ang kan'yang mundo ng masilayan ang gwapong mukha ng lalaki sa kan'yang harapan. "Fvck! I've never seen a handsome car mechanic like him in my twenty five years of my life!" lihim na sabi n'ya sa kan'yang sarili habang hindi maalis ang mga mata sa gwapong mukha nito. "Clogged ang air filter ng sasakyan mo plus dirty spark plugs at worn out na din ang ignition wires, that's why there's a stuttering ang popping noises na maririnig sa sasakyan kapag pinaandar mo ," paliwanag ng lalaki sa kan'ya. Mas lalo pa s'yang nawindang ng marinig ang pagsasalita nito ng Tagalog ngunit hindi maipagkakaila ang British accent sa boses. Ilang segundo s'yang hindi nakahuma at nakatulala lang s'ya na nakatingin dito habang sinusundan ng kan'yang mga mata ang bawat paggalaw ng muscles ng lalaki sa mukha kapag nagsasalita. "Damnit! He is so fvcking hot!" mariing pagmumura n'ya sa isip. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakuha ng isang lalaki ang kan'yang atensyon na nagpatulala sa kan'ya. She used to have men around her dahil tatlong barako ang kan'yang mga kapatid at halos lalaki din lahat ang kan'yang mga pinsan. Magagandang lahi ang kanilang pinagmulan kaya hindi maipagkakaila na ang kan'yang mga kapatid at mga pinsan na lalaki ay habulin ng mga babae ngunit ang lalaki sa kan'yang harapan ay kakaiba dahil nakuha nito ang kan'yang atensyon. "Miss?" tawag sa kan'ya ng lalaki at iwinagayway pa nito ang palad sa kan'yang harapan. Nagbalik s'ya sa kan'yang sarili at nataohan. Ilang beses muna s'yang kumurap at tumikhim para alisin ang bara sa kan'yang lalamunan. Sa tanang buhay n'ya ay ngayon lang s'ya nakaranas na matulala sa isang lalaki kaya hiyang-hiya s'ya sa kan'yang sarili ngayon. "Ahmmm! I'm sorry, what did you say again?" parang tanga na tanong n'ya rito. Mariin s'ya nitong tiningnan at napailing bago inulit ang sinabi nito kanina. Nakinig na s'ya sa pagkakataong ito dahil ayaw n'ya na ng mapahiya ulit sa lalaki. "So what can you suggest para sa problema ng sasakyan ko?" tanong n'ya rito. Akmang ibubuka nito ang bibig para sagutin ang kan'yang tanong ngunit hindi din nito naituloy dahil nagsalita ulit s'ya ng may maalala. "Ahmm, wait! Are you one of the owners of La Car's? " tanong n'ya dahil sa hitsura ng lalaki ay hindi naman ito mukhang mekaniko lamang. Gwapo ito, matangkad, well built ang katawan at mukhang mayaman at higit sa lahat ay mabango kahit pa pawis na pawis ito. "Nope! Mekaniko ako rito," malamig ba sagot ng binata sa kan'ya. Sa tono ng pananalita nito ay parang ayaw s'ya nitong kausap. Nakaramdam s'ya ng ibayong lungkot ng maisip ang bagay na iyon at hindi n'ya alam kung saan nanggaling ang nararamdaman n'ya na lungkot. Lihim n'yang kinurot ang kan'yang balat at pinagalitan ang kan'yang sarili. "Are you sure?" usisa n'ya pa. Nakakunot naman ang noo nitong nilingon s'ya. "Yes! Bakit may problema ba sa sagot ko?" supladong tanong ng lalaki sa kan'ya. Ito ang kauna-unahang lalaki na hindi man lang namangha sa kan'yang kagandahan. Most of the boys na nakakaharap n'ya are drooling like a mad dog pero itong lalaki sa harap n'ya ngayon ay wala man lang ka rea-reaction sa mukha. Ni hindi nga s'ya nito tinataponan ng tingin at nililingon lang s'ya kapag sumasagot ito sa kan'yang tanong, which makes her secretly smile dahil may galang pa rin naman pala ito kahit napaka suplado ng mukha nito. "Wala naman, naninigurado lang," nakalabing sagot n'ya rito at humalukipkip sa gilid. Napailing naman ito at bumalik na sa ginagawa. Hindi na rin s'ya umimik at hinayaan na itong ayusin ang kan'yang kotse. Matapos ang mahigit tatlong oras ay natapos na rin ang pag-aayos nito sa kan'yang sasakyan. S'ya naman ay hindi umalis at nakabantay lang doon pero hindi s'ya sigurado kung ang sasakyan n'ya ba talaga ang binabantayan n'ya o ang gwapong mekaniko na hubad-baro sa kan'yang harapan. Pinagpipyestahan ng kan'yang mga mata ang mga pandesal nito sa t'yan na nakabalandra sa kan'yang harapan. Mas lalo pa itong naging kaakit-akit sa kan'yang paningin dahil sa kumikintab na pawis sa balat nito. Ayon sa lalaki ay overhaul na ang ginawa nito sa kan'yang sasakyan. Wala namang problema sa kan'ya, kahit may appointment s'ya at late na s'ya ay okay lang dahil bawing-bawi naman s'ya sa magandang tanawin sa kan'yang harapan ng mga oras na iyon. Kung ganito ba naman kagwapo ang pag-aaksayahan n'ya ng oras kahit buong linggo pa s'ya dito ay ayos lang sa kan'ya. "Ang landi mo Ace," kastigo n'ya sa sarili ng mataohan sa mga kahalayan na iniisip. "Hey darling, you are still here?" boses ni Raffish na papalapit sa kan'ya ang nagpabalik sa kan'yang katinuan. Inihanda n'ya ang isang matamis na ngiti at nilingon ang lalaki na nakapamulsa habang naglalakad palapit sa kan'yang kinaroroonan. "Yeah! Pero paalis na rin ako, Raffish. Tapos na ring ayusin ang baby ko," sagot n'ya rito habang nakangiti sa lalaki. Kita n'ya kung paano mangislap sa pagnanasa ang mga mata nito ng ngitian n'ya na lihim n'yang ikinangisi. "Soon, you will be under my spill, Raffish. Sige, kagatin mo pa ang pain ko sayo para mapadali ang trabaho ko," lihim na sabi n'ya habang abot tainga ang pagkakangiti sa lalaki. Hindi n'ya na napansin na may kasama pala silang dalawa na malamig at seryoso ang mukha habang nakatingin sa kanilang dalawa ni Raffish na nagpapalitan ng isang matamis na ngiti.BLYTHE JULIANNA…“You damn sc-,” hindi niya na ito pinatapos pa sa gusto nitong sabihin sa kaniya. She cupped, Luke’s face with both palm ang kiss her man. Hindi na siya nag-aksaya pa ng oras at siya na mismo ang humalik kayb Luke at dahil siguro nagulat ito ay hindi agad ito nakahuma at natuod lamang sa pagkakatayo habang sinisiil niya ito ng halik sa labi.Ngunit ang pagkagulat ni Luke ay saglit lang dahil pagkalipas ng ilang segundo ay hinapit siya nito sa beywang at hinatak palapit sa katawan nito. Sa pagkakataong iyon ay siya naman ang nagulat ngunit saglit lang dahil agad din siyang nataohan ng maramdaman ang marahas na halik ni Luke sa kaniya.Ngunit imbes na itulak ang lalaki ay ikinawit niya pa ang kaniyang dalawang braso sa batok nito at mas lalo pang idinikit ang kaniyang katawan kay Luke. She missed him so much at alam niya na gan’on din ito sa kaniya. Ramdam niya sa mga halik ni Luke ang pagkasabik kaya naman ay ginantihan niya din ito ng may kaparehong kapusokan.Napaung
BLYTHE JULIANNA…“Ms. Stuart?” natigilan siya ng may nagsalita mula sa kaniyang likuran at ng harapin niya ito ay ganon na lang ang pag-awang ng kaniyang bibig ng makilala ang taong iyon.“K-Kuya Dos?” mahina at nauutal ang boses na tawag niya sa kapatid. It was her kuya Dos at ngayon lang sila muling nagkita simula ng magising siya mula sa mahabang comatose.Hindi niya din ito nakausap noong nalaman niya na isa ito sa mga nagbenta sa kaniya sa mga Russian. Hindi na sila nagkaroon ng pagkakataon na makaharap muli ng kapatid at ngayon ay nasa harapan niya ito at sa ganitong pagkakataon niya pa itong nakaharap.“Let’s talk somewhere, Ace,” mahina ang boses na aya nito sa kaniya at hinawakan siya sa siko at hinila. Doon lang siya at nahimasmasan at agad na binaklas ang kamay ng kapatid na nakahawak sa kaniyang braso.“Let me go, kuya Dos. May kailangan akong gawin at hindi ako pwedeng sumama sayo,” awat niya sa kapatid at pilit na binabaklas ang kamay nito ngunit hindi siya nito binigyan
BLYTHE JULIANNA…“What are you planning, Ace?” tanong ng kapatid sa kaniya. Mababanaag sa boses nito ang pag-aalala at naintindihan niya kung bakit.“Hawak nila si Luke, kuya. What do you expect me to do?”“Hawak nila si Muller? At ayos lang sa kaniya na makuha ng Triad?”“I don’t know, kuya pero ayon sa taohan niya na nakausap ko ay hawak ng Triad ang mga magulang ni Luke kung kaya ay wala itong magagawa sa mga pinapagawa ng mga taong iyon,” kwento niya sa kapatid.“Nahhhh! Basic! Do you need help other than what you asked just now?”“For now, ay iyan lang muna. Just give me an access to that triad at ako na ang bahala sa sarili ko.”“May I remind you that you are not well, Ace and still recovering. You can’t do this alone,” ang kapatid sa kaniya. Alam niya naman ang tungkol sa bagay na iyon ngunit hindi iyon hadlang para pigilan niya ang kaniyang sarili sa pagligtas kay Luke.“Don’t worry about me, kuya. Magaling na ako at kaya ko na ang sarili ko,” sagot niya rito.“Alright! But d
BLYTHE JULIANNA…“Bakit mo ginagawa sa akin ang mga bagay na ito, Muller? Ano ang tinatago mo?” pabulong na tanong niya sa kaniyang sarili ngunit wala naman siyang may nakuha na sagot.Nanatili muna siyang nakatayo sa labas ng pinto ng ilang segundo bago siya nagpasyang pihitin ang seradura para tuloyan ng buksan ang pintoan. Sinalubong siya ng amoy ni Luke kaya wala sa sarili na napapikit siya ng kaniyang mga mata at sinamyo ang amoy ng lalaki.Ilang segundo siyaang nanatili sa pagkakatayo at ng magsawa ay nagmulat siya ng kaniyang mga mata at iginala ang kaniyang tingin sa buong paligid. Doon niya lang napansin ang hitsura ng silid na iyon. At tama nga siya ng kaniyang hinala. Luke has a private room for his work, and no one knows about this.Katulad niya ay may ganito din siya at kahit sino sa kanila na nasa ganitong uri ng trabaho ay hindi basta-basta nag-iiwan ng mga bakas lalo na pagdating sa kanilang trabaho. Pinagsawa niya ang kaniyang sarili sa kakatingin sa paligid bago niya
BLYRTHE JULIANNA…“Do you like it, Ace?” nakataas ang kilay na tanong ng ina sa kaniya. Mahina siyang natawa habang napailing.“What do you think, nay? Hindi ba kita sa mukha ko? Damn! All this time ay nandito lang pala ‘to dito. Kung alam ko lang eh di sana ay noon ko pa ginamit ang sasakyan na ito,” sagot niya sa ina. Mahina itong tumawa at lumapit sa kaniya. Tumigil ito sa kaniyang mismong harapan at hinawakan siya sa magkabilang balikat.“I’m afraid you can’t. Alam mo ba na may espesyal na gamit ang sasakyan na ito at sa mga gamit na nandito.”“Special use? Para saan? Eh sa gyera lang naman ginagamit ang mga ganitong gamit,” nagtataka na tanong niya sa nanay niya na ikinatawa nito ng malakas.“Sa gyera nga pero hind isa mga kalaban na halang ang mga bituka. Para ito sa mga babae na gustong lumandi sa tatay niyo noon. Kaya kung may babaeng gustong landiin si Luke, use this car and send her to hell. You are an El Frio at idagdag mo pa ang dugo ng lola Eliana mo at ang dugo ng daddyl
BLYTHE JULIANNA…Pagkatapos ng lahat ng nalaman niya mula sa taohan ni Luke ay isang bagay ang kaniyang napagpasyahan. Walang pagdadalawang-isip na tinawagan niya agad ang kaniyang mga magulang.“Ace, anak! Napatawag ka? Hindi ka na ba galit sa amin?” bungad ng kaniyang ina ng sagutin nito ang tawag.“I need your help, nay,” sagot niya rito.“Anong tulong anak? Alam mo naman na nakahanda kaming pamilya mo na tulongan ka sa lahat ng oras.”“Nay, pwede bang sunduin niyo dito si Leon? Sa inyo muna siya pansamantala. Kukunin ko lang siya sa inyo kapag maayos na ang lahat. Kayo lang ang pwede kong pagkatiwalaan kay Leon, nay,” pakiusap niya sa ina. Alam niya na tama ang kaniyang desisyon na iwan muna si Leon sa mga ito. Kapag nasa mag magulang niya ang kaniyang anak ay panatag ang loob niya na at sigurado siya na ligtas si Leon sa pangangalaga ng mga ito.“Off course naman, Ace. Masaya kami ng tatay mo kapag nandito ang apo namin. Bukas na bukas din ay lilipad kami papunta diyan,” masayang
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments