Share

CHAPTER 4

Zederina's POV.

***

"Rare!"

May mga ngiti sa labing lumingon ako sa pinanggalingan ng boses, and there he is running towards me with his loving and caring eyes and sweetest smile.

"Hey!" I greeted him with a huge smile on my lips showing him how happy I am to see him.

He flashed a sweet smile and was about to hug me but a familiar loud voice caught my attention and the next thing I knew is I'm already sitting on my bed catching my breath.

"Zederina!!" Kamuntik pa akong mapa talon sa gulat nang marinig kong muli ang malakas at nakaka rinding boses ni Sab.

"What the hell, Sab!" Iritang-irita kong wika na halos maging sigaw pa dahil sa pagkagulat.

She will be the death of me!

"Kanina ka pa namin ginigising girl! Ano't pangiti-ngiti ka habang natutulog huh?" Denny said with her suspicious eyes on me like she's trying to read my mind.

Napa buntong-hininga nalang ako sa halip na sumagot sa tanong ni Denny.

Nitong mga nakaraang araw palagi ko nalang napapanaginipan ang lalaking 'yon! Hindi ko malaman kung bakit and it really gives me the creep once I wake up.

"Maligo ka na, Rare. First day of school ngayon remember?" Sab said with her threatening eyes. "Kaya nga kami nandito."

Tumango nalang ako sa kanila kahit hanggang ngayon kinikilabutan parin ako sa panaginip ko.

Ilang buwan na din mula nang mangyari ang worst birthday ko in nineteen years of my existence. Pero hindi ko naman ginawang miserable ang buhay ko at nag focus nalang sa studies ko sa buong bakasyon para hindi ako bumagsak sa exam na kukunin ko.

Nagpaka busy ako just to divert my attention. Sabi pa nila mas naging blooming daw ako. Maybe because my heart have been prepared for that day. Balita ko pa ay nagalit talaga ang magulang si Marverick sa kaniya dahil sa ginawa niya. Expected naman na 'yon dahil may blessing ng parents namin ang relasyon namin at nagtiwala sa kaniya sila mommy but I already made everything clear to them that what happened between me and Marverick will not affect my or our relationship with his parents.

"NAPANAGINIPAN mo nanaman?" Denny asked.

Tumango lang ako bilang sagot. There's no use for lying anyway. They're the ones I trust kaya naman alam nila ang tungkol 'don.

"You know what, Rare?" She paused as if she was thinking. "There is really something about that fictional character of yours eh."

Umakto pa talagang nagiisip si Denny habang naglalakad kami. I wanted to believe that she's serious but when I do I always get disappointed.

"At ano naman ang something na 'yan aber?" Pagtataray ni Sab habang naghihintay ng sagot.

She even emphasized the word 'something' sarcastically. See? Even Sab don't believe her serious expression.

"What if he's real?" Tumigil siya at parang naguguluhang nagpatuloy. "I mean, what if he really does exist?"

Hindi naman maalis ang tingin namin kay Denny sabay sabing. "Weird mo!" Sabay na sabi namin ni sab.

"May mas weird pa ba sa'yo?"

Biglang may umakbay sa'kin, and it's none other than Zyron. Ang pinaka makapal ang mukhang umakbay sa'kin dahilan din kung bakit namin siya kaibigan ngayon.

"Tss! Alisin mo nga 'yang kamay mo!" Pagsusungit ko sa kaniya.

Tinawanan naman niya ako pero nanatiling naka akbay sa akin na mas hinigpitan pa at umarteng parang sinasakal ako.

"Ano bang pinaguusapan niyo at seryosong seryoso kayo?" Tanong niya.

'Chismoso!'

"About Rare's dream. Lagi niya na daw napapanaginipan yung fictional character sa story niya." Sab answered him with her usual bored tone.

Tinitigan naman ako ni Zyron ng seryoso. If I don't know better, I would believe that he's taking this seriously.

"Ano bang ginagawa nya sa panaginip mo?" Curious na tanong niya.

Nanlalaki ang mga matang tinitigan ko siya dahilan para matawa siya.

"Hey! 'Yang imagination mo napupunta nanaman sa ibang planeta!" Tatawa-tawang kontra niya kahit wala pa naman akong sinasabi. "What I mean is anong papel niya sa panaginip mo? Kumbaga sa mga story na ginagawa mo eh anong klaseng character siya?" He asked making his question more specific for me.

"Para kaming may relasyon sa panaginip ko. Madalas tinatawag niya 'ko mula sa malayo tapos pag naka lapit na siya magigising nalang ako." Paliwanag ko sa kaniya.

Napapa kunot noo pa ako at tinignan sila Sab at Denny na may kasamang talim dahil sila ang dahilan kaya nagigising ako sa kalagitnaan ng mga panaginip ko.

"Bagay na bagay talaga sa'yo ang pangalan na Rare, 'cause you're really one of a kind." Zyron said that I don't know if I should take as a compliment.

Sinimangutan ko nalang siya hanggang sa marinig namin ang mga bulungan ng mga students na nasa ground ng school.

"Here comes the bitch!"

"May lakas pa talaga siya ng loob na humarap dito after what she did?"

"Gosh! Ang kapal ng mukha!!"

"Mas masahol pa siya sa hayop!!!"

"Paano niya nagagawang pumasok sa University na 'to at humarap sa mga tao. Thick faced!"

Different words with same feelings. Alam ko naman na si Roxanne ang pinaguusapan nila pero wala na akong pakealam. Hindi ko na obligasyon pang ipagtanggol siya dahil mula nang saktan nila ako ay tinapos ko na din ang koneksyon ko sa kaniya.

"Rare, wait!" I heard Roxanne called me.

Tumigil ako at humarap sa kanila kahit ayoko na silang makita pa at lalo ang makausao sila.

"Stop calling me Rare because you are nothing to me now. Wala ka nang karapatang tawagin ako sa pangalan na 'yan at wala ka na ding karapatan na kausapin ako." Sinabi ko 'yan ng walang emosyon at tinitigan sila gamit ang malamig kong mga mata.

I promised to myself na hindi na 'ko iiyak dahil sa kanila. They don't deserve my tears.

"THIS fictional character you were talking about, Rare? Siya din ba yung sa bangungot mo nung nacomatose ka?" Tanong ni Zyron habang kumakain kami sa cafeteria.

Lunch na kasi at isang oras ang vacant namin. Good thing at pare-pareho kami ng schedule pagdating sa break and lunch time.

"Yeah" I answered plainly.

"Wait? Paano kung yung bangungot mo no'n is a way para ihanda ka sa mga pwedeng mangyari o way to show you na niloloko ka pala nila? Hindi din naman imposible kasi think about it. It's very obvious diba? Sobrang detalyado nun." Denny spoke pointing out her conclusions.

Napa isip naman ako at part of her conclusions has a point, but...

"Ano 'yon? Isang fictional character ang tumulong sa'kin para maging handa ako?" I ask confused.

"Ewan? Maybe because of your wide deep imagination kaya siya ang nandon? Eh diba kasi crush na crush mo yung name na yun kaya Ikaw mismo ang gumawa ng sarili mong character na pinaka gwapo sa lahat? At ikaw din ang main female character sa story na 'yon. Hindi lang namin alam kung bakit pinatay mo si Zendrix sa kwento." Denny stated as if she's also confused.

"Pwede din 'yon." Zyron said agreeing to Denny. "Nothing is impossible lalo na pagdating sa'yo."

"Ayan kasi ang adik mo sa mga fictional character na 'yan. Ngayon ano ka?" Sab said with matching irap pa.

"Walang connection yun sa panaginip ko 'no! Saka alam mo naman na books lang ang buhay ko at ang mga fictional characters na 'yon diba? It's just that. Parang may something strange sa mga panaginip ko." I said while thinking.

Natahimik naman sila. Kilala naman nila ako, hindi ako magpapatalo lalo na pag tungkol na sa mga libro ko.

"Napansin niyo naman di'ba? Kung dahil yun sa pagiging book maniac ko, why now? Bakit hindi noon eh matagal na 'kong book maniac." Dagdag ko pa kaya naman nag-isip din sila.

It's weird because I have a point and because I have a point I'm also getting more creeped out by thinking that there's something strange happening to me.

"Baka naman minumulto ka na ni Zendrix kasi pinatay mo siya sa sarili niyang story at gusto niyang bigyan mo siya ng magandang ending? Hala ka girl!" Pananakot ni Denny, and seriously?

Nagtaasan ang mga balahibo ko sa sinabi niya.

"Shut up Denny! You're not helping!" Saway ko sa kaniya dahil kinikilabutan ako sa mga sinasabi niya.

Sa mga oras na 'to hindi ko ata hihilingin na yun ang dahilan kung bakit nangyayari 'to. Mas gusto ko pa ang una niyang conclusion.

"Ayaw mo pa non? Eh di'ba gustong gusto mo yung character na yon? Asawa mo pa nga siya 'kuno' di'ba? Malay mo lumabas siya mula sa laptop mo para isama ka na since ikaw naman ang partner siya sa story na yon. Awoooh!" Gatong ni Zyron habang si Sab ay tinatawanan ako.

Hindi ko alam kung bakit naging kaibigan ko ang mga 'to.

"Eh kung sungalngalin ko kaya kayong tatlo?" Inis kong banta sa kanila na pinanlalakihan pa sila ng mata.

Seriously? Takutin ba daw ako T_T

AFTER ng klase namin nagkayayaan na mag mall muna pero hindi sumama si Zyron dahil may usapan daw sila ng girlfriend niya sa states na mags-skype sila kaya naman kami lang na girls ang nandito sa mall. Nadako ang tingin ko sa Men's Wear na store and for some reason parang may sarili atang isip ang mga paa ko dahil nakita ko nalang ang sarili kong papasok dito.

"Good Afternoon Ma'am!" Bati ng saleslady na agad ko namang nginitian.

Inaassist niya 'ko sa mga pinupuntahan ko. ang dami kong kinuhang iba't-bang gamit para sa lalaki at binili lahat ng magustuhan ko.

"Para sa boyfriend mo po ba lahat yan ma'am?" Tanong ng lalaki sa Cashier.

Ngumiti nalang ako dahil hindi ko naman alam ang isasagot ko.

"Ang swerte naman po ng boyfriend mo, dapat ingatan ka niya." Naka ngiting sabi niya.

Napa ngiti naman ako. A bitter smile to be exact.

"Sad to say hindi niya 'ko iningatan." I said out of nowhere.

I sound so bitter and it sucks.

"Ang tanga naman po pala ng boyfriend mo, Ma'am." Singit ng isang babae na taga balot ng mga binili ko.

A light laugh came out of my mouth at her statement.

"You think so?" I ask with a smile.

"Opo Ma'am. Sa ganda mo pong yan at sa bait mo dapat iniingatan ka. Naku! Ang mga lalaki talaga!" She stated as if she personally experienced it. "Alam mo Ma'am? Hayaan mo ang mga ganyang lalaki. Hindi sila Worth it! Siguradong may darating pang better person para sa'yo." Naka ngiting dugtong niya na bahagyang nagpahinto sa'kin.

"Create new memories with someone better."

Sa hindi malamang dahilan ay bigla kong narinig ang pamilyar niyang boses sa aking isipan. Ngunit mabilis din akong naka bawi.

Ngumiti nalang din naman ako sa kanila at saktong tapos na ang pagbabalot ng mga binili ko kaya naman maingat na kinuha ko ito mula sa pagkakaabot ng saleslady.

"Thank you. Here keep the change since ang bait niyo. You guys deserve a prize. Keep up the good work." I said with a smile saka umalis.

Nang pumasok ako sa women's wear nandon sila Sab and Denny at tumitingin ng mga damit.

"San ka galing?" Napa tingin siya sa dala ko. "Para sa lalaki yan ah? Don't tell me magiging tomboy kana dahil sa ginawa ng Florence na 'yon?" Sab weirdly said.

I frown at her statement.

"Nah. This is for someone I know." Simpleng sagot ko para maiwasan na din ang mga tanong pa dahil hindi ko din alam kung anong isasagot ko kung magkataon.

Nagtatakha man ay hindi na din sila muling nagtanong at nagpaka busy nalang hanggang sa mahagip ng mga mata ko ang pamilyar na pigura ng babae at lalaki na mukhang nakikipag-away sa isang saleslady sa isang jewelry store na madalas naming puntahan.

"Oh! Sila Roxanne 'yon di'ba?" Denny commented.

Tumango naman ako. Mukhang napansin nila na naroom ang tingin ko.

"Mukhang may gulo ah?" Sab said habang naka kunot ang noo na tila kinukumpirma ang sariling katanungan.

Nagsimula naman akong maglakad palabas ng store kaya sumunod na din sila. Katabi lang ng store na kinaroroonan namin ang store ng mga alahas kung nasaan sila. Naririnig ko na ang medyo malakas na boses ni Roxanne at ang pag-awat ni Florence sa Girlfriend niya.

They're now the center of attention at base sa naririnig ko may nasirang alahas si Roxanne at siya pa ang galit. Napa iling nalang ako saka lumapit since may bibilhin din naman ako.

"Excuse me? Anong nangyari?" Singit ko dahil masiyado na 'kong naririndi sa kamalditahan ng ex-bestfriend ko.

"Naka sira po kasi si ma'am ng alahas worth 200,000 pesos at wala daw siyang pambayad, eh ako po ang matatanggal sa trabaho kapag hindi niya nabayaran ito." Nakita ko ang kaba sa mukha ng saleslady at ang pangungunsumi niya.

Napa tingin ako sa kwintas na hawak niya na ngayon ay putol na. Tiningnan ko naman sila Roxanne na ngayon ay naka tingin din sa'kin.

"I'll pay for this plus the payment for fixing it, and," I looked at the necklace I've been eyeing for. "Can you show me this necklace please?" Tinuro ko ang kwintas na parang couple necklace.

"Right away Ma'am!" Masiglang sabi niya at inilabas ang box.

Saglit ko namang tiningnan sila Roxanne na nananatiling nakatayo at naka titig sa'kin.

"Next time magdala ka na ng pera para sa bibilhin mo. Maraming tao ang mapapahamak dahil sa'yo." I said at humarap nang muli sa saleslady na nailabas na ang kwintas.

"Kapag ba binili ko ito kailangan dalawa?" I ask habang sinusiri ito.

Sobrang ganda kasi eh. The necklace for a girl has a heart pendant na parang nabubuksan at yung isa naman ay Susi na heart shaped ang dulo niya na ipapasok sa other heart para mabuksan.

"Opo ma'am kasi po partner po yan eh. Made from paris po siya. Nagiisa lang po 'yan ma'am." Naka ngiting sagot niya.

Napa ngiti naman ako.

"Really? How much?" I asked but my eyes are locked at the two necklace.

"500,000 pesos po 'yan ma'am dahil po original design po siya at yung pendant naman po ay napapalibutan ng mamahaling mga diamond at ayon daw po sa kwento. Ginawa daw po itong couple necklace na 'to ng isang babae mula sa paris. Ginawa niya daw po 'yan para sa kaniya at sa lalaking mahal niya na sabi nila isinumpa daw ng babaeng kung sino man ang makaka appreciate ng kagandahan nito ay magiging swerte sa mamahalin niya at kapag binigay niya ito sa lalaki/babaeng mahal niya magkakaron daw po sila ng masayang relasyon." Kwento niya.

Napa ngiti naman ako. It sounds like a made up story but it's magical and I happen to be a believer of magic.

"Really? This is Perfect, bakit ito lang ang design?" I ask out of curiosity.

"Nung namatay po kasi yung lalaking mahal niya, mula non hindi na niya magawan ito ng kopya. May mga sumubok daw na gayahin yung design pero walang kahit isang naging kapareho nitong original design. Ang ganda po di'ba ma'am? Kaso lang ang tragic ng story ng kwintas na 'to." She said with a sad expression.

Halos lahat ata nakikinig na sa kaniya at katulad ng saleslady na nagkukwento ay tila apektado din ang mga ito sa napakinggan.

"Yeah. It's perfect but the story behind its perfection is really tragic. And that's what made it perfect." I said na parang ramdam na ramdam ko ang kwento.

"Bilhin mo na yan hija kung nagagandahan ka." Biglang singit ng isang babae na may katandaan na.

"Oo nga Miss! Mukhang bagay sayo 'yan. Sayang naman kung mapupunta lang sa iba."

Napa ngiti naman ako dahil lahat ng mga nanonood sa eksena ay may mga nangungumbinsing tingin.

"Okay. Bibilhin ko na." I said with a smile.

"Cash po ma'am or card?" She ask habang maingat na inilalagay sa maliit na paper bag ang box kung nasan ang kwintas.

"Card." I said still wearing my smile.

Inabot ko naman sa kaniya ang card. Natawa pa kami nila sab nang nagpalakpakan ang mga tao bago bumalik sa mga ginagawa nila kanina.

"Bagay na bagay po sa inyo ang kwintas. Pero paano po yung isang kwintas?" The saleslady asked after giving me the paperbag and my card.

"Give the necklace to her." Turo ko kay Roxanne saka umalis kasama sila Sab at Denny.

That story behind this necklace really caught my attention.

***

<33

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status