Share

Kabanata 2

Kabanata 2:

VHEM

"Teka lang, hindi ko alam ang mga pasikot-sikot dito." habol ko sa lalaking bespren ko pero hindi ko alam ang pangalan.

Wala man lang konsiderasyon sa babaeng naligaw ng panahon. Ganyan ba talaga sila dito? 

"Sino niloloko mo?" saglit siyang bumaling sakin saka muling naglakad at mas lalo pang binilisan ang paglalakad.

Nang mapagod ako sa kakahabol sa kanya, lumiko ako sa kabilang building at hindi na nag-abalang magpaalam sa kanya. Mukhang hindi niya din naman ako tutulungan at mapapagod lang ako kapag pinagpatuloy ko ang pagbubuntot sa kanya. Kung ayaw niya akong tulungan, fine! I'll find my own way kung paano ko malalaman ang dahilan kung bakit ako napadpad dito.

Napaupo ako sa roundtable na kaharap ng building kung saan ako lumiko. Inayos ko ang buhok kong medyo magulo at iginala ang paningin ko, nagbabakasakali na may mahanap akong portal pauwi sa panahon ko. 

I know, mukha akong baliw para maghanap ng kung ano mang portal, pero wala akong choice kundi paniwalaan ang portal dahil baka iyon talaga ang nagdala sakin dito. Wala namang masama kung maniwala ako sa portal dahil kung tutunganga lang ako at hindi man lang gagawa ng paraan para makaalis dito, edi parang pumapayag akong makulong sa panahong 'to.

Imagine, from year 2021, bigla na lamang ako napunta sa year 2401. Ilang century na ang nakalipas kung tutuusin mula sa taon kung saan ako nabubuhay. At saka, mukhang hindi naman nila ako pina-prank na nandito ako sa year 2401 dahil iba ang atmosphere sa panahon na 'to kumpara sa kapanahunan ko.

"darse prisa!" 

Napaigtad ako sa gulat nang may marinig akong medyo pasigaw na boses. Napatingin ako sa gawi ng taong sumigaw at halos mangunot ang noo ko nang makita kong nakasuot ng cap at face mask ang dalawang lalaki. May bitbit na baril ang isang lalaki kaya hindi ko mapigilang mapatakip sa bibig ko.

Laruan lang naman siguro ang hawak niya diba? Alam kong medyo malayo ako sa kinaroroonan nila, pero sigurado akong baril ang hawak ng isa.

Dahan-dahan akong tumayo at aakmang aalis na sana nang biglang mapatingin sa direksyon ko ang isang lalaking sumigaw kanina. 

"demandarla!" muli nitong sigaw.

Kahit na hindi ko maintindihan kung ano ang pinagsasabi niya, alam kong hindi ito maganda. Sa tono pa lang ng pananalita niya, mukhang may gagawin silang masama sakin. Hindi na ako nagdalawang isip at mabilis na tumakbo palayo. 

Hindi ako sigurado kung ang desisyong ginawa ko ay ang nagtulak sa kanila para habulin ako. Anak ng tokwa. Wala naman akong ginawang masama para habulin nila ako. Alam kong habulin ako ng mga lalaki, pero hindi sa ganitong sitwasyon.

"detener!"

Habol pa din sila ng habol sakin hanggang sa may makita akong iilang estudyante. Medyo nakahinga na ako ng maluwag dahil sa wakas ay ligtas na ako.

"Sh-t!" napamura ako ng wala sa oras nang makarinig ako ng putok ng baril. Napalingon pa ako sa likuran ko sa pag-aakalang ang mga lalaking humahabol sakin ang nagpaputok, at hindi nga ako nagkakamali. 

"TULONG!" sumigaw na ako para marinig ako ng mga taong nandirito. Ngunit sa halip na tumulong sila, pinagtitinginan lang nila ako saka may kung anong pinagsasasabi na hindi ko naman maintindihan.

Balak ko pa sanang humingi ulit ng tulong nang makarinig na naman ulit ako ng putok ng baril at halos mamatay na ako sa takot at kaba. Kahit na malagutan siguro ako ng hininga sa kakasigaw, mukhang wala silang balak na tulungan ako.

Tumakbo na lang ulit ako at magkasunod na putok na naman ng baril ang naririnig ko. Ang mga taong nadadaanan ko ay parang walang pakialam kahit na hinahabol na ako ni kamatayan.

Natatakot na ako.

Mangiyak-ngiyak akong pumasok sa isang kwarto dito sa corridor. Sinubukan kong i-lock ang pinto ngunit ayaw nitong ma-lock. Iginala ko ang paningin sa kwartong pinasukan ko at napag-alamang isa pala itong clinic.  Nagmamadali akong lumapit sa isang bed para sana magtago sa ilalim ngunit nanlaki na lamang ang mga mata ko nang may biglang humila sakin. 

Sh-t! Sh-t! Sh-t! 

Tinakpan ng taong humila sakin ang aking bibig dahilan para hindi ako makagawa ng ingay at mabilisan niya akong hinila papasok sa isa pang kwarto na nandito sa loob. 

Patuloy pa din ako sa pagpupumiglas at kumawala ng impit na ungol hanggang sa marinig kong magsalita ang taong nanghila sakin. "Don't make some noise. Ellos podrían vernos." bulong nito malapit sa tenga ko.

Ang kaninang kaba na nararamdaman ko ay parang unti-unti naglaho nang mabosesan ko ang lalaking nagsalita. Saglit akong napalunok at marahan na binalingan siya ng tingin.

Thank God. Mabuti na lang at siya ang nakakita sakin. 

"Come with me," sabi sakin ni Clester at sinenyasan akong sundan siya. Hindi na ako nagsalita pa at sumunod na lang sa kanya. 

Hindi masyadong kalakihan ang kwartong pinasukan namin, pero parang isa itong mahabang passageway na hindi ko matantya kung gaano kalayo ang dulo. Hindi din gaano karaming ilaw ang nandito kaya hindi maipagkakailang medyo madilim ang parte na nasa bandang dulo.

"There's a secret door sa left side ng dulo nitong pasilyo. You can easily open it without using any key." itinuro niya ang napakahabang pasilyo "Outside the door, you'll see a large structure of building and that's the girl’s dormitory." 

Pinasadhan ko siya ng tingin at kahit na kinakabahan, tinanong ko pa din siya. "B-Bakit nila ako hinahabol?" 

Maliban lang sa naligaw ako ng panahon at hindi malaman kung saang parte ako ng Pilipinas napadpad, wala naman akong ginawang masama para gawin nila sakin 'yon. Hindi pa nga ako naka-get over dahil sa pag-time travel ko sa twenty-fifth century, tapos bigla bigla na lang ako hahabulin ni kamatayan? Nagbibiro ba sila?

"Some things are best kept secret." tugon niya "Go back to your dorm and never roam around the campus ever again." seryoso ang mga matang bilin niya saka ako tinalikuran bago  bumalik sa pintong pinasukan namin kanina.

Mas lalo lang akong naguluhan sa sinabi niya. Madaming katanungan ang gusto kong mabigyan ng sagot. 

Muntikan na akong mapatay kanina, pero bakit parang walang pakialam ang mga taong nandirito at hinahayaan lang na pagbabarilin ako ng mga lalaking naka-mask?

Sa ngayon, kailangan kong mag-ingat habang nakakulong ako sa panahong 'to. Hindi ko alam kung anong klaseng sikmura meron ang mga estudyanteng nag-aaral dito. I am not used to this, pero kailangan kong sabayan ang kung ano mang katarantaduhan meron sila dito. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status