Chapter 6
CHERRY Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala. Sa dinami-daming tao, ang pwede kong makita dito ay ang anak pa nang amo ko. At ang malala pa ay mukhang siya pa ang kasama ng bata na nagbigay ng baril kay Charlie. Hindi kaya anak niya ang batang iyon? Hindi naman sila magkamukha pero parehas silang gwapo at maitsura. Kaya kung titignan mo sa malayuan, mapagkakamalan mo talagang mag-ama ang dalawang ito. "So we're all here now. I guess we should start to discuss why we're all gathered here. Please be seated." Panimula ng principal kaya naman pumupo kami visitor chair. Hindi ko man lang magawang tumingin ng tuwid dahil nasa harap ko lang siya. At ang malala ay hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakakalimutan ang nakakahiyang tagpo namin sa opisina niya nang huli kaming nagkita. Kaya tuwing nakikita ko siya, pakiramdam ko ay gusto ko na lang lamunin ako ng lupa. "Are you both the kids' parents or guardians?" tanong ng principal. "Mother po ako ni Cheren." "I'm Gray's guardian." 'Oh, so hindi niya nga anak ang batang ito, siguro pamangkin niya! ' "So, are you both aware sa mga ginawa ng bata? Isa sa kanila ay nagdala nang totoo baril sa loob ng paaralan, and we don't have any idea kung pano iyon nakalusot sa security guard. Kaya naman gusto naming tanongin ang dalawang bata ukol dito." Bigla akong nakaramdam ng kaba, baka kasi magkamali ng sagot si Charlie at sabihin niyang sa kanya galing iyon. Talagang katapusan na naming dalawa. Hindi pa man nakakapagsimulang magtanong ang principal nang biglang nagsalita ang batang lalaki. "I was the one who brought the gun." "Gray," tawag sa kanya ni Sir Keefer na para bang pinipigilan siyang magsalita. "But she has a gun too," sunod na sabi nito at itinuro si Charlie na ikinalaki ng mata ko. Wala sa oras tuloy akong napatayo sa gulat. "Nako po, hinding hindi ko po hahayaang humawak ng ganyang bagay ang anak ko! Kaya nakakasigurado akong walang kahit anong bagay na ganyan si Charlie." "Mrs., please be seated. Hindi po natin ma reresolve ang problemang ito kung dadaanin natin sa dahas, hayaan po nating ang mga bata ang mag salita." Pigil sakin ng principal at dumako ang tingin kay Charlie. "Hija, totoo po ang sinasabi ng kaklase mo? At gusto ko magpakatotoo ka dahil hindi ito birong bagay." Mas lalong bumilis ang pagkabog ng puso ko habang hinihintay namin ang sagot ni Charlie. Nang lingonin ko siya ay sumensenyas ako sa kanya na sumagot siya pero binigyan niya lang ako ng nagtatakang tingin. Napunta ang tingin ni Charlie sa principal at dahan-dahang tumango. Kaya pakiramdam ko tuloy ay mawawalan ako nang malay. "Charlie, pwede ba naming malaman kung saan mo nakuha ang bagay na iyon?" Mahinahong tanong sa kanya ng principal, na punta muna sa akin ang tingin niya na para bang nanghihingi ng permiso na magsalita siya. Sinenyasan ko na lang siya na sabihin ang totoo dahil wala namang mangyayari kung hahayaan ko pa siyang magsinungaling. "Galing po kay Cocoy yung baril. Lagi kasi akong mag-isa sa bahay kasi busy si Mama sa trabaho kaya minsan na kay Cocoy ako. Kaya binigyan niya ako ng baril para panglibangan daw. Yun daw yung gamitin ko para maghanap ng bulate pang kain ni Chinney," mahaba niyang paliwanag. Pakiramdam ko tuloy ay maglulusaw ang puso sa guilt. "Hija, alam mo ba kung nasaan ang baril na binigay ni Cocoy sayo?" Muling tanong nila sa kanya. "Opo," mabait nitong sagot at kinuha ang bag niya at saka ito binuksan. "Ito po oh!" Ngising sabi nito bago dinukot ang baril mula sa bag niya. 'Jusmiyo'CHERRYTahimik lang ako habang pinapanood si Ruby na magtimpla ng kape. Yes, Ruby, Keefer's fiancée.Parang gusto kong sabunutan ang sarili ko matapos kong malaman ang tungkol sa kanya. I just slept with someone's man!"Here's your coffee," aniya, and inilagay sa harap ko ang isang ng tasang kape. Napalunok naman ako ng makita iyon. "I didn't put any poison in there if that's what you're thinking," saad niya na ikinagulat ko.Pilit na lang akong ngumiti sa kanya bago inumin ang kapeng binigay niya.Isa lang talaga ang pinagtataka ko kay Ruby—bakit sobrang kalmado niya matapos niyang makita ang isang babae katabing matulog ang nobyo niya? Totoo kayang fiance siya ni Keefer? O baka naman nakikipagbiruan lang siya?Pero kasi pamilyar ang boses niya sakin. Naalala ko siya iyong narinig kong kausap ni Keefer sa office―kaya talagang posible na fiance siya ni Keefer."You must be curious why I'm acting like this—you probably expect that I will throw a rage after I saw you sleeping with my fi
CHERRY Ramdam ko ang pag-init ng buong katawan ko nang nanatiling nakadikit ang labi niya sa akin. Wala sa sariling napakapit ako sa buhok niya upang mas lalong palalimin ang halik niya sa akin. Siguro ay malakas na rin ang tama ng alak sa katawan ko kaya hindi na ang sisink in sa utak ko kung anong ginagawa naming dalawa. Halos habulin na namin ang paghinga ng maghiwalay ang mga labi namin. Akala ko ay doon na mahihinto iyon hanggang sa muli niyang abutin ang labi ko at marahan akong hinalikan. "Wait!" tapik ko sa kanya para pigilan siya. "Someone...might see us here," saad ko at inilibot ang paningin ko sa paligid. Kaming dalawa lang naman ang nandidito pero hindi pa rin ako mapakali na baka may ibang makakita sa amin. Kahit medyo may tama na ako ay hindi pa rin maalis sa isip ko iyon. "Then do you mind coming with me?" tanong niya at inabot ang kamay sakin. Napatitig naman ako doon bago iyon kunin. Sabay kaming lumabas ng rooftop at pumuntang parking lot―pinagbuksan ni
CHERRY Tahimik kong pinahiran ng ointment ang nagdudugong kamay ni Keefer, habang siya ay malayo lang ang tingin sa akin. Nandito kami ngayon sa taas ng rooftop―nag papahangin at nag babakasakali na baka lumamig ang ulo niya. Buti na lang ay napakiusapan ni Maam Asarie ang mga media na huwag nang maglabas ng anumang pahayag ukol sa nangyari kanina. But knowing paparazzi, panigurado akong ilalabas at ilalabas nila ang balita patungkol dito. "Are you good?" biglang tanong niya sakin. "Tss. Sarili mo dapat ang tinatanong mo, hindi ako," inis kong sagot sa kanya. "Ano bang pumasok sa kokote mo at sinapak mo yung reporter? Hindi mo ba naisip yung pwede mangyari pag ginawa mo yon? Lalo na sa mommy mo?" "Ngayon ko lang naisip niyan. Earlier, all I could think about was how I could get you away from those reporters. I could barely think about what's going to happen after I punch that asshole," ika niya na nagpahinto sakin. Why would he feel something like that towards me? Nagiwas na
CHERRY Tahimik lang ako sa isang sulok habang pinapanood ang iba na magsaya. Umalis kasi si Keefer dahil may isang businessman gustong kumausap sa kanya. Sila Ma'am Asarie naman ay busy sa pag-entertain sa mga guest. At dahil wala naman akong ka-close na kilala dito ay nagtatago na lang ako sa isang sulok. May mga media pa rin kasi sa loob ng venue. Mahirap na at baka may makakita sa akin. "Drinks maam." saad ng isang waiter at inabutan ako ng isang baso ng alak. Hindi ko sana iyon tatanggapin dahil nakatatlong baso na ako, pero wala akong nagawa nang maabot niya na iyon sa akin. Napabuga na lang ako sa hangin bago inumin iyon. Medyo masakit na sa tyan dahil hindi na ako sanay uminom, pero buti na lang ay hindi pa nanlalabo ang paningin ko. Ibig sabihin ay wala pa akong tama. 'Goods pako-' Parang huminto ang buong paligid ko ng maramdaman kong sumabit ang heels ko sa damit ko. Akala ko ay tuluyan na akong matutumba mula sa pagkakatayo nang biglang may matigas na braso ang suma
CHERRY Nang makarating kami sa venue ay halos lumuwa ang mga mata ko kung gaano kaenggrande ang ayos ng labas. Oo, labas ng venue, pano nalang sa loob? Alam ko naman na bongga ang magiging selebrasyon pero hindi ko naman inakala na ganito ka bongga, walang wala kaysa sa naiisip ko. Ganito siguro pag mahal ng lalaki ang babae, gagawin lahat para maipakita ang pagmamahal sa asawa. "You good? We have to go inside," agaw ni Sir―Keefer sa atensyon ko. Tumango naman ako sa kanya bago niya ako alalayan papasok sa loob. Halos huminto ang paghinga ko nang maramdaman ko ang pagpulupot ng kamay niya sa bewang ko. At tuluyan na ngang lumuwa ang mata ko ng makarating kami sa loob. This is a one-day event! Pero hindi mo maiisip yun dahil sa sobrang engrande ng ayos. Nagulat naman ako ng biglang may mag-flash mula sa paligid. Media? Bakit may media? "You have to walk on a red carpet," rinig kong kausap ng lalaki kay Keefer. Bigla naman akong nakaramdam ng kaba nang makita ko kung gaano karami
CHERRY Hindi ako mapakali habang paikot-ikot sa loob ng bahay―pano ba naman ay Huwebes na, at mamayang gabi na ang party pero hindi ko pa rin alam kung pupunta pa ba ako o hindi. "Mama, ready nako!" rinig kong sigaw ni Charlie―nang makita ko siyang naglakad papaba ay nagulat ako. Nakasuot lang naman siya ng white dress at naka-shades pa. "Bakit ganyan suot mo?" kunot noong tanong ko sa kanya. "Kasi nga diba? Pupunta dito si Tito Keefer? Magplaplay daw kami ni Gray ngayong gabi," saad niya. "Kuya, hold my bag," maarte niyang saad at inabot kay Oliver ang backpack niya. Wala naman nagawa si Oliver kung hindi isukbit sa balikat ang dala-dala nitong bag. "Baket, hindi ka pa naka bihis? Tumawag si Tito Keefer, OTW na daw siya," aniya na ipinagtaka ko. "OTW?" "On the way! Papunta na daw siya," saad niya na ikinalaki ng mata ko. "Bakit hindi mo sinabi sakin?" inis kong tanong sa kanyan at tumakbo pataas sa kwarto. "Kanina ko pa sinasabi sayo pero kanina ka pa rin tulala!" sigaw niya.