CHERRY
"Cherry, una na kami, isara mo na lang yung pinto sa harap, nasa kusina yung susi, una na kami ha!" Rinig kong sigaw ni Olivia mula sa labas. "Sige, ingat," sagot ko, habang hinahanap ang aking cellphone. Kanina pa kasi ako paikot-ikot kakahanap ng cellphone ko. Ang alam ko ay inilagay ko ito sa bag ko matapos kong tawagan ang nagbabantay kay Cherin. Napagdisisyonan kong hanapin nalang ito sa kusina dahil ang alam ko ay doon ko iyon huling ginamit. Pero bago pa ako makapasok ng kusina ay napansin kong bukas ang ilaw ng opisina ni Maam Sarie. Nangsilipin ko ang loob non, laking gulat ko ng makita si Sir Keefer. Mukhang busy ito dahil may katawagan ito sa telepono. "Yes, I hear you. Be careful there. It's cold in that state. You should bring more coats since you're going to stay there for a long time," sagot niya sa kabilang linya. Rinig ko ang boses ng isang babae mula sa telepono niya. 'Sino yun? girlfriend? ' Sinubukan kong idiin ang tenga ko sa pinto upang mas lalo ko pang marinig ang boses nito. "Ok, bye," paalam niya bago mawala ang tawag. Aalis na sana ako nang mangudngud ang mukha ko sa pinto dahilan upang bumukas ito. 'Cherry! Anong katangahan ang ginagawa mo? ' "Yes, Ms.?" Kuha niya sa atensyon ko. "M-moreau po," nahihiya kong pakilala rito. Nakakahiya! Baka kung anong isipin niya sa akin, baka isipin niya nakikinig ako sa usapan nila ng kasintahan niya. 'Yun naman talaga ang nangyari eh! Chismosa ka kasi! ' "M-magpapaalam lang po ako, isasara ko na po kasi ang restaurant dahil tapos na ang shift namin," pagdadahilan ko sa kanya. Mukhang wala naman siyang iniisip na tulad ng iniisip ko kaya naman nakahinga ako ng maluwag. "I see, Iwan mo nalang ang susi dito sa table ko, ako na lang ang magsasara. Then you can go home." Kinuha ko naman ang susi mula sa bulsa ko at lumapit sa kanya upang ibigay ang susi. "A-aalis na po ako," paalam ko ng mailapag ko ang susi sa table niya. "Ms. Moreau," tawag niya sa akin bago pa ako tuluyang makalabas ng office. "The next time you want to gossip about me, just tell me. You're all free to sit here beside me so you can hear me clearly." I heard the sarcasm in his voice, and even though I was turned away, I knew he was smirking at me now! Ramdam ko ang pag-init ng buong katawan ko sa kahihiyan at dali-daling lumabas ng kwarto. 'Nakakahiya!' ――――――――― 5AM na nang makauwi ako, nadatnan kong mag-isa si Cherin sa bahay na nakikipaglaro sa alaga niyang manok. "Chie! Tignan mo oh! Binigyan ako ng klasmayte ko ng isang kilong pagkain ni Chinny!" Tuwang salubong niya sa akin habang hirap na hirap siya sa paghatak sa isang maliit na sako. Hula ko ay hindi lang isang kilo iyon, siguro mga nasa sampong kilo iyon na nakalagay sa maliit na sako. Kaya naman hirap na hirap siyang dalhin iyon sa akin. "Kanino naman galing yan?" tanong ko ng lapitan ko siya. "Kay boy sungit, yung asul yung mata? Sabi niya may malaki daw na lupa ang lolo niya na puro manok ang alaga. Pag free daw tayu, punta daw tayo para daw maitlogan si Chinny," tuwang-tuwang kwento niya. Bigla naman akong napaisip. Bakit naman bibigyan ng batang iyon ang anak ko ng sampong kilong pagkain ng manok ng walang kapalit? "May hiningi ba siya sayo?" "Wala! May binigay pa nga siya sa akin eh, ito oh!" Sagot niya at may dinukot sa bulsa ng short niya. Nagulat ako nang ilabas niya ang isang baril. Nang tignan ko ito nang malapitan, doon ko lang napagtanto na pellet gun lang ito, kaya naman nakahinga ako nang maluwag. "Patingin nga niyan." Agaw ko sa baril-barilan na hawak niya. Nang buksan ko ang magazine ng pellet gun, ay laking gulat ko nang makitang totoong bala ng baril ang laman non. Agad ko itong nabato sa sahig sa sobrang takot. "Cherin, nilaro mo na ba ang pellet gun na yan?" kabado kong tanong dahil baka mamaya ay nabaril na iyan sa kung saan. "Hindi pa, pero pinakita ni Grey kung paano gamitin yan! Pinaputok niya panga ng dalawang beses doon sa likod ng CR eh! Lakas! Nasira yung pader!" Proud na proud niya pang pwento. Pakiramdam ko ay mawawalan ako ng malay dahil sa mga kwinekwento niya. "Tapos biglang may tumating na guard kaya nagtakbo-takbo kami ni Grey, HAHAHAHAH." Napapahawak na lang ako sa sintido ko dahil sa katigasan ng ulo niya. Hindi ko alam kung saan niya ba namana iyan. Wala namang ganyan kakulit sa pamilya ko. "Tapos may pinapabigay pala yung titser ko." Pahabol niya at nagtatatakbo pa para kunin ang bag niya. Pagbalik niya ay may hawak na siyang sobre at inabot sa akin. "Bigay ko daw sayo sabi ni titser." Nangbuksan ko ang loob ng sobre, ay nakita ko ang isang papel na may sulat. Nakalagay doon na ipinapatawag daw ako bukas sa principal's office dahil sa violation na ginawa nila Cherin. Napabuga na lang ako sa hangin dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko sa batang ito ―――――――――― KINABUKASAN ay imbis na makapasok ako sa restaurant ay hindi ko magawa dahil kaylangan kong pumunta sa school ni Cherin. Buti nalang ay pumayag si madam na mag-leave ako ngayon sa trabaho. "Wag mong kakalimutan yung practice natin kagabi ha? Yung mga sasabihin mo pag tinanong ka nila," paalala ko sa kanya habang sinusubutan siya ng medyas. "Pag tinanong ka kung kanino galing ang baril, anong isasagot mo?" "Galing po kay Grey!" sagot niya sakin kaya naman nakahinga ako ng maluwag. "Eh, pano pag tinanong ka kung sino yung nagpaputok ng baril, anong sasabihin mo?" muli kong tanong at isinuot ang sapatos niya. "Si grey po!" Napangiti naman ako sa sagot niya, "Good, tara na." Aya ko sa kanya at syaka kami lumabas ng bahay. Pagkarating namin sa school, imbis na sa classroom kami dumeretso ay pumunta kami sa principal's office. "Anak, galingan mong sumagot ha? Pag nasagot mo ng tama lahat ng tanong nila, mag jojollibe tayo," pang-uuto ko sa kanya na ikinatuwa niya naman. Nang makapasok kami sa loob ng principal's office ay nadatnan namin ang teacher at principal ni Cherin sa loob. Nakita ko rin ang isang batang lalaki na may kasamang lalaki. Ito siguro yung boy sungit na sinasabi ni Cherin. "Sorry po, nahuli kami," paghingi ko ng paumanhin sa kanila ng makapasok kami sa loob, agad namang napunta sa amin ang tingin ng mga tao sa loob ng room na iyon. Pero isang tao lang ang napansin ko. Bakit siya andito? "S-sir Keefer."CHERRYTahimik lang ako habang pinapanood si Ruby na magtimpla ng kape. Yes, Ruby, Keefer's fiancée.Parang gusto kong sabunutan ang sarili ko matapos kong malaman ang tungkol sa kanya. I just slept with someone's man!"Here's your coffee," aniya, and inilagay sa harap ko ang isang ng tasang kape. Napalunok naman ako ng makita iyon. "I didn't put any poison in there if that's what you're thinking," saad niya na ikinagulat ko.Pilit na lang akong ngumiti sa kanya bago inumin ang kapeng binigay niya.Isa lang talaga ang pinagtataka ko kay Ruby—bakit sobrang kalmado niya matapos niyang makita ang isang babae katabing matulog ang nobyo niya? Totoo kayang fiance siya ni Keefer? O baka naman nakikipagbiruan lang siya?Pero kasi pamilyar ang boses niya sakin. Naalala ko siya iyong narinig kong kausap ni Keefer sa office―kaya talagang posible na fiance siya ni Keefer."You must be curious why I'm acting like this—you probably expect that I will throw a rage after I saw you sleeping with my fi
CHERRY Ramdam ko ang pag-init ng buong katawan ko nang nanatiling nakadikit ang labi niya sa akin. Wala sa sariling napakapit ako sa buhok niya upang mas lalong palalimin ang halik niya sa akin. Siguro ay malakas na rin ang tama ng alak sa katawan ko kaya hindi na ang sisink in sa utak ko kung anong ginagawa naming dalawa. Halos habulin na namin ang paghinga ng maghiwalay ang mga labi namin. Akala ko ay doon na mahihinto iyon hanggang sa muli niyang abutin ang labi ko at marahan akong hinalikan. "Wait!" tapik ko sa kanya para pigilan siya. "Someone...might see us here," saad ko at inilibot ang paningin ko sa paligid. Kaming dalawa lang naman ang nandidito pero hindi pa rin ako mapakali na baka may ibang makakita sa amin. Kahit medyo may tama na ako ay hindi pa rin maalis sa isip ko iyon. "Then do you mind coming with me?" tanong niya at inabot ang kamay sakin. Napatitig naman ako doon bago iyon kunin. Sabay kaming lumabas ng rooftop at pumuntang parking lot―pinagbuksan ni
CHERRY Tahimik kong pinahiran ng ointment ang nagdudugong kamay ni Keefer, habang siya ay malayo lang ang tingin sa akin. Nandito kami ngayon sa taas ng rooftop―nag papahangin at nag babakasakali na baka lumamig ang ulo niya. Buti na lang ay napakiusapan ni Maam Asarie ang mga media na huwag nang maglabas ng anumang pahayag ukol sa nangyari kanina. But knowing paparazzi, panigurado akong ilalabas at ilalabas nila ang balita patungkol dito. "Are you good?" biglang tanong niya sakin. "Tss. Sarili mo dapat ang tinatanong mo, hindi ako," inis kong sagot sa kanya. "Ano bang pumasok sa kokote mo at sinapak mo yung reporter? Hindi mo ba naisip yung pwede mangyari pag ginawa mo yon? Lalo na sa mommy mo?" "Ngayon ko lang naisip niyan. Earlier, all I could think about was how I could get you away from those reporters. I could barely think about what's going to happen after I punch that asshole," ika niya na nagpahinto sakin. Why would he feel something like that towards me? Nagiwas na
CHERRY Tahimik lang ako sa isang sulok habang pinapanood ang iba na magsaya. Umalis kasi si Keefer dahil may isang businessman gustong kumausap sa kanya. Sila Ma'am Asarie naman ay busy sa pag-entertain sa mga guest. At dahil wala naman akong ka-close na kilala dito ay nagtatago na lang ako sa isang sulok. May mga media pa rin kasi sa loob ng venue. Mahirap na at baka may makakita sa akin. "Drinks maam." saad ng isang waiter at inabutan ako ng isang baso ng alak. Hindi ko sana iyon tatanggapin dahil nakatatlong baso na ako, pero wala akong nagawa nang maabot niya na iyon sa akin. Napabuga na lang ako sa hangin bago inumin iyon. Medyo masakit na sa tyan dahil hindi na ako sanay uminom, pero buti na lang ay hindi pa nanlalabo ang paningin ko. Ibig sabihin ay wala pa akong tama. 'Goods pako-' Parang huminto ang buong paligid ko ng maramdaman kong sumabit ang heels ko sa damit ko. Akala ko ay tuluyan na akong matutumba mula sa pagkakatayo nang biglang may matigas na braso ang suma
CHERRY Nang makarating kami sa venue ay halos lumuwa ang mga mata ko kung gaano kaenggrande ang ayos ng labas. Oo, labas ng venue, pano nalang sa loob? Alam ko naman na bongga ang magiging selebrasyon pero hindi ko naman inakala na ganito ka bongga, walang wala kaysa sa naiisip ko. Ganito siguro pag mahal ng lalaki ang babae, gagawin lahat para maipakita ang pagmamahal sa asawa. "You good? We have to go inside," agaw ni Sir―Keefer sa atensyon ko. Tumango naman ako sa kanya bago niya ako alalayan papasok sa loob. Halos huminto ang paghinga ko nang maramdaman ko ang pagpulupot ng kamay niya sa bewang ko. At tuluyan na ngang lumuwa ang mata ko ng makarating kami sa loob. This is a one-day event! Pero hindi mo maiisip yun dahil sa sobrang engrande ng ayos. Nagulat naman ako ng biglang may mag-flash mula sa paligid. Media? Bakit may media? "You have to walk on a red carpet," rinig kong kausap ng lalaki kay Keefer. Bigla naman akong nakaramdam ng kaba nang makita ko kung gaano karami
CHERRY Hindi ako mapakali habang paikot-ikot sa loob ng bahay―pano ba naman ay Huwebes na, at mamayang gabi na ang party pero hindi ko pa rin alam kung pupunta pa ba ako o hindi. "Mama, ready nako!" rinig kong sigaw ni Charlie―nang makita ko siyang naglakad papaba ay nagulat ako. Nakasuot lang naman siya ng white dress at naka-shades pa. "Bakit ganyan suot mo?" kunot noong tanong ko sa kanya. "Kasi nga diba? Pupunta dito si Tito Keefer? Magplaplay daw kami ni Gray ngayong gabi," saad niya. "Kuya, hold my bag," maarte niyang saad at inabot kay Oliver ang backpack niya. Wala naman nagawa si Oliver kung hindi isukbit sa balikat ang dala-dala nitong bag. "Baket, hindi ka pa naka bihis? Tumawag si Tito Keefer, OTW na daw siya," aniya na ipinagtaka ko. "OTW?" "On the way! Papunta na daw siya," saad niya na ikinalaki ng mata ko. "Bakit hindi mo sinabi sakin?" inis kong tanong sa kanyan at tumakbo pataas sa kwarto. "Kanina ko pa sinasabi sayo pero kanina ka pa rin tulala!" sigaw niya.