Share

Chapter 5

Chapter 5: 

Inaantok na si Aaliya habang naglalakad sa hallway from visiting her patients that morning. Nakailang tasa ng kape na rin siya upang mawala ang antok pero hindi ito gumana. Inikot niya ang kan'yang ulo upang ma-exercise ang kan'yang mga muscles.

Nakasalubong niya ang mga nurses at bumati ang mga ito. Andrea is the last patient she needs to visit dahil sa kaniyang punishment kahapon. 

Pumasok siya sa ICU with complete set of sterilization and check all the machines that connects to Andrea to keep her breathe. Her parents refuse to sign the form for non-resuscitation if Andrea will fall into shock again. They believe that their daughter could make through it. Sa isip niya, iba talaga ang mayayaman. Kayang pahabain ang buhay ng mga anak nila. 

“Ang suwerte mo. You have parents to lean on. Kaya you should fight for your life. Hindi natin alam may mga tao pang gusto mabuhay kahit nahihirapan.” Matapos niyang sabihin ‘yon ay umalis na siya sa ICU at tumungo sa emergency room. 

Binagsak ni Aaliya ang kaniyang ulo sa information desk. Nagulat ang mga nurse sa kaniyang ginawa at natawa na lamang ito. They know how exhausted she is since morning dahil sunod-sunod ang patients na dumarating. Idagdag pa ang ang kan'yang parusa dahil sa kapabayaan niya kahapon.

“Heads up, Doc. Aali. Matagal pa ang isang buwang suspension attending special cases,” biro ni Alvin sa kaniya. Ngunit inirapan niya lamang ito at nagpatuloy sa kan'yang ginagawa.

“Oo nga, Doc. Habang nandito ka, mabuti pang i-enjoy mo na lang,” singit ni nurse Trina sa information desk.

“Alam niyo, ang galing niyong mag-comfort. Ang saya ko. Nabuhayan ako ulit ng loob. Maraming salamat, ah,” iskarstiko nitong tugon saka inikot ang kan'yang dalawang mata.

Tawang-tawa pa rin ang mga nurses at si Alvin sa kaniya pero binalewala lamang niya ‘yon at napabuntong-hininga. 

“Patient coming in,” sigaw ng isang medic kasabay ng isang batang lalakeng nag-aagaw buhay. Tantiya niya ay kaedaran lamang ito ni Elya o mas matanda ng isang taon.

“Six year-old boy, 70 over 40 ang blood pressure, 30bpm, at suspected drug poisoning. This patient responds to pain. Her mother died on the spot,” pagpapaliwanang ng isa pang medic. 

Pinasok ang batang pasyente sa hybrid room. Tinanong ng isang nurse kung ano ang nangyari at sinabi ng medic na natagpuang walang malay ang bata sa loob ng bahay. May mga empty bottles din ng gamot sa trash bin at ang tatay ay nahulog mula sa taas ng apartment na inuupahan nito, suspecting a suicide attempt.

“Group suicide attempt,” the head nurse concluded. “Doctor Asistio, what are you doing?” 

Napukaw sa pag-iisip si Aali nang tawagin siya ng head nurse. Isinantabi ni Aali ang kaniyang iniisip at binigyan ng agarang gamot ang bata. For her, how can be the father so cruel? Bakit kailangan nitong patayin ang anak. She couldn’t understand what kind of people who dare to kill an innocent child. 

She was assisted by the nurse and Alvin carefully. “Monitor him every 20 minutes until he’s stable,” she ordered Alvin. Umalis siya sa hybrid room dahil may pasyente ulit na dumating.

This time it was the father who forced the child to overdose. Nagngitngit sa galit si Aali at walang ganang gamutin ang tatay ng bata. Hindi niya alam kung bakit may mga tao talagang walang pagmamahal sa anak. Hindi niya maintindihan ang ibang magulang kung bakit kailangang manganak kung gagamitin lang naman sa dahas o sa papabayaan lamang kapag nahihirapan na sa buhay.

Para sa kan'ya, bakit pa bubuhayin ang isang taong gusto nang mamatay? It doesn’t make sense to her. Habang ini-examine niya ang tatay ay ‘di niya mapigilang bigyan ito ng masasakit na salita.

“Masakit ba? Kung masakit, bakit kailangan mong idamay ang inosenteng bata sa kahayupan mo?” galit na sabi ni Aali sa tatay. Pinisil-pisil niya ang tiyan at gilid nito to hurt him more para malaman niya kung ano ang kinahihinatnan ng desis’yon niya. Wala sa sarili si Aaliya na parang hindi siya doktor sa kan'yang kinikilos.

“Doc. Asistio!” singhal ni Doc. Lucca sa kan'ya. Nakita ni Doc. Lucca si Aali sa ginawa niya but she didn’t budge. Hindi sila general surgeon o cardiac surgeon pero dahil kulang sila sa doctors, kailangan nilang tumulong. Tumigil si Aali at humakbang paatras pero hindi dahil naaawa siya kung hindi dahil Doc. Lucca replaces her. 

“A doctor should not choose who or what kind of patient she is treating. Ito ba ang magiging kalagayan ng mga pasyente mo kapag naging ganap ka ng doktor?” sermon ni Doc. Lucca. Nakikinig lamang ang mga nurses sa gilid, galit pa rin sa ama ng bata.

The father didn’t want to get treated. Sabi pa nito hindi na niya kayang buhayin pa ang kaniyang pamilya kaya nagdesisyon siyang gumawa ng dahas, kahit ayaw ng konsens’ya niya. Kahit gusto niya raw magpatuloy sa buhay, hindi na niya kaya pang pag-aralin ang mga anak dahil lulong din sa sa sugal at pagbibisyo ng alak.

“Let him do what he wants,” sabi ni Aali pero pinalabas lamang siya ni Lucca sa hybrid room. Doc. Lucca attended the father the same as what should doctor do. 

Nang makalabas si Aali ay nakabangga niya ang isang dalagita na nagmamadali at hinahanap ang kaniyang kapatid. Nakasuot lamang ito ng isang sapatos papuntang hospital galing sa eskwelahan. Nang makita siya ng dalaga ay nakiusap ito sa kaniya.

“Kayo po ba ang doktor ng tatay ko?” tanong nito na mangiyak-ngiyak pero nakikita ni Aali kung gaano kasuklam-suklam ang mga mata nito. “Nasaan ho siya? Buhay pa ba?"

Tila ngulat si Aaliya sa narinig.

"Hayaan niyo na lamang po siyang mamatay. I will make sure to raise my brother just not like him. We will get through this without him. Mamamatay siyang walang anak. Pagsisihan niya ang ginawa niya sa kapatid ko. Kahit kailan ‘di siya naging tatay sa amin. 

“He always drink with his friends na kahit sardinas ay ‘di niya kami mapakain. Kailangan ko pang itago na working student ako para bigyan ng allowance ang kapatid ko. He just raised us to feed his sexual validation. Ang sabi pa niya naging anak lang kami upang maging investment nila kapag matanda na sila? Gano'n ba nag klase ng magulang? Bakit niyo pa siya bubuhayin? Bakit niya pa kami pinanganak kung papatayin niya lang? 

“Parents have choices whether to have a kid or not. Eh paano naman kaming mga anak? We don’t have. Kahit ayaw naming lumabas sa sinapupunan ng aming nanay, wala rin naman kaming magagawa dahil sila mismong dalawa ang nagdesisyon no'n. Paano naman kami? Iniisip ba nila?”

Nagmamakaawa ang nakakatandang kapatid na babae sa kaniya habang hawak-hawak ang kaniyang tuhod. Narinig lahat ng sinabi ng dalaga sa loob ng hybrid room kung saan nakahilata ang ama nito. Habang nagsasalita ang anak ay nakinig ang kaniyang tatay na umiiyak at ang mga kasama nito sa loob. 

Aali’s tears starts welling pero hindi niya hinayaang tumulo ito. She bended her knees to level herself sa dalaga dahil umiiyak ito. Niyakap niya ang dalaga kasabay ng paghaplos nito sa likod. Nang tumigil ito ay inanyayahan niya ito sa coffee vending machine malayo sa hybrid room. 

Tahimik ang dalawa habang nakaupo subalit binasag ito ng dalaga.

“Will my brother make it?” tanong nito na nag-aalala. Halata sa pananalita na matalinong dalaga ‘to. Judging from how she burst with those words sa hallway. 

“H’wag kang mag-alala. Doctors here are competent to treat him.” 

Tumatango lamang ang dalaga at humigop ng kape na bigay niya. Nang marinig niya ang mga sinabi ng dalaga kanina ay parang nag-replay ang nangyari sa kaniya bago siya umalis sa bahay nila. She reminded her of her younger self.

“Sandali lang, ah. May kukunin ako.” 

Umalis saglit si Aali sa tabi ng dalaga at pagbalik nito ay may dala ng white sneakers na iniingatan niya. It was her grandmother’s gift for her during high school graduation. Just like Cinderella, Aali put the shoes sa paa ng dalagita. She knew how hard it is to have no one to lean on lalo na sa sitwas’yong ganito. Marahan niyang tinali ang shoelaces nito at humarap sa dalaga.

“Kahit mahirap ang mabuhay, kayanin mo, ha? For yourself and for your brother. He needs you right now. Kahit anong mangyari, do not let them stomp you. Never!” sabi niya as her voice shakes as she dries the girl’s tears on its cheeks. 

“Opo…” Naghihintay ang dalaga na sabihin ni Aali ang kaniyang pangalan.

“Aali,” sabi niya. 

“Aya.” The girl extended her hand. “Salamat, Doctor Aali.” 

Umalis si Aya at nagpapaalam na titingnan niya ang kaniyang kapatid. Tumango lamang si Aali at hinayaan itong tumakbo paalis. Hindi kalaunan ay may napansin siyang tumabi sa long bench na kaniyang inupuan. Just hearing the beat of her heart, she knew already who it is. 

He’s still in his black suit. Kaaya-ayang tingnan ang kaniyang malinis na mukha at bagong shave ito. He still smells like the same: mint with a hint of… cigarette.

“Naninigarilyo ka pa rin ba?” tanong niya ng mapansin niya ito. Hindi niya alam na napalakas ang boses niya. She doesn't know what kind of question she raised out of all the questions forming in her head. Nabigla siya kaya agad niya itong binawi. “Forget it.”

Napangiti si Keos sa kaniyang tanong at kahit binawi ito ay sinagot pa rin niya. “No. Just last night when I saw you with that man… again.” 

Biglang lumukso sa tuwa ang kaniyang puso sa narinig. At pinipigilan niya ang sariling ngumiti. She knew how Keos chooses his words wisely.

Keos saw the whole scene right when the child with overdose coming in. Hanggang sa may kamuntikan na siyang masagasaan sa daan dahil sa pagmamadali. He let the girl ride with him to the hospital kasi parang wala ito sa sarili. Hospital lamang tanging sambit nito. The pair of the lost shoe happens to be in Keos’ car that’s why he followed the girl, and saw Aali talking to the girl. 

“Oh!” Napansin ni Aali ang sapatos sa gilid ni Keos at naalalang pair iyon sa sapatos ni Aya. 

When Keos saw Aali confused, he told her. Kahit nakita ni Keos ang pangyayari at ang sugat ni Aali sa nakaraan, he knew it at hinayaan niya lamang ito. Sa kaniyang isip, wala siyang karapatang magtanong o magkomento man lang. And Aali felt that, too. For the reckless Keos, nagtataka rin siya kung bakit hindi ito nagtanong.

Aali stood up and told Keos she has to do rounds. Ginawa rin niya iyon dahil she felt awkward talking to him and she couldn’t control her heart. Baka marinig ni Keos ito at magkaroon pa ng misunderstanding. 

“Do you feel awkward just by sitting or talking to me?” tanong nito habang tinitingan siya sa mata. Her eyes were seeking a place to look up to just so it could avoid Keos’ gaze. 

“No. Why would I?” tugon ni Aali habang nakatalikod, cross-legged. She’s afraid if Keos sees her. “I need to visit the child,” pangangatwiran niya.

“Let me tag along, then. I need to give it back to the girl,” he said. 

“Ako na magbibigay.” Aali extended her hand without looking at Keos, but when their fingers touch, a sudden bolt of electricity courses through her veins.  She felt her cheeks hot.

“Bakit ‘di ka makatingin sa ‘kin? Should I face back?” Keos joked. 

Hindi na nakatiis si Aali at hinayaan na lamang si Keos na magbigay sa sapatos, kaysa makita pa nito ang namumula niyang mukha. She made sure she’s three steps ahead from Keos to prevent him from sneaking to her. Parehas silang naglalakad sa hallway at napansin iyon ng mga nurses, doctors, at patients since Keos is a well-known figure.

Napansin ni Aali na konti lamang ang dalang bodyguards ngayon ni Keos. She found two from the corners and the others she couldn’t. When Keos understood her gestures, he told her even if she’s not asking.

“I didn’t bring much, but they’re just looming around the hospital and even the tiniest corner of the place.” He grins.

“I didn’t ask.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status