Share

07

      "Just give up, Everleigh!" Ryle's  voice was enough to make me tremble, Why is he here? Akala ko ba natakasan ko na siya? Bakit!

Gusto kong kumawala, pero hindi ko magalaw ang sarili kong katawan. My body was moving but I wasn't the one controlling it. Ryle was on top of me while I was on the bed.

"You ungrateful b*tch!" isang malakas na sampal ang inabot ko sa kaniya.

"I can give you everything you ever wanted, but if you keep resisting, Everleigh..." No... I remember this day. It was where it all started, where the nightmare became unbearable. He wrapped the familiar chains on my ankle, then used handcuffs on both of my hands before tying it at the bed's headboard.

Kinuha niya ang isang gunting at idiniin ang matalim na dulo no'n sa tiyan ko. Tanging sigaw ko ang maririnig sa loob ng madilim na silid. Alam kong naririnig nila ako, pero bakit hindi nila ako tinutulungan?

"You're mine!" My fear started to turn into anger, I wanted to hurt him too. I want him to feel the same pain. But then

everything slowly fadedHanggang sa maramdaman ko ang mahinang tapik sa pisnge ko.

"Hey, wake up," That was Kaius, that's his voice. I slowly opened my eyes and realized it was all a dream. Ryle isn't here, he won't be able to hurt me again.

Wala siya rito, paulit ulit kong sinabi 'yon sa sarili ko.

"You were crying," bakas ang pag-aalala sa mukha ni Kaius. Kung hindi lang masakit ang ulo ko ay bumangon na ako.

"Panaginip lang, ayos lang ak–pucha bat ang sakit ng ulo ko." Naisip tuloy ako kung paano ako napunta rito sa higaan, naalala ko ay nasa sofa ako ah?

Nanlaki ang mga mata ko nang maalala ko na uminom nga pala ako. Masyado ba akong maraming nainom? bakit hindi ko maalala kung paano ako napunta sa kwarto?

I heard him chuckle. A thought crossed my mind, which left my eyes wide open.

"No, Everleigh. We didn't have s*x," seryosong saad niya tila ba nabasa ang nasa isip ko. Nakahinga naman ako ng maluwag.

"Anong oras na?" Tanong ko sa kaniya.

Lumayo siya sa 'kin at kinuha ang phone niya. Wala kami sa kwarto niya, paano niya napansin ang iyak ko kanina? Dito rin ba siya natulog?

"It's seven in the morning," sagot niya.

Mahaba na ang itinulog ko?

"Paano ako napunta rito? At bakit ka rin nandito ha? Pinapanood mo ba kong matulog?" Mataray kong saad sa kanya. Unti unti akong bumangon.

"Ako ang nagdala sayo rito kagabi. Tapos titignan ko lang sana kung gising ka na kaso nakita kitang umiiyak kaya ginising kita," paliwanag niya.

Lumapit ito ulit sa 'kin at nilaro pa ang dulo ng buhok ko.

"Bakit? Gusto mo bang panuorin kitang matulog?" Nakangising niyang saad.

Nanlaki ang mga mata ko at bigla na lang siyang nahampas. Tumama ang kamay ko sa balikat niya, agad ko itong pinag-sisihan dahil bigla na lang siya napahawak do'n.

"Ouch—

"Oh my—I'm sorry does it hurt?" Naalala ko ang sugat niya. Natamaan ko kaya 'yon, siguradong nasaktan siya. Mamaya dumugo pa 'yon ulit.

Biglang bumalik sa 'kin kung paano niya ko binuhat kahapon, dapat hindi niya ginawa 'yon! paano na lang kung makasama 'yon sa sugat niya.

"You even carried me yesterday! What were you thinking!" Inangat ko ang tingin sa kanya, kumunot naman ang noo ko dahil nakangiti pa ito habang nakatingin sa 'kin.

Ngayon ko lang napansin na nakahawak na ko sa kaniya tapos ang isang kamay ko ay nasa dibdib pa niya. Agad kong binawi ang kamay ko at medyo lumayo sa kanya.

"I'm fine, I'm used to it," aniya.

"How long were you in that kind of world to get used to it?" I suddenly felt bad for him, did he even have a choice if he was born into a family like that?

"For as long as I can remember," biglang sumeryoso ang mukha niya no'ng sinabi niya 'yon. "Kaya ito? Wala to sa 'kin," sinubukan niyang magbiro pero bakas ang pait sa boses niya.

"Gusto mo ba 'tong buhay na meron ka?" I can feel something heavy inside of him.

Hindi niya ko sinagot. Tumayo na siya't lumapit sa pinto. Naiintindihan ko kung hindi pa siya handang sagutin ang tanong ko.

"Do you want to join me for breakfast?" Akala ko ay lalabas na siya, pero nagawa pa niyang magtanong. Hindi siya nakaharap sa 'kin at ngayon ay nasa pintuan na.

"S-Sige," tipid na sagot ko.

"Okay." Lumabas na siya, siguro ay may ipapadala nanaman siya para tulungan ako.

Ang sakit pa rin ng ulo ko, siguro hihintayin ko na lang na tawagin nila ako. Humiga muna ulit ako at nagbaka sakali na makakatulong 'yon sa masakit kong ulo. Ilan ba ang nainom ko kagabi?

Wala naman siguro akong katangahan na ginawa? Siguro tatanungin ko na lang mamaya si Kaius...kapag good mood na siya.

Tulad ng inaasahan ko ay dumating nga si Laira, kasama niya ang isang lalaki at hula ko ay nagttrabaho rin para kay Kaius.

May dala silang Wheelchair, kung kailan naman bumubuti na ang lagay ng paa ko at saka nila ko bibigyan ng ganyan. Sabi ko ay hindi na kailangan ngunit mapilit ang dalawa, sila raw ang malalagot. Naisip ko rin na mas madaling gagaling ang paa ko kung ipapahinga ko ito, at baka mas lumala kung ipipilit kong gamitin agad.

Nang makarating sa kitchen ay tumayo na ko't naglakad para maka-upo sa bar stool. Ngayon ay magkaharap na kami ni Kaius.

"Here," nagulat ako nang ilapag niya sa harap ko ang isang phone.

"Bakit binibigay mo sakin to? I don't need it," it's not like I'll be texting or calling anyone soon. Ayaw ko rin naman i-open ang mga accounts ko .

"So I can call you," tipid na sagot niya.

I stared at it for awhile, it's too expensive for me to take, I know because I bet everyone knows the brand and how pricey those phones are.

"You should've bought a cheaper phone," I argued.

"My wife deserves only the best," sabi niya sabay kindat. Mukhang good mood na, nakakainis nanaman pagmumukha niya eh.

"Whatever, I'm not taking it–

"Everleigh," napatingin ako sa kaniya, ngayon ay mukha siyang seryoso. Ginagamit ba niya sa 'kin ang pagiging intimidating niya?

"Kaius?" tinaasan ko siya ng kilay.

"You will be needing it, so take it. It would be troublesome to buy another one when we already have that." I sighed before taking the phone and placing it inside pocket of my dress. He's still calm, I didn't know he doesn't look like patient person.

After breakfast we both sat infront of his T.V and watched. He was kinda busy on his laptop though. I watched a movie about some dog, at wala akong pake kung nakikita ni Kaius kung paano ako ngumiti na parang bata sa pinapanood ko. I love animals, especially dogs.

But later I regretted watching it. The dog died without getting to see his owner, he died alone. Naluluha tuloy ako at humihikbi pa nang matapos na ang movie.

"Miss Mira, tubig ho?" hindi ko man lang napansin na nasa harap ko na si Laira, kanina kasi ay wala siya sa silid.

"Thank y-you," I said as I wipe my tears. I turned to Kaius who's now looking at me with a what-the-hell-is-wrong-with-you look on his face. Bigla ko na lang tuloy siyang nairapan, panira ng moment.

"Ayos lang ho ba kayo?" nakita ko ang pag-aalala sa mukha ni Laira kaya agad akong tumango.

"Yes, nadala lang sa movie. I like dogs kasi," nakangiting saad ko. Mukhang nakahinga ng maluwag si Laira, ano kayang inisip nitong dahilan ng pag-iyak ko?

"Ahh akala ko po nag-away na kayo," bulong niya sa 'kin, iniiwasan na marinig ni Kaius.

"Mahilig po pala kayo sa aso, marami po ba kayong alaga?" Tanong niya sa 'kin. Napakagat ako sa labi ko, I love animals but I have really bad experiences with them. My father once burned my hamster in front of me, alive, begging me to save him. I was Twelve. It was a punishment for not treating Ryle nicely when he visited our house.

"Gusto ko sana, kaso hindi kasi mahilig sa aso mga magulang ko. Bawal sa bahay..." 'Yon na lang ang naging sagot ko. Ayaw naman talaga nila dahil magulo daw sa bahay, natakot na rin ako mag-alaga ulit matapos 'yong ginawa nila sa hamster ko. Magsasalita pa sana si Laira kaso tinawag siya ng amo niya.

"Can you get me something to eat?" napunta ang atensyon namin kay Ryle, nakatingin na ito kay Laira. Napansin kaya niya ang pagbabago sa boses ko?

Dali daling sinunod ni Laira ang utos ni Kaius. Nang magtama ang tingin namin ay agad kong binalik ang tingin sa screen.

" Since our meeting with my grandfather is cancelled, you should rest a lot. I'll be quite busy with work too." napatingin ako sa kaniya. Mabuti na lang at cancelled 'yon, hindi ko alam kung kaya ko harapin agad ang lolo niya.

"Work? you mean that work?" kinagat ko ang pang ibabang labi ko matapos tanungin sa kanya 'yon.

"What else, Everleigh?" bakit parang may inis sa boses niya?

Nang hindi ako sumagot ay bigla na lang siyang tumayo't umalis. There was worry buried deep inside me, but I chose to ignore it. Aside from our deal, there really isn't any other connection or relationship between us. I shouldn't pry too much.

Dumating ang gabi at naiwan akong nagtataka kung umalis ba siya o nanatili lang sa kwarto niya buong araw. I'm still amazed about how big this place is and how he managed to live alone in this mansion for years.

Papasok na sana ako sa kwarto ko kaso napatingin ako sa pinto ng kwarto niya. Naglakad ako papunta sa harap no'n at akmang kakatok ng pigilan ko ang sarili ko.

"Ano bang ginagawa mo," inis kong saad. Tatanungin lang ako no'n kung bakit ako kumakatok eh tapos wala naman akong maisasagot.

Pero gusto ko lang naman itanong kung ayos lang siya, mukhang wala siya sa mood kanina. Pwede ko naman siguro gawing dahilan 'yon, baka nga wala na siya sa loob eh.

Bago pa man ako makakatok ay bumukas na ng kaunti ang pinto, kumunot ang noo ko. Hindi naman ata nakasara ng maayos ito, kaya dahan dahan kong tinulak ang pinto. Madilim ang silid at naririnig ko ang shower. Nasa loob siya ng banyo?

Lalabas na sana ako kaso bigla na lang bumukas ang pinto ng banyo at lumabas do'n si Kaius. Nanlalaki ang mga mata ko at tila ba napako ako sa kinatatayuan, tinutuyo niya ang buhok gamit ang isang towel kaya siguro hindi pa niya ako nakikita. Isang towel lang din ang nagtatakip ng ibabang parte ng katawan niya. If I remembered correctly the thing that's wrapped from his shoulders to one side of his waist is a Gauze roll or some kind of bandage to protect his wound. Even so, it couldn't hide his well built body.

Naglakad siya papunta sa Closet niya habang tinutuyo pa rin ang buhok, madilim din kaya siguro hindi niya pa ako napapansin. Me on the other hand can clearly see the scars on his back, my jaw dropped. I've never seen so many scars before, halos lahat ay magaling na, pero makikita mo na patong patong na ang mga ito sa likod niya. Natatakpan pa nga yung iba ng bandage.

Binaba niya ang towel na hawak at kumuha ng damit, nang humarap siya sa dereksyon ko ay agad nanlaki ang mga mata niya.

"Get out!" Hindi ko magawang umalis sa kinatatayuan ko.

"What? Does it bother you? the scars on my back? who I am? does it bother you to live with a killer?" His voice sounded mad, but his eyes couldn't hide the pain it bears.

"N-no... I.." wala akong masabi, gano'n ba ka-importante ang iniisip ko tungkol sa kaniya para maging ganyan ang reaksyon niya.

If my words can't express it, then maybe... something else can. I wanted him to know that I'm willing to listen to his story, I'm willing to trust him because he have shown me more kindness than Ryle did.

Dahan dahan akong lumapit sa kanya at nang ilang hakbang na lang ang layo ko ay huminto ako't tinignan siya sa mata. Halatang nagtataka siya. Napakagat na lang ako sa pang-ibaba kong labi bago buksan ang zipper sa likod ng suot kong dress.

I was wearing a bra and a short too. Gamit ang dalawang kamay ay hinawakan ko ang strap ng suot ko at unti unti itong binaba. My dress dropped to the ground, so did my eyes.

I wanted to show him that, his scars and who he is doesn't bother me like how he thinks it would. I know how he feels because I hated my scars too, They remind me of the person I hate and the life I'm trying so hard to escape.

Alam kong nakikita na niya ngayon ang mga peklat sa katawan ko, lalo na ang isang ayaw na ayaw ko. Ryle carved the letter R on my skin, just below my belly button. He said it was a reminder that I was his.

Mas diniinan ko ang kagat sa labi ko para pigilan ang mga luha ko. Napaangat naman ako ng tingin nang maramdaman ko ang palad ni Kaius sa mga balikat ko.

I was shocked to see rage in his eyes, but for some reason, his touch was gentle.

"Tell me, please, who did this to you?" bumaba ang isang kamay niya sa tiyan ko. agad akong napaiwas ng tingin at saka umatras.

"I'm sorry for asking about your work, I won't ask about it anymore if it makes you feel uncomfortable," sabi ko na lang.

Akala ko ay ipipilit pa niya ang tanong niya kanina, pero imbes na gawin 'yon ay sinuot niya sa 'kin ang isang t-shirt. Pakiramdam ko ay pulang pula na ang mukha ko dahil ngayon ko lang naisip kung ano nga ba ang ginawa ko. Good thing I'm wearing a pretty decent bra!

"Do you want to sleep here tonight?" kumunot ang noo ko nang lumitaw ang ngisi sa mukha niya.

"No thanks, pervert," I said before picking up my dress.

Tinalikuran ko siya at maglalakad na sana palabas nang magsalita ulit siya.

"Akala ko gusto mo na ituloy yung kahapon eh." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Humarap ako sa kanya at agad na binato ang hawak ko.

"Sabi mo walang nangyari sa atin!"

"I said we didn't have s*x, hindi mo naman tinanong kung hinalikan mo ba ko o hindi," sagot niya. Naramdaman ko ang pag-init ng pisnge ko, hindi dahil sa kilig kundi sa inis.

"Ha! you kissed me! bastos!" sinugod ko siya at pinagpapalo gamit ang unan.

"Hoy ikaw nauna! ikaw yung humalik sa 'kin!" depensa niya. Natigilan naman ako, pucha bat kasi di ko maalala.

"I did what!" Parang hindi ako makapaniwala.

"You kissed me, and also enjoyed the kisses I planted on your neck down to yo-

Nanlalaki ang mga mata ko at nahihiya na ko kaya hindi ko na siya pinatapos at pinalo ulit ng unan. napatigil lang ako nang may mahulog sa paa ko. Hinuli ni Kaius ang dalawang kamay ko at kinuha sa 'kin ang unan at saka binato 'yon sa kama niya.

"Wag kang titingin sa baba, nahulog towel ko," seryoso niyang saad. I froze when I realized what he meant.

"Gago! bastos! kunin mo!" Hindi ko magawang gumalaw o alisin ang tingin ko sa mata niya.

"Ako pa? ikaw kaya may kasalanan," sabi pa niya.

"Bwiset!" Itinakip ko ang dalawang kamay sa mga mata ko at naglakad palayo sa kanya. Inalis ko lang ang takip no'ng malapit na ko sa pinto.

Agad akong bumalik sa kwarto ko at binagsak ang sarili sa kama. I wanted to go to sleep and just forget about what Kaius said but I suddenly remembered the kiss he was talking about—no it wasn't just a kiss. Damn. I also want to strangle him for lying, siya kaya ang humalik sa 'kin!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status