Share

06

    Nabigla ako sa naging sagot niya. Ano bang buhay ang meron siya. Mukhang wala na siyang balak sabihin pa ang ibang detalye.

"You still look like someone with a lot of questions," pansin niya.

"Because I do," tugon ko. Kung sasabihin ko ba ang mga sikreto ko ay gano'n din ang gagawin niya?

Aside from the people involved, I didn't tell anyone about Ryle. About how my life turned upside down. Is it alright to tell him?

"I'm born into a damn Mafia clan, currently one of the bosses, and yet the whole shit will be handed down to me soon. That's what my brother wants, the power and wealth that I will soon receive. That's why more people are trying to kill me, even my brother. Did that answer your questions?" My jaw dropped, that wasn't the answer I was expecting. Mafia? Like those criminals involved in various illegal shits?

"Y-you're kidding? Right?" Mahina siyang natawa sa reaksyon ko.

"Sure, Sweetheart, kung saan ka hindi matatakot," He chuckled. Pocha seryoso siya?

"I won't hurt you. As I've said, I will protect you. I'm a lot of things, but I keep my word." Hindi naman to bago sa 'kin, after all Ryle's father is a corrupt politician. Pero kahit gano'n ay nabigla pa rin ako, hindi ko inakalang gano'n ang trabaho niya. At mas lalong hindi ko inakalang mapapasok ako sa ganitong sitwasyon.

"Okay," 'yon na lang ang nasagot ko. Kung ano man ang nalaman ko ngayon, hindi no'n mababago ang katotohanang siya lang ang makatutulong sa 'kin ngayon.

Besides, hindi naman niya kasalanan na sa gano'ng pamilya siya napunta. Somehow, I was right. We're both just a product of a messed up family.

"Hindi mo naman susubukang takbuhan ako ulit diba?" tanong nito. Hindi siguro niya inaasahan ang naging sagot ko.

"Hindi, wala naman akong choice. Wala akong pupuntahan," sagot ko.

Hindi na siya muling nagsalita kaya nabalot ng katahimikan ang paligid. Ilang minuto kaming nanatiling tahimik hanggang sa basagin niya ito.

"Hindi ka pa ba matutulog?" Tanong niya.

Hindi ko siya magawang iwan, lalo't ganyan ang kalagayan niya. Medyo namumutla pa nga siya. Nasanay ako noon na kapag may sakit ako ay sinasamahan ako ni Ate o kaya ng yaya ko noon.

Tapos no'ng mawala si yaya, at ayaw na ni ateng samahan ako. Nakakatakot, walang magsasabi sa 'kin na magiging okay rin ako, kapag may masakit sa 'kin walang hahawak ng kamay ko. I know how it felt to be alone and sick, and I hated it.

"Pwede bang dito muna ako? Hindi naman ako mag-iingay, babantayan lang kita," sagot ko. Kumunot naman ang noo niya.

" hindi naman ako mamatay," nakangisi pa siya habang sinasabi 'yon.

"Sayang," saad ko. Sinamaan naman niya ako ng tingin pero inirapan ko lang siya.

"Come here," He said, which made me raise an eyebrow.

"At bakit?"

"You're my wife, wala naman sigurong mali kung tatabi ka sa 'kin kaysa matulog dyan sa sofa," sagot nito.

"Mas gugustuhin ko pang mahiga sa lapag." Nagulat ako nang subukan niyang bumangon.

"Anong ginagawa mo?" Napatayo ako saka lumapit sa kaniya.

" Palit tayo, tutal ayaw mo akong katabi. Dyan ako, dito ka." Mukhang nang-aasar pa to, napakamot na lang ako sa ulo ko bago tumabi sa kaniya. Mabuti na lang at malaki ang kama, hindi naman kami magkadikit.

"Bwiset, matulog ka na," inis kong saad.

"Sure but before that, I need to tell you something. On Saturday, I need you to come with me, I'll introduce you to my Grandfather," Napalingon ako sa kaniya, habang siya ay nakatingin na sa 'kin.

"Why?"

"He's one of the reasons why our deal exists," sagot niya. " I'll keep you safe, you gotta trust me Everleigh," dagdag pa niya.

"Pero hindi pa ako pwedeng lumabas, I'm trying to hide from someone, remember?" Siguradong hinahanap na ako ni Ryle ngayon,

"I know you might not want to talk about it, pero nakuha mo ba ang mga sugat mo no'ng gabing 'yon? Or?" He shared his secrets to me, should I do the same now?

Hindi ako makasagot, dahil hindi naman lahat ng sugat ko ay galing sa gabing 'yon.

"Look, I'm trying to help you out. I can't do that if you won't tell me about the problem." What could possibly go wrong if I tell him. He's a part of some mafia clan, my story is probably normal for him.

" I got my scars from my Fiancé, he locked me up and asked for things I didn't want to do. Whenever I disobey him, he'll hurt me," I tried to keep my tears inside, I will not let Ryle hurt me again.

"What's his name?" His voice was so cold it gave me shivers. Parang biglang nag-iba ang timpla niya.

"I can't tell you, I won't." Humiga ako sa kama saka tinalikuran siya. Magpapanggap na lang akong matutulog na para iwasan ang tanong.

Mabuti na lang at hindi na niya ipinilit pa. Mariin kong pinikit ang mga mata ko, wala naman akong balak matulog kaso inantok ata ako at natuluyan na ang tulog.

"Funny, how you don't remember me, while you never left my mind," I could swear I heard His voice, but I didn't understand a word he said. Kinain na ata talaga ako ng antok. Nang muli kong buksan ang mga mata ko ay umaga na.

Agad kong tinignan ang pwesto niya kagabi ngunit bakante na 'yon at hindi ko na rin siya makita sa loob ng silid. Bababa na sana ako mula sa kama kaso biglang bumukas ang pinto, pumasok sa silid ang ilang katulong na may dalang pagkain. Kasama rin nila si Laira.

"You didn't have to bring them here, ayaw ko sanang kumain dito." Naalala ko nanaman ang silid kung saan ako kinukulong ni Ryle, Madalas ay kahit sa pag-kain ay nando'n lang ako sa loob.

"Inutusan po kasi kami ni Sir, saan niyo ho ba gustong kumain?" Tanong ni Laira.

"Nasaan ba siya?" ako naman ngayon ang nagtanong.

"Nag-aalmusal po, nasa kusina po siya," Sagot niya.

"Then can I join him?"

"Sige po," pagtapos niyang sabihin 'yon ay kinausap niya ang isa pang katulong. Naunang lumabas ang kinausap niya, siguro ay ipapaalam kay Kaius ang desisyon ko.

Matapos ay si Laira na ang umalalay sa'kin sa paglakad. Nang marating namin ang kinaroroonan ni Kaius ay agad kong nakita ang isang lalaki. Bigla akong kinabahan, naalala ko 'yong unang lalaki na nakita kong kasama ni Kaius. Mukhang kararating lang din nito dahil hindi pa siya nakakaupo sa bar stool. Nagbago tuloy ang isip ko at aalis na sana kaso nakita ako ni Kaius.

"My maid told me that you wanted to join me for breakfast, bakit nakatayo ka lang dyan?" Pansin niya sa 'kin. Pati tuloy 'yong isang lalaki ay napatingin sa dereksyon ko.

"Uhm, am I interrupting? pwede na-

"No, sit here," he said as he pats the top of the chair beside him. Hindi na ko nag-salita pa at umupo na lang sa tabi niya, hindi naman siguro siya papatay ng tao na nandito ako diba?

Nasa harap namin ngayon ang lalaki at nakatingin pa rin siya sa 'kin. Nilapag ng isang katulong ang pagkain sa harap ko pati na rin ang kape.

"Hey, I'm Dean Choi, I'm his friend. Hindi halata, pero doktor ako," may ngiti sa labi niya habang sinasabi 'yon. Nilahad niya ang kamay niya kaya naman napatingin ako kay Kaius. Tumango siya kaya't kinuha ko 'yon bago magpakilala.

"My name's Mira." Tumango tango siya saka napunta kay Kaius ang tingin.

" She's my wife." Tila ba nagulat ang kaharap namin, kahit ako rin naman. Hindi ako sanay na tawagin niyang asawa. Lalo na kakikilala ko pa lang sa kaniya.

"No shit-you actually found he-

kumunot ang noo ko at mukhang napansin niya 'yon.

"A wife I mean, Wala kasing pumapasa sa taste niya," Sabi niya sabay kindat.

"Fuck off," inis na sabi ni Kaius.

"Sa susunod tatahian ko talaga ng pangalan ko yang balat mo," nakasimangot na saad ni Dean.

"Gawin mo 'yon kapag handa ka na mamatay," Kalmadong sagot ni Kaius. Si Dean naman ay parang sanay na sa mga banta ni Kaius at hindi man lang ito pinansin.

"Anyway, Mira, how long have you guys been together? paano ka niya napapayag-

"Stop asking questions, you're going to make her feel uncomfortable," Saway ni Kaius sa kaibigan.

Maya maya ay biglang tumunog ang phone ni Kaius kaya kinailangan niya kaming iwan muna para sagutin 'yon.

"Tutal ayaw ng asawa mong nagtatanong ako, Magkekwento na lang ako." Naiilang ako sa tingin niya, para kasing may ibig sabihin na ewan. Tapos hindi pa niya to tinatanggal sa 'kin.

"I'm really surprised that he actually married someone," He sounded so amused as his eyes continued to scan me.

"You see, maraming babae ang sumubok na angkinin ang pwesto mo ngayon. Pero lahat sila bigo kasi alam na ni Kaius kung sinong gusto niya," paliwanag niya. Bigla akong naging interesado sa kwento niya.

"Nakilala niya 'yon no'ng bata pa siya, kaso saglit lang sila nagkasama. Lumipat kasi siya ng school, pati ng bahay. Bata pa rin siya no'n kaya hindi na niya ulit nakita 'yong babae. Ang sabi pa nga niya sa 'kin, 'yon lang ang pakakasalan niya. Siguro dahil nakilala siya no'n bilang si Kaius, at hindi bilang anak ng ama niya," do'n niya tinapos ang kwento niya. Kumunot naman ang noo ko, kung ganoon ay bakit niya ko gustong pakasalan?

"If what you say is true, then why..." i paused because I was trying to find the right words. " Why did he marry me?" Napaubo siya at muntik pa ata maibuga ang kape niya.

"Well..." He seemed like someone looking for the right words too. Maybe he doesn't know the answer too or it's something he can't tell.

"Tell me, how much do you kn-

"What does she have to tell you?" Natigilan kami parehas nang marinig ang boses ni Kaius. Tumingin kami sa dereksyon nito, Naglalakad na siya palapit sa 'min. He's wearing a simple white shirt yet I can't deny how intimidating his aura is and how handsome he looks as he walks towards us. Lahat naman ata kami rito ay kagigising lang, magulo pa nga ang buhok niya, pero bakit ganyan ang itsura niya? unfair.

"Chismoso mo naman," nakangiwing saad ni Dean.

By the looks of it, they probably are close friends. Umupo lang ulit si Kaius sa tabi ko at bumalik na sa pagkain. Mukhang wala na rin balak si Dean na ituloy ang sinasabi niya kanina kaya itinuloy ko na lang din ang pagkain ko.

Habang kumakain ay nag-uusap ang dalawa, hindi ko naman alam ang pinag-uusapan nila kaya nasa pagkain ko lang ang atensyon ko. 'Yon ay hanggang sa mapunta ang mata ko sa mga papel na nakapatong sa mesa, malapit ito ky Dean.

Iyasu Hospital, I know that hospital. Kilala ko rin ang may-ari no'n.

"Dean," kinuha ko ang atensyon niya at agad naman itong tumingin sa 'kin sabay taas ang kilay.

"By any chance, do you know Dylan Herrero?" He's a friend of mine, but we haven't spoke for a long time. Doktor din si Dylan at ang ama nya ang may-ari noon ng Iyasu Hospital. Kung do'n nagtatrabaho si Dean, siguradong kilala rin niya si Dylan.

"Yeah, I know him. Why?" tanong nito.

"How's he doing? He's my friend but I haven't heard from him," Hindi na ko nagpaligoy ligoy pa. Does Dylan know that one of the doctors associated with his hospital is also involved in a mafia clan?

" Siguro dapat mo na siyang kumustahin, His personal issues are dragging the hospital," Sagot niya. Personal issues? I guess it wasn't just me, damn the things that happen after College. As soon as I get my life back together, I will try to reconnect.

"Everleigh, we need to talk about something. Will you be fine on your own? tawag-

"I'll be fine, go," pinutol ko na ang sasabhin niya. Tumango lang siya bago tumayo.

"Nice meeting you, Mira." Kukunin sana ni Dean ang kamay ko upang halikan ang tuktok nito ngunit bigla na lang hinawakan ni Kaius ang pulsohan ko at inalis ang hawak ni Dean.

"On second thought, I'll bring you to the living room. You'll get bored here." Bago pa ko makasagot ay binuhat na niya ko.

"What the he-

"Mabagal ka maglakad, kaya wag ka na umarte dyan," may halong inis ang boses niya kaya naman napasimangot na lang ako.

Tulad nga ng sabi niya ay iniwan lang niya ko sa isang couch at sa harap ng malaking screen, ano ba tingin niya sa 'kin bata? siya pa mismo naghanap ng panunuorin ko. Buti na lang at inabot niya pa rin sa 'kin ang remote.

Dahil wala naman akong ibang gagawin at hindi pa ko tapos magpahinga, nananood lang ako. Hindi ko na rin nakasabay mag-tanghalian si Kaius. Siguro ay malapit na mag-gabi nang makita ko ulit si Kaius. Umupo ito sa sofa na inuupuan ko, ang kanyang tingin ay nasa hawak niyang phone. Maya maya ay may pumasok na katulong at nilapag ang isang tray na naglalaman pa ata ng alak. Hindi ko alam dahil hindi pa naman ako nakakainom no'n, kahit kasi 'yon ay pinag-babawal sa 'kin. Pero base sa lalagyan at baso na nakapalag ngayon sa maliit na lamesang nasa harap namin, mukha ngang alak.

I already had dinner, because I don't have a choice. Hindi nalelate 'yong mga maids ni Kaius sa pagdala ng pagkain ko sa 'kin. Pero siya ba? kumain na?

"Am I really your wife now?" Hindi ko alam kung saan nanggaling ang tanong na 'yon. Wala, parang di kasi tama na ipakilala ko na lang basta ang sarili ko na asawa niya kung sakali.

"Yeah, I received a call earlier. You're now a Silvano, Everleigh," seryoso niyang saad.

"Kung mag-salita ka kala mo tatagal tayong ganyan," Sabi ko sabay irap.

"Malay mo, ma-in love ka," Sabay kindat. Tusukin ko pa mata niya eh.

"You probably did a background check on me by now," napatingin ako sa kaniya.

" The only information I have are the ones I need to make the marriage happen. Kung may gusto akong malaman tungkol sa 'yo, hihintayin kong sabihin mo sa 'kin ang mga 'yon." Tumango na lang ako at nag-iwas ng tingin.

I can't focus on watching, I don't know if it's because of Kaius. Napatingin tuloy ako sa kaniya ulit, umiinom na ito at nakatuon ang pansin sa pinapanood.

"Can I..." I paused to think about what I'm about to say next, "have some?"

Siya naman ngayon ang napatingin sa 'kin. Mukhang nakuha rin niya agad ang nais kong sabihin. Memories of my parents and Ryle are playing on my mind— nonstop. Sometimes I do lie to my parents, especially when I feel too suffocated. But one thing I've never tried because I was too scared to get caught is drinking.

"They say, it will help you forget. I want to try," dagdag ko pa.

"Are you sure?" tanong niya, tumango lang ako.

Sinalinan na niya ulit ang baso at saka ito inabot sa 'kin. Napalunok pa ako habang nakatingin dito. Ramdam ko rin na nakatingin siya sa 'kin.

Kaya naman, dali dali ko 'yong ininom. Kumunot ang noo ko dahil sa pakiramdam ngayon ng lalamunan ko.

Bumalik ang tingin ko sa kaniya nang marinig ko ang mahina't pigil niyang tawa.

"How old are you even," asar pa niya.

Binaba ko ang baso at ibinalik ang tingin sa screen, nanatili rin kaming tahimik hanggang sa magtanong siya.

"How close were you and the friend that you were talking about earlier?" Nang tignan ko siya ay nakatingin pa rin siya sa harap.

"Dylan? Well, pretty close," Sagot ko.

"Do you have feelings for him?" Now that's such a random question. Sabagay, ilang beses din ako tinanong nyan. Hindi nila alam sobrang loyal ni Dylan do'n sa babaeng gusto niya.

"Bakit mo naman naisip 'yan? Ang issue mo ha." Humarap siya sa 'kin at mukhang seryoso siya.

"You look worried about him earlier," he sounded like something's bothering him. Ano kayang pinag-usapan nila ni Dean?

"Because he's my friend, he's almost like a brother to me. We used to go to the same school," maikling paliwanag ko.

"Then why didn't you just ask him for help?" Bakas pa rin ang inis sa boses niya, ang moody naman nito.

"Simula no'ng matapos ako sa pag-aaral ay hindi na kami gaano nag-uusap. He doesn't know how bad my situation is right now, and I don't want him to know. I remember when I first heard about him, top student siya at laging kalaban ng kaibigan ko sa klase, magkaklase kasi sila at mas matanda sa 'kin. My friend was having a hard time because her parents kept comparing her to Dylan, lagi kasing pangalawa lang siya at una si Dylan. So this one time, she broke down and blamed Dylan. She told him about her parents, and how he's also giving her a hard time. Then he told her that he will give her the spot, because his mom didn't really care about him." Hindi ko rin alam kung bakit bigla akong napakwento, Maybe I miss my friends, I miss talking about them.

"Totoo naman 'yong sinabi niya dahil sa susunod na grading matapos 'yong araw na 'yon, 'yong kaibigan ko na ang nangunguna sa honors. So my friend felt guilty because she realized it wasn't his fault, long story short, the three of us became friends because we understood each other," matapos kong sabihin 'yon ay ako na mismo ang nag-salin ng alak sa baso saka 'yon ininom.

Akala ko makukulong na lang ako sa silid na 'yon habang buhay, hindi ko na magagawang kumustahin ang mga kaibigan ko. Pero ito, nasa bahay ako ng isang taong kakikilala ko pa lang.

Darn it, Mira. Subukan mo lang umiyak ngayon sa harap ni Kaius!

'Yong alak na para sa kaniya ay kinuha ko at ininom. Para lang umatras tong luha ko.

"Then I'm glad, that he was there for you during those times," Napangiti ako sa sinabi ni Kaius.

Parang umeepekto na 'yong ininom ko, medyo naiinitan pa ako. Pero nakailang baso pa ako at si Kaius bago ako makaramdam ng hilo.

"Damn, I'm feeling a little dizzy," reklamo ko.

"I should bring you to your room," rinig kong sabi niya. Pinikit ko ng ilang beses ang mata ko para mawala ang konting hilo na nararamdaman.

Imbes na sagutin siya ay tumayo na ako, kaso mali ata ang naging desisyon ko. bigla na lang kasi akong natumba papunta sa kaniya, bwiset kasi nakaharang pa paa—

Too close. Masyadong malapit ang ang mukha niya, naamoy ko pa ang pinaghalong alak at pabango niya ro'n.

Nabigla ako nang hilain niya ko dahilan para tuluyan akong mapaupo sa hita niya.

But what shocked me more was the feeling of his lips pressed against mine. My heart was about to burst out my chest, yet other than my heart, no part of me can move or push him away.

This isn't the first time I've been kissed, And I still remember how it felt when Ryle kissed me. That one was heavy, forced. All I could feel was hatred, anger and disgust. But Kaius, his kisses were different. It feels gentle and genuine, like I'll find a safe place if I just let it consume me. I couldn't even stop, There was a voice inside asking for more.

I'm not sure if it's curiosity or the feeling it gives me that made me respond to his kisses. Or it's probably because of the alcohol. Whatever excuse I have, it led me to kissing him back, to putting my arms around him. To slightly opening my mouth to let his tongue in.

I felt his hand on my back and how he guided my legs so I can sit while facing him. His lips went from my lips to my jaws and then down to my neck.

If I was still the same Mira Everleigh I was before my parents decided to betray me, I would have never responded to his kisses. No matter how much I want to taste those lips, I would still remain a good daughter that won't disobey her parents.

I still feel hella dizzy which is why I can't keep my eyes open. He was busy planting kisses on my skin so I rested my head on his shoulders.

"Are you drunk?" Alam kong kinakausap niya ko, kaso bigla na lang akong tinamaan ng antok kaya hindi ako makasagot.

Narinig ko pa ang mahina niyang tawa, bago ko maramdaman ang pagbuhat niya sa 'kin.

"Hmm," gusto ko magreklamo kaso inaantok at medyo nahihilo ako.

"You better not drink alcohol when I'm not around."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status