I left the two and found myself walking alone in such a big place. Babalik na rin sana ako sa kinaroroonan nila Kaius kaso bigla kong nakasalubong si Kenzo. This time he didn't have a smirk or an annoying look on his face.
Nilapitan niya ako at nginitian.
"Hey," bungad niya.
I was still mad at him, alam kong dahil sa kanya ay nasaktan si Kaius noon. Maraming beses na niyang nilagay sa alanganin ang buhay ng kapatid niya, at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan kung bakit niya ginagawa ang mga 'yon.
"What do you want?"
Bumuntong hininga siya bago sumandal sa pader. Saglit siyang tumingala na para bang may iniisip.
Nang makapasok kami sa bahay ay biglang tumunog ang phone ni Kaius. Kaya naman kahit sinasalubong pa siya nila Poppy ay hindi niya ito magawang pansinin. "Tomorrow?" rinig kong sabi niya sa kausap. Nakatingin ako sa kaniya habang naglalakad siya palayo sa ‘min. Nakipag-laro pa ako kala Poppy bago pumunta sa kwarto namin. Nang hindi ko siya agad makita ro’n ay naligo na lang muna ako. Siguro ay dumeretso siya sa opisina, mukhang importante ang tawag na natanggap niya. Hanggang sa matapos akong magbihis ay wala pa rin sa kwarto si Kaius. Tinuon ko na lang muna ang pansin sa phone ko. Sinubukan kong isearch ang pamilya ng mga Silvano at ilang kompanya at maliit na negosyo ang lumabas. Bago ko pa man mabasa ang mga article tungkol sa kanila ay nakatanggap ako ng mensahe. Lumitaw ang isang malawak na ngti sa mukha ko nang makita ang pangalan ni Olivia. Nang
Nang magising ako ay wala nanaman si Kaius sa tabi ko. I couldn't help but heaved a sigh as I reached for my phone. My forehead creased when there weren't any messages from him.Lagi naman niya sinasabi sa 'kin kahit sa text lang kung saan siya pupunta, bakit ngayon wala? Hindi pa ba siya umaalis?I got a little excited. Dali-dali akong umalis sa kama at tinignan ang kwarto namin kung sakaling nandito pa rin siya at nasa banyo lang o sa walk-in closet. Pero hindi ko naman siya nakita kaya naghilamos na ako at nag-tootbrush bago magpalit ng damit.Bumaba ako sa kusina ngunit wala rin siya do'n. Ginamit ko na rin ang intercom para magtanong sa mga kasama namin sa bahay, ang sabi nila ay hindi pa nila nakitang umalis si Kaius.Kaya naman hinanap ko siya sa loob ng mansyon, sinubukan ko na rin siyang tawagan pero hindi naman sumasagot. Dinala ako ng mga paa ko sa silid kung nasaan ang billiards niya.Dati ay hindi ako pumupunta ro'n dahil
Mabilis ang bawat hakbang ni Kaius kaya nahihirapan akong sumabay. Matapos naming marinig ang balita kay Violet ay agad siyang sumugod sa mansyon ng magulang niya.“Kaius, please calm down.” Hindi niya man lang ako nilingon at patuloy pa rin ang paglalakad.Sigurado akong galit siya ngayon. Nag-away raw kasi si Kylie at ang chairman kaya naglayas ang kapatid niya. Ilang araw na simula no’ng umalis si Kylie sa mansyon pero ngayon lang sinabi kay Kaius. Hindi pa nga ata babanggitin sa amin kung hindi lang napunta si Kylie sa kamay ng mga kalaban nila.They mentioned the name of the organization pero sa sobrang dami ng tumatakbo sa isip ko kanina ay hindi ko maalala.Ngayon ay naglalakad kami sa isang pasilyo na maraming kalalakihan ang nagbabantay, sa tingin ko ay mga tauhan ito ng ama niya. Agad na tinulak ni Kaius ang mga pinto sa dulo ng pasilyo at pumasok sa opisina ng ama n
"Let me go," Mahina kong saad. Umaasa na maririnig at pakakawalan niya rin ako.Hindi ko alam kung ilang araw na nakatali ang mga paa ko gamit ang isang kadena, namumula na rin ang parte kung saan 'yon nakatali.Umupo siya sa kama upang magpantay ang mukha namin. Gusto ko siyang saktan, gusto kong magalit. Pero wala ako sa lugar para gawin 'yon."Will you promise me that you'll be a good girl Everleigh?" Walang tigil sa pagbuhos ang mga luha ko, saka ako napilitang tumango. Nabigla ako nang hilain niya 'yong parte ng damit ko sa balikat upang ilapit ako sa kaniya."No running away from me, or you'll suffer worse than this," Sinigurado niyang maririni
"You're awake," isang baritong boses ang narinig ko mula sa likod. Kaya naman napalingon ako."W-What are you?""Before that, Let's talk about the deal. I think my part is almost done, it's time for yours," lumapit siya sa 'kin. Naalala ko ang tungkol do'n, ngunit ano ba ang gusto niya makuha pa sa 'kin? Wala naman akong maibibigay."I want you to marry me, we can have an annulment after a year—"Ano? Ayaw ko!" Kaya nga ako sumakay sa kotse niya ay para takasan ang isang kasal."Here me out, sweetheart. I can save you from whichever hell you're from. Kasal lang ang kailangan ko, you can live your lif
Nang matapos kaming kumain ay muling pumasok ang mga katulong niya. Hindi ko nga alam paano nila nalaman na tapos na kami. Hindi ko rin naubos lahat ng hinain nila, masyado kasing marami para sa isang tao lang.Kanina pa siya nakatingin sa phone niya, ano kayang trabaho niya. Baka naman hindi totoo ang mga baril na 'yon, collection kaya?May kasama ba siya rito, mukhang malaki 'yong bahay. Ang lungkot siguro kung siya lang mag-isa. Tapos nasa gitna pa ata ng gubat.Binalik ko ang tingin ko sa kaniya, bagay sa kaniya 'yong kilay niya, parang laging galit. What captured my attention was his eyes, It looks so perfect and held so much emotion. Second was the scar near it, despite having an obvious scar on his face, he still looks...godly.
Maraming tumatakbo ngayon sa isip ko. At hindi pa rin ako makamove on sa nakita ko, kaya madali nila akong nalabas sa silid na 'yon."Naku, ano po bang ginagaw—"Bitawan niyo ako," sabi ko sa mga babaeng nakahawak sa 'kin. Mukhang mga katulong sila rito."Dadalhin po namin kayo sa kwarto niyo," nakayuko pa ang babae habang sinasabi 'yon." Sabing bitawan niyo ako!" sinunod nila ang sinabi ko. Agad akong napaupo, dahil nang-hihina pa rin ang tuhod ko."Huwag niyo kong hawakan," giit ko nang subukan nila ako ulit alalayan. Kailangan kong makita ang labas, kung ano ang paligid nito. Kung paano ako lalayo."Iwan niyo
Matapos naming mag-usap ay lumabas na siya ng silid. Ako naman ay nanood lang, kahit papaano ay nawawala saglit sa isip ko ang mga problema. Hindi ko na rin namalayan ang paglipas ng oras.Nakatulog din ako ng tatlong oras, may mga dumating na katulong paggising ko, nagdala sila ng pagkain. Matapos kong kumain ay nanood lang ulit ako.Hanggang sa makarinig ako ng ingay sa labas, at ang malakas na sara ng pinto. Tumayo ako mula sa kama at binuksan ang pinto ng kwarto ko. Paglabas ko ng silid ay hindi ko makita si Laira.Bigla naman akong kinabahan nang makita ang dugo sa sahig, sinundan ito ng mga mata ko. Meron din sa tapat ng pinto ng kwarto ni Kai–Natigilan ako dahil sa narinig, parang may nabasag sa loob ng kwar