Share

21

      Ayaw kong hayaan na mangibabaw nanaman sa 'kin ang mga emosyon ko. Pilit kong pinakalma ang sarili habang nakatingin sa mensahe na galing kay Pauline. Kahit pa gusto kong buksan 'yon para mabasa ng buo ay pinili ko pa rin respetuhin ang privacy ni Kaius. Hindi ko naman dapat mababasa 'to eh.

Hindi naman siya mukhang buntis no'ng nagkita kami, kung ganoon pa lang kaliit ang tiyan niya ay maaring kailan lang 'yon nabuo. I refuse to believe that they were seeing each other during the times that Kaius and me were together. Hindi pa ako binigyan ni Kaius ng dahilan para pagdudahan siya...

Muling tumunog ang phone ni Kaius. Naramdaman ko ang pagkilos niya kaya napunta sa kaniya ang tingin ko. Unti-unting binuksan ni Kaius ang mga mata niya, agad na nag-salubong ang kilay niya nang makita niya ako.

"Who is it?" he asked when he saw his phone in my hands.

"Pauline." Bumangon siya mula sa pagkakahiga at kinuha sa 'kin ang phone niya.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status