Share

Chapter 1

Tatay, tulungan ko na po kayo riyan. " Mabilis na lumapit si Lyrica sa kanyang tatay. Nagkasabay silang mag ama sa paglalakad pauwi sa kanilang bahay. Si Lyrica ay nagtatrabaho sa kanilang bayan bilang isang tindera.

"Sige anak, pasuyo na ako nitong sako na ito." Nakangiting sabi sa kanya ng kanyang tatay.

"Sabi ko sa inyo 'tay, huwag ganito karami ang bubuhatin ninyo. Delikado na ito para sa inyo." Nag aalala kong sabi sa kanya.

"Ayos lang ako hija, hindi kasi ako pinasabay ni Julio sa kariton niya. Puno na rin kasi." Mababakas sa mukha ni tatay ang sobrang pagod at parang dinudurog ang puso ko dahil doon.

"Tay, mabuti naman at dumating ka na. Wala ng gatas itong si Ambet at Niño." Salubong ni ate Cynthia kay tatay, parang hindi naman niya ako nakita.

Si ate Cynthia ay mayroon ng tatlong anak. Si Bingo na limang taon at si Ambet at Niño naman ay magdadalawang taong gulang. Hiwalay sa asawa si ate at wala siyang trabaho. Inako na namin ni tatay ang responsibilidad na dapat ay sa tatay ng mga bata.  Nakipaghiwalay si Ate Cynthia sa kinakasama niya dahil sa pagiging babaero nito at pagiging lasinggero. 

"Wala akong kinita ngayon Cynthia, nagbayad pa ako ng utang natin sa tindahan. " Padabog namang nagkamot sa ulo si ate.

"E pano iyan 'tay? Kanina pa umiiyak itong dalawa?" 

"Ito ate, mabuti at maagang nagpasahod si Nanay Lucing ." Inirapan lamang ako ni ate Cynthia.

"Ayan, mabuti naman. Bumili ka na muna sa tindahan Lyrica." Pumasok na ulit siya sa loob ng bahay at pilit pinapatahan ang mga anak.

Pinabayaan ko na lamang ito. Simula ng mamatay si inay ay ganito na siyang makitungo sa akin. May mga pagkakataon pa nga na nasasaktan na niya ako. Hindi ko naman alam kung saan nanggagaling ang galit niya sa akin.

"Pagpasensiyahan mo na ang ate mo Lyrica." Mababakas sa boses ng kanyang tatay ang labis na pagod.

"Ayos lang po yun 'tay. Sige na po, may dala nga po pala akong lutong ulam. Magsasaing na po ako pagkabalik ko. Bibili lamang po ako ng gatas nila Ambet." Nakangiting sabi ko sa kanya at nagtungo sa tindahan.

"Pabili nga po ng  bearbrand Manang Susan." 

May mga nangkukumpulan na nagkukwentuhan sa tapat ng tindahan ni Manang Susan, nginitian ko lamang ang mga ito.

"Lyrica, kailan mo balak bumalik sa pag aaral? Sayang ang talino mo ineng." Sabi ng isang naroroon.

"Oo nga, si Julius yung anak ko na kasabayan mo ay gagraduate na ng college sa Mayo hija." Sabi naman ni aling Myrna.

"Nag iipon pa po ako, para po sa pagbabalik ko sa kolehiyo." Naiilang man ay sumagot pa rin ako sa kanila.

"Naku, sa tingin mo ba ay makakaipon ka pa sa lagay na iyan? Simula nung umuwi ang ate mo ay wala na kayong ginawa ng tatay mo kundi magtrabaho ng magtrabaho. Samantalang iyang ate Cynthia mo ay puro pasarap sa buhay." Sabad naman ni Manang Susan.

"Hay naku, oo nga hija. Palaging naririto sa tindahan miryenda ng miryenda ang mag iina niyang si Cynthia, palagi pang may hawak na sigarilyo iyang kapatid mo." napailing na sabi ni Aling Myrna.

"Ah, ganun ho ba. Hindi po kasi namin alam na nagbibisyo pala si ate." Ayun lamang ang sinabi ko at umalis na.

Bigla naman akong kinutuban ng hindi maganda kaya dali-dali akong umuwi sa bahay. 

"Ito na yung gatas nila ate." Iniabot ko kay ate Cynthia ang gatas at dumiretso sa aking tinutulugang silid. Pagkasarado ng pinto ay hinanap ko kaagad ang pinakatatago tago kong pitaka. Naroroon lahat ng naipon ko sa pagtitindera ko sa bayan.

Para akong pinagsakluban ng langit at lupa ng makita ang laman niyon. Napahagulhol na lamang ako ng iyak dahil lilimang daan na lamang ang naroroon.

"Anong nangyari Lyrica?!" Dali daling pumasok si tatay sa aking silid. Nag aalala itong lumapit sa akin.

Umiiyak pa rin ako at hindi umiimik.

Pumasok na rin si Ate Cynthia.

"Ano bang nangyayari diyan?" Bungad na tanong nito.

"Anong nangyari ate? Ito, naubos na ang ipon ko simula nung nagtrabaho ako." Napatingin naman siya sa pitakang hawak ko. Nakita ko sa mukha niya ang pagkaguilty bago nag iwas ng tingin.

"Oh ano naman? Bakit? Pinagbibintangan mo ba ako ha? " Mataray niya akong tiningnan.

"Cynthia? Kinuha mo ba ang pera ng kapatid mo? " Galit na sabi ni tatay.

"Bakit ko naman kukunin 'tay? Hindi ko naman pati alam na may pera palang nakatago riyan." Pag iwas ni Ate Cynthia.

"CYNTHIA!"

"Bakit ba tatay? Bumawas lang naman ako ng konti sa pera ni Lyrica! Anong gagawin ko? Nagugutom kaming mag iina rito sa bahay."

"Ate, lilimang daan na ang naiwan sa wallet ko. Apat na libo na ang naitatabi ko." Mas lalo lamang akong napaiyak. Ang ipon ko... Iniipon ko yun dahil balak kong makipagsapalaran sa Maynila. Doon ako maghahanap ng trabaho.

"Diyos ko Cynthia, saan mo dinala ang pera ng kapatid mo? " Nanlumo ring bigla si tatay.

"Bakit ba kamping kami ka riyan kay Lyrica tatay? Anak mo rin naman ako a? " Bigla na lamang umiyak si ate at nagmamadaling lumabas ng kwarto.

"Lyrica anak, pagpasensiyahan mo na ang ate mo hija." Wala na rin namang magawa si tatay.

"Ang ipon ko tatay. Ang tagal kong inipon iyon... Nagtitiis ho akong kanin at libreng sabaw sa karinderya ang ang tanghalian tay, para po makaipon ako. " Puno ng hinanakit kong sabi kay tatay. 

Napaiyak na lamang din siya at yumakap sa akin. Nang mahimasmasan ay nagpaalam na si tatay. Kakausapin niya raw si Ate Cynthia.

Hindi ko na nagawang kumain ng hapunan dahil sa sama ng loob ko. Nagkulong na lamang ako sa kwarto at doon nagmukmok. 

Kinabukasan ay maaga akong gumising para maghanda sa pagpasok ko sa trabaho.

Tulog pa sila ate Cynthia kaya hinayaan ko na.

"Lyrica, pwede ba tayong mag usap anak? " Malumanay na bungad sa akin ni Tatay paglabas ko ng bahay.

"Ano po iyon itay? " Tanong ko sa kanya. Namumugto pa rin ang aking mata dahil sa pag iyak ko kagabi.

"Pagpasensiyahan mo na ang ate mo Lyrica. Baka talagang namomroblema lang din talaga dahil hindi pa siya makahanap ng trabaho anak." 

"Pare pareho naman po tayo itay. Alam niyo naman po kung para saan ang iniipon ko. Gusto ko hong makatuntong sa Maynila para doon humanap ng trabaho. Mas malaki po ang kikitain ko doon." 

Napayuko lamang si tatay at napabuntong hininga.

"Alam ko naman iyon anak, huwag kang mag alala babayaran ko sa iyo ang kinuha ng ate mo. "

"Huwag na po itay. Pasensiya na rin po, talagang sumama lang ang loob ko kagabi. Huwag po kayong mag alala at makakaipon naman po ulit ako. " Nakangiting sabi ko sa kanya.

"Salamat anak." Yumakap siya sa akin. 

"Siya sige na itay, aalis na ako. Baka wala akong masakyan. " Ngiti ko sa kanya.

"Aalis na rin ako anak, may pinapahakot si Berto. Sayang ang kikitain ko doon." Naghiwalay na kami ni tatay.

Hindi nakapagtapos ng elementarya si tatay dahil sa hirap ng buhay. Si inay naman, nakatuntong pa ng highschool kaso hindi rin nakatapos. Ang alam ko nakapagtrabaho pa si inay sa Maynila at doon guminhawa ang buhay namin. Kaso sa hindi malamang dahilan ay pinaalis siya sa trabaho.  May mga sariling hayop dati sila Tatay pati mga pananim, ayun kasi ang pinakamainam dito sa aming probinsiya. Kaso nung nagsimulang lumutang ang sakit ni inay ay doon na naubos ang mga naipundar nila. 

Sampung taong gulang ako noong namatay si nanay.  Simula noon ay hindi na naging maganda ang pakikitungo sa akin ni Ate Cynthia at Kuya Roy. Ako ang sinisisi nila kung bakit naging ganito ang buhay namin. Malas raw ako sa kanila.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status