Share

A Deal With The Billionaire
A Deal With The Billionaire
Author: Luna Marie

PROLOGUE

"Lyrica, halika na dalian mo. Nandiyan na si tatay!" Sigaw ng kanyang ate Cynthia sa kanya.

Si Lyrica ay sampung taong gulang, katulong siya ng kanyang ate Cynthia at kuya Roy sa pagtitinda ng gulay sa umaga bago sila pumasok sa eskwelahan. Kinse anyos noon ang kanyang ate samantalang magkakatorse anyos ang kanyang kuya Roy noon. 

"Roy, linisin mo itong gabi. Namulot nalang ako ng mga pupwede pang ibenta sa palengke kanina. Cynthia, gayatin mo itong mga talong. Alisin mo yung mga may uod. Lyrica, bilisan mo! Pilian mo itong mga reject na sitaw! Baka may maibebenta pa sa mga ito." 

Tumatakbo namang lumapit si Lyrica sa kanyang tatay at mga kapatid. 

Simula ng magkasakit ang kanilang inay ay naging ganito na ang kanilang pamumuhay. Naubos na halos lahat ng naipon ng kanilang tatay at inay dahil sa pagpapagamot sa kanilang inay. Nagkaroon ito ng sakit sa baga na lumala na kaya hindi na ulit nila maipatingin sa doktor.

"Ang inay niyo ba kumain na? " Tanong sa kanila ng kanilang tatay.

"Opo 'tay. Kayo po? Gusto niyo ho bang magkape? "Tanong ng batang si Lyrica.

"Nakapagkape na ako sa palengke kanina. Binigyan ako ng ninong Jose mo. Sige na at linisan niyo na iyan para maibenta na. Pambaon niyo iyan sa eskwela." Pumasok na sa loob ng bahay ang kanilang tatay upang puntahan ang kanilang inay.

Habang naglilinis ng mga gulay ay narinig nila ang sigaw ng kanilang tatay.

"JOSEPHINA! "

Dali daling tumakbo ang magkakapatid upang tingnan ang nangyari.

Inabutan nilang umiiyak ang kanilang tatay habang nakayakap sa kanilang inay na wala ng buhay...

Makalipas ang ilang araw na pagkakaburol ng ina nila Lyrica ay bigla na lamang naging iba ang pakikitungo sa kanya ng kanyang dalawang nakakatandang kapatid.

"KASALANAN MO KUNG BAKIT NAMATAY ANG SI NANAY! " Isang beses na nag away si Lyrica at ang ate nitong si Cynthia.

"Bakit ba galit na galit ka sa akin ate? " Umiiyak na sabi ko.

"Ikaw ang dahilan kung bakit nawala si inay! " Dumating rin noon ang kuya niyang si Roy.

"Bakit mo inaaway si ate ha? " Malakas akong itinulak ni Kuya Roy.

"Aray ko kuya, hindi naman ako ang nauna. Si ate Cynthia."

Mas pinanigan pa rin ng kuya niya ang kanilang ate Cynthia. Kung hindi pa dumating ang kanilang tatay ay hindi siya titigilan ng dalawa. Simula noon ay tuluyan ng lumayo ang loob nilang magkakapatid sa isa't isa. Pinagtuunan na lamang ng pansin ni Lyrica ang dalawa niyang nakakabatang kapatid na sina Boyet at Annika.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status