Nang makarating sa bahay ay agad na akong nagpaalam kay Marco, hindi ko na inintay pa ang sasabihin niya.
"Aba, ginagabi ka yata ng uwi Lyrica? " Sarkastikong sabi sa akin ni Kuya Roy.
Nagulat pa ako ng makitang nasa sala sila kasama nito ang kanyang asawa at anak."Ngayon lang kuya, nagkita kita kami nila Krisha." Malumanay na sabi ko.
"Talagang inuna mo pa ang pag gimik kesa ang tumulong rito sa bahay. Dumating kami rito na wala man lang pagkain. Hindi pa kami kumakain ng pamilya ko. Ang dami dami niyo rito, wala man lang gumawa ng paraan para magkahapunan tayo." Galit na sabi nito sa akin.
"Hindi naman kuya. Umuwi ako kanina pagkagaling sa trabaho, may dala akong lulutuing ulam kuya. Annika? Diba ay pinaluto ko yun sa inyo? "
Umiling lamang sa akin si Annika. Takot nga pala ito kay ate Cynthia at kay kuya Roy.
"Anong hindi? Ito nga at nagsumbong sa akin si ate na hindi ka man lang nagbibigay sa kanila! Talagang nagtatrabaho ka lamang para sa sarili mo ano? Alam mong may mga pamangkin kang naggagatas rito. Nag aaral pa ang dalawa mong kapatid. Baka mamaya niyan umuwi ka na ring buntis dito? At ano ipapaako mo kay tatay ang responsibilidad sa magiging anak mo? Napakalandi mo rin talaga ano? Dis oras ka ng gabi uuwi at nakainom ka pa. Madamot ka na nga, mabisyo ka pa! Tsaka sabi ni ate, kanina ka pang hindi umuuwi!"
Nag init ang ulo ko dahil sa narinig.
"Si ate pa talaga ang may ganang magsumbong sa iyo kuya? At ano naman kung gumimik ako? Pera ko naman ang ginagastos ko? " Pagak akong napatawa. Tumayo naman si tatay sa pagkakaupo at lumapit sa akin.
"Tama na Lyrica. Hayaan mo na ang ate at kuya mo." Pagpapahinahon nito sa akin. Hindi ko alam kung dala ba ito ng alak o ng sama ng loob ko sa kanila.
"Hindi po tatay, pasensiya na kayo. Sumosobra na po iyang si ate at kuya." Napabuntong hininga lamang si tatay at umiling.
"Diba ate Cynthia? Sumusobra ka na. Ikaw kuya? Kasama ba sa isinumbong sayo ni ate Cynthia na dinedekwat niya pala yung iniipon kong pera na dadalhin ko sana pagluwas ng Maynila? Sinabi niya rin ba sa iyo na inubos niya lang ang pera ko sa pangbisyo niya? Inako ko na rin nga ang pagpapakatatay sa mga anak niya e. Tapos ganyan pa ang sasabihin niya sa iyo? Tapos ikaw? Ano? Uuwi ka lang dito para humingi sa amin ni tatay ng pera! Kapag wala pa akong maibigay sa iyo ay kung ano anong sinasabi mong masasakit na salita sa akin. Kapag ikaw naman ang meron! Hindi mo man lamang maalalang bigyan si tatay! Alam na alam mong may nag aaral pa tayong mga kapatid." Umiiyak na sabi ko.
"Alam ko namang hindi na kapatid ang turing ninyo sa akin pero sana naman huwag niyo akong ganyanin. Gumagawa ho ako ng paraan para maayos pa yung pakikitungo niyo sa akin. Kung hindi niyo ako kayang pakisamahan bilang kapatid kahit bilang tao nalang sana. Kung ano man ang kasalanan sa inyo ni inay ay hindi ko alam, huwag niyo naman sana sa aking isisi kung mas pinili ninyong sirain ang mga buhay ninyo kesa ang ayusin yun. Napapagod din ako ate kuya... " Umiiyak pa rin ako. Natahimik naman silang lahat na naroroon.
Lumabas ako ng bahay. Naglakad na lamang ako paalis. Habang naglalakad ay tinawagan ko si Marco.
"Hello Lyrica? Galit ka ba? Pasensiya na kanina. Nadala lamang ako ng..." Pinutol ko na ang mga sasabihin pa niya.
"Marco..." Umiiyak na sabi ko.
"Nasaan ka? " Rinig ko sa kabilang linya ang pagmamadali niya.
"Naglalakad papunta sa inyo."
"Susunduin kita." Pinatay niya ang tawag.
Tumigil ako sa gilid ng daan...
"Lyrica.." kita ko ang mabilis na pagbaba ni Marco sa kanyang motor at lumapit sa akin. Hinubad niya ang suot na jacket at isinuot iyon sa akin.
Yumakap lang ako sa kanya. Kailangan ko lang talaga ng kakampi ngayon. Si tatay, kahit kailan ay hindi man lamang niya ako naipagtanggol kila ate, anak naman ang turing niya sa akin pero mas matimbang pa rin sa kanya sila Ate at kuya.
"Anong nangyari sa iyong bata ka? Halika, maupo ka muna." Nag aalalang sabi sa akin ni Nanay Lucing pagkapasok namin sa loob ng bahay nila Marco. Naroroon din ang mga magulang ni nito.
"Pasensiya napo sa abala..." Nakatungong sabi ko, napahawak ako sa jacket na isinuot sa akin ni Marco kanina.
"Naku hija, hindi ka abala. Maupo ka na at ipagtitimpla kita ng kape." Sabi naman ni Mama Shiela, ang nanay ni Marco.
Kahit nahihiya ay naupo na rin ako.
"Ano bang nangyari sa iyong bata ka? Kanina lamang sa palengke ay ayos na ayos ka! May nangursunada ba sa iyo? Halika at pumunta tayo sa barangay." Sabi naman ni Tatay Isko.
"Wa...wala ho."
"Nagkaproblema sa kanila tay, huwag niyo na munang tanungin si Lyrica. " Napabuntong hiningang sabi ni Marco, medyo huminahon naman si Tatay Isko.
Lumabas mula sa kusina si Mama Shiela at iniabot sa akin ang kape. Narinig din nito ang sinabi ni Marco."O siya, dito ka na muna matulog. Marco, ayusin mo ang kwarto mo. Doon mo na muna ulit patulugin si Lyrica, ikaw dito ka sa sala matulog."
Tumango naman si Marco at pumasok sa kwarto niya."Ikukuha muna kita ng pamalit hija." Malumanay na sabi ni Nanay Lucing sa akin bago tinapik ang balikat ko.
"Maraming salamat po." Nagpunas ako ng luha. Nahihiya man ako sa pamilya ni Marco ay wala naman akong mapupuntahan. Hindi kasi ako pwede sa bahay nila Mildred dahil ayaw nila akong kaibigan ni Mil. Hindi rin ako pupwede sa bahay nila Krisha dahil nakikituloy lamang sila sa bahay ng magulang ng kanyang asawa.
Hindi na iba ang turing sa akin ng pamilya ni Marco, kaya naman kapag ganitong nagkaproblema ako ay agad nila akong pinapatuloy sa kanilang tahanan.
Naalala ko noong unang beses akong nakitulog dito, highschool ako noon at umuwi ako sa bahay na lasing na lasing si Kuya Roy, nagwala ito at galit na galit sa akin ng makita ako. Sinisisi niya ako kung bakit siya minamalas sa buhay niya. Pinaalis ako noon ni tatay. Wala akong ibang mapuntahan noon kaya dito na ako pinatuloy ng mga magulang ni Marco.
Maya maya pa ay nagvibrate ang cellphone na nasa bulsa ko. Nagtext sa akin si Annika.
From: Annika
Ate, huwag ka na raw munang umuwi sabi ni tatay. Galit na galit si kuya Roy at nakipagtalo pa kay tatay. Baka raw kung ano pa ang magawa sa iyo ni Kuya.
Hindi ko na ito nireplyan. Palaging namang ganoon ang nangyayari kapag inaaway ako nila Ate at kuya, ako ang pinapaalis ni tatay. Ngayon lamang ako nakasagot ng ganoon kay kuya, madalas ay hindi na ako umiimik kapag may sinasabi itong masasakit na salita. Sa bandang huli naman ay ako pa rin naman ang mali.Napabalik ako sa aking wisyo ng hawakan ni Mama Shiela ang kamay ko.
"Malalampasan mo rin ang mga problema mo hija. Basta huwag kang gagawa ng bagay na ikakasakit mo ha? Pupwede mo kami palaging kausapin ng tatay Isko mo. " Malumanay na sabi nito sa akin.
"Opo mama, pasensiya na po at dito palagi ang takbo ko kapag nagkaproblema ako. Hindi ko po kasi alam kung saan pa po ako pupunta. " Nagpupunas na luhang sabi ko.
"Ayos lamang iyon hija, palaging bukas ang tahanan namin para sa iyo. Naiintindihan mo ba? " Nakangiting sabi nito sa akin, pagkatapos ay pinunasan niya ang luha ko.
"Opo mama." Tumatangong sabi ko.
Si mama Shiela ay kaibigan ni inay, nalaman ko na lamang iyon noong isinama kami rito ni Marco.
Sa ibang bayan nakilala ni Mama si Tatay Isko, umuwi lamang sila dito noong wala ng makakasama sa bahay si Nanay Lucing, dito na rin nila inilipat si Marco. Sakto naman na first year na kami noon."Okay na yung kwarto Lyrica, gusto mo na bang magpahinga? " Bungad sa amin ni Marco.
"Sige na hija, masyado ng mahaba ang araw mo. Magpahinga ka na muna." Sabi ni Tatay Isko. Tumango naman si Mama Shiela.
"Ito ang mga damit, magpalit kana muna Lyrica." Bigla rin namang dumating si nanay Lucing.
"Maraming salamat po sa inyo. Maraming salamat po..." Umiiyak pa rin ako. Nakakahiya man ay talagang hindi ko na alam ang gagawin ko.
SPECIAL CHAPTER"May gusto ka bang kainin darling? "Masuyong tanong ni Lucian sa kanyang asawa."Wala, lumayo ka nga sa akin Lucian. Ano ba iyang amoy mo? " Nagulat naman si Lucian sa tinuran ng kanyang asawa."Darling? Kakaligo ko lang. Iyon pa rin namang dati ang gamit kong pabango.""Maligo ka ulit! Ayoko ng amoy mo. Tsaka parang gusto ko yata ng sunny side up na itlog mahal, yung luto yung dilaw tapos may paminta. Ipagluluto mo ba ako? " Bigla namang nagpacute si Lyric sa asawa. Natawa na lamang siya sa kanyang asawa. Naikwento na sa kanya ni Helios ang weird na cravings ni Lyrica kapag buntis ito. Naligo na lamang ulit siya at hindi naglagay ng pabango, pagkatapos ay nagluto na siya ng gusto ni Lyrica."Darling, ito na iyong pinapaluto mo.""Yehey, thank you mahal." Yumakap sa kanya si Lyrica."I love you darling." Hinalikan niya ito sa noo."I love you too mahal." Sa Cebu na nila napiling manirahan, bumili si Lucian ng sarili nilang lupa doon. Kapag kinakailangan siya sa Mayn
EPILOGUEMaagang gumising ang mag anak ni Lucian dahil uuwi sila ngayon sa Maynila. Anibersaryo ng kanyang mga magulang at sinabihan na niya ang mga dapat sabihan na itago muna ang mga alam nila tungkol sa kambal, gusto niyang sorpresahin ang kanyang magulang."Daddy? Magugustuhan kaya kami ni Lola? " "Oo naman anak, sigurado akong matutuwa sila kapag nakita nila kayo." Magiliw na sabi ni Lucian sa kanyang kambal. "Lucian, okay na ang mga dadalhin natin. ""Let's go na." Ngiti ni Lucian sa dalawamg bata. Nauna nang umalis ang magulang at kapatid ni Lyrica, inimbitahan rin sila ng mamà at papà ni Lucian dahil hindi pa sila nagkakakilala.Medyo nagpalate na rin ang pamilya ni Lucian.Naunang pumasok sa loob ng bahay si Lucian."Hijo? Nasaan si Lyrica? ""Happy Anniversary sa inyo ma, inaasikaso pa po ni Lyrica iyong regalo namin sa inyo Mamà. ""My god Lucian! Iniwan mo ang asawa mo sa labas para lang diyan! Puntahan mo si Lyrica! Siya ang gusto kong makita." Hinampas si Lucian ng kan
89"DADDY! " Masayang sigaw ng aking kambal ng makita nila ako sa kanilang eskwelahan, nagsusummer class sila ngayon dahil sa pasukan ay papasok na sila sa daycare.Napangiti naman ako ng sabay silang tumakbo palapit sa akin." Surprise! " Ngiti ko sa kanila at sinalubong nila akong dalawa ng yakap."Daddy, hindi na kami inaway kanina ni Stephen pero pumasok siya.""Huwag niyo na lang siyang pansinin mga anak ko ha? Mas mabuti nang kayo ang umiwas sa kanya. " Malumanay ang ngiti na ibinigay ko sa kanila. Hindi ko na pinasama si Lyrica dahil galit na galit siya. Mabuti na lamang at nakinig siya sa akin. FLASHBACKNakaupo ako ngayon sa opisina ng principal. Hinihintay ko ang magulang na nagreklamo sa anak ko."Good afternoon po Sir. Ano pong sadya niyo rito?""Good afternoon. I'm Lucian Drivas, nandito ako dahil may nagpatawag sa magulang ng mga anak ko. Ako po ang ama nina Lyra at Lyla." Mukha namang nagulat ang principal."Ah, okay po Sir. Papunta na po rito ang magulang ni Stephen."
88Nang makita ko si Lyrica ay halos magwala na ang sistema ko. Sobrang lakas talaga ng epekto niya sa akin.Nang makita ko siya bar noon ay hindi ko na naipigilan ang sarili ko. "You've change Lyrica." She's fiercer than before... Proud ako sa kanyang nakausad siya sa loob ng apat na taon."Bakit ka umaatras? Takot ka ba sa akin? " Napaatras siya ng bigla akong lumapit sa kanya. Napangisi naman ako dahil doon."Nasa taas sila kuya, kung sila ang ipinunta mo ay nandoon sila." Seryosong sabi niya." Hmm, okay." Parang wala lang na sabi ko. Kailangan kong pigilan ang sarili ko dahil alam kong galit pa rin siya sa akin.."Wait, may nalimutan ako." Anong pagpipigil? Damn, I miss her so much!"Hmmp! " Pilit siyang kumakawala sa hawak ko sa kanya."Kiss me back Lyrica." Napangiti na lamang ako ng gumanti siya ng halik sa akin. Kaya lamang ay mas naging agresibo pa ang halik niya... May kasamang galit at hinanakit.Nagulat pa ako ng hawakan niya ako sa maselang bahagi ng aking katawan.Fu
87Sinubukan kong alukin siya ng kasal kapalit ng malaking halaga. Idinahilan ko sa kanyang kailangan kong maikasal para makakuha ng mana mula kay Lolo. It's a desperate move pero iyon lang ang naisip kong paraan para makuha ko siya."You're crazy Lucian! Way crazier than me." Umiiling pang sabi sa akin noon ni Darius.Pinaimbestigahan ko noon si Lyrica, kung saan siya nagmula at ang lahat ng tungkol sa kanya. Ginawa ko iyon para makaisip pa ng ibang paraan para maikasal siya sa akin.Doon ko nalamang kapatid siya sa ama ni Helios. Itinago ko iyon dahil alam kong ilalayo siya sa akin ng aking kaibigan.Dumating sa puntong kinailangan niya ng tulong ko, dahil naospital si tatay Mario. Agad ko naman siyang tinulungan at hindi ko naisip na papayag na siyang magpakasal sa akin. Alam kong hindi ako mahal ni Lyrica kaya naman ang biglaang pagpapakasal namin ang pinakamainam na paraan para hindi na siya mawala sa akin. Minadali ko ang kasal namin dahil alam ko nang nalaman na ni Helios ang t
86LUCIAN'S POV"Hello, Kyros? Napatawag ka? May meeting ako ngayon." Bungad ko sa aking kaibigan ng sagutin ko ang tawag niya." Hello bud! Punta ka naman dito sa Valiente! Ano buburuhin mo na naman ang sarili mo sa trabaho? Balita ko ay nabobore ka na talaga diyan! " Tumatawang sabi nito sa akin."Sa ibang araw na lang." Maikling sabi ko sa kanya at saka pinatay ang tawag. Mas marami pa akong kailangang gawin kesa ang manood ng mga babaeng sumasayaw sa bar niya.Hindi na rin lingid sa aking kaalaman na front lamang ito upang makakuha ng impormasyon sa mga mayayamang mayroong ilegal na gawain dito sa loob ng bansa. Tatlo silang kaibigan ko na doon nagtatrabaho, maganda ang layunin ng organisasyong kinabibilangan nila Kyros kaya naman minsan na rin akong nagsponsor doon. Habang pumipirma sa mga papeles na nasa table ko ay tumawag sa akin si Mamà Fillys."Hello mamà? Napatawag ka? May problema po ba? ""Wala naman anak, namimiss na kasi kita. Hindi ka na naman umuuwi dito sa bahay. " N
85Ngayong araw ang uwi namin sa Cebu. Natawa ako ng makitang excited na excited siya sa pag uwi namin, napakarami niyang pasalubong para sa mga bata. Kinausap rin namin si tatay tungkol dito. Hindi rin naman siya tutol sa nais naming gawin."Namumutla ka yata. " Pang aasar ko sa kanya." Tsk, baka hindi ako magustuhan ng mga anak natin.""They will love you for sure Lucian. Sabi pa naman nila ang gusto nilang pasalubong ay ang daddy nila." Ngiti ko sa kanya. Naikwento ko kasi kay Lucian ang paghahanap ng daddy nila Lyra.Napahinga ng malalim si Lucian. Kinaon kami ni Kuya Roy sa babaan ng helicopter."Sabi ko sayo Lyrica e! Huwag kang magsasalita ng tapos! " Pang aasar nito sa akin."Tigilan mo nga ako kuya Roy! Naririto siya para sa kambal." Nasabi ko na kasi sa kanila na kasama ko si Lucian para hindi na aila magulat na kasama ko siya."Kumusta po kayo Kuya Roy? " Bati naman ni Lucian."Ayos lang naman Lucian. Halina kayo, inaantay na kayo ng mga bata." Nakangiti lamang na sabi n
84Nagsimula ang kasal ni Jessie at Kyros, tahimik lamang kaming nakikinig sa pari nang maramdaman kong may nakatingin sa akin.Si Lucian iyon at nakatitig siya sa akin, nasa kabilang side siya ng simbahan. Nginitian ko na lamang siya."Award ka mi! Parang mga bagong nagliligawan a? " Natatawang sabi sa akin ni Shiela."Sshh, huwag nga ka ngang maingay. " Saway ko sa kanya, aasarin niya lamang ako." Teenager yarn! " Dagdag pa ni Misha. Napabuntong hininga na lamang ako. "You may now kiss the bride." Huling sabi ng pari at nagpalakpakan kami. Nakangiti namang itinaas ni Kyros ang belo ni Jessie."Mukbangin mo! " Rinig na rinig sa loob ng simbahan ang sinabing iyon ni Xyver kaya naman nagkatawanan kaming mga naroroon. Inakbayan naman ni Darius si Xyver at saka tinakpan ni Lucian ang bibig nito. Natawa ako sa ginawa nila sa maingay nilang kaibigan."Wala talagang pinipiling lugar ang pagiging loko loko ni Xyver." Umiiling na sabi ni Shiela.Dumiretso kami sa reception, magkakasama kami
83Naging maayos ang pamimili naming dalawa ni Lucian kahapon. Ngayong araw naman ang kasal nila Jessie kaya naghahanda na ako sa pagpunta ko doon. Abay ako at forest green ang motif nila, nakasuot ako ng trumpet style na gown na mayroong slit sa gilid. Pinakulot ko na lamang ang aking buhok at nilagyan iyon ng kaunting palamuti. Susunduin daw ako ni Lucian para daw sabay kaming pupunta sa simbahan. Nagmessage na rin ako sa kanya na tapos na akong mag ayos. "Hello, Shiela? Napatawag ka? " Bungad ko kay Shiela ng tumawag ito sa akin."Papunta ka na ba sa simbahan? ""Yep, why? May problema ba? ""Wala naman, just checking on you ghurl! " Tumatawang sabi niya."Ah, okay. Susunduin ako ni Lucian, sabay kasi kaming pupunta sa simbahan." "Ay, ang haba ng hair ha? " Halakhak niya."Baliw! Matagal na kaya!" Panggagatong ko sa pang aasar niya."Ay! Iba ka talaga! Paunahin mo muna kami ni Xyver ha? " Mas lalo kaming nagkatawanan."O siya, I'll hung up na. " Sabi nito sa akin.Hindi ko alam p