Share

Chapter 6

Author: Luna Marie
last update Last Updated: 2024-02-02 08:47:36

Kinaumagahan ay umuwi ako sa bahay upang magbihis.

"Lyrica? Pwede ba tayong mag usap? " Sabi sa akin ni Tatay. Tumango lamang ako at sumunod sa kanya palabas ng bahay.

"Pasensiya na po kagabi tay, talaga pong sumama lamang ang aking loob."

"Alam ko naman iyon anak. Pasensiya ka na rin sa mga kapatid mo. Alam mo naman ang ugali ng mga iyon." Napabuntong hiningang sabi niya.

"Opo tay. Siya nga pala po, baka matuloy na po ang pag alis ko."

"Ah... Ganun ba, sigurado ka na ba riyan sa balak mo? "

" Opo naman itay, matagal ko na po itong pinag iipunan. Mas makakatulong po ako kung sa Maynila po ako magtatrabaho." Nakangiting sabi ko.

"Manang mana ka talaga sa iyong inay Lyrica. Alam ko namang hindi ka magpapapigil, basta ay iingatan mo ang sarili mo doon ha? "

" Opo tay."

Doon natapos ang aming pag uusap, palagi namang ganoon lamang ang sinasabi ni tatay, pagpasensiyahan ko na lang daw sila ate o kaya naman ay intindihin ko na lamang daw sila.

Umalis na ako ng bahay at nagtungo sa sakayan.

Nang makarating sa tindahan ay ginawa ko na ang mga dapat kong gawin.

"Hija, isa ngang balot ng sibuyas. Samahan mo na rin ng dalawang tali ng sitaw at kangkong."

"Ito po manang, 60 pesos po lahat." Nakangiting sabi ko rito.

"Aba, ikaw ba iyong anak ni Evelyn at Mario? "

"Ah, opo manang. "

"Ang laki mo na hija, ako nga pala si Liza. Kaibigan ako ng nanay at tatay mo. Kakauwi ko lamang, galing ako sa Maynila. Ikaw ba si Cynthia? "

"Hindi po manang, ako po si Lyrica. Sa Maynila po kayo nagtatrabaho ? " Sabi ko.

"Ah yung pangatlong anak ni Evelyn. Oo hija, sa maynila ako nagtatrabaho. Kasambahay ako roon."

"Ganun po ba, nagbabalak rin po akong mag Maynila Manang."

"Ay oo, ang hirap ng buhay dito sa atin. May asawa ka na ba ? "

"Wala po manang, wala pa po iyon sa isip ko." Nakangiting sabi ko.

"Aba mabuti naman at baka mapagaya ka sa nanay mo noong makarating siya sa Maynila." Makahulugang sabi nito pagkatapos ay tumawa.

Nagtataka man ay ngumiti na lamang ako. Nang makapagbayad ay umalis na rin ito.

Ako lamang ngayon ang tao rito sa tindahan dahil nasakit daw ang tuhod ni Nanay Lucing.

Nang sumapit ang tanghalian ay dumating si Marco.

"Oh, bakit ang aga mo yata ngayon Marco? "

"Wala ang mga prof namin sa last 2 subjects kaya naisipan ko na lamang tumulong dito." Nakangiting sabi niya.

"Ah ganun ba."

"Iniisip mo pa rin ba iyong nangyari kagabi? "

"Hindi naman. May bumili kasi kanina, sabi niya ay kaibigan siya nila tatay. Nasabi kong gusto ko ring lumuwas ng Maynila. Tinanong niya kung may asawa na ako, sabi ko wala. Bigla niyang sinabi sa akin na mabuti naman at baka raw mapagaya ako kay inay."

"Hmm, hayaan mo na lamang iyon Lyrica. Masyado kang maraming iniisip, hindi na ako magtataka kung isang araw nabaliw ka na." Iiling iling na sabi nito pagkatapos ay pinitik niya ako sa aking noo.

"Aray ko naman! Mababaliw na talaga ako dahil sa palagi mong pagpitik sa noo ko! " Irap ko sa kanya.

Tinawanan lamang niya ako.

Dumating ang hapon at nagsara na kami ng tindahan ni Marco. Dumiretso kami sa bahay nila Krisha dahil nagtext sa akin si Mildred na kailangan niya akong makausap ng personal.

"Lyrica! Good news! Good news! Halika, bilisan mo!" Halos hilahin na ako ni Mildred papunta sa kubo nila Krisha.

"Ano ba kasi iyon Mil? "

Nang makarating kami sa kubo ay agad niya akong pinaupo.

"So, eto na nga. Si ate Jessie kasi tumawag kaninang umaga. Sabi niya ay pwede ka daw makitira sa inuupahan nila habang naghahanap ka ng trabaho. Kaso nga lang, para daw hindi ka magbayad ng upa ay ipaglaba mo raw sila ng mga kasama niya. Tatlo lang naman sila sa inuupahan nila, mga dalaga pa. Iyong pagkain mo na lang daw ang iintindihin mo pati na rin ang panggastos mo sa araw araw doon. Ano ayos ka lang ba doon? "

"Oo naman! Mas mabuti nga iyon at mababawasan ang magiging bayarin ko. " Nakangiting sabi ko.

"Ayan! Mabuti naman, kakausapin ka raw niya. Teka, magvideo call tayo." Excited na sabi nito. Nakangiti namang nagthumb ups sa akin si Krisha.

"Hi ate Jessie. Ito kasama ko na si Lyrica, "

"Mabuti naman, may mga alam ako na pwede niyang pag applyan. "

Nang iniharap sa akin ni Mil ang cellphone niya ay bumungad sa akin ang ate Jessie niya. Matangos ang ilong nito at mapupula ang manipis na labi, maputi rin siyang babae at kulay pula ang kanyang maiksing buhok.

"Ikaw ba si Lyrica? Aba, Mildred hindi mo sinabing napakaganda pala nitong kaibigan mo. Mabuti at kinaibigan ka niya." Tumatawang sabi ni Ate Jessie halatang inaasar si Mildred.

"Hay nako ate, maganda rin ako kaya magkakaibigan kami ano ? Tsaka isa pa, napakaganda talaga nitong si Lyrica, hindi lamang marunong mag ayos sa sarili. Siya nga ang pinakamaganda sa kanilang magkakapatid e." Pagmamalaki nito sa pinsan.

Ako naman ay nahihiyang napatungo ng aking ulo.

"Huwag ka ng mahiya hiya diyan Lyrica, bawal rito sa Maynila ang mahiyain. Naku, baka hindi ka tumagal rito. Sige ka."

"Naku, hindi naman po. Hindi lang po talaga ako sanay ng may pumupuri sa akin."

"Masanay kana, ano ka ba? O siya nga pala, ano payag ka ba sa sinabi sa iyo ni Mildred. Madalas kasi kaming overtime sa trabaho ng mga kasama ko rito e. Hindi na namin halos maasikaso itong bahay. "

"Oo naman po Ate Jessie. Makakatulong rin po iyon sa pagtitipid ko."

"Ayun naman pala e. O siya kelan mo ba balak lumuwas? "

"Ah ayun nga po e..."

"Sa linggo na luluwas si Lyrica, ate Jessie. Tamang tama at wala kang trabaho noon diba? "

" Ah oo... O siya sige. May cellphone ka naman diba? Ibigay mo na lang sa akin ang number mo ha? Para matatawagan kita." Sabi ni ate Jessie sa akin.

"Sige po ate, maraming salamat po." Nakangiting sabi ko.

" Sige na, end ko na ang call. Mag update na lang kayo sa akin." Yun lamang ang sinabi niya bago patayin ang tawag.

"Ayan, ayos na Lyrica. Nag ambagan na kami nila Marco ng dadalhin mong pera. Huwag ka ng tumanggi, utang mo naman ito e." Iiling iling na sabi ni Mildred sa akin.

"Maraming salamat talaga sa inyo... Sobra... Pangako, babawi ako at magbabayad ng utang kapag nakahanap na ako ng trabaho doon." Umiiyak na sabi ko.

"Ano ka ba? Huwag ka ng umiyak Lyrica. Maiiyak rin ako e." Nagpupunas ng mata na sabi ni Krisha.

"Basta, huwag mo kaming kakalimutan ha? " Sabi naman ni Mildred at yumakap sa akin.

"Paano ko kayo kakalimutan e may utang ako sa inyo? " Napahagalpak naman ng tawa si Wren at Marco dahil sa sinabi ko.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
ang ibig ipahiwatig nung babae sayo lyrica sy sana hindi ka matulad saiyong ina na naanakan sa manila at ikaw ang naging bunga kaya ganun na lang ang galut ng ate at kuya mo sayo
goodnovel comment avatar
Teresita Nillos Nismal
sanay maabot ni Lyrica ang pangarap niya na makapagtrabaho nang maayos sa Maynila pàra sa sarili at pamilya kahit hindi maganda ang pag tinginsa kanya.May awa ang Diyos . .
goodnovel comment avatar
laysmael18
kaya sguro galit mga kapatid nya sa kanya kc anak sya na nanay nila sa ibang babae un sguro ibig sabihin nung babae kaya tinanung sya kung may asawa sya at baka magaya sa nanay nya nabuntis sguro nanay nila kaya naalis sa trabaho. sana tapusin ng author ang story na to sayang at 10 chapter lng
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • A Deal With The Billionaire   Special Chapter

    SPECIAL CHAPTER"May gusto ka bang kainin darling? "Masuyong tanong ni Lucian sa kanyang asawa."Wala, lumayo ka nga sa akin Lucian. Ano ba iyang amoy mo? " Nagulat naman si Lucian sa tinuran ng kanyang asawa."Darling? Kakaligo ko lang. Iyon pa rin namang dati ang gamit kong pabango.""Maligo ka ulit! Ayoko ng amoy mo. Tsaka parang gusto ko yata ng sunny side up na itlog mahal, yung luto yung dilaw tapos may paminta. Ipagluluto mo ba ako? " Bigla namang nagpacute si Lyric sa asawa. Natawa na lamang siya sa kanyang asawa. Naikwento na sa kanya ni Helios ang weird na cravings ni Lyrica kapag buntis ito. Naligo na lamang ulit siya at hindi naglagay ng pabango, pagkatapos ay nagluto na siya ng gusto ni Lyrica."Darling, ito na iyong pinapaluto mo.""Yehey, thank you mahal." Yumakap sa kanya si Lyrica."I love you darling." Hinalikan niya ito sa noo."I love you too mahal." Sa Cebu na nila napiling manirahan, bumili si Lucian ng sarili nilang lupa doon. Kapag kinakailangan siya sa Mayn

  • A Deal With The Billionaire   EPILOGUE

    EPILOGUEMaagang gumising ang mag anak ni Lucian dahil uuwi sila ngayon sa Maynila. Anibersaryo ng kanyang mga magulang at sinabihan na niya ang mga dapat sabihan na itago muna ang mga alam nila tungkol sa kambal, gusto niyang sorpresahin ang kanyang magulang."Daddy? Magugustuhan kaya kami ni Lola? " "Oo naman anak, sigurado akong matutuwa sila kapag nakita nila kayo." Magiliw na sabi ni Lucian sa kanyang kambal. "Lucian, okay na ang mga dadalhin natin. ""Let's go na." Ngiti ni Lucian sa dalawamg bata. Nauna nang umalis ang magulang at kapatid ni Lyrica, inimbitahan rin sila ng mamà at papà ni Lucian dahil hindi pa sila nagkakakilala.Medyo nagpalate na rin ang pamilya ni Lucian.Naunang pumasok sa loob ng bahay si Lucian."Hijo? Nasaan si Lyrica? ""Happy Anniversary sa inyo ma, inaasikaso pa po ni Lyrica iyong regalo namin sa inyo Mamà. ""My god Lucian! Iniwan mo ang asawa mo sa labas para lang diyan! Puntahan mo si Lyrica! Siya ang gusto kong makita." Hinampas si Lucian ng kan

  • A Deal With The Billionaire   Chapter 89

    89"DADDY! " Masayang sigaw ng aking kambal ng makita nila ako sa kanilang eskwelahan, nagsusummer class sila ngayon dahil sa pasukan ay papasok na sila sa daycare.Napangiti naman ako ng sabay silang tumakbo palapit sa akin." Surprise! " Ngiti ko sa kanila at sinalubong nila akong dalawa ng yakap."Daddy, hindi na kami inaway kanina ni Stephen pero pumasok siya.""Huwag niyo na lang siyang pansinin mga anak ko ha? Mas mabuti nang kayo ang umiwas sa kanya. " Malumanay ang ngiti na ibinigay ko sa kanila. Hindi ko na pinasama si Lyrica dahil galit na galit siya. Mabuti na lamang at nakinig siya sa akin. FLASHBACKNakaupo ako ngayon sa opisina ng principal. Hinihintay ko ang magulang na nagreklamo sa anak ko."Good afternoon po Sir. Ano pong sadya niyo rito?""Good afternoon. I'm Lucian Drivas, nandito ako dahil may nagpatawag sa magulang ng mga anak ko. Ako po ang ama nina Lyra at Lyla." Mukha namang nagulat ang principal."Ah, okay po Sir. Papunta na po rito ang magulang ni Stephen."

  • A Deal With The Billionaire   Chapter 88

    88Nang makita ko si Lyrica ay halos magwala na ang sistema ko. Sobrang lakas talaga ng epekto niya sa akin.Nang makita ko siya bar noon ay hindi ko na naipigilan ang sarili ko. "You've change Lyrica." She's fiercer than before... Proud ako sa kanyang nakausad siya sa loob ng apat na taon."Bakit ka umaatras? Takot ka ba sa akin? " Napaatras siya ng bigla akong lumapit sa kanya. Napangisi naman ako dahil doon."Nasa taas sila kuya, kung sila ang ipinunta mo ay nandoon sila." Seryosong sabi niya." Hmm, okay." Parang wala lang na sabi ko. Kailangan kong pigilan ang sarili ko dahil alam kong galit pa rin siya sa akin.."Wait, may nalimutan ako." Anong pagpipigil? Damn, I miss her so much!"Hmmp! " Pilit siyang kumakawala sa hawak ko sa kanya."Kiss me back Lyrica." Napangiti na lamang ako ng gumanti siya ng halik sa akin. Kaya lamang ay mas naging agresibo pa ang halik niya... May kasamang galit at hinanakit.Nagulat pa ako ng hawakan niya ako sa maselang bahagi ng aking katawan.Fu

  • A Deal With The Billionaire   Chapter 87

    87Sinubukan kong alukin siya ng kasal kapalit ng malaking halaga. Idinahilan ko sa kanyang kailangan kong maikasal para makakuha ng mana mula kay Lolo. It's a desperate move pero iyon lang ang naisip kong paraan para makuha ko siya."You're crazy Lucian! Way crazier than me." Umiiling pang sabi sa akin noon ni Darius.Pinaimbestigahan ko noon si Lyrica, kung saan siya nagmula at ang lahat ng tungkol sa kanya. Ginawa ko iyon para makaisip pa ng ibang paraan para maikasal siya sa akin.Doon ko nalamang kapatid siya sa ama ni Helios. Itinago ko iyon dahil alam kong ilalayo siya sa akin ng aking kaibigan.Dumating sa puntong kinailangan niya ng tulong ko, dahil naospital si tatay Mario. Agad ko naman siyang tinulungan at hindi ko naisip na papayag na siyang magpakasal sa akin. Alam kong hindi ako mahal ni Lyrica kaya naman ang biglaang pagpapakasal namin ang pinakamainam na paraan para hindi na siya mawala sa akin. Minadali ko ang kasal namin dahil alam ko nang nalaman na ni Helios ang t

  • A Deal With The Billionaire   Chapter 86

    86LUCIAN'S POV"Hello, Kyros? Napatawag ka? May meeting ako ngayon." Bungad ko sa aking kaibigan ng sagutin ko ang tawag niya." Hello bud! Punta ka naman dito sa Valiente! Ano buburuhin mo na naman ang sarili mo sa trabaho? Balita ko ay nabobore ka na talaga diyan! " Tumatawang sabi nito sa akin."Sa ibang araw na lang." Maikling sabi ko sa kanya at saka pinatay ang tawag. Mas marami pa akong kailangang gawin kesa ang manood ng mga babaeng sumasayaw sa bar niya.Hindi na rin lingid sa aking kaalaman na front lamang ito upang makakuha ng impormasyon sa mga mayayamang mayroong ilegal na gawain dito sa loob ng bansa. Tatlo silang kaibigan ko na doon nagtatrabaho, maganda ang layunin ng organisasyong kinabibilangan nila Kyros kaya naman minsan na rin akong nagsponsor doon. Habang pumipirma sa mga papeles na nasa table ko ay tumawag sa akin si Mamà Fillys."Hello mamà? Napatawag ka? May problema po ba? ""Wala naman anak, namimiss na kasi kita. Hindi ka na naman umuuwi dito sa bahay. " N

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status