77"Thank you for coming Lyrica, akala ko ay hindi mo na papaunlakan ang paanyaya ko sayo." Nakangiting sabi ni Declan ng maipaghila niya ako ng upuan."Ano ka ba? Hindi ba at umoo na ako sayo kagabi." Natatawang sabi ko sa kanya.Nag order na kaming dalawa, nasa isang sikat na restaurant sa Maynila kami ngayon. Mabuti na lamang at maayos ayos ang suot ko. "So, kumusta? Nagkahang over ka ba? Lasing na lasing ka kagabi." Tawa niya sa akin."Hmm, medyo. Pero nawala na rin naman kanina, hindi na rin kasi ako ganoong kasanay mag inom.""Ikaw? Nakauwi ka ba ng maayos kagabi?"Napakamot naman siya sa batok."Sa bar na ako natulog kagabi. Alam mo na, tipsy na ren. Hirap ako magdrive kapag nakainom." Natatawang sabi niya. "Gosh, tama lang nasa bar ka na natulog." Umiiling na sabi ko. Napadako naman ang tingin ko sa isang direksiyon dahil parang mayroong nakatingin sa akin. Hindi ko ipinahalata ang gulat ko ng makita si Lucian na nakatitig sa akin. Kasama niya ang mag asawa ni Darius, pati n
78Nang makakain kami ay bumalik kami sa restaurant dahil naiwan doon ang kotse niya. "Salamat Declan." Sabi ko sa kanya. Siya na rin ang nagmaneho ng kotse ko pabalik ng restaurant."No. Thank you Lyrica, sobrang nag enjoy ako tonight." Sinserong ngiti niya sa akin."Next time ulit? " Tanong pa niya sa akin."I'll try... Pagkatapos kasi ng kasal ng kaibigan namin ay uuwi na rin ako sa amin.""Huh? Hindi ka pala dito nakabase sa Manila? ""Ah, nope." Iling ko."Saan ka nagiistay ? " Kuryosong tanong niya."Sa province." Maikling sabi ko sa kanya."So, paano? Uuna na rin ako, lumalalim na rin ang gabi." Alam kong magtatanong pa siya kaya naman namaalam na lang ako."Okay, paano? Ingat ka pag uwi ha? ""Oo naman, ikaw rin Declan." Pinauna na niya akong sumakay sa sasakyan. Inistart ko na ang kotse ko biglang may pumasok sa kotse ko."Drive. " Utos sa akin ni Lucian."What the! Anong ginagawa mo rito? Lumabas ka nga! " Kita ko rin ang pagkatok ni Declan sa salamin ng kotse ko."Drive! Or
79Hindi na ako nakauwi sa penthouse kaya naman sa bahay na ni tatay ako natulog. Nanghiram din ako sa kanya ng laptop kagabi para matawagan ang cute na kambal. As usual, tinatanong na nila kung kailan ako uuwi. Si Tito Leighton nila ang kasama nila ngayon at ang tita Hyna nila, kasama rin nila ang chikiting nila kaya naman tuwang tuwa si Lyla at Lyra."Ma'am Lyrica, nauna na pong umalis si Sir Jaime. Sabi po niya ay mag almusal muna kayo bago umalis.""Sige po, maraming salamat po." Malumanay na sabi ko sa kasama namin sa bahay ni tatay.Nang matapos kumain ay naghanda na rin ako para sa pagbalik ko sa penthouse."Ito daw po ma'am Lyrica. Ipinapabigay po ito ni Sir Jaime. " Inabot sa akin nito ang kahon ng cellphone.Naikwento ko nga rin pala kay tatay ang nangyari kagabi. Umuwi na ako sa penthouse dahil mamaya na rin ang bridal shower ni Jessie. Sa sobrang abala niya talaga ay hindi pa kami nagkikitang dalawa. Nagulat ako ng makita doon si Lucian."Kagabi pa kita hinihintay Lyrica.
80Kinagabihan ay nagtungo na kami sa pagdadausan ng bridal shower ni Jessie. Magkasabay kami ngayon ni Shiela dahil 'for the girls' lang daw ang party na iyon. May dala rin akong regalo para sa aking kaibigan. Matapos naming mag usap ni Lucian kanina ay pinauwi ko na rin siya. Pumayag rin akong sumama bukas sa kanya. "So, kumusta ang naging lakad niyo kagabi ni Declan? " Nakangising tanong sa akin ni Shiela."Okay naman, masaya siyang kasama." Nakangiting sabi ko sa kanya."E, si Lucian? Masaya din bang kasama? " Nang aasar na tanong niya sa akin."Baliw! ""Nakita ko kayong pumasok sa bahay mo kanina. Hindi na tuloy ako tumuloy, hindi rin kasi kita macontact.""What? Bakit hindi ka tumuloy? " "Mukha kasing importante ang pag uusapan ninyo."Napabuntong hininga na lamang ako." May bisa pa rin ang kasal naming dalawa, Shiela.""Huh? Paano nangyari iyon? " Nagtatakang tanong niya sa akin."Hindi pala niya pinirmahan ang mga papeles noon. Kagabi ko lang din nalaman dahil sinabi sa a
81Alas dos na yata ng madaling araw natapos ang party ni Jessie. Sinulit na daw talaga niya dahil mas magiging busy na raw sila ni Kyros pagkatapos ng kasal nila.Nag iinom na lamg kaming mga naiwan at kasama na rin namin sila Kyros. Ang wala lang ay si Kuya Helios dahil nagkaroon daw ng emergency sa opisina niya. Napapansin ko rin na malapit siya sa sekretarya niyang si Elle, hindi na lamang ako umiimik dahil baka mausog pa ang kung ano ang meron silang dalawa. Nakahiwalay naman kami ng table sa mga kalalakihang bigla na lamang sumulpot."Lyrica! Look oh! Ang sweet niyong tingnan dito noong nagkandong sayo kanina! " Tumatawang sabi sa akin ni Jessie, lasing na ito kaya naman makulit na.Ipinakita niya sa akin ang ilang litrato. Napangiwi naman ako dahil nakuhanan pala niya iyon, simula ng higitin ako noong lalaki kanina hanggang sa nakakalong na ako rito."Ang cute niyo ngang dalawa riyan Lyrica! " Sabi pa sa akin ni Shiela at umapir pa."Tigilan niyo nga ako ha? Buti pa itong si M
82Hindi na rin ako nakatulog ng gabing iyon. Nagpalipas na lamang ako ng gabi sa hotel room at pilit na inabala ang aking sarili. Hindi ko naman macontact si Kuya Helios dahil baka abala ito, ganun rin si tatay...Nang sumapit ang umaga ay umalis na rin ako doon at bumalik sa penthouse. Bukas pa naman ang kasal ni Jessie at Kyros kaya naman may isang araw pa ako para ibili ng pasalubong ang aking mga anak. Pagkatapos ng kasal ay uuwi na rin ako agad sa Cebu, iyon ang nabuo kong desisyon kagabi. Pagdating sa penthouse ay nagbihis lamang ako ako at saka nagtungo sa mall. Hindi ko na rin inintertain si Declan dahil magiging madaya lamang ako sa kanya kapag nagkataon. Nagsuot lamang ako ng clean cut na bermuda short at pinaresan ko ito ng isang puting oversized shirt. Sa paa naman ay nagsuot ako ng converse shoes, isang maliit na sling bag na lamang din ang dinala ko.Pagbukas ko ng pintuan ay naroroon si Lucian."Can we talk Lyrica? " Seryosong sabi nito sa akin. Gulo gulo ang buhok ni
83Naging maayos ang pamimili naming dalawa ni Lucian kahapon. Ngayong araw naman ang kasal nila Jessie kaya naghahanda na ako sa pagpunta ko doon. Abay ako at forest green ang motif nila, nakasuot ako ng trumpet style na gown na mayroong slit sa gilid. Pinakulot ko na lamang ang aking buhok at nilagyan iyon ng kaunting palamuti. Susunduin daw ako ni Lucian para daw sabay kaming pupunta sa simbahan. Nagmessage na rin ako sa kanya na tapos na akong mag ayos. "Hello, Shiela? Napatawag ka? " Bungad ko kay Shiela ng tumawag ito sa akin."Papunta ka na ba sa simbahan? ""Yep, why? May problema ba? ""Wala naman, just checking on you ghurl! " Tumatawang sabi niya."Ah, okay. Susunduin ako ni Lucian, sabay kasi kaming pupunta sa simbahan." "Ay, ang haba ng hair ha? " Halakhak niya."Baliw! Matagal na kaya!" Panggagatong ko sa pang aasar niya."Ay! Iba ka talaga! Paunahin mo muna kami ni Xyver ha? " Mas lalo kaming nagkatawanan."O siya, I'll hung up na. " Sabi nito sa akin.Hindi ko alam p
84Nagsimula ang kasal ni Jessie at Kyros, tahimik lamang kaming nakikinig sa pari nang maramdaman kong may nakatingin sa akin.Si Lucian iyon at nakatitig siya sa akin, nasa kabilang side siya ng simbahan. Nginitian ko na lamang siya."Award ka mi! Parang mga bagong nagliligawan a? " Natatawang sabi sa akin ni Shiela."Sshh, huwag nga ka ngang maingay. " Saway ko sa kanya, aasarin niya lamang ako." Teenager yarn! " Dagdag pa ni Misha. Napabuntong hininga na lamang ako. "You may now kiss the bride." Huling sabi ng pari at nagpalakpakan kami. Nakangiti namang itinaas ni Kyros ang belo ni Jessie."Mukbangin mo! " Rinig na rinig sa loob ng simbahan ang sinabing iyon ni Xyver kaya naman nagkatawanan kaming mga naroroon. Inakbayan naman ni Darius si Xyver at saka tinakpan ni Lucian ang bibig nito. Natawa ako sa ginawa nila sa maingay nilang kaibigan."Wala talagang pinipiling lugar ang pagiging loko loko ni Xyver." Umiiling na sabi ni Shiela.Dumiretso kami sa reception, magkakasama kami