Share

Chapter 7

7

"Mag iingat ka doon Lyrica, ang mga paalala ko sa iyo ay huwag na huwag mong kakalimutan." Yumakap sa akin si Tatay.

Ngayong araw ang alis ko patungo sa Maynila, limang oras ang pagbabyahe ko papunta roon.

"Oo naman po 'tay. Para po ito sa pamilya natin."

"Ate, mag iingat ka roon ha? Mabuti na rin at aalis ka. Ayaw kong nakikitang inaaway ka nila ate Cynthia. Wala naman kaming magawa ni Boyet dahil takot kami sa kanila." Naiiyak na sabi ni Annika.

"Ikaw talaga, basta ay huwag ninyong papabayaan ang mga pamangkin natin. Tumawag kayo agad sa akin kapag nagkaproblema. Huwag ang hindi ha? " Ginulo ko ang buhok nito.

"Oo naman ate."

Wala sila ate Cynthia ngayon dahil doon sila natulog sa bahay nila Kuya Roy. Hindi rin alam ng mga ito na ngayon ang alis ko. Minabuti ko na ring huwag sabihin sa kanila iyon.

Alas tres palang ng madaling araw at si Wren at Marco ang maghahatid sa akin sa sakayan ng bus. Hindi na ako nagpasama kay tatay dahil baka doon pa kami mag iyakang dalawa sa termin
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status