تسجيل الدخول“Hanggang kailan mo ako susubukang pigilan, Elyse?” tanong ni Darius. Sa isang iglap ay nawala ang pinaghirapang trabaho ni Elyse Sarmiento nang walang kahit anong sapat na paliwanag. Kaya hindi niya alam kung paano magsisimula ulit. Ngunit nang magtagpo muli ang landas nila ni Darius Valentino Montenegro, ang lalaking iniiwasan niya sa nagdaang taon, bumalik muli ang nakaraan na pilit niyang ibinabaon. Sinubukan niyang lumayo, ngunit sa tuwing tumatakbo siya, nahahanap siya ni Darius nang walang kahirap-hirap. “Be my personal maid, Elyse,” he said with a smirk on his lips. “Deal?” Ngunit ang hindi niya alam ay ang pagtanggap niya sa trabahong ‘yon ang simula ng pagliliyab ng tukso na hindi niya kailanman matatakasan.
عرض المزيدElyse Sarmiento’s Point of View
“You’re fired, Miss Sarmiento.” Para akong pinagbagsakan ng lupa nang marinig ko ang katagang binitawan ng boss ko. Akala ko pa man din ay magandang balita ang sasabihin niya, pero hindi pala. Napakurap ako, habang nakatitig sa boss ko na ngayon ay seryoso lamang. Walang kahit anong bakas ng emosyon kung hindi ay ‘yon lang. “Bakit po? Ano po ang dahilan kung bakit natanggal ako?” naguguluhan kong sambit. Umiling lamang ang aking boss, at parang dismayado pa sa hindi ko malaman na dahilan. “Huwag ka ng pumasok bukas. Nandito na ang huling salary mo. Advanced pa ‘yan,” aniya, at inilapit sa akin ang check. “You did your best, pero may kulang pa rin.” Hindi ako makapagsalita. Nakatitig lamang ako sa check na nasa aking harapan, at wala sa sariling inabot ‘to. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Wala akong ideya kung ano ang dahilan. Na kahit pinipilit ko namang tanungin si sir, hindi niya magawang sagutin. “Salamat po,” mahina kong wika, bago lisanin ang office niya. Pagod akong nagpunta sa locker ko, at kinuha ang mga gamit ko roon. Ni hindi ko nga alam kung alin ang mabigat, eh. Kung ‘yong mga gamit ko ba, o ‘tong puso ko, dahil sa biglaang pagtanggal sa akin sa trabaho. Kahit hinang-hina ako sa nalaman ko, sinubukan ko pa ring tumayo, at maglakad palabas ng building. Ramdam ko ang panginginig ng aking mga hita, at hindi ko alam kung bakit nagagawa ko pa ring tumayo, at maglakad, kahit na gustong-gusto ko ng umiyak. Ngunit natigilan ako nang makalabas ako ng building. Hindi pa man ako nakalalayo nang tuluyan, may naramdaman akong mga mata na nakatingin sa aking gawi. Parang binabantayan ako. “Sino ‘yon?” bulong ko na lamang, at wala sa sariling inilibot ang aking mga mata sa buong paligid. Kaya lang ay nang mahanap ko na kung sino ‘yon—kung kaninong mga mata ‘yon, natigilan ako. Dahil ang taong ‘yon ay walang iba kung hindi ay si Darius Valentino Montenegro. Nakabulsa ang kaniyang isang kamay, habang siya ay nakasandal sa kaniyang sasakyan. May sigarilyo rin sa kaniyang bibig, habang nakatingin sa kinaroroonan ko. “No way,” kinakabahan kong wika. “Nananaginip lang ako.” Baka pagod lang ako. Baka dahil lang ‘to sa nangyari kanina sa office ni sir kaya kung ano-ano ang naiisip ko. Kaya lang ay kahit ano ang pilit kong kumbinsihin ang sarili ko na umuwi na, hindi ko magawa lalo na nang bigla niyang itapon ang kaniyang sigarilyo, saka tumayo nang maayos. Nagsimula siyang maglakad papunta sa akin, habang niluluwagan ang kaniyang suot na necktie. Napansin ko pa nga kung paano bumigat ang awra niya, habang papalapit sa akin ngayon. Pinilit kong umatras, hanggang sa nagkaroon na ako ng lakas na tumakbo, pero nagawa niya akong hulihin. Ipinulupot niya ang kaniyang bisig sa aking baywang, at basta na lang isinandal ang aking likuran sa puno na malapit sa amin. Nanlaki ang aking mga mata, habang nakatingala sa kaniya. Sinubukan ko ring magpumiglas, pero tanging malamig na tawa lamang ang narinig ko sa kaniya. “Sir,” untag ko na siyang nagpatigil naman sa kaniya sa pagtawa. Bumalik sa pagiging seryoso ang kaniyang mukha, pero ang kinaibahan lamang ay umiigting na ang kaniyang panga ngayon. “What did you say?” malamig na tanong nito. Nanuyo ang aking lalamunan, at napakurap lalo na nang inilapit pa nito nang kaunti ang kaniyang mukha. Sinubukan kong umatras, kahit na malabo na, dahil nga nasa likod ko na ang puno. “Sir,” ulit ko. Napalunok ako nang bahagya niyang ipilig ang kaniyang ulo sa kanan na para bang naaasar sa sinabi ko. “Sir, huh?” nang-aasar nitong wika. Hindi ako makapagsalita. Bakit naman kasi siya naaasar kung dapat lang naman na tawagin ko siya ganoon? I can’t call him by his name! It’s been two years! Dalawang taon kong inilibing ang alaala na ‘yon. Kaya para sana pa’t tatawagin ko siya sa kaniyang pangalan? Baka mas lalo ko lang siyang magalit sa lagay na ‘yon. At isa pa, talaga bang kailangan naming magkita ngayon kung gayon na hindi naging maganda ang araw ko? Tinanggal na ako sa trabaho. Sinusubukan ko pang iproseso ang lahat tapos ngayon ay biglang magtatagpo ang landas namin? “You’re not even my employee, so why are you calling me sir?” Umigting ang kaniyang panga, at mariing na umangat-baba ang kaniyang dibdib, habang nakatingin sa akin. Ramdam ko ang pagpipigil nito ng emosyon, at hindi ko alam kung bakit mas lalo lang akong nanginig sa takot. Kung hindi nakapulupot ang kaniyang isang bisig sa aking baywang, baka kanina pa ako napaupo ngayon. Itinukod niya ang kaniyang kamay sa puno, at hindi nalalayo nang kaunti ang kaniyang kamay sa aking ulo, habang mariing nakatitig sa akin. He even pursed his lips then shook his head in disbelief. “Answer me.” “Ano ba dapat ang itawag ko sa ‘yo?” nanginginig na boses kong tanong, habang nakatitig sa kaniyang asul na mga mata. ‘Yong mga matang ‘yon ang matagal ko ng gustong takasan na nagawa ko naman nang dalawang taon. Ngunit ngayon na nagbalik siya, at nagtagpo muli ang landas namin, talagang nakikita ko pa rin ang sarili ko na namamangha sa mga matang ‘yon, kahit pa kayang-kaya niyang basahin ang aking nilalaman ng aking isipan. “Playing innocent, huh? I like that.” “Sir,” mahina, ngunit may diin kong sambit. “Wala akong oras makipagbiruan ngayon. Kung may gusto kang sabihin, sabihin mo na ngayon.” Kailangan ko ng umuwi. Hindi pa ako nakababawi sa nangyari kanina, at kung tatagal pa ang usapan namin ngayon, hindi ‘to maganda. Sana man lang kasi, hinayaan muna ako ng tadhana na iproseso ang lahat. Kaso balak niya yatang paglaruan ang buhay ko. Maging ang damdamin ko, hindi rin nakaligtas sa kaniya. “Para ano? Para makatakas ulit?” Naibalik ko ang aking atensyon sa kaniya. Ni hindi ko man lang napansin na nagawa ko pa lang ilihis ang aking mga mata, dahil hindi ko kayang titigan siya. Hindi ko alam, pero parang may nahihimigan ako sa kaniyang boses. Ayaw kong mag-assume, pero bakit ganoon? Bakit ang lakas ng kabog ng puso ko? Dahil ba ‘to sa presensya, o dahil sa sinabi niya? “You’ll come with me,” he said without looking away, “whether you like it or not.”Elyse Sarmiento’s Point of View“Wala,” sagot naman niya kaagad. “Morning ang shift ko ngayon. Kabi-break time ko lang din.”Napahugot naman ako nang malalim na hininga, at napapikit na lamang ng aking mga mata.Dapat ko naman na talagang asahan ‘to, eh. Hindi ko lang alam kung bakit nadismaya pa ako.“Puwede bang magpunta sa apartment mo? Saglit lang.”“Bakit?” nagtatakang tanong nito sa akin.“I saw him!” kuwento ko kaagad na siyang nagpasinghap sa kaniya sa kabilang linya. “Siya ang naghatid sa akin, pero ayaw kong malaman niya ang address ko, dahil alam mo naman kung bakit.”“My gosh! Seryoso ba ‘to?! Ganoon ba kaliit ang mundo niyo’t nagtagpo ulit kayo?”Napailing na lamang ako sa kaniyang sinasabi. Kahit ako rin naman ay hindi makapaniwala sa mga nangyayari. Pero hindi naman ibig sabihin no’n ay magagawa ko na talaga siyang layuan kung siya rin naman talaga ang gumagawa ng paraan para mahanap ako.Hindi ko alam kung bakit. Ang hirap kung tutuusin. Parang alam na alam niya ang ba
Elyse Sarmiento’s Point of ViewKagaya ng napag-usapan namin ni Mama, mag-a-apply muna ako bago kami magtungo sa probinsya para makapagpahinga na lang muna.Kakapasa ko lang din naman ng aking application letter, pero tingin ko ay mas magandang mag-apply pa ako sa ibang company, at umasang tatawagan nila ako, kahit sobrang labo naman.“Hindi naman dapat ako nawawalan ng pag-asa,” bulong ko, at napatingala na lamang sa langit. “Kung para naman kay Kaelen ang lahat ng ‘to, bakit ako susuko?”Kinagat ko nang mariin ang aking labi, at naghanap pa ng mga business, o company na nagha-hire. Kaya lang ay sa tuwing magtatanong ako, ang sabi nila ay nakapaghanap na raw sila, at nalimutan lang nilang tanggalin ang mga nakapaskil sa labas ng kanilang business.Bumagsak ang aking mga balikat, dahil ilang oras na rin akong naghahanap ng trabaho, pero iisa pa lang ang napagpasahan ko ng aking application letter. Ni hindi pa sigurado kung tatanggapin ba ako, o ano.“Kakain muna siguro ako,” bulong ko
Elyse Sarmiento’s Point of ViewPersonal maid? Seryoso ba siya?Napakurap ako. Hindi makapagsalita lalo na’t naglalaro ang ngisi sa kaniyang labi.“Bakit ka mag-o-offer ng ganiyan? Dahil nawalan ako ng trabaho?” tanong ko sa kaniya.Para akong iniinsulto ng lalaking ‘to. Alam ko naman na mayaman siya, pero hindi naman yata ibig sabihin nito ay puwede na niya akong insultuhin.Hindi porque alam niya ang tungkol sa pagkatanggal ko ng trabaho ay ganito na. Kailangan ko man ng trabaho, hindi ko tatanggapin kung galing sa kaniya.“You can say that.”Natawa ako nang pagak, at napailing na lamang. “Hindi ko kailangan ng tulong mo. Puwede akong maghanap ng trabaho kung gugustuhin ko. Kaya ko naman.”Tumayo ako, at tumalikod na sa kaniya. Balak ko na sanang maglakad patungo sa pinto, pero kaagad akong natigilan nang maramdaman ko ang paghawak niya sa aking siko.Dahil sa kaniyang ginawa, napatingin ako sa kaniya. Masama ko siyang tiningnan, binawi ang aking siko. Kaya lang ay mas hinigpitan ni
Elyse Sarmiento’s Point of View“Sir!” angal ko nang hilahin na lamang niya ako papunta sa kaniyang sasakyan.Sinubukan kong bawiin ang aking kamay, pero hindi ko magawa. Masiyado siyang malakas, at bukod pa roon ay mahigpit ang kaniyang pagkahahawak sa aking kamay.“Bitawan mo ako!”Hindi siya sumagot, o lumingon man lang sa akin. Tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad, hanggang sa buksan niya ang passenger seat.Nang ibaling niya ang kaniyang atensyon sa akin, malamig ang kaniyang mga mata.“Sakay,” utos niya, pero hindi ako gumalaw sa aking kinatatayuan. “Don’t make me repeat myself, Elyse.”“Don’t use that tone on me,” saad ko, kahit na nanginginig pa rin. “Sir, mas magandang pauwiin mo na lang ako.”Umigting ang kaniyang panga, at basta na lamang akong binuhat na para bang bagong kasal lang kami.Tuluyang nalaglag ang aking panga, at nawala sa sarili nang ibaba niya ako sa passenger seat.Isinara niya kaagad ang pinto, pero nang matauhan ako, sinubukan ko ‘yong buksan, pero naka-loc


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.