Spiel's Substitute Lover

Spiel's Substitute Lover

last updateÚltima actualización : 2026-11-05
Por:  pariahreiActualizado ahora
Idioma: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
3 calificaciones. 3 reseñas
10Capítulos
44vistas
Leer
Agregar a biblioteca

Compartir:  

Reportar
Resumen
Catálogo
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP

[SPIEL RALVAN's STORY] Minsan ng nagpakababa si Sofia para sa pamilyang Zaldivar—pinalitan niya si Margareth sa pag-aalaga sa nabulag nitong nobyo na si Spiel Ralvan. Minahal niya ito ng palihim at umalis ng walang hinihinging kapalit nang bumalik si Margareth. Ngunit lahat ng mga ginawa niya, ay hindi pa pala sapat dahil tinangka pa siyang ipapatay ni Margareth Zaldivar para tuluyan siyang mawala sa buhay ng mga ito. Pitong taon ang nakalipas, napilitan bumalik si Sofia sa Maynila—sa mundo ng mga taong pilit niyang kinakalimutan. Ngunit, sa pagkakataong ito ay hindi na siya ang dating Sofia na papayag na api-apihin dahil sa utang na loob. Hindi na siya ang dating Sofia na matatakot dahil mapera at maimpluwensya ang mga taong umapi sa kanya lalo pa’t tila nakuha niya ang buong atensyon ni Spiel Ralvan. Nababaliw sa kanya ang lalaki, handang gawin ang lahat ng gusto niya kahit pa kalabanin nito ang pamilya ng dating asawa.

Ver más

Capítulo 1

Chapter 1

CHAPTER 1

          “Oh hmnn..”

          Namimilipit sa sarap si Sofia habang nagtataas baba siya sa kandungan ni Spiel. Parehong pawisan at mabibigat paghinga habang palapit nang palapit ang rurok ng kaligayahan.

          “Ahh, Spiel…Ah!” Umaawang ang kanyang labi habang pinapanood ang kaniig na nag-iigtingan ang panga at nadedepina ang mga ugat sa leeg. Spiel looked so sexy hot while ramming her from below.

          Hindi nakahadlang ang benda nito sa mata para ipakita na magaling ito sa kama—bagay na madalas niyang marinig sa mga usap-usapan mula pa noong trese anyos siya.

          “F uck! I’m c um ming!”

          Mas naging desperado ang mga ulos nito at mas humigpit ang hawak sa kanyang baywang.

          “Ah!” n apaungol si Sofia nang manginig siya at bumagsak ang pawisang katawan. Hinang-hina, hinayaan niya itong gumalaw.

          “Ah!! F uck! Margareth, f uck!”

          Mariin na napapikit si Sofia nang marinig ang inungol nitong pangalan. Wala siyang karapatang magreklamo o masaktan dahil una pa lang ay akala ni Spiel ay si Margareth ang kasama nito.

          6 months ago, desperado si Sofia sa pera at mailigtas ang Nanay niya sa pagkakakulong dahil sa malaking utang nito sa mga Zaldivar.

          Dahil walang-wala talaga ay tinanggap niya ang alok ng panganay ng mga Zaldivar na si Margareth. Kailangan daw nito ng babaeng kasingtunog ng boses, tangkad at katawan para magpanggap bilang Margareth.

          Wala itong pasensya na alagaan ang naparalisado at nabulag na Scout Ranger na si Spiel Ralvan. Baliw na baliw si Margareth kay Spiel noon pa man kaya nang makakuha ng pagkakataon para mapalapit ng husto rito ay kinagat agad ng babae.

          “Lav, are you okay?” malambing na tanong sa kanya ni Spiel nang matapos ang ikatlong round nila sa kama.

          “Hmnn…pagod na ako.”

          Humalik ito sa kanyang balikat at yumakap mula sa likod. “I can’t wait to see you tommorow. I’m dying to see you… I’m going crazy in love with you.”

          Mapait siyang napangiti. Bukas ay aalisin na ang benda sa mata nito matapos ang eye surgery ilang buwan na ang nakalilipas. Bumubuti na rin ang lagay ng mga binti nito dahil sa maraming theraphy kaya sa susunod na dalawang linggo siguro ay tuluyan ng gagaling.  

          Iyon nga lang, hindi niya masasakihan dahil huling gabi niya na ngayon kasama ito.

          “I love you, my lavander. I can’t wait to marry you.”

          “I-I love you too.”

          “Hmn…” Nagsumiksik si Spiel sa kurba ng kanyang leeg kaya madali niyang nalaman na mahimbing na ang tulog nito pagkalipas ng ilang minuto.

Dahan-dahan niyang inayos ang pagkakahiga nito bago siya bumaba ng kama. Pinulot niya ang mga damit sa sahig, inayos ang magulong kama na hindi naiistorbo ang lalaki bago siya naglakad papunta sa p***o ng kwarto.

          “Goodbye, Spiel,” bulong niya nang lumingon sandali sa lalaking walang kamalay-malay na anim na buwan niyang niloloko. Humugot siya ng malalim na hininga at saka isinara ang pinto—tapos na ang papel niya sa buhay nito.

         

          “BAKIT ang tagal mo?” sikmat sa kanya ni Margareth nang lumabas siya sa gate ng villa.

          “Ang tagal niyang matulog, Ma’am.”

          “Sigurado ka ba na tulog siya? Baka bigla na lang siyang sumulpot pagpasok ko sa loob.”

          “Tulog na tulog iyon, Ma’am at saka hindi siya makakababa ng hagdan ng mag-isa.”

          “Good. Now, go inside that van and don’t show your face to me anymore.” Itinuro nito ang kulay itim na van na nasa hindi kalayuan.

          “Iyong utang ni Nanay at pera—”

          “Burado na iyon. Naipadala ko na rin ang pera sa bank account ng kapatid mo. Basta siguraduhin mo na hindi ka na ulit susulpot sa mga buhay namin, lalo na kay Spiel. Get lost.”

          Parang asong kinumpas-kumpas pa nito ang kamay bago ito pumasok sa  Villa. Agad binuhay ng driver ang van nang makapasok siya. Maya-maya pa ay palayo na sila sa pribadong villa na nakatayo sa gitna ng malawak na bundok at dagat.

          “Ma’am Marga, hello.”

          Napatingin si Sofia sa lalaking nasa passenger seat na kausap sa cellphone. Naging unkomportable si Sofia nang mapansin na patingin-tingin ito sa kanya sa rearview mirror at parang nagsesenyasan ang mga mata nito at ng driver.

          Bigla siyang kinabahan sa hindi malamang dahilan lalo na nang huminto ang sasakyan sa gilid ng kalsada.

          “Baba ka muna, Miss. Pupunta raw dito si Ma’am Margareth. May sasabihin.”

          “A-Ano raw pong sasabihin?”

“Hindi ko alam. Basta, baba na muna.”

          Atubili siyang lumabas habang mahigpit na hawak ang shoulder bag. Napansin ni Sofia na pasimpleng hinahawakan ng lalaki ang nakasuksok na baril sa baywang habang nagtatanguan ang dalawa sa loob.

          Kaya nang lumabas din ang dalawa sa Van ay humarabas siya ng takbo palayo.

          “P uta! Bumalik ka rito!”

          Tanging ilaw ng sasakyan at ang buwan sa langit ang nagbibigay ng liwanag sa liblib na lugar na iyon.

          “Tigil!”

          Napasigaw siya sa sakit nang madaplisan siya ng bala sa balikat. Dahil sa gulat ay hindi niya napansin ang matarik na daan kaya nadulas siya at gumulong na parang bola pababa.

          Lumagapak ang kanyang katawan sa mga bato at buhangin. Rinig niya ang alon mula sa dagat na sinasabayan ng mga pasigaw na mura ng mga humahabol sa kanya.

          Sapo ang dumudugong balikat, desperadong bumangon si Sofia para tumakbo ulit.

          “Ayun! T anginang babae!”

          Mahilu-hilo na si Sofia nang maramdaman ang malamig na tubig-dagat sa kanyang paa. Sunod-sunod ang putok ng baril ng mga lalaki kaya wala siyang nagawa kundi lumusong sa nagyeyelong tubig.

          Napaiyak siya sa hapdi na dulot ng tubig-alat sa kanyang sugat. Nangingilo siya at halos mawalan ng ulirat. Gayunpaman ay pinanatili niyang nakalublob ang sarili sa tubig habang naririnig ang paputol-putol at mahihinang usapan ng mga tauhan ni Ma’am Margareth.

          “Hindi na ‘yon mabubuhay. Malakas ang alon ngayon. Tinamaan pa sa balikat kaya siguradong mawawalan iyon ng malay at malulunod.”

          “Anong sasabihin natin kay Madam Marga?”

          “Ano pa? E di nadispatsa na natin. Hindi naman iyon maghahanap ng katawan. Tara na bago pa may makakita sa atin dito.”

           Naninigas na ang braso ni Sofia ngunit pinilit niyang ikampay iyon pati ang kanyang mga paa. Malaking tulong na laking-isla siya kaya sanay siya sa malalaking alon at ilalim ng dagat.

          Lupaypay na nakaahon siya sa batuhan na parte ng dalampasigan. Literal na hindi na siya nakagalaw matapos mapahiga roon, namumutla at halos hindi na humihinga.

          Hindi niya maintindihan kung bakit gusto siyang ipapatay ni Margareth gayong sinunod niya naman ang utos nito. Ilang taon siya at ang Nanay niya nagtiis sa poder ng mga Zaldivar—lubusan niyang naintindihan ngayon ang sinasabi noon ng Nanay niya na huwag siyang sumagot-sagot sa mga Zaldivar kahit inaapi na siya.

          Kay dali pala sa mga ito na magkitil ng buhay lalo na sa katulad niyang pobre.

Expandir
Siguiente capítulo
Descargar

Último capítulo

Más capítulos

A los lectores

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


reseñas

Saehyan m.
Saehyan m.
excited with the new story...
2026-11-05 12:46:02
0
0
digitaldazzle
digitaldazzle
wow may new story na ulit si ms. a ...️...️
2026-11-04 20:23:49
0
0
CellieA
CellieA
Wow may bago na nman aabangan.........
2026-11-04 18:49:01
0
0
10 Capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status