Share

CHAPTER 61- EYES WIDE OPEN

A Forbidden Affair

(MARCIELLA PERRER X ASHMER GUIECO)

Guieco Clan Series #2

***

["Marciella, please... Don't leave me. Hindi ko kaya."]

Nagpaulit-ulit iyon sa aking pandinig.

"Tita Marci, gising na po. Ang tagal mo namang matulog, eh. Hindi... Hindi ka na po nakakakain at nakakaligo," boses iyon ni Lyssa kung hindi ako nagkakamali. Marahan kong idinilat ang aking mga mata.

"Hala! Gising ka na po? Gising na po si Tita Marci!" tili pa ng bulilit.

Ilang araw na ba akong nakaratay dito? Huling naalala ko ay halos kunin na ako ng puting liwanag at kamuntikan na akong sumama kung hindi ko narinig ang pakiusap ni Ash na 'wag ko siyang iwan.

O baka guni-guni ko lang iyon?

"Gising na? Weh?" rinig kong sambit din ni Shane na nasa sofa at prenteng nakaupo habang nagpipindot ng cellphone niya.

"May migraine ako pero kapag naririnig ko 'yang tawa mo, feeling ko ay stage 4 brain tumor ang meron ako, eh! Ang sakit mo sa utak!" asik ni Beatrice habang may kausap sa cellphone. Kapapasok lang nito.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status