Share

CHAPTER 55- PRIVATE AGENT

Kasalukuyang nasa Interrogation Room na kami ngayon kasama si Harvey. Mukhang hindi naman siya nagulat ng sabihin ni Ash na may mga katanungan lang ito sa kanya dahil agad naman siyang sumama. Baka ang inaakala nito ay pag-uusapan nila ang tungkol sa panliligaw nito kay Shane.

Nasa tabi na rin ni Shane si Beatrice na walang imik mula nang magising ito. Habang nasa kabilang dulo naman si Mer. Napapagitnaan nila si Shane at Crystal.

"Ano bang tanong, Bro Ashmer? Bakit kailangan nandito rin sila?" usisa ni Harvey na ang tinutukoy ay kami.

Tumikhim ako at pinakatitigan siya. "Anong alam mo tungkol sa Snellenn?" direktang tanong ko.

Halata ang pagkabigla sa kanyang mga mata. Hindi agad nakaimik o di alam kung magsasalita pa ba siya.

"Speak Harvey," untag sa kanya ni Shane.

"B-bakit interesado kayo sa Snellenn?"

"Dahil may mga bagay kaming dapat malaman tungkol sa kanila na ikaw lang ang nakakaalam."

Inilapag ko sa kanyang harapan ang papel. Alanganing kinuha niya iyon, nasaksihan ko kung
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status