Share

CHAPTER 56- SECRET MISSION

Pilit ko na ikinalma ang aking sarili habang naghahanda para mamayang gabi. Hindi ako makakatulog ng hindi ko nasasapak si Gabriel.

Hindi na ako lumabas ng flat para kapag nawala ako dito ay iisipin nilang nasa loob lang ako. Dinampot ko ang aking phone at tinawagan si Shane.

"Marci?"

"Nasa bahay ba niya si Gabriel?"

"Kaninang 4:00 pm ay nahagip siyang camera na papasok sa loob kasama ang mga aliporos niya. Hindi pa yata sila umaalis, why?"

"Ah wala. Just checking." Pinutol ko na ang linya.

Nagpalit ako ng damit. Isinukbit ko sa aking bewang aking stun gun. Nilagyan ko ng protection gear ang kamay at tuhod ko.

Eksaktong 7:00 pm ay pasimple akong pumuslit sa camp. Hindi ako dumaan sa main gate dahil makikita ako nina Shines na nasa control room. Inakyat ko ang bakod palabas at ingat na ingat dahil naalala kong may alarm pala ang bawat sulok ng labas ng camp.

Matiwasay akong nakalabas. Ang problema ko ay ang sasakyan ko papuntang BV. Dali-dali akong naglakad papuntang phone station at
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status