CLOUD'S POV
Matapos ang kahangalan kong pagpunta sa ospital ay dumiretso na agad ako sa bahay namin, sa bahay ng aking ama. Magmula noong mamatay ang aking lola Miling ay dito na ako nanirahan, kasama ng aking amang umabandona sa akin noon, ang bago nitong asawa na si Lanie at ang dalawa nilang anak na sina Richard at Jackson. Nanirahan ako dito hindi dahil sa gusto ko, kundi dahil kailangan ko noong lumayo sa lugar na aking kinalakhan. Sa lugar na iyon na punong-puno ng masasakit na alaala. Dumiretso ako sa kusina at kumuha ng maiinom. Kailangan ko ng pampakalma at ito lamang ang naiisip ko na solusyon sa naguguluhan kong isip. Mabilis kong pinuno ng whiskey ang aking baso at inisang lagok iyon. FLASHBACK "Tapusin na natin 'to Cloud. Kesa naman mahirapan pa tayo. Mabait ka naman eh. Gwapo. Siguradong makakahanap ka pa ng ibang babaeng mamahalin. 'Yung mas mamahalin ka,” aniya na nakuha pang ngumiti habang sinasabi ang mga katagang iyon. "Mas mamahalin ako? Bakit Vier, hindi ka ba seryoso sa 'tin? Ano ba 'tong relasyon natin para sa'yo ha? Laro lang?" Muli itong ngumiti bago sumagot. "Bata pa naman tayo ah. Hindi natin kailangang maging seryoso agad sa relasyon ano! Pwede namang experiment muna di ba? Trials and errors, gano'n." Nagtiim ang bagang ko sa mga narinig mula sa kanya. Trials and errors? Ano ba'ng tingin niya sa akin? Buong-buo ang pagmamahal ko sa kanya at buong akala ko, sa loob ng mahabng panahon, ay ganoon din ang nararamdaman niya para sa akin. Ngunit hindi pala. Nagkamali ako. Akmang aalis na sana siya nang muli akong makabawi ng lakas ara magsalita. "What about our child?," tanong ko na siyang nagpahinto sa kanya sa paghakbang papalayo sa akin. "Nakita kitang bumili ng pregnancy kit last week. Nakita ko 'yung result na basta mo n lamang itinapon sa labas ng cr ng babae sa plaza," dismayado kong pagpapaalam sa kanya ng mga nakita ko ng araw na iyon na sinundan ko siya. Madilim sa parteng iyon ng eskinita pero kitang-kita ko 'yung takot at nangingilid niyang luha sa mga mata ng mga sandaling iyon. "Hindi ka makakaalis ng bansa sa kalagayan mo, Vier. Pa'no ka magsasayaw ha?" Nagsimula nang manginig ang mga kamay ko sa sobrang galit nang hindi pa siya sumagot at sa halip ay bigla na lang napaluha sa harapan ko. Hindi ko gusto ang tinatakbo ng isip ko nang mga sandaling iyon pero… "Sorry Cloud…… so-rry," paulit-ulit niyang hingi ng paumanhin habang nakatungo na hindi maiharap ang kanyang mukha sa akin. Hindi maawat ang pag-iyak niyapero hindi ako makaramdam ng kahit na konting awa para sa kanya. "Anong sorry? Sorry saan Vier?," tanong ko sa kanya habang pilit kong nilalabanan ang masamang bagay na iyon na naglalaro sa isip ko. Mahaba ang pasensya ko, pero hindi sa mga sandaling ito. "Intindihin mo na lang ako Cloud," aniya habang patuloy pa rin sa pagbagsak ang mga luha niya sa tila mabigat niyang dinadala. "Twenty-two pa lang ako, Cloud. Marami pa 'kong pangarap. Isa pa, kailangan ko ring tumayo para sa mga kapatid ko." Gumuhit ang mga linya sa noo ko habang litung-lito sa kung ano ba ang nais niyang iparating sa sinabi niyang iyon. "Ano'ng ginawa mo?," kalmado ngunit nakatiim ang bagang kong tanong sa kanya. "Ano'ng ginawa mo Vier?," pag-uulit ko sa mataas nang tono na halos magpatalon sa kanya sa pagkabigla. Pakiramdam ko rin ay lalabas na ang mga litid ko sa lalamunan sa lakas ng sigaw na iyon habang kinakain na ako ng matinding galit para sa kanya. "Wa-wala na." "Wala, ano'ng wala Vier! Ano—" Natigilan na lang ako nang tuluyan nang maproseso ng isip ko ang sinasabi niya. Hinablot ko ng buong pwersa ang dalawa niyang braso at kitang-kita ko ang sakit na nararamdaman niya sa lalo pang pagdiin ng pagkakahawak ko sa kanya. Pero walang-wala pa rin iyon sa nagwawalang galit na nararamdaman ko sa ginawa niya. She just killed his child! "Ang aga n'yan ah," bati sa akin ni Ric na dumeretso sa may ref para kumuha lang ng malamig na tubig at saka naupo sa tabi ko. "What is it?" He knows me too well. At alam niya agad na may kung anong gumugulo sa akin. Tatlong taon lang ang agwat ng edad namin at masasabi ko na halos magkapareho din ang ugali namin. We're both serious type of person, kaya marahil ay magkasundo kami. Kasundo ko rin naman niya si Jack, ang bunso, pero dahil na rin siguro sa pagiging outgoing niya kaya hindi ko siya madalas na makausap o makabonding. Di gaya nitong si Ric. "Girls?" Hindi ko na lang pinansin ang tanong niyang iyon at sa halip ay pinagmasdan ko na lang ang hawak kong baso na ngayon ay puno na muli ng alak. Pinaikot-ikot ko ang laman nito habang pilit kong tinatakasan ang imahe ni Vier na muli na namang naglalaro sa aking isipan. Narinig ko pa ang pagtawa ni Ric dahil marahil sa kakatwa kong hitsura at ginagawa ngayon. Agad rin naman siyang tumigil nang tingnan ko na siya ng masama. "Ano bang meron?," tanong niya out of curiosity. "I heard, nakabangga ka. 'Yon ba?" "I know them," saad ko na parang wala lang. "Hmmm. So, what's bothering you? Or should I say who?" Matalim na tingin ang muli kong isinagot sa kanya. Matalino si Ric. Mabait at matinong kausap. Sadyang may pagka-pakialamero nga lang kung minsan. And his question didn't help me. "It's Vier," walang-buhay ko nang tugon matapos matapos kong simsimin ang alak sa baso ko. Dahilan para mabulunan siya sa iniinom na tubig. Alam niya kasi ang lahat ng nangyari sa amin ni Vier. Naikwento ko 'yon sa kanya out of great madness nang minsang malasing ako noon. Halos hindi ko na alam ang gagawin ko noon at kailangan ko ng mapaghihingahan ng sitwasyon ko. At iyon nga ay si Ric. "Nagkita kayo?," tanong niya nang makabawi sa pag-ubo. "Hmm," tanging tugon ko lang. "How was it?" His comforting concern let me breathe a little lighter….. for a while. Until I realize what's really bothering me. "I, I want her."VIER'S POV Mabait itong si Ericka. Alam ko 'yon dahil unang kita ko pa lamang sa kanya ay nakagaanan ko kaagad siya ng loob.Gayunpaman ay hindi pa rin mababago ng kabaitan niya ang katotohanan na asawa niya pa rin si Archie Mendez, the worst Mendez I know."I know what happened," aniya nang makaupo kami sa dulong table dito sa restaurant. Dito na kami pumwesto para na rin hindi marinig na mga tao rito ang pag-uusapan namin. Nakaupo ako sa upuan na nakaharap kina Miss Claire at madalas na mahagip ng tingin ko ang pagmamasid niya sa amin ni Ericka. Lalo na sa akin. Parang nag-aalab ang mga tinging ipinupukol niya sa akin kaya sinikap kong panatilihing kalmado ang aking sarili. Iyon ay kahit pa mukhang alam ko na kung ano ang tinutukoy nitong si Ericka na nais niyang pag-usapan."Medyo ano kasi….," panimula ko na may halo pang pag-aalinlangan sa mga salitang maaari kong gamitin para ilarawan ang asawa niya sa harapan niya. "Medyo mabalasik pala 'yang asawa mo," pagtatapat ko sa kanya
VIER'S POV Late na akong naihatid ni Hector nang nagdaang gabi kaya dumiretso na ako sa kwarto at agad din namang nakatulog. Nagmamadali rin akong bumaba at napasarap naman ako ng tulog at hindi ko na namalayaan ang oras. Mag-aalas otso na pala kasi at laking pagtataka ko nang maabutan ko pa sa kusina ang mga kapatid ko. At abalang-abala pa sa pagtulong kay inay sa paggagayak nito ng almusal."Anong meron?," nakangiwi kong tanong sa mga ito."Maupo ka na lang d'yan," seryosong saad ni Allen matapos akong ipaghila ng aking uupuan. Lalo tuloy akong nahiwagaan sa kinikilos ng mgabkapatid ko kaya bumaling na lang ako kay inay na nang mga sandaling iyon ay abala naman sa isinasangag na kanin."'Nay, anong–""Saglit lang anak ha. Matatapos na ako rito," putol niya sa sasabihin ko. "Tophe, 'yung kape," baling niya kay Kristoph na bigla na lang sumulpot sa harapan ko at inihapag sa akin ang bagong timplang kape."Ano na namang meron?," tanong ko kay Tophe pero hindi ako pinansin at pinuntah
AUTHOR'S POV FLASHBACK, 2017 Magkakapit-bahay lamang sina Cloud at ang mag-bestfriend na sina Carol at Vier kaya naman naging close ang tatlo sa isa't-isa. Mas matanda si Cloud nang dalawang taon sa dalawang babae kaya naman kuya ang turing nila sa kanya. Kung minsan ay pinangangaralan din sila ni Cloud sa tuwing may mga kalokohan silang nagagawa na lagi din naman nilang pinapakinggan. Bukod pa doon ay si Cloud din ang nagsisilbing protektor, bodyguard at chaperon nila sa tuwing aabutin sila ng madaling-araw sa kung saang lugar kapag may mga dance contest silang sinasalihan. Hindi rin naman pulos ka-seryosohan lang itong si Cloud sa kanila. Paminsan-minsan ay kasama din nila ito sa kaharutan at kasama sa masasayang sandali ng kanilang kalokohan. Ang hindi alam ni Vier ay nagsimula na palang makaramdam ng malalim na pagtingin sa kanya si Cloud. Ngunit dahil na rin sa kawalan niya ng self-confidence ay hinayaan na lang niya sa sarili ang damdaming iyon at pinagpapasalamat na lama
VIER'S POV Hindi ko akalain na ganito ang magiging reaksyon ni Hector sa ibinunyag ko sa kanya kanina. Hindi lang pala siya basta-bastang gentleman lang, malawak din ang kanyang pang-unawa at hindi na niya minasama pa ang naging bunga ng aking nakaraang pagmamahal. Tunay nga siguro ang kasabihan na may bahagharing naghihintay sa dulo ng bawat bagyong ating pagdadaanan. At siya ang bahagharing iyon. Matapos kasi ang lahat-lahat ng sakit at pagluha ko, eh heto kami ngayon at masaya pa rin at magkasamang ineenjoy ang view dito sa mataas na bahagi ng Tagaytay habang mahigpit na magkayakap. Matapos ang madamdamin naming pag-uusap kanina ay niyaya na niya ako rito para naman daw makapag-unwined ako. Masyado na raw kasi yatang nai-stress ang kanyang reyna sa mga bagay-bagay. Idagdag pa ang hindi masyadong magandang unang pagkikita namin ng kanyang pamilya. Nawala na rin daw umano ang kilig ambiance sa inihanda niyang surprise lunch kanina na pambawi pala niya sa akin sa ginawa ng kany
VIER'S POV"Iwan n'yo na muna kami," pakiusap ko sa dalawang violinist na agad namang tumalima nang imuwestra sila ni Hector papalabas ng hall."Hon…," sambit niya habang nananatili pa rin ang kanyang mga kamay sa kamay ko. "Hon, please don't leave me," pagsusumamo niya kasabay ng tuluyan na ngang pagbagsak ng kanyang mga luha. Itinaas ko ang mga palad ko sa mukha niya para ako na mismo ang magpunas sa mga luhang iyon na lalo lang nagpapabigat sa aking damdamin. Napakabuti niyang tao at hindi niya deserve ang lumuha at masaktan nang dahil sa katulad ko."H'wag kang umiyak, please," pakiusap ko sa kanya na may panginginig pa sa aking boses na dala na rin ng takot at guilt sa loob ko. Ramdam ko rin na malapit nang bumagsak ang luha ko sa sobrang pagkahabag sa aking nobyo pero alam ko rin na kailangan kong maging matapang sa sandaling ito dahil kung hindi, paano ko pa tatanggapin ang posibleng reaksyon niya sa ipagtatapat ko?"May, may kailangan ka munang malaman Hector," saad ko na ti
CLOUD'S POV"Hello?," tugon ko nang isang unknown number ang bigla na lamang tumawag sa kalagitnaan pa naman ng pagluluto ko."Cloud, ano na ha?," iritadong tugon nito mula sa kabilang linya. Hindi ko alam kung matatawa ako sa bungad niya sa aking iyon o ano kaya napahilamos na lang ng mukha. Sinenyasan ko na rin si Kevin, ang isa pang chef dito para siya na ang magpatuloy sa niluluto ko"Ang sabi natulog ka raw sa kwarto ni– hmmm–ano," aniya na iniwasan na lang ang pagbanggit sa pangalan ni Vier. Sa pagkakaalam ko ay magkasama sila ngayon sa trabaho at malamang na alam ng lahat ng kanilang katrabaho ang relasyon ni Vier sa kanilang big boss."Anong nangyari ha? Meron ba?," pag-uusisa pa niya."Tsk tsk tsk, hindi ka pa rin talaga nagbabago Carol. Masyado ka pa ring usisera," sagot ko sa kanya habang hindi maiwasan ang matawa sa aming usapan."Ang bagal mo kasi eh," napahinto na ako sa sinabi niyang iyon. "Kung mas napaaga ka lang, eh 'di sana may comeback 'yung KAYO 'di ba?," panenerm