VIER'S POV
"Iwan n'yo na muna kami," pakiusap ko sa dalawang violinist na agad namang tumalima nang imuwestra sila ni Hector papalabas ng hall. "Hon…," sambit niya habang nananatili pa rin ang kanyang mga kamay sa kamay ko. "Hon, please don't leave me," pagsusumamo niya kasabay ng tuluyan na ngang pagbagsak ng kanyang mga luha. Itinaas ko ang mga palad ko sa mukha niya para ako na mismo ang magpunas sa mga luhang iyon na lalo lang nagpapabigat sa aking damdamin. Napakabuti niyang tao at hindi niya deserve ang lumuha at masaktan nang dahil sa katulad ko. "H'wag kang umiyak, please," pakiusap ko sa kanya na may panginginig pa sa aking boses na dala na rin ng takot at guilt sa loob ko. Ramdam ko rin na malapit nang bumagsak ang luha ko sa sobrang pagkahabag sa aking nobyo pero alam ko rin na kailangan kong maging matapang sa sandaling ito dahil kung hindi, paano ko pa tatanggapin ang posibleng reaksyon niya sa ipagtatapat ko? "May, may kailangan ka munang malaman Hector," saad ko na tinanguan lang niya at walang imik nang naupo sa isa sa mga silya roon. Pumwesto naman ako sa karatig na upuan. Ngunit 'di na siya gaya ng nakasanayan ko sa kanya. Wala na ang pala-ngiting Hector na palaging nagpapasaya sa akin lalo na sa mga sandaling alam niyang may pinoproblema ako. Walang kahit anong mababanaag na emosyon sa kanyang mukha ngayon habang tahimik lang siyang naghihintay na muli akong magsalita. Sobrang lamig ng pakikitungo niyang iyon sa akin at sa totoo lang ay hindi iyon kinakaya ng kalooban ko at lalong dumaragdag sa kaba ko. Bago ko ilahad sa kanya ang lahat-lahat ay tahimik akong napadasal ng isang mahinang panalangin na ang laman ay ang kaayusan ng aming relasyon. Kahit pa nga alam ko na medyo imposible ang isang iyon. "May hindi ka pa alam tungkol sakin," pagsisimula ko ngunit nanatili pa rin siyang walang imik. Gayunpaman ay alam ko naman na nakikinig siyang mabuti sa lahat ng sinasabi ko. "Sana maunawaan mo na.. na hindi ko naman 'to pinlanong ilihim sa'yo. Sadyang naduwag lang ako noon." Muli kong siyang tinitigan at mukhang wala namang pagbabago sa kanyang reaksyon. Blangko pa rin ang kanyang mukha. "May… may anak na ako Hector," paglalahad ko kasabay ng pagbagsak na ng aking luha na kanina ko pa pinipigil. CAROL'S POV "Ano na ngayon ang plano mo?," tanong ko kay Cloud habang pauwe kami sa bahay. Hindi ko kasama ngayon si Vier. Matapos kasi siyang sunduin kanina ni Grace ay saglit na lang siyang bumalik sa restaurant para lang kunin ang kanyang mga gamit at umalis na ulit. Wala akong makakasabay sa pag-uwe. Delikado pa namang magbyahe ng ganitong oras sa panahon ngayon kaya tinawagan ko na 'tong lalaking ito para ihatid ako. At syempre, para na rin malaman ko kung ano na nga ba ang sitwasyon at estado ng kanilang relasyon. At kung ano na ba ang plano niya ngayon sa kaibigan ko. Wala naman akong masamang tinapay kay Hector. Mabuti naman siyang tao. Mabuting lalaki. Maalaga din siya sa bestfriend ko, pati na nga rin sa akin eh. Kaso nga lang hinding-hindi niya matutumbasan ang pagmamahal na meron si Cloud para kay Vier. At kahit na sinagot na siya ni Vier, hindi ko pa rin makita o maramdaman mula sa kaibigan ko 'yung saya at matinding kilig na kahit wala siyang sabihin ay nararamdaman ko noong sila pa ni Cloud. "Hindi ko pa alam eh," sagot lang niya na para namang wala na siyang pake. "Hindi mo na ba mahal si Vier?," diretsahan ko nang tanong sa kanya. Ayoko kasing magpaligoy-ligoy pa lalo pa ngayon at may ibang tao nang nakapasok at nakapagitan sa kanilang dalawa. "Mahal mo siya 'di ba? Kasi kung hindi, bakit ka nandito." Mukha namang ayos lang siya noong una pero unti-unti ring nagbago ang tingin ko sa kanya habang pilit kong pinapasok sa usapan ang patungkol sa kanila ni Vier. Hindi na 'ata niya kinaya pa ang katotohanan na malinaw na nakalahad sa aming dalawa. Idagdag pa ang walang preno kong dila at itinabi na niya sa may gilid ang kotse at tahimik lang siya habang nakahinto kami roon. "I don't know," sabi niya habang nananatili pa ring nakatulala sa kawalan. "Kasalanan ko rin naman Carol," dagdag pa niya habang pilit na pinipigil ang emosyon na kitang-kita ko naman sa kanyang mga mata. "Kung… kung sana lang ay mas naging malawak ang pang-unawa ko sa kanya sa simula pa lamang, eh 'di sana hindi kami umabot sa ganito," aniya at tuluyan na lang na isinalampak ang kanyang katawan sa sandalan. "Tama ka," may halong inis kong pagsang-ayon sa sinabi niya at hindi ko na nga napigilan pang ibuhos ang inis ko sa kanya at tuluyan nang umalagwa sa dila ko ang panenermon ko sa kanya. "Kung sana kasi inintindi mo 'yung rason ng kaibigan ko sa pag-alis niya, eh 'di sana walang hiwalayang nangyari 'di ba? Eh di sana masaya pa rin kayo hanggang ngayon. Hindi 'yong ganito oh." "Pero hindi naman ako ang nakipaghiwalay sa kanya. Siya 'yon," paglilinaw niya na siyang ikinagulat ko. Sa pagkakaalala ko, si Vier itong halos mamatay kakaiyak sa akin dahil nga sa paghihiwalay nilang dalawa. Samantalang itong si Cloud ay parang wala lang na bigla na lamang umalis na wala man lang sinabi o pagpapahiwatig man lang na kahit papaano ay nasaktan siya sa kanilang hiwalayan. Kaya naman buong akala ko at sa loob ng apat na taon ay pinaniwalaan ko na itong si Cloud ang tumapos sa kanilang relasyon. "Si Vier? Pero bakit? Hindi 'yon gagawin ni Vier, Cloud. Alam mo 'yon. Masyado ka niyang mahal para—" "Dahil kay George," putol niya sa mga sinasabi ko na lalo lang nagpagulo na nalilito ko nang utak. "Sinong George?," takang-tanong ko sa kanya saka ko siya hinapit sa kanyang braso para humarap siya sa 'kin. "Sinasabi mo bang may ibang lalaki ang kaibigan ko?," irita kong tanong sa kanya. "Sinusubukan mo bang siraan sakin ang kaibigan ko?," sabi ko sabay hagalpak ng pakunwari. Oo at matagal siyang napalayo sa amin pero hindi ko naman akalain na magiging ganitong klaseng tao na siya. Malayong-malayo na siya sa Cloud na nakilala ko. Hindi ko na alam kung anong dapat ko pang sabihin kaya tumanaw na lang ako sa labas ng sasakyan. Binuksan ko na rin ang bintana para naman makalanghap ako ng sariwang hangin at baka sakaling maalis pa ang pika ko sa lalaking ito. "Mukhang hindi rin niya sinabi sa 'yo." "Tumigil ka na Cloud ha," pigil ko na sa kanya at sa mga mapanirang salita na maaari pa niyang sabihin tungkol kay Vier. "Alam mo, gusto ko sana kayong magkabalikan eh. Kasi akala ko mahal n'yo pa ang isa't-isa. Pero sa inaasta mo ngayon, wag na lang!," may diin kong pagbabanta sa kanya nang hindi na muli siyang nilingon. "Anak namin si George." Sa puntong iyon ay mangha akong napalingon sa kanya. Mukha naman siyang seryoso sa kanyang sinabi, pero anak? "Tigilan mo 'ko Cloud ha. May an—" Bago ko pa maipagtuloy ang sasabihin ko ay inilapit niya sa akin ang isang wallet sized na larawan ng isang bata. At nanlaki ang mga mata ko nang mapagmasdan ang kanyang hitsura. Kinuha ko pa iyon kay Cloud para mas malinaw ko iyong makita. Nagpalipat-lipat pa ang tingin ko sa kanya at sa bata sa larawan. Kamukhang-kamukha nga niya. "Eh kung mag-date kaya ulit kayo?"VIER'S POV Mabait itong si Ericka. Alam ko 'yon dahil unang kita ko pa lamang sa kanya ay nakagaanan ko kaagad siya ng loob.Gayunpaman ay hindi pa rin mababago ng kabaitan niya ang katotohanan na asawa niya pa rin si Archie Mendez, the worst Mendez I know."I know what happened," aniya nang makaupo kami sa dulong table dito sa restaurant. Dito na kami pumwesto para na rin hindi marinig na mga tao rito ang pag-uusapan namin. Nakaupo ako sa upuan na nakaharap kina Miss Claire at madalas na mahagip ng tingin ko ang pagmamasid niya sa amin ni Ericka. Lalo na sa akin. Parang nag-aalab ang mga tinging ipinupukol niya sa akin kaya sinikap kong panatilihing kalmado ang aking sarili. Iyon ay kahit pa mukhang alam ko na kung ano ang tinutukoy nitong si Ericka na nais niyang pag-usapan."Medyo ano kasi….," panimula ko na may halo pang pag-aalinlangan sa mga salitang maaari kong gamitin para ilarawan ang asawa niya sa harapan niya. "Medyo mabalasik pala 'yang asawa mo," pagtatapat ko sa kanya
VIER'S POV Late na akong naihatid ni Hector nang nagdaang gabi kaya dumiretso na ako sa kwarto at agad din namang nakatulog. Nagmamadali rin akong bumaba at napasarap naman ako ng tulog at hindi ko na namalayaan ang oras. Mag-aalas otso na pala kasi at laking pagtataka ko nang maabutan ko pa sa kusina ang mga kapatid ko. At abalang-abala pa sa pagtulong kay inay sa paggagayak nito ng almusal."Anong meron?," nakangiwi kong tanong sa mga ito."Maupo ka na lang d'yan," seryosong saad ni Allen matapos akong ipaghila ng aking uupuan. Lalo tuloy akong nahiwagaan sa kinikilos ng mgabkapatid ko kaya bumaling na lang ako kay inay na nang mga sandaling iyon ay abala naman sa isinasangag na kanin."'Nay, anong–""Saglit lang anak ha. Matatapos na ako rito," putol niya sa sasabihin ko. "Tophe, 'yung kape," baling niya kay Kristoph na bigla na lang sumulpot sa harapan ko at inihapag sa akin ang bagong timplang kape."Ano na namang meron?," tanong ko kay Tophe pero hindi ako pinansin at pinuntah
AUTHOR'S POV FLASHBACK, 2017 Magkakapit-bahay lamang sina Cloud at ang mag-bestfriend na sina Carol at Vier kaya naman naging close ang tatlo sa isa't-isa. Mas matanda si Cloud nang dalawang taon sa dalawang babae kaya naman kuya ang turing nila sa kanya. Kung minsan ay pinangangaralan din sila ni Cloud sa tuwing may mga kalokohan silang nagagawa na lagi din naman nilang pinapakinggan. Bukod pa doon ay si Cloud din ang nagsisilbing protektor, bodyguard at chaperon nila sa tuwing aabutin sila ng madaling-araw sa kung saang lugar kapag may mga dance contest silang sinasalihan. Hindi rin naman pulos ka-seryosohan lang itong si Cloud sa kanila. Paminsan-minsan ay kasama din nila ito sa kaharutan at kasama sa masasayang sandali ng kanilang kalokohan. Ang hindi alam ni Vier ay nagsimula na palang makaramdam ng malalim na pagtingin sa kanya si Cloud. Ngunit dahil na rin sa kawalan niya ng self-confidence ay hinayaan na lang niya sa sarili ang damdaming iyon at pinagpapasalamat na lama
VIER'S POV Hindi ko akalain na ganito ang magiging reaksyon ni Hector sa ibinunyag ko sa kanya kanina. Hindi lang pala siya basta-bastang gentleman lang, malawak din ang kanyang pang-unawa at hindi na niya minasama pa ang naging bunga ng aking nakaraang pagmamahal. Tunay nga siguro ang kasabihan na may bahagharing naghihintay sa dulo ng bawat bagyong ating pagdadaanan. At siya ang bahagharing iyon. Matapos kasi ang lahat-lahat ng sakit at pagluha ko, eh heto kami ngayon at masaya pa rin at magkasamang ineenjoy ang view dito sa mataas na bahagi ng Tagaytay habang mahigpit na magkayakap. Matapos ang madamdamin naming pag-uusap kanina ay niyaya na niya ako rito para naman daw makapag-unwined ako. Masyado na raw kasi yatang nai-stress ang kanyang reyna sa mga bagay-bagay. Idagdag pa ang hindi masyadong magandang unang pagkikita namin ng kanyang pamilya. Nawala na rin daw umano ang kilig ambiance sa inihanda niyang surprise lunch kanina na pambawi pala niya sa akin sa ginawa ng kany
VIER'S POV"Iwan n'yo na muna kami," pakiusap ko sa dalawang violinist na agad namang tumalima nang imuwestra sila ni Hector papalabas ng hall."Hon…," sambit niya habang nananatili pa rin ang kanyang mga kamay sa kamay ko. "Hon, please don't leave me," pagsusumamo niya kasabay ng tuluyan na ngang pagbagsak ng kanyang mga luha. Itinaas ko ang mga palad ko sa mukha niya para ako na mismo ang magpunas sa mga luhang iyon na lalo lang nagpapabigat sa aking damdamin. Napakabuti niyang tao at hindi niya deserve ang lumuha at masaktan nang dahil sa katulad ko."H'wag kang umiyak, please," pakiusap ko sa kanya na may panginginig pa sa aking boses na dala na rin ng takot at guilt sa loob ko. Ramdam ko rin na malapit nang bumagsak ang luha ko sa sobrang pagkahabag sa aking nobyo pero alam ko rin na kailangan kong maging matapang sa sandaling ito dahil kung hindi, paano ko pa tatanggapin ang posibleng reaksyon niya sa ipagtatapat ko?"May, may kailangan ka munang malaman Hector," saad ko na ti
CLOUD'S POV"Hello?," tugon ko nang isang unknown number ang bigla na lamang tumawag sa kalagitnaan pa naman ng pagluluto ko."Cloud, ano na ha?," iritadong tugon nito mula sa kabilang linya. Hindi ko alam kung matatawa ako sa bungad niya sa aking iyon o ano kaya napahilamos na lang ng mukha. Sinenyasan ko na rin si Kevin, ang isa pang chef dito para siya na ang magpatuloy sa niluluto ko"Ang sabi natulog ka raw sa kwarto ni– hmmm–ano," aniya na iniwasan na lang ang pagbanggit sa pangalan ni Vier. Sa pagkakaalam ko ay magkasama sila ngayon sa trabaho at malamang na alam ng lahat ng kanilang katrabaho ang relasyon ni Vier sa kanilang big boss."Anong nangyari ha? Meron ba?," pag-uusisa pa niya."Tsk tsk tsk, hindi ka pa rin talaga nagbabago Carol. Masyado ka pa ring usisera," sagot ko sa kanya habang hindi maiwasan ang matawa sa aming usapan."Ang bagal mo kasi eh," napahinto na ako sa sinabi niyang iyon. "Kung mas napaaga ka lang, eh 'di sana may comeback 'yung KAYO 'di ba?," panenerm