Beranda / Romance / A Great Love's Vengeance / Chapter 54: A HIDDEN TRUTH

Share

Chapter 54: A HIDDEN TRUTH

Penulis: Mawi
last update Terakhir Diperbarui: 2024-08-01 14:53:37

VIER'S POV

 Mabait itong si Ericka. Alam ko 'yon dahil unang kita ko pa lamang sa kanya ay nakagaanan ko kaagad siya ng loob.

Gayunpaman ay hindi pa rin mababago ng kabaitan niya ang katotohanan na asawa niya pa rin si Archie Mendez, the worst Mendez I know.

"I know what happened," aniya nang makaupo kami sa dulong table dito sa restaurant. Dito na kami pumwesto para na rin hindi marinig na mga tao rito ang pag-uusapan namin.

 Nakaupo ako sa upuan na nakaharap kina Miss Claire at madalas na mahagip ng tingin ko ang pagmamasid niya sa amin ni Ericka. Lalo na sa akin. Parang nag-aalab ang mga tinging ipinupukol niya sa akin kaya sinikap kong panatilihing kalmado ang aking sarili. Iyon ay kahit pa mukhang alam ko na kung ano ang tinutukoy nitong si Ericka na nais niyang pag-usapan.

"Medyo ano kasi….," panimula ko na may halo pang pag-aalinlangan sa mga salitang maaari kong gamitin para ilarawan ang asawa niya sa harapan niya. "Medyo mabalasik pala 'yang asawa mo," pagtatapat ko sa kanya na sinundan ko ng isang bahagyanang pagtawa para pagaanin ng kaunti ang dating ng sinabi kong iyon.

"Alam ko na mahirap unawain itong sasabihin ko pero hindi ganoon si Archie, Vier. Hindi siya masama gaya ng iniisip mo," pagtatanggol niya syempre sa kanyang asawa.

"Hindi mo yata ako nauunawaan Ericka eh. Sinaktan ako ng asawa mo, alam mo ba 'yun?" Sa puntong iyon ay bahagya nang tumaas ang damdamin ko sa nagiging takbo ng aming usapan. Napatungo na lamang siya ngunit mukhang hindi na rin naman nabigla sa kanyang narinig. "Alam mo din ang tungkol do'n?," tanong ko na siyang sinagot lang niya ng simpleng ngiti ng pagsang-ayon.

 Hindi ko na tuloy alam kung tama ba ang pagkakatantya ko sa ugaling meron siya. O baka naman mali ang pagkilatis sa kanyang ugali at pagkatao gaya na lang ng pagkakakilatis ko sa mga taong dumaan sa aking buhay. 

 Dismayadong iniikot ko sa paligid ang tingin ko para lang iiwas sa kanya, pero isang matalim na tingin pa rin ang natagpuan ko sa katauhan naman ni Miss Claire. 'Ano ba namang buhay ito,' naibulong ko na lang sa sarili ko habang ibinabalik ang tingin ko sa aking kaharap.

"I'm really sorry for what he did, Vier. Pero hindi siya masama. Minsan nga lang talaga eh hindi niya nakokontrol ang sarili niya lalo na 'pag nagagalit siya. But, Vier, believe me, he only wants the best," hinging-paumanhin niya pero may kasama yata iyong panglalait sa dulo.

"He wants the best for his brother kaso nga lang ako ang nakuha niya, 'yun ba ang ibig mong sabihin?," matapang kong tanong sa kanya habang pilit na kinokontrol ang patuloy na tumataas kong emosyon sa pagkagat ng ngipin ko.

"Hindi, hindi gano'n Vier," depensa pa niya. "Archie told me everything. Everything Vier. And I agree with you na mali 'yung ginawa niya. Minsan kasi talaga nagiging harsh siya, but Vier, you have to listen to him. He wants the best for Hector at pati na rin sa 'yo."

"Bakit Ericka?," diretsahan kong tanong sa kanya. "Alam ko, kitang-kita ko naman eh, na malayo 'yung estado ng buhay ko sa pedestal na kinatatayuan n'yo. Pero sa tingin n'yo ba talaga ay rason 'yon para hindi kami maging mabuti para sa isa't-isa ha?"

"Calm down, Vier. Calm down," aniya na nananatili pa ring mahinahon sa aming usapan. "Hindi mo 'ko kaaway, okay? And please, don't misunderstood. Hindi ako pumunta rito para ipagtanggol ang asawa ko sa nagawa niya sa 'yo. I'm here para sabihin sa 'yo na sana makinig ka kay Archie. Iniisip lang niya ng kapakanan mo."

 Mukha naman siyang matalino at edukado, pero hindi ko malaman kung saang bahagi o alin sa mga sinabi ni Archie sa akin, na sinasabi niya na alam niya rin naman, ang sinasabi niya na para rin naman daw sa kapakanan ko.

"Ericka, ilang araw na rin kasi akong hindi nakakapagtrabaho ng tama sa oras. Baka masisante na ako rito. Buti pa sa ibang araw na lang tayo mag-usap," pagdadahilan ko na lang para lang matapos na ang walang patutunguhang usapan naming ito. "Kanina pa nga masama ang tingin sa 'kin ni Miss Claire eh," dagdag ko pa saka nauna na akong umalis sa table na inokupa namin.

 Nagtungo na ako sa isang mesa na kasalukuyang inihahanda ng mga kasamahan ko at tumulong na ako roon. Tutal at dito naman ako nababagay gaya na rin ng paulit-ulit na ipinapahiwatig sa akin ng pamilya ni Hector. Hindi na din naman nagtagal pa roon si Ericka at umalis na lamang nang makitang abala na ako sa aking trabaho.

CLOUD'S POV

"So, it's true? Umalis ka nga ng hindi man lang nagpaalam," bungad na pagdadrama sa akin nitong si Ric na tumawag sa akin para lang ikumpirma kung wala nga ba talaga ako sa Ilocos gaya ng sinabi sa kanya ni Steffano.

 Ayon sa kanya ay pumunta siya sa Jupiter's nang nagdaang gabi para sana sa wakas ay ipakilala na niya sa akin ang kanyang girlfriend. Mukhang tinamaan ng husto ang kapatid ko sa babaeng iyon at nais pang ipakilala sa akin. Kaso nga lang ay wala naman ako roon.

"I'm here for a reason Ric," sagot ko sa kanya habang abala rin ang isa pang kamay ko sa aking laptop.

"Ugh, don't tell me you're still chasing that woman," diskumpyado niyang saad sa kabilang linya. "For what?"

"For her…."

"You're really crazy."

"... and for our child," dagdag ko sa aking sagot na sinadya ko talagang putulin para asarin siya. Hindi ko tuloy mapigilan ang tahimik na mapahagikhik nang agad nga siyang mahulog at matigilan sa pagsasalita ng dahil sa narinig.

"No…. No, bro. It must be a joke o baka nga nababaliw ka na," aniya sa nagpipigil na inis at pagkabwisit sa akin. "At binuntis mo pa talaga? Again?"

 Kasunod nito ay ang malalim niyang pagbuntung-hiniga dala ng matinding frustration sa narinig.

"Hindi ka na nadala!," pangaral niya pa sa akin na akala mo ay siya itong mas matanda sa aming dalawa.

"Ric, makikita ko na siya mamaya," pahayag ko sa magkahalong saya at excitement habang maluha-luha ko iyong sinasabi.

"Mamaya?," napangiti pa 'ko habang iniimagine kung gaano karaming linya ang nakapinta ngayon sa noo niya base na rin sa kanyang tono.

"Yes, Ric. Hindi totoong pina***lag ni Vier ang anak namin. Itinago niya lang sa akin ang totoo at mamaya darating na siya dito sa Pinas," emosyonal kong saad.

 Hindi na kasi nagawang makapagpigil pa ni Carol at pinilit ako na ipagtapat na namin kina nanay Ester ang tungkol kay George. Karapatan naman talaga nina nanay na malaman ang tungkol sa kanyang apo pero alam ko rin na hindi ako ang dapat na magsabi noon sa kanila kaya hindi pa rin ako napapayag ni Carol sa gusto niyang gawin. Ngunit nang sabihin niya na maaari kaming matulungan nina Allen upang malaman ang posibleng kinaroroonan ng anak ko ay kaagad din na nagbago ang isip ko at agad na akong pumayag kahit pa maaari iyong ikagalit sa akin ni Vier.

 Masyado na 'kong excited na makita ang aking anak para tanggihan pa ang panunuhol na iyon ni Carol.

 At gaya nga ng inasahan na rin namin ay labis na pagkabigla ang unang naging reaksyon nina nanay Ester at pati na rin ng magkakapatid. Pagkabigla na agad din namang napalitan ng tuwa matapos nilang maproseso sa kanilang mga sarili ang pinaalam namin.

 Nagkakaisa kami sa kasabikan na makapiling namin si George kaya naman hindi na kami nag-aksaya pa ng panahon at pinagtulungan na naming hanapin sa internet ang malamang ay kinaroroonan ngayon ni George gamit ang mga impormasyon na nakuha namin mula sa employment papers ni Vier na hinalungkat pa namin sa kanyang kwarto.

 Lahat yata ng pangalan na nakita namin sa mga papeles niya ay sinearch namin sa internet hanggang sa makarating kami sa profile ng isang nagngangalang Cynthia. Naka-lock ang social media account nito pero agad naming nasigurado na nasa pangangalaga niya ang anak ko dahil sa profile photo niya kung saan masaya niyang kayakap ang ubod ng pogi kong anak.

 Walang pag-aalinlangan naming tinawagan ang naturang babae at laking pasasalamat namin dahil kilala pala niya ang buong pamilya ni Vier. Maging si George na ipinakausap rin niya sa amin sa naturang video call ay pamilyar na pamilyar din sa mukha ng kanyang lola Ester at knyang mga tito. Nakilala rin niya si Carol. Ako nga lang 'ata ang nakalimutang ipakilala ni Vier sa aming anak. Pero hindi na 'yon mahalaga sa ngayon dahil oras na lang din naman ang binibilang ko bago ko siya makapiling at mahawakan ng personal matapos naming makumbinsi si Cynthia na iuwe na ng bansa si George.

"Ric, tatay na talaga ako!"

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (2)
goodnovel comment avatar
Mawi
salamat po sa patuloy na pagsubaybay
goodnovel comment avatar
Eduardo Soriano
more update
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 54: A HIDDEN TRUTH

    VIER'S POV Mabait itong si Ericka. Alam ko 'yon dahil unang kita ko pa lamang sa kanya ay nakagaanan ko kaagad siya ng loob.Gayunpaman ay hindi pa rin mababago ng kabaitan niya ang katotohanan na asawa niya pa rin si Archie Mendez, the worst Mendez I know."I know what happened," aniya nang makaupo kami sa dulong table dito sa restaurant. Dito na kami pumwesto para na rin hindi marinig na mga tao rito ang pag-uusapan namin. Nakaupo ako sa upuan na nakaharap kina Miss Claire at madalas na mahagip ng tingin ko ang pagmamasid niya sa amin ni Ericka. Lalo na sa akin. Parang nag-aalab ang mga tinging ipinupukol niya sa akin kaya sinikap kong panatilihing kalmado ang aking sarili. Iyon ay kahit pa mukhang alam ko na kung ano ang tinutukoy nitong si Ericka na nais niyang pag-usapan."Medyo ano kasi….," panimula ko na may halo pang pag-aalinlangan sa mga salitang maaari kong gamitin para ilarawan ang asawa niya sa harapan niya. "Medyo mabalasik pala 'yang asawa mo," pagtatapat ko sa kanya

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 53: AN ODD MORNING

    VIER'S POV Late na akong naihatid ni Hector nang nagdaang gabi kaya dumiretso na ako sa kwarto at agad din namang nakatulog. Nagmamadali rin akong bumaba at napasarap naman ako ng tulog at hindi ko na namalayaan ang oras. Mag-aalas otso na pala kasi at laking pagtataka ko nang maabutan ko pa sa kusina ang mga kapatid ko. At abalang-abala pa sa pagtulong kay inay sa paggagayak nito ng almusal."Anong meron?," nakangiwi kong tanong sa mga ito."Maupo ka na lang d'yan," seryosong saad ni Allen matapos akong ipaghila ng aking uupuan. Lalo tuloy akong nahiwagaan sa kinikilos ng mgabkapatid ko kaya bumaling na lang ako kay inay na nang mga sandaling iyon ay abala naman sa isinasangag na kanin."'Nay, anong–""Saglit lang anak ha. Matatapos na ako rito," putol niya sa sasabihin ko. "Tophe, 'yung kape," baling niya kay Kristoph na bigla na lang sumulpot sa harapan ko at inihapag sa akin ang bagong timplang kape."Ano na namang meron?," tanong ko kay Tophe pero hindi ako pinansin at pinuntah

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 52: THE OLD DAYS

    AUTHOR'S POV FLASHBACK, 2017 Magkakapit-bahay lamang sina Cloud at ang mag-bestfriend na sina Carol at Vier kaya naman naging close ang tatlo sa isa't-isa. Mas matanda si Cloud nang dalawang taon sa dalawang babae kaya naman kuya ang turing nila sa kanya. Kung minsan ay pinangangaralan din sila ni Cloud sa tuwing may mga kalokohan silang nagagawa na lagi din naman nilang pinapakinggan. Bukod pa doon ay si Cloud din ang nagsisilbing protektor, bodyguard at chaperon nila sa tuwing aabutin sila ng madaling-araw sa kung saang lugar kapag may mga dance contest silang sinasalihan. Hindi rin naman pulos ka-seryosohan lang itong si Cloud sa kanila. Paminsan-minsan ay kasama din nila ito sa kaharutan at kasama sa masasayang sandali ng kanilang kalokohan. Ang hindi alam ni Vier ay nagsimula na palang makaramdam ng malalim na pagtingin sa kanya si Cloud. Ngunit dahil na rin sa kawalan niya ng self-confidence ay hinayaan na lang niya sa sarili ang damdaming iyon at pinagpapasalamat na lama

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 51: STILL LOVING YOU

    VIER'S POV Hindi ko akalain na ganito ang magiging reaksyon ni Hector sa ibinunyag ko sa kanya kanina. Hindi lang pala siya basta-bastang gentleman lang, malawak din ang kanyang pang-unawa at hindi na niya minasama pa ang naging bunga ng aking nakaraang pagmamahal. Tunay nga siguro ang kasabihan na may bahagharing naghihintay sa dulo ng bawat bagyong ating pagdadaanan. At siya ang bahagharing iyon. Matapos kasi ang lahat-lahat ng sakit at pagluha ko, eh heto kami ngayon at masaya pa rin at magkasamang ineenjoy ang view dito sa mataas na bahagi ng Tagaytay habang mahigpit na magkayakap. Matapos ang madamdamin naming pag-uusap kanina ay niyaya na niya ako rito para naman daw makapag-unwined ako. Masyado na raw kasi yatang nai-stress ang kanyang reyna sa mga bagay-bagay. Idagdag pa ang hindi masyadong magandang unang pagkikita namin ng kanyang pamilya. Nawala na rin daw umano ang kilig ambiance sa inihanda niyang surprise lunch kanina na pambawi pala niya sa akin sa ginawa ng kany

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 50: UNFOLDING THEIR SECRETS

    VIER'S POV"Iwan n'yo na muna kami," pakiusap ko sa dalawang violinist na agad namang tumalima nang imuwestra sila ni Hector papalabas ng hall."Hon…," sambit niya habang nananatili pa rin ang kanyang mga kamay sa kamay ko. "Hon, please don't leave me," pagsusumamo niya kasabay ng tuluyan na ngang pagbagsak ng kanyang mga luha. Itinaas ko ang mga palad ko sa mukha niya para ako na mismo ang magpunas sa mga luhang iyon na lalo lang nagpapabigat sa aking damdamin. Napakabuti niyang tao at hindi niya deserve ang lumuha at masaktan nang dahil sa katulad ko."H'wag kang umiyak, please," pakiusap ko sa kanya na may panginginig pa sa aking boses na dala na rin ng takot at guilt sa loob ko. Ramdam ko rin na malapit nang bumagsak ang luha ko sa sobrang pagkahabag sa aking nobyo pero alam ko rin na kailangan kong maging matapang sa sandaling ito dahil kung hindi, paano ko pa tatanggapin ang posibleng reaksyon niya sa ipagtatapat ko?"May, may kailangan ka munang malaman Hector," saad ko na ti

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 49: THAT KIND OF LOVE

    CLOUD'S POV"Hello?," tugon ko nang isang unknown number ang bigla na lamang tumawag sa kalagitnaan pa naman ng pagluluto ko."Cloud, ano na ha?," iritadong tugon nito mula sa kabilang linya. Hindi ko alam kung matatawa ako sa bungad niya sa aking iyon o ano kaya napahilamos na lang ng mukha. Sinenyasan ko na rin si Kevin, ang isa pang chef dito para siya na ang magpatuloy sa niluluto ko"Ang sabi natulog ka raw sa kwarto ni– hmmm–ano," aniya na iniwasan na lang ang pagbanggit sa pangalan ni Vier. Sa pagkakaalam ko ay magkasama sila ngayon sa trabaho at malamang na alam ng lahat ng kanilang katrabaho ang relasyon ni Vier sa kanilang big boss."Anong nangyari ha? Meron ba?," pag-uusisa pa niya."Tsk tsk tsk, hindi ka pa rin talaga nagbabago Carol. Masyado ka pa ring usisera," sagot ko sa kanya habang hindi maiwasan ang matawa sa aming usapan."Ang bagal mo kasi eh," napahinto na ako sa sinabi niyang iyon. "Kung mas napaaga ka lang, eh 'di sana may comeback 'yung KAYO 'di ba?," panenerm

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status