AUTHOR'S POV
FLASHBACK, 2017 Magkakapit-bahay lamang sina Cloud at ang mag-bestfriend na sina Carol at Vier kaya naman naging close ang tatlo sa isa't-isa. Mas matanda si Cloud nang dalawang taon sa dalawang babae kaya naman kuya ang turing nila sa kanya. Kung minsan ay pinangangaralan din sila ni Cloud sa tuwing may mga kalokohan silang nagagawa na lagi din naman nilang pinapakinggan. Bukod pa doon ay si Cloud din ang nagsisilbing protektor, bodyguard at chaperon nila sa tuwing aabutin sila ng madaling-araw sa kung saang lugar kapag may mga dance contest silang sinasalihan. Hindi rin naman pulos ka-seryosohan lang itong si Cloud sa kanila. Paminsan-minsan ay kasama din nila ito sa kaharutan at kasama sa masasayang sandali ng kanilang kalokohan. Ang hindi alam ni Vier ay nagsimula na palang makaramdam ng malalim na pagtingin sa kanya si Cloud. Ngunit dahil na rin sa kawalan niya ng self-confidence ay hinayaan na lang niya sa sarili ang damdaming iyon at pinagpapasalamat na lamang niya na kahit pa hindi man niya masabi sa dalaga ang kanyang pag-ibig rito, ay palagi pa rin naman niya itong nakakasama. Hindi niya alam kung sadya bang hindi niya nakayanan ang itago ang pagmamahal niya kay Vier o sadyang magaling lang makaramdam ang bestfriend nito at pilit siyang pinaamin nito sa nararamdaman nang minsang magkasama sila ng wala si Vier. Wala na siyang nagawa sa kakulitang taglay nito at napaamin na. "H'wag mo na lang banggitin sa kanya ha," kabadong bilin niya kay Carol matapos niyang sabihin dito ang lahat-lahat. "Okay na ako sa ganito. Atleast, naaalagaan ko siya 'di ba?," nakangiti niya pang turan kahit na sa loob-loob ay gusto niya rin namang sabihin kay Vier na mahal niya ito. Iyon nga lang ay natatakot siya na baka lumayo lang sa kanya si Vier. "Eh pa'no kung jumowa na si Vier ha, kakayanin mo bang makita siyang masaya sa piling ng ibang lalaki?," tanong sa kanya ni Carol na nakapagpa-isip sa kanya. Nang mga sandaling iyon kasi ay masaya pa siya dahil nga malaya pa niyang nakakapiling ang minamahal niyang babae nang walang ibang iniisip kundi ang makasama lamang ito. Ngunit may punto nga naman ang tanong na iyon ni Carol. Paano na lang kung dumating na ang panahon na at maging ready na siya para pumasok sa isang relasyon? Kakayanin ba niya? "Kung hindi mo kaya, eh di umamin ka na lang kuya. Wala namang mawawala sa 'yo. Saka susuportahan kita, kaya 'wag ka nang mag-alala" sabi pa ni Carol sabay kindat sa kanyang kuya habang kinikilig-kilig para sa dalawang tao na pinaka-close sa kanya. At noon ngang ika-dalawampung kaarawan ni Vier ay napagdesisyunan na niyang sabihin dito ang pagtatangi niya sa kaibigan. Bahagya pa ngang natawa si Vier, pati na rin si Carol nang dumating siya sa bahay nito. Bagay na sa tingin niya ay dahil na rin sa hitsura niya nang dumating siya roon. Sa simula pa lang kasi nang araw na iyon ay pilit na niyang kinakalma ang sarili para sa gagawing pag-amin sa kaibigan pero talagang hindi siya tinatantanan ng kaba. Ang ending tuloy ay namutla na siya sa kakaisip pa lang. "Kuya Cloud, 'di ba may sasabihin ka sa ating celebrant?," pag-uudyok sa kanya ni Carol nang matagalan siya sa pagkatameme. "Ano 'yun kuya? May problema ba?," tanong ni Vier na may labis na pag-aalala sa kanyang mukha. "Ahh, sa labas na lang natin pag-usapan," pakiusap niya kay Vier na agad namang sumunod sa kanya papalayo sa mga bisita roon. Malamig noon sa labas pero doon naging mas kampante si Cloud dahil walang ibang tao roon nang mga sandaling iyon. "Kuya–?" "Vier, naka-usap ko na sina nanay Ester at tatay Gaston….," panimula niya na sinundan na naman ng mahabang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Nahihirapan siyang umamin lalo pa't ang pagkakaibigan nila ang maaaring mawala kung saka-sakali. Sa kabilang banda ay hindi naman maintindihan ni Vier kung ano ba ang nangyayari sa Kuya Cloud niya. Hindi siya sanay sa ganitong asta ng kanyang kuya. Isa pang bagay na ipinagtataka niya ay ang pakikipag-usap nito sa mga magulang niya. Nagsimula na tuloy siyang kabahan sa patutunguhan ng usapan nila. "Vier," pagbanggit ni Cloud sa kanyang pangalan matapos nitong manatiling nakatungo lamang ng ilang sandali para isipin ang mga tamang salita para sabihin kay Vier. "Ano ba 'yun kuya? Kinakabahan na 'ko ha. Saka, baka hinahanap na rin ako sa loob," saad ni Vier na hindi na matagalan ang kabang nararamdaman. Nagulat na lang siya nang biglang hawakan ni Cloud ang mga kamay niya habang nakatingin ito sa kanyang mga mata. Gusto sana niyang bawiin ang mga kamay sa pagkakahawak ni Cloud pero may kung anong ligayang hatid sa kanya ang pagsasama ng kanilang mga palad kaya hinayaan na lamang niya iyon. "Vier, I like you," sinserong saad ni Cloud sa kanya dahilan para matulala na lamang siya sa harap nito. Ang totoo niyan ay matagal na siyang humahanga sa kanyang kuya Cloud. Ito nga ang kanyang basehan ng perfect man at kung magboboyfriend man siya, ang gusto niya sana ay isang katulad ni Cloud ang maging nobyo niya. Kaya parang napaka-imposible para sa kanya ang mga naririnig niya ngayon mula sa lalaki. "Will you let me be your boyfriend?," dagdag pa nito dahilan ng pagbilis ng kabog ng kanyang dibdib. Malalakas at nakakabinging mga pagtibok. Parang napilipit na rin ang kanyang dila ng mga sandaling iyon at hindi na niya nagawa pang makapagbigay ng kanyang sagot kay Cloud. "Hindi naman ako nagmamadali. What I mean is, can I court you?," paglilinaw ni Cloud sa nauna niyang nasabi na maaaring ma-misinterpret ni Vier. Ang hindi niya alam ay halos walang na ngang mapagsidlan ng kaligayahan ang babaing iinibig niya. Ang lahat kasi ng binibitiwan niyang mga salita ay tila dream come true na para kay Vier. Pakiramdam tuloy nito ay para na siyang mababaliw sa labis na kasiyahan. Hindi siya makapaniwala na sinasabi nga ni Cloud sa kanya ang mga salitang hindi niya akalaing sasabihin nito sa kanya. Kaya upang makasigurado na gising nga siya at hindi nananaginip ng gising ay binawi niya mula sa pagkakahawak ni Cloud at buong-lakas na sinampal ang kanyang sarili. "Aray!" "Vier," ani Cloud na agad na inialalay kay Vier ang kanyang mga braso matapos ang inakto nito. Lalo pang nagulantang si Cloud nang ngumiti ito nang pagkalawak-lawak at bigla na lang siyang niyakap ng mahigpit. "Is it a yes?," naguguluhang tanong ni Cloud nang bumitaw na ito sa pagkakayakap sa kanya. "Nagiging inglesero ka pala pag natetense?," biro ni Vier sa naging reaksyon niya pero hindi talaga natatawa si Cloud. Nanatili pa ring seryoso ang kanyang anyo habang hinihintay ang sagot ni Vier. "Yes," mabilis na sagot ni Vier. Sa pagkakataong iyon ay si Cloud naman ang yumakap sa kanya ng pagkahigpit and Vier loved it a lot. Iyon na yata ang best birthday gift na natanggap niya sa buong buhay niya. "Teka, para sa'n ba 'yung yes mo? Yes na girlfriend na kita o yes na pumapayag ka nang ligawan kita?," pagkaklaro ni Cloud sa kanilang estado. Noon naman tila natauhan itong si Vier at kumalas sa kanilang yakapan, kahit na ang totoo ay gustong-gusto niya ang pakiramdam habng nakakulong siya sa mga bisig ni Cloud. Ayaw kasi niya na magbigay ng maling signal at akalain nito na easy to get siyang babae. "Yes na pwede ka nang manligaw," pataray niyang tugon upang itago ang kilig na nararamdaman. "I will be the best guy for you. Ipinapangako ko 'yan," masuyong wika sa kanya ni Cloud nang hindi pa rin inaalis ang tingin sa kanyang mukha. "Gawin mo, 'wag puro pangako," sabi pa niya at agad nang tumalikod sa lalaki para bumalik sa loob ng bahay. Kailangan niya iyong gawin bago pa siya tuluyang mawalan ng kontrol at tuluyan niyang magawaran ng halik ang mapang-akit na labi ni Cloud. Naging matamis at masaya ang kanilang naging relasyon. Ngunit sadya nga yatang naging mapaglaro ang tadhana para sa pag-iibigan nila na bagamat hinulma mula sa tunay at labis na pagmamahal ay humantong pa rin sa katapusan. Ngayon na ang lahat ng kamalian mula sa nakaraan ay naibunyag na. Muli na nga bang maibabalik ng mga pusong nangungulila ang pagmamahalang natuldukan ng isang kasinungalingan? O ang pagmamahal ay tuluyan nang sisirain ng mga maling taong na kanilang nalasalamuha? Abangan ang mga kasagutan sa ikalawang yugto ng pagmamahalan nina Cloud at Vier.VIER'S POV Mabait itong si Ericka. Alam ko 'yon dahil unang kita ko pa lamang sa kanya ay nakagaanan ko kaagad siya ng loob.Gayunpaman ay hindi pa rin mababago ng kabaitan niya ang katotohanan na asawa niya pa rin si Archie Mendez, the worst Mendez I know."I know what happened," aniya nang makaupo kami sa dulong table dito sa restaurant. Dito na kami pumwesto para na rin hindi marinig na mga tao rito ang pag-uusapan namin. Nakaupo ako sa upuan na nakaharap kina Miss Claire at madalas na mahagip ng tingin ko ang pagmamasid niya sa amin ni Ericka. Lalo na sa akin. Parang nag-aalab ang mga tinging ipinupukol niya sa akin kaya sinikap kong panatilihing kalmado ang aking sarili. Iyon ay kahit pa mukhang alam ko na kung ano ang tinutukoy nitong si Ericka na nais niyang pag-usapan."Medyo ano kasi….," panimula ko na may halo pang pag-aalinlangan sa mga salitang maaari kong gamitin para ilarawan ang asawa niya sa harapan niya. "Medyo mabalasik pala 'yang asawa mo," pagtatapat ko sa kanya
VIER'S POV Late na akong naihatid ni Hector nang nagdaang gabi kaya dumiretso na ako sa kwarto at agad din namang nakatulog. Nagmamadali rin akong bumaba at napasarap naman ako ng tulog at hindi ko na namalayaan ang oras. Mag-aalas otso na pala kasi at laking pagtataka ko nang maabutan ko pa sa kusina ang mga kapatid ko. At abalang-abala pa sa pagtulong kay inay sa paggagayak nito ng almusal."Anong meron?," nakangiwi kong tanong sa mga ito."Maupo ka na lang d'yan," seryosong saad ni Allen matapos akong ipaghila ng aking uupuan. Lalo tuloy akong nahiwagaan sa kinikilos ng mgabkapatid ko kaya bumaling na lang ako kay inay na nang mga sandaling iyon ay abala naman sa isinasangag na kanin."'Nay, anong–""Saglit lang anak ha. Matatapos na ako rito," putol niya sa sasabihin ko. "Tophe, 'yung kape," baling niya kay Kristoph na bigla na lang sumulpot sa harapan ko at inihapag sa akin ang bagong timplang kape."Ano na namang meron?," tanong ko kay Tophe pero hindi ako pinansin at pinuntah
AUTHOR'S POV FLASHBACK, 2017 Magkakapit-bahay lamang sina Cloud at ang mag-bestfriend na sina Carol at Vier kaya naman naging close ang tatlo sa isa't-isa. Mas matanda si Cloud nang dalawang taon sa dalawang babae kaya naman kuya ang turing nila sa kanya. Kung minsan ay pinangangaralan din sila ni Cloud sa tuwing may mga kalokohan silang nagagawa na lagi din naman nilang pinapakinggan. Bukod pa doon ay si Cloud din ang nagsisilbing protektor, bodyguard at chaperon nila sa tuwing aabutin sila ng madaling-araw sa kung saang lugar kapag may mga dance contest silang sinasalihan. Hindi rin naman pulos ka-seryosohan lang itong si Cloud sa kanila. Paminsan-minsan ay kasama din nila ito sa kaharutan at kasama sa masasayang sandali ng kanilang kalokohan. Ang hindi alam ni Vier ay nagsimula na palang makaramdam ng malalim na pagtingin sa kanya si Cloud. Ngunit dahil na rin sa kawalan niya ng self-confidence ay hinayaan na lang niya sa sarili ang damdaming iyon at pinagpapasalamat na lama
VIER'S POV Hindi ko akalain na ganito ang magiging reaksyon ni Hector sa ibinunyag ko sa kanya kanina. Hindi lang pala siya basta-bastang gentleman lang, malawak din ang kanyang pang-unawa at hindi na niya minasama pa ang naging bunga ng aking nakaraang pagmamahal. Tunay nga siguro ang kasabihan na may bahagharing naghihintay sa dulo ng bawat bagyong ating pagdadaanan. At siya ang bahagharing iyon. Matapos kasi ang lahat-lahat ng sakit at pagluha ko, eh heto kami ngayon at masaya pa rin at magkasamang ineenjoy ang view dito sa mataas na bahagi ng Tagaytay habang mahigpit na magkayakap. Matapos ang madamdamin naming pag-uusap kanina ay niyaya na niya ako rito para naman daw makapag-unwined ako. Masyado na raw kasi yatang nai-stress ang kanyang reyna sa mga bagay-bagay. Idagdag pa ang hindi masyadong magandang unang pagkikita namin ng kanyang pamilya. Nawala na rin daw umano ang kilig ambiance sa inihanda niyang surprise lunch kanina na pambawi pala niya sa akin sa ginawa ng kany
VIER'S POV"Iwan n'yo na muna kami," pakiusap ko sa dalawang violinist na agad namang tumalima nang imuwestra sila ni Hector papalabas ng hall."Hon…," sambit niya habang nananatili pa rin ang kanyang mga kamay sa kamay ko. "Hon, please don't leave me," pagsusumamo niya kasabay ng tuluyan na ngang pagbagsak ng kanyang mga luha. Itinaas ko ang mga palad ko sa mukha niya para ako na mismo ang magpunas sa mga luhang iyon na lalo lang nagpapabigat sa aking damdamin. Napakabuti niyang tao at hindi niya deserve ang lumuha at masaktan nang dahil sa katulad ko."H'wag kang umiyak, please," pakiusap ko sa kanya na may panginginig pa sa aking boses na dala na rin ng takot at guilt sa loob ko. Ramdam ko rin na malapit nang bumagsak ang luha ko sa sobrang pagkahabag sa aking nobyo pero alam ko rin na kailangan kong maging matapang sa sandaling ito dahil kung hindi, paano ko pa tatanggapin ang posibleng reaksyon niya sa ipagtatapat ko?"May, may kailangan ka munang malaman Hector," saad ko na ti
CLOUD'S POV"Hello?," tugon ko nang isang unknown number ang bigla na lamang tumawag sa kalagitnaan pa naman ng pagluluto ko."Cloud, ano na ha?," iritadong tugon nito mula sa kabilang linya. Hindi ko alam kung matatawa ako sa bungad niya sa aking iyon o ano kaya napahilamos na lang ng mukha. Sinenyasan ko na rin si Kevin, ang isa pang chef dito para siya na ang magpatuloy sa niluluto ko"Ang sabi natulog ka raw sa kwarto ni– hmmm–ano," aniya na iniwasan na lang ang pagbanggit sa pangalan ni Vier. Sa pagkakaalam ko ay magkasama sila ngayon sa trabaho at malamang na alam ng lahat ng kanilang katrabaho ang relasyon ni Vier sa kanilang big boss."Anong nangyari ha? Meron ba?," pag-uusisa pa niya."Tsk tsk tsk, hindi ka pa rin talaga nagbabago Carol. Masyado ka pa ring usisera," sagot ko sa kanya habang hindi maiwasan ang matawa sa aming usapan."Ang bagal mo kasi eh," napahinto na ako sa sinabi niyang iyon. "Kung mas napaaga ka lang, eh 'di sana may comeback 'yung KAYO 'di ba?," panenerm